Mga Uri ng Talumpati PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga iba't ibang uri ng talumpati sa Filipino, at mga detalye gaya ng mga bahagi nito, gabay sa pagsulat at paghahanda.

Full Transcript

ARALIN 8: TALUMPATI KAHULUGAN NG TALUMPATI - Ito ay maituturing ng sining ng pagpapahayag ng isang tao ukol sa kaniyang kaisipan at opinyon sa isang paksa na isinasagawa sa harap ng madla - Ang layunin nito ay ay magbigay ng kaalaman o impormasyon, manghikayat, mangatwiran, maglahad n...

ARALIN 8: TALUMPATI KAHULUGAN NG TALUMPATI - Ito ay maituturing ng sining ng pagpapahayag ng isang tao ukol sa kaniyang kaisipan at opinyon sa isang paksa na isinasagawa sa harap ng madla - Ang layunin nito ay ay magbigay ng kaalaman o impormasyon, manghikayat, mangatwiran, maglahad ng isang paniniwala, o ‘di naman kaya ay tumugon - Ang talumpati ay maihahanay rin sa isang komunikasyong pampubliko URI NG TALUMPATI 1. TALUMPATING PAMPALIBANG - Ito ay madalas na isinasagawa pagkatapos ng isang salusalo. - Gumagamit ang mananalumpati ng mga anekdota o maikling kwento upang makamit ang layuning magpatawa 2. TALUMPATING NAGPAPAKILALA - Kilala din sa tawag na panimulang talumpati dahil ginagamit ito kung ninanais na maipakilala nang maikli lamang ang isang taong kilala o may pangalan na. - Layunin nitong mapukaw ang atensyon at maihanda ang tagapakinig sa kredibilidad ng kanilang magiging tagapagsalita. 3. TALUMPATING PANGKABATIRAN - Ginagamit ito kung ninanais na mailwanagan at maunawaan ang isang partikular na paksa - Ang ganitong uri ng talumpati ay ginagamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong siyentipiko, diplomatiko, atbp. 4. TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG - Ito ay ginagamit kung nais mong magbigay galang o bigyang pagsalubong ang isang panauhin gayundin sa pagtanggap sa isang bagong kasapi o hindi kaya sa isang kasamahang aalis o mawawalay 5. TALUMPATING MAPAPARANGAL - Sa mga okasyong gaya ng pagpaparangal ng isang tao o grupo na may natatanging ambag, paggawad ng karanglan sa mga nagsipagwagi sa mga paligsahan o patimpalak, atbp. ginagamit ang ganitong talumpati 6. TALUMPATING PAMPASIGLA - Ginagamit itong uri ng talumpating ito upang pukawin ang damdamin at impresyon ng mga tagapakinig - Ginagamit ng isang coach para sa kaniyang mga manlalaro, isang pinuno sa tanggapan para sa mga kaniyang mga kawani at ng isang lider ng samahan para sa kaniyang mga miyembro. URI NG TALUMPATI AYON SA PAMAMARAAN 1. DAGLI - Isinasagawa nang walang paghahanda 2. MALUWAG - Binibigyan ng panahon para maihanda at makapangalap ng datos ang manunumpati 3. PINAGHANDAAN - Kailangang may sapat na pag-aaral sa paksa at ito ay maaaring isinulat, binabasa o ‘di naman kaya isinasaulo BAHAGI NG TALUMPATI 1. SIMULA - Dito nakasalalay kung makukuha ang atensyon ng mga tagapakinig kaya mahalagang magkaroon ng estratehiya upang makamit ito - Matukoy ang mga layunin ng paksang talakayin 2. KATAWAN O GITNA - Sa bahaging ito makikita ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay ng manunumpati 3. KATAPUSAN O WAKAS - Dito nakalahad ang pinakamalakas na katwiran, paniniwala at ang mga impormasyong pagpapatibay rito. - Dito nakasalalay kung mahihikayat na mapakilos ang mga tagapakinig - Nagmimistulang buod ng paksang tinatalakay GABAY SA PAGSULAT NG MAHUSAY NA TALUMPATI 1. Pumili ng isang makabuluhang paksa 2. Mangalap ng mga impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng ebidensya o dating mga kaalaman o mga karanasan 3. Suriin ang mga nakalap na datos at impormasyon 4. Siguraduhing maging sensitibo 5. Gumamit ng wika na gamitin ng iyong tagapakinig upang hindi maging boring ang pagsasalita UNIT II : ARALIN 1: ADYENDA, PULONG, AT KATITIKAN NG PULONG ADYENDA KAHULUGAN NG ADYENDA - Isang papel o dokumento na naglalaman ng listahan ng mga magiging paksa na pag-uusapan at dapat matukoy sa isinisagawangn pagpupulong (Bernales, 2017) - Ito ay kakikitaan ng mga paksang tatalakayin ng nakaayon sa pagkakasunod-sunod na pag-uusapan sa isang pormal na pagpupulong. Nakasaad dito ang mga aksyon o rekomendasyon inaasahan at nais mapag-usapan sa isasagawang pagpupulong - Ang paghahanda nito ay isang mahalagang bahagi ng pagplaplano at pagpapatakbo sa isasagawang pagpupulong. HAKBANG SA PAGSUSULAT NG ADYENDA 1. Alamin ang dahilan o layunin ng isinasagawang pagpupulong 2. Tandaang isulat ang adyenda ilang araw bago ang [pagpupulong 3. Simulan ang paggawa nito sa mga simpleng detalye 4. Mas mainam na magtala lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa adyenda 5. Huwag kalimutang ilagay ang nakalaang oras para sa bawat adyenda 6. Isama narin ang ibang kakailanganing impormasyon para sa isinisagawang pagpupulong PULONG KAHULUGAN NG PULONG - Tumutukoy sa pagtitipon ng dalawa o higit pang indibidwal na may layuning pag-usapan KATITIKAN NG PULONG - AYong kina Sylvester at C.G.A (2012), ito ay opisyal na record o tala ng mga napag-usapan, napagdesisyunan at mga pahayag sa nangyaring pulong - Nararapat lamang na ang isang pulong ay magkaroon ng katitikan upang masiguro na matupad ang mga mahahalagang tungkuling naiatang at kailangang magawa at hindi malimutan DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG 1. Hindi kailangang eksaktong-eksakto ang pagkakakopya sa pagkakasulat ng katitikan 2. Ang katitikan ng pulong ay dapat laging naglalaman ng petsa,oras,lokasyon, aytem ng adyenda, mga napagkasunduan, pangalan ng mga taong nagtaas ng mosyon at mga sumusog kahit na ito ay walang istandard na promat. ARALIN 2: PANUKALANG PROYEKTO ISAISIP - Isang detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad ang panukalang proyekto na may layuning maresolba ang isang tiyak na suliranin o problema [ Nebui (2002) ] - Ang panukalang proyekto rin ayon kay Nebui ay naglalaman ng detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto o project justification, panahong gugugulin sa pagsasagaw ng proyekto o activities and implementation timeline, at kakailngananin gaya ng human, material, financial resources. - Maaaring nakasulat, oral na presentasyon, o kaya kombinasyon ng dalawa - KATANGIAN NG PANUKALANG PROYEKTO 1. SOLICITED OR UNSOLICITED - Maituturing solicited or invited ang isang panukalang proyekto kung isinagawa ito dahil may pabitid ang isang organisasyon sa isang proposal na kanilang pangangailangan - Unsolicited o prospecting kapag ang panukalang proyekto ay hindi naman ganoon pangangailangan at kusa o nagbabakasakali lamang. 2. INTERNAL O EKSTERNAL - Internal ang panukalang proyekto kung inihain lamang ito sa loob ng kinabibilangang organisasyon - Eksternal kung inihain sa organisasyong hindi naman kinabibilangan ng proponent URI NG PANUKALANG PROYEKTO 1. MAIKLING PANUKALANG PROYEKTO - Nagtataglay lamang ng tatlo hanggang sampung pahina at kadalasan ay nasa anyong liham lamang 2. MAHABONG PANUKALANG PROYEKTO - Tulad lamang ng maikling panukalang proyekto ngunit ito ay mad detalyado ay may sinusundang isang nakabalangkas na ayos sa mahabang bersyon MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO - Mula sa American Red Cross (2006) 1. Magplano ng maagap 2. Gawin ang pagplano ng pangkatan 3. Maging realistiko sa gagawing panukala 4. Matuto bilang isang organisasyon 5. Maging makatotohanan 6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon 7. Piliin ang malinaw at madaling basahin na pormat para sa panukala 8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal 9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto MGA DAPAT GAWING PAGHAHANDA BAGO GAWIN ANG PAGUSLAT NG PANUKALANG PROYEKTO 1. Pakikipanayam sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo 2. Pagbalik-tanaw sa mga nauunang panukalang proyekto 3. Pagbalil-tanaw sa mga ulat sa ebalwasayon ng mga proyekto 4. Pag-oorganisa ng mga focus group 5. Pag-tingin sa mga datos estadistika 6. Pag-konsulta sa mga eksperto 7. Pagsasagawa ng serbey at iba pa 8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad MGA ELEMENTO AT BAHAGI NG ISANG PANUKALANG PROYEKTO I. Titulo ng Proyekto - Nilalagay ang pahina para sa titulo kung ang isinusulat na panukala ay lagpas sa tatlong pahina. - Ang kasama sa sa pahina ng titulo ng proyekto ay pangalan ng panunukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala II. Nilalaman - Inilalagay ito kung sampu o higit pa ang pahina ng panukala - Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito III. Abstrak - Makikita sa abstrak ang pagtalakay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsable sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto, at mga kabuuang badyet - Nagsisilbing buod ng panukalang proyekto IV. Konteksto - Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa naitalang pananaliksik sa nangyaring pagplaplano sa proyekto V. Katwiran ng proyekto - Ito ang pinakarasyonal ng proyekto - May apat na subseksyon a. Pagpapahayag sa suliranin - Binibigyang-diin sa bahaging ito kung papaanong ang isang isyu ay nagiging suliranin, at kung ano ang pangangailangan ng mga benepisyaryo batay sa nabanggit na suliranin b. Priyoridad na Pangangailangan - Nilalaman nito ang pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang at kung paano napagpaasyan ang mga isasaad na pangangailangan c. Interbensyon - Inilalarawan sa bahaging ito ang mga estratehiyang napili kung paano sosolusyunan ang suliranin d. Mag-iimpluwensyang Organisasyon - Ipinapakita rito ang kapasidad ng nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliraning inilahad VI. Layunin - Dito makikita ang masaklaw na layunin ng panukalang proyekto at ang mga tiyak na layunin nito - May tatlong layunin a. Nagtataglay lamang ng isang masaklaw na layunin b. Nararapat na konektado sa bisyon ng pagpapaunlad o pagbababuti ang sinusulat na masaklaw na layunin c. Dapat napapatunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon VII. Target na Benepisyaryo - Nilalaman kung sino ang mga makikinabang at paano silamakikinabang VIII. Implementasyon ng proyekto - Inilalahad dito and iskedyul at alokasyon ng resorses. - Nahahati ito sa mga sumusunod: a. ISKEDYUL b. ALOKASYON c. BADYET d. PAGMONITOR at EBALWASYON e. PANGASIWAAN at TAUHAN f. MGA LAKIP NIREREKOMENDANG BAHAGI NG ISANG MAIKLING URI NG PANUKALANG PROYEKTO I. Pamagat II. Proponent ng Proyekto III. Kategorya ng Proyekto IV. Petsa V. Rasyonal VI. Deskripsiyon ng proyekto VII. Badyet VIII. Pakinabang ARLIN 3: LAKBAY-SANAYSAY ISAISIP Travelogue - Maaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang lugar na binisita at mga karanasan dito ng isang turista at iugnay sa monologo ng isang tao na kaniyang nais sabihin mula sa nakikita niya sa kaniyang kapaligiran (BERNALES, et al, 2017) - Tinatawag na “Lakbay sanaysay” - Maaaring maging replektibo o impormatibo ang pagsulat ng isang lakbay sanaysay (BERNALES, et al, 2017) Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod 1. Travel blogs - Pagkuha ng video o pagrekord sa isang pangyayari na kung saan ikaw ang naglalakabay 2. Travel Shows - Isa itong dokumentaryong paglalakbay kung saan ang genre ay pa-TV show na kadalasan may iba’t ibang episodyo o series 3. Travel guide - Aklat na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga lugar na maaaring puntahan ng mga turista o bisita lamang MAKATUTULONG SA EPEKTIBONG PAGSUSULAT HABANG NAGLALAKBAY (Dinty Moore, 2013) 1. Magsaliksik - Bago pumunta sa isang lugar ay mahalagang magsaliksik muna o magkaroon muna ng paunang impormasyon tungkol doon para hindi mabigla o mapaghandaan ano ang sakaling makita 2. Mag-isip nang labas sa ordinaryo - Bilang isang manlalakbay, marpat laman na suriing mabuti ang nakikita at matutuklasan 3. Maging isang manunulat - Hindi lahat ng matutuklasan sa paglalakbay ay matatandaan natin aya mahalaga na lahat ng impormasyon ay isinusulat. MGA GABAY SA PAGSULAT NG ISANG LAKBAY-SANAYSAY (Dinty Moore, 2013) 1. Hindi kailangan pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang isusulat 2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang 3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay 4. Huwag manatili sa mga normal na atraksyon at pasyalan 5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan 6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain ng lugar lamang na binisita matitikman at pag-aralang mabuti 7. Bisitahin ang maliliit na pook-simbahan 8. Isulat ang mga karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay Reviewer created by jayniel

Use Quizgecko on...
Browser
Browser