Pangkalahatang Layunin ng Kurikulum ng K to 12 PDF
Document Details
Uploaded by SaintlyNovaculite1559
Colegio San Agustin - Bacolod
Tags
Related
- Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (PDF)
- Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas PDF
- Pagsusuri ng Aralin 1 (Tagalog) PDF
- Mga Batas Rizal sa Pilipinas PDF
- Mga Teorya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wikang Filipino PDF
- Ang Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 (PDF)
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 sa Filipino. Tinatalakay din nito ang mga kakayahan sa pag-unawa, mga pamantayan sa programa, at iba pang mga kaugnay na detalye. Ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng impormasyon para sa mga guro, mag-aaral, at iba pa na interesado sa edukasyon sa Pilipinas.
Full Transcript
I. ANG PANGKALAHATANG LAYUNIN NG KURIKULUM NG K TO 12 MAKALINANG NG ISANG BUO AT GANAP NA FILIPINONG MAY KAPAKI-PAKINABANG NA LITERASI” MALINAW ANG ISINASAAD NA TUNGUHIN NG KURIKULUM NG K TO 12 BATAY SA KONSEPTUWAL NA BALANGKAS SA PAGTUTURO...
I. ANG PANGKALAHATANG LAYUNIN NG KURIKULUM NG K TO 12 MAKALINANG NG ISANG BUO AT GANAP NA FILIPINONG MAY KAPAKI-PAKINABANG NA LITERASI” MALINAW ANG ISINASAAD NA TUNGUHIN NG KURIKULUM NG K TO 12 BATAY SA KONSEPTUWAL NA BALANGKAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO. KAUGNAY NITO, LAYUNIN NG PAGTUTURO NG FILIPINO NA MALINANG ANG (1) KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO, (2) REPLEKTIBO / MAPANURING PAG-IISIP AT, (3) PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN NG MGA MAG-AARAL SA PAMAMAGITAN NG MGA BABASAHIN AT TEKNOLOHIYA TUNGO SA PAGKAKAROON NG PAMBANSANG PAGKAKAKILANLAN, KULTURAL NA LITERASI, AT PATULOY NA PAGKATUTO UPANG MAKAAGAPAY SA MABILIS NA PAGBABAGONG NAGAGANAP SA DAIGDIG. NGUNIT PAANO NGA BA MAKALILINANG NG ISANG BUO AT GANAP NA FILIPINONG MAY KAPAKI-PAKINABANG NA LITERASI? UPANG MAKAMIT ANG GANAP NA PAGKATUTO NG ATING MGA MAG-AARAL KAILANGAN NG MGA WASTO AT EPEKTIBONG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO NG MGA GURO BILANG SUPORTA SA KURIKULUM NA MAGMUMULA SA ADMINISTRASYON, AHENSIYANG PANLIPUNAN, PRIBADO AT PUBLIKO, PAMAHALAANG LOKAL, MIDYA, TAHANAN AT IBA PANG SEKTOR NG LIPUNAN... MATATAMO NATIN ANG PANGKALAHATANG LAYUNING ITO KUNG HIHIMAY-HIMAYIN AT PAGNINILAYAN NATIN ANG KABUUANG NILALAMAN NG KONSEPTUWAL NA BALANGKAS. NAKASENTRO ANG PAGTUTURO NATIN NG FILIPINO SA ATING MGA MAG-AARAL. SA PANG- ARAW ARAW NA INTERAKSYON AT TALAKAYAN AY NILILINANG NATIN ANG KANILANG MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT AT PANONOOD MALIBAN LAMANG SA SA BAITANG 1 HANGGANG 3, NA WALANG MAKIKITANG BUKOD NA KOMPETENSI PARA SA PANONOOD DAHIL ITO AY NAKA- INTEGRATE NA SA IBANG MACRO SKILLS. SINIMULAN SA BAITANG 4 ANG PAGLALAPAT AT PAGLINANG SA KASANAYANG ITO. NAKA-ANGKLA ANG MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA PANGKALAHATANG KONSEPTO NG KURIKULUM NA K TO 12. II. K TO 12 GABAY PANGKURIKULUM SA FILIPINO ITO AY AY HIGIT NA KILALA SA TAWAG NA CG O CURRICULUM GUIDE. DITO MAKIKITA ANG ITINATAKDANG MGA BATAYANG KASANAYANG LILINANGIN SA BAWAT ARALIN. SA CURRICULUM GUIDE IBINABATAY ANG MGA PAMANTAYANG PANGNILALAMAN AT PAMANTAYAN SA PAGGANAP (NON-NEGOTIABLES) NA NILILINANG SA MGA LM'S AT TG'S. ANG MGA BATAYANG KASANAYAN AY NAHAHATI NA SA APAT NA MARKAHAN. ANG BAWAT MARKAHAN NAMAN AY NAHAHATI SA 10 LINGGO. ANO-ANO ANG MAKIKITA SA CG? A. GRADE 1-6 B. GRADE 7-12 1. Pamantayan ng Programa 1. Tema 2. Pamantayan ng Bawat Yugto 2. Pamantayang Pangnilalaman 3. Pamantayan ng Bawat Baitang 3. Pamantayan sa Pagganap 4. Pamantayang Pangnilalaman 4. Panitikan 5. Pamantayan sa Pagganap 5. Gramatika 6. Domains 6. Mga Kasanayang Pampagkatuto sa bawat domain 7. Mga batayang kasanayan sa bawat linggo ng lahat ng markahan C. KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA (LEARNING DOMAINS) K- BAITANG 10 1. PAGSASALITA (ORAL LANGUAGE) 2. KAKAYAHANG KUMILALA NG MGA PONOLOHIYA (PHONOLOGICAL SKILLS) 3. KAALAMAN SA AKLAT AT NAKALIMBAG NA BABASAHIN (BOOK & PRINT KNOWLEDGE) 4. KAALAMAN SA MGA ALPABETO (ALPHABET KNOWLEDGE) C. KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA (LEARNING DOMAINS) K- BAITANG 10 5. PAGKILALA SA MGA TUNOG AT SALITA (PHONICS & WORD RECOGNITION) 6. KATATASAN (FLUENCY) 7. PAGBABAYBAY (SPELLING) 8. PAGSULAT NG KOMPOSISYON (WRITING COMPOSITION) 9. SULAT-KAMAY (HANDWRITING) C. KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA (LEARNING DOMAINS) K- BAITANG 10 10. GRAMATIKA (GRAMMAR AWARENESS & STRUCTURE) 11. TALASALITAAN (VOCABULARY) 12. PAG-UNAWA SA BINASA AT ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (READING COMPREHENSION & STUDY STRATEGIES) 13. PAGGAMIT NG KONTEKSTO AT DATING KAALAMAN (USE OF CONTEXT & PRIOR KNOWLEDGE) C. KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA (LEARNING DOMAINS) K- BAITANG 10 14. MGA ESTRATEHIYA SA PAG-UNAWA (COMPREHENSION STRATEGIES) 15. PAG-UNAWA SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN (COMPREHENDING LITERARY TEXT) 16. PAG-UNAWA SA MGA TEKSTONG NAGBIBIGAY NG IMPORMASYON (COMPREHENDING INFORMATIONAL TEXT) 17. PAG-UUGALI (ATTITUDE) D. CODE First Entry Learning Area and Strand/Subject Filipino F4 or Specialization Grade Level Baitang 4 Uppercase Domain/Content/Component/Topic Estratehiya sa Pag-aaral EP Letter/s ISA SA MGA Roman Numeral Quarter Unang markahan I MAHALAGANG *Zero if no specific KOMPONENT NG CG AY quarter Lowercase Week Ika-anim hanggang f-h ANG CODE. ANO BA ANG Letter/s ikawalong linggo IBIG SABIHIN NITO? *Put a hypen (-) in PAANO NATIN GAGAMITIN between letters to ANG CODE NA ITO? indicate more than a specific HALIMBAWA ANG CODE week NA F4EP-IF-H-14 Arabic Number Competency Nakasusulat ng balangkas 14 ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa III. MGA PAMANTAYAN SA FILIPINO K-12 A. PAMANTAYAN SA PROGRAMA (CORE LEARNING AREA STANDARD): 1. PAMANTAYAN NG PROGRAMA NG BAITANG 1-6 NAGAGAMIT ANG WIKANG FILIPINO UPANG MADALING MAUNAWAAN AT MAIPALIWANAG ANG MGA KAALAMAN SA ARALING PANGNILALAMAN, MAGAMIT ANG ANGKOP AT WASTONG SALITA SA PAGPAPAHAYAG NG SARILING KAISIPAN, DAMDAMIN O KARANASAN NANG MAY LUBOS NA PAGGALANG SA KULTURA NG NAGBIBIGAY AT TUMATANGGAP NG MENSAHE. 2. PAMANTAYAN NG PROGRAMA NG BAITANG 7-10 NAIPAMAMALAS NG MAG-AARAL ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO, MAPANURING PAG-IISIP, AT PAG-UNAWA AT PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN GAMIT ANG TEKNOLOHIYA AT IBA'T IBANG URI NG TEKSTO AT MGA AKDANG PAMPANITIKANG REHIYUNAL, PAMBANSA, SALING- AKDANG ASYANO AT PANDAIGDIG TUNGO SA PAGTATAMO NG KULTURAL NA LITERASI. B. PANGUNAHING PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (KEY STAGE STANDARDS): A. K-3 SA DULO NG BAITANG 3, NAKAKAYA NG MGA MAG-AARAL NA IPAKITA ANG KASANAYAN SA PAG-UNAWA AT PAG- IISIP SA MGA NARINIG AT NABASANG TEKSTO AT IPAHAYAG NANG MABISA ANG MGA IBIG SABIHIN AT NADARAMA. B. 4-6 SA DULO NG BAITANG 6, NAIPAPAKITA NG MGA MAG-AARAL ANG SIGLA SA PAGTUKLAS AT PAGDAMA SA PABIGKAS AT PASULAT NA MGA TEKSTO AT IPAHAYAG NANG MABISA ANG MGA IBIG SABIHIN AT NADARAMA. C. 7-10 SA DULO NG BAITANG 10, NAIPAMAMALAS NG MAG-AARAL ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO, REPLEKTIBO/ MAPANURING PAG-IISIP AT PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN SA TULONG NG MGA AKDANG REHIYONAL, PAMBANSA AT SALINTEKSTONG ASYANO AT PANDAIGDIG UPANG MATAMO ANG KULTURAL NA LITERASI. D. 11-12 SA DULO NG BAITANG 12 NAIPAMAMALAS NG MAG-AARAL ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO, REPLEKTIBO/ MAPANURING PAG-IISIP AT PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN SA TULONG NG IBA'T IBANG DISIPLINA AT TEKNOLOHIYA UPANG MAGKAROON NG AKADEMIKONG PAG-UNAWA C. PAMANTAYAN SA BAWAT BAITANG (GRADE LEVEL STANDARDS): A. K NAIPAMAMALAS NG MAG-AARAL ANG KAKAYAHAN SA PAGPAPAHAYAG NG INIIISIP AT DAMDAMIN SA WIKANG KATUTUBO AT ANG KAHANDAAN SA PAGBASA AT PAGSULAT UPANG MAKILALA ANG SARILI AT MATUTONG MAKISALAMUHA SA KAPWA. B. BAITANG 1 PAGKATAPOS NG UNANG BAITANG, INAASAHANG NAUUNAWAAN NG MGA MAG- AARAL ANG MGA PASALITA AT DI-PASALITANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG AT NAKATUTUGON NANG NAAAYON. NAKAKAMIT ANG MGA KASANAYAN SA MABUTING PAGBASA AT PAGSULAT UPANG MAIPAHAYAG AT MAIUGNAY ANG SARILING IDEYA, DAMDAMIN AT KARANASAN SA MGA NARINIG AT NABASANG MGA TEKSTO AYON SA KANILANG ANTAS O NIBEL AT KAUGNAY NG KANILANG KULTURA. C. BAITANG 2 PAGKATAPOS NG IKALAWANG BAITANG, INAASAHANG NASASABI NG MGA MAG- AARAL ANG PANGUNAHING DIWA NG TEKSTONG BINASA O NAPAKINGGAN, NAGAGAMIT ANG MGA KAALAMAN SA WIKA, NAKABABASA NANG MAY WASTONG PAGLILIPON NG MGA SALITA AT MAAYOS NA NAKASUSULAT UPANG MAIPAHAYAG AT MAIUGNAY ANG SARILING IDEYA, DAMDAMIN AT KARANASAN SA MGA NARINIG AT NABASANG MGA TEKSTO AYON SA KANILANG ANTAS O LEBEL AT KAUGNAY NG KANILANG KULTURA. D. BAITANG 3 PAGKATAPOS NG IKATLONG BAITANG, INAASAHANG NASASABI NA NG MGA MAG- AARAL ANG PANGUNAHING DIWA NG TEKSTONG BINASA O NAPAKINNGAN AT NAKAPAGBIBIGAY NG KAUGNAY O KATUMBAS NA TEKSTO, NAGAGAMIT ANG MGA KAALAMAN SA WIKA, NAKABABASA NANG MAY WASTONG PALIPON NG MGA SALITA AT MAAYOS NA NAKASULAT GAMIT ANG IBA'T IBANG BAHAGI NG PANANALITA UPANG MAIPAHAYAG AT MAIUGNAY ANG SARILING IDEYA, DAMDAMIN AT KARANASAN SA MGA NARINIG AT NABASANG MGA TEKSTO AYON SA KANILANG ANTAS O LEBEL AT KAUGNAY NG KANILANG KULTURA. E. BAITANG 4 PAGKATAPOS NG IKAAPAT NA BAITANG, NAIPAMAMALAS NA NG MGA MAG-AARAL ANG KAKAYAHAN SA PAGBASA, PAGSULAT AT PAKIKIPAGTALASTASAN NANG WASTO UPANG MAIPAHAYAG ANG KAALAMAN, IDEYA AT DAMDAMING ANGKOP SA KANIYANG EDAD AT SA KULTURANG KINABIBILANGAN AT NAKIKILAHOK SA PAGPAPAUNLAD NG PAMAYANAN. F. BAITANG 5 PAGKATAPOS NG IKALIMANG BAITANG, NAIPAMAMALAS NG MAG-AARAL ANG KAKAYAHAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN, MAPANURING PAG-IISIP AT, PAGPAPAHALAGA SA PANITIKAN AT KULTURA SA PAMAMAGITAN NG IBA'T IBANG TEKSTO/BABASAHING LOKAL AT PAMBANSA. G. BAITANG 6 PAGKATAPOS NG IKAANIM NA BAITANG, NAIPAMAMALAS NG MAG-AARAL ANG KAKAYAHAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN, MAPANURING PAG-IISIP AT PAGPAPAHALAGA SA WIKA, PANITIKAN AT KULTURA UPANG MAKAAMBAG SA PAG- UNLAD NG BANSA.