Aralin 7: Pagsulat ng Talumpati PDF
Document Details
Uploaded by OrganizedDiscernment5454
Bb. Sharmaine D. Esguerra
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagsulat ng talumpati sa Filipino. Ang mga paksa ay nagsasama ng mga bahagi at anyo ng talumpati.
Full Transcript
Aralin 7: PAGSULAT NG TALUMPATI Inihanda ni: Bb. Sharmaine D. Esguerra Panahon pa lamang ng mga Griyego at hindi pa uso ang paglalathala ay mayroon nang isang uri ng diskurso na itinatanghal at binibigkas sa mga tagapakinig o sa publiko. Tinatawag itong talumpati. Isa itong uri ng san...
Aralin 7: PAGSULAT NG TALUMPATI Inihanda ni: Bb. Sharmaine D. Esguerra Panahon pa lamang ng mga Griyego at hindi pa uso ang paglalathala ay mayroon nang isang uri ng diskurso na itinatanghal at binibigkas sa mga tagapakinig o sa publiko. Tinatawag itong talumpati. Isa itong uri ng sanaysay na binibigkas at pinakikinggan. Isa rin itong uri ng pakikipagtalastasang pangmadla na nagpapaliwanag, naglalahad, nagsasalaysay, at nangangatwiran sa paraang pabigkas. KAHULUGAN ng Talumpati Ang talumpati ay isang “pormal na pahayag sa harap ng publiko” at “pormal na pagtatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig.” UP Diksyonaryong Filipino May dalawang elementong taglay ang talumpati: ang teksto at ang pagtatanghal (performance). Hindi magiging talumpati ang isang teksto kung hindi ito binigkas o binasa sa madla. ANYO ng Talumpati 1. Ang talumpati ng pagtanggap (acceptance speech) ay laganap sa mga programa ng paggawa o pagkilala sa kahusayan ng isang tao. 2. Ang talumpati sa pagtatapos (commencement speech) ay kadalasang binibigkas ng natatanging mag-aaral na may pinakamataas na grado o pinakamatagumpay sa klase tuwing pagtatapos. 3. Ang luksampati (eulogy) ay nagsisilbing parangal at paggunita sa alaala ng isang taong yumao. 4. Ang talumpati ng pamamaalam (farewell speech) ay bahagi ng ritwal ng pamamaalam, pagreretiro, paglisan sa bansa, o pagbibitaw sa propesyon. 5. Ang impormatibong talumpati (informative speech) ay naglalayong mag-ulat sa madla ng resulta ng bagong pag-aaral o kaya’y manghikayat ng pagkilos, kabilang na rito ang State of the Nation Adress (SONA) ng pangulo upang itanghal sa mamamayan ang kaniyang tagumpay at mga proyekto. 6. Ang talumpati ng pag-aalay (speech of dedication) ay maaaring papuri sa piling tao, bayani, o panauhing pandangal. 7. Ang brindis (toast) ay bahagi ng ritwal sa isang salu-salo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkilala sa taong pararangalan. Mga URI ng Talumpati Ang talumpating impormatibo (informative) ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa tagapakinig. Maaari itong nagtuturo ng isang teorya o impormasyon. Ang talumpating naglalahad (demonstrative) ay halos katulad din ng impormatibong talumpati, ngunit may kasama itong demonstrasyon habang naglalahad ng impormasyon. Ang talumpating mapanghikayat (persuasive) ay naglalayong manghikayat o mag-imbita sa mga tagapakinig na kumilos tungo sa pagbabago. Sa Pilipinas, ang talumpating mapang-aliw (entertaining) - nilalayon ng talumpating itong na maghatid ng aliw at kasiyahan sa tagapakinig. Mga URI ng Talumpati ayon sa Pamamaraan Mga Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan: 1. Dagliang Talumpati Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan. Mga Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan: 2. Maluwag na Talumpati May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita. Mga Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan: 3. Pinaghandaang Talumpati Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag- aaral sa paksa. Mga BAHAGI ng Talumpati Mga BAHAGI ng Talumpati SIMULA KATAWAN KONGKLUSYON Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Talumpati 1. Alamin ang magiging tagapakinig at okasyon. 2. Alamin kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas ng talumpati. 3. Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga sa iyong buhay, o mayroon kang sapat na kaalaman. 4.Kumalap ng datos at mga kaugnay na babasahin. 5.Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati. 6.Ibalangkas at suriin ang mga nakalap na datos. 7. Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang punto ng talumpati. 8. Talakayin, pagyamanin, at paunlarin ang mga ideya. 9. Ihanda ang mabisang kongklusyon. 10.Huwag kalilimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati. 11.Kapag nasulat na ang unang burador, basahin ang teksto nang ilang ulit. 12.Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na borador, mag-imprenta ng maraming kopya. 13.Basahin ang kopya nang paulit- ulit. HALIMBAWA ng Talumpati Edukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpay Talumpati ni defyingravity mula sa Wattpad Sa ating guro Gng. Melvira David, sa mga panauhin at sa aking mga kaklase na mag- aaral ng Signal Village National Highschool, isang magandang umaga. Mula sa paggising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na pagpasok natin dito sa ating silid-aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong sa sarili, “Ano ba ang kahalagahan ng pagpasok ko sa eskwela?” Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at ‘kabataan para sa kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi nakakapag- aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan. Merong mga kabataan na hindi pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang at ang iba naman ay nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi natin dapat pinapabayaan ang ating pag-aaral sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating mga magulang. Kaya nga meron tayong kasabihan, “nasa huli ang pagsisisi”. Mahalaga ang edukasyon. Kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda. Hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay kaya nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan natin ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili, may buong tapang at determinasyon. Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos. Sa kanya, lahat ng bagay ay posible. Ang edukasyon ang siyang nagbibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo. Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi matatawaran ang kontribusyon nito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na ang pag-pasok sa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya. Maraming salamat po sa pakikinig! MGA SANGGUNIAN: Aklat: FILIPINO: Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik) nina Eugene Y. Evasco, Wili P. Ortiz Internet https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-edukasyon/ http://slidesgo.com/ https://pinoycollection.com/talumpati/ https://www.youtube.com/watch?v=XCJeF_croTA&t=26s Aralin 7: PAGSULAT NG TALUMPATI Inihanda ni: Bb. Sharmaine D. Esguerra