Akademikong Pagsulat PDF
Document Details
DMDPNHS - SHS
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa mga katangian at tungkulin ng akademikong pagsulat sa Filipino. Tinalakay ang mga teknikal na aspetong tulad ng komplesidad, pormalidad, at tumpak na paglalahad ng impormasyon. Kinilala rin ang kahalagahan ng mga mapanuring pagsusuri at pagiging epektibo sa pagpapalawak ng pananaw sa mga paksa.
Full Transcript
Akademikong Pagsulat DMDPNHS-SHS Mula sa http://grammar.yourdictionary.com, ito ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag- aaral. Ginagamit ito para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa komperensya. D...
Akademikong Pagsulat DMDPNHS-SHS Mula sa http://grammar.yourdictionary.com, ito ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag- aaral. Ginagamit ito para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa komperensya. DMDPNHS-SHS Mula sa http://grammar.about.com, ito ay ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa. Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo. DMDPNHS-SHS Mula sa http://www.uefap.com, ang akademikong pagsulat sa Ingles ay linear. Ibig sabihin, ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang digresyon o repitisyon. Layunin nitong magbigay ng impormasyon, sa halip na umaliw. Gumagamit din ito ng istandard na porma ng pasulat na wika. DMDPNHS-SHS Iba-iba ang ekspektasyon ng komunidad sa akademikong pagsulat. DMDPNHS-SHS TATLONG KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT (Fulwiler at Hayakawa, 2003): 1.Katotohanan-ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. DMDPNHS-SHS 2.Ebidensya-ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad. 3.Balanse-nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw. DMDPNHS-SHS KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT (http://www.uefap.com): 1.Kompleks-ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. DMDPNHS-SHS 2.Pormal-higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. 3.Tumpak-ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang. DMDPNHS-SHS 4.Obhetibo-sa pangkalahatan ang akademikong pagsulat ay obhetibo, sa halip na personal. Pokus nito ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa. 5.Eksplisit-sa ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nag-uugnay sa isa’t isa. DMDPNHS-SHS 6.Wasto-gumagamit nang wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat. 7.Responsable-ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Gayundin, sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan na isang plagyarista. DMDPNHS-SHS 8.Malinaw na Layunin-layon nitong matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. 9.Malinaw na Pananaw-hindi lamang ito hanguan ng katotohanan o facts. Ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, kasabay ng layuning maipakita ang sariling pag- iisip hinggil sa paksa sa pamamagitan ng punto de vista. DMDPNHS-SHS IBA PANG KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT (http://www.vsm.sk): 10.May Pokus-bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. Iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nag-uugnay, hindi mhalaga at taliwas na impormasyon. DMDPNHS-SHS 11.Lohikal na Organisasyon- mayroong sinusunod na organisasyonal na hulwaran tulad ng introduksyon, katawan at konklusyon. Bawat talata ay lohikal na nag-uugnay sa kasunod na talata. 12.Matibay na Suporta-ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. DMDPNHS-SHS 13.Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon- nakatutulong ito sa mga mambabasa sa ganap na pag-unawa sa paksa ng papel. 14.Epektibong Pananaliksik-kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Sa dokumentasyon, iminumungkahi na gamitin ang APA style. DMDPNHS-SHS 15.Eskolarling Estilo sa Pagsulat-sinisikap sa akademikong papel ang pagtataglay nito ng kalinawan at kaiklian. Magiging madali ang pagbasa ng mga ito kung maiiwasan ang pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas at bokabularyo sa pagsulat. Ang pagkakamali rito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-iingat, kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika. DMDPNHS-SHS LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT (http://www.vsm.sk): 1.Mapanghikayat na Layunin-nais na mahikayat ng manunulat ang kanyang mga mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. Upang patunayan ito, pumipili siya ng isang sagot sa tanong at susuportahan ng mga ideya gamit ang mga katwiran at ebidensya, at tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa. Hal. Posisyong Papel DMDPNHS-SHS 2.Mapanuring Layunin-tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layon nitong ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot sa ilang pamantayan. Iniimbestigahan dito ang sanhi, ineeksamin ang bunga o epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnay ang iba’t ibang ideya, at inaalisa ang mga argumento. Hal. Panukalang Proyekto DMDPNHS-SHS 3.Impormatibong Layunin-ipinaliliwanag dito ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Dito, pinalalawak lamang ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa. Hal. Abstrak DMDPNHS-SHS TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT (http://www.vsm.sk): 1.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika. -pagsulat ang pinakahuling natututunan ng isang tao at siyang pinakamahirap linangin, kumpara sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa. DMDPNHS-SHS -nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. -sa pamamagitan ng aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintaktika sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang linggwistik ng mga mag-aaral. -sa paglalapat naman ng prinsipyong pangkomunikasyon, nalilinang ang kakayahang pragmatik. DMDPNHS-SHS -sa pag-oorganisa ng mga akademikong papel, nalilinang ang kakayahang diskorsal. DMDPNHS-SHS 2.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip. -ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput. -ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain. -ang isang mahusay na manunulat ay isang mahusay na mambabasa. DMDPNHS-SHS -ang manunulat ay nagsusuri ng kanyang binabasa sapagkat hindi lahat ay kanyang tinatanggap at ginagamit. -nakapaloob din sa mapanuring pagbasa ang pagkaklasipay o pag-uuri, pag-uugnay ng mga konsepto, pagbuo ng lagom, at konklusyon at iba pa. -bumubuo rin siya ng pasya kaugnay ng sulatin. DMDPNHS-SHS -ang mga bagay na ito ang lumilinang ng kritikal na pag-iisip. DMDPNHS-SHS 3.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao. -hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan sapagkat tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral. DMDPNHS-SHS -inaasahan dito na malilinang ang katapatan ng mga mag-aaral, maituro ang halaga ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiran, at pagpapanatili ng bukas na isipan. -may mga gawaing pasulat na kailangang gawin ng pangkatan kung kaya’t inaasahang malilinang sa mga mag-aaral ang kooperasyon at maging ang paggalang sa individual, ethnic o racial differences. DMDPNHS-SHS -nililinang din nito ang pagkamasunurin at displina sapagkat ang lahat ng nabanggit ay bahagi ng pagtatagumpay ng isang indibidwal sa loob at labas ng paaralan. DMDPNHS-SHS 4.Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon. -lahat ng propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat. -ang akademikong pagsulat sa SHS sa academic track ay hindi lamang isang paghahanda sa mga mag-aaral sa mga higit na mapanghamong gawain sa kolehiyo. Tulay ito upang mapunan ang dating umiiral na gap sa pagitan ng hayskul at kolehiyo. DMDPNHS-SHS -higit na prospektibo ang layunin ng akademikong pagsulat sa SHS at ito ay ang paglinang ng global na kompetitibnes sa mga Pilipinong propesyonal. DMDPNHS-SHS ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT: 1.Karaniwang Anyo-dahil madalas na ipinapagawa sa mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura ang mga sumusunod: sintesis, buod, abstrak, talumpati, rebyu. DMDPNHS-SHS 2.Personal-nakatuon ito sa manunulat mismo, sa kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa, maging sa kanyang mga personal na karanasan at maging sa kanyang may pagkiling o subjective na pananaw. Hal. replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbay-sanaysay at pictorial essay. DMDPNHS-SHS 3.Residual-hindi nabibilang sa una at ikalawang kategorya ang mga akademikong sulatin. Hal. bionote, panukalang proyekto, agenda, at katitikan ng pulong DMDPNHS-SHS SANGGUNIAN Bernales et al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya Publishing House, Inc., dd.18- 26. DMDPNHS-SHS