Filipino 7 Quarter 2 PDF

Summary

This Filipino 7 past paper for the second quarter of SY 2024-2025 assesses student understanding of Filipino literature and cultural themes from the Philippines. The sample provided includes questions on various aspects of the Filipino language, culture, and tradition.

Full Transcript

Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – Filipino 7 Pangalan:_____________________________________ Seksiyon: __________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat s...

Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – Filipino 7 Pangalan:_____________________________________ Seksiyon: __________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat seleksyon/tanong at bilugan ang titik na katumbas ng iyong sagot. "Sa gitna "Sa gitna ng maingay ng maingay na palengke, na palengke, nakita nakita ni Aling ni Aling MartaMarta ang isang ang isang batang batang nagtitinda ng nagtitinda ngmga mgabulaklak. bulaklak.AngAngbatang batangbabae babaeayay payat payat at at marumi marumi angang damit, damit, ngunit ngunit ang kanyang mga mata ay nagniningning sa pag-asa. ang kanyang mga mata ay nagniningning sa pag-asa. Habang pinagmamasdan ni Habang pinagmamasdan Aling Marta ang ni Aling nagtitinda, batang Marta ang batang nagtitinda, naalala niya ang naalala kanyang niya ang kanyang sariling pagkabata, sariling pagkabata, kung kailan siya rin ay nagtitinda ng mga prutas sa palengke kung kailan siya rin ay nagtitinda ng mga prutas sa palengke upang matulungan ang upang matulungan ang kanyang pamilya. Naawa siya sa batang babae at binili kanyang ang lahatpamilya. Naawa ng kanyang siya sa Nang bulaklak. batang babaesi atAling umalis biniliMarta, ang lahat ng kanyang naramdaman bulaklak. niyang may Nang umalissasikanyang kakaiba Aling Marta, puso.naramdaman Parang may niyang may kakaiba isang bahagi sa kanyang sa kanya ang puso. nagsabiParang maydapat na hindi isang siya bahagi sa kanya tumigil ang nagsabi sa pagtulong sa mgana nangangailangan." hindi dapat siya tumigil sa pagtulong sa mga nangangailangan." 1. Ano ang pangunahing banghay ng sipi? a. Ang pagbili ni Aling Marta ng mga bulaklak sa batang babae. b. Ang pag-alala ni Aling Marta sa kanyang pagkabata. c. Ang pag-asa ng batang babae sa pagtitinda ng mga bulaklak. d. Ang pagiging maawain ni Aling Marta sa batang babae. 2.Ano ang pangunahing mensahe ng sipi? a. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang mahalagang gawain. b. Ang pagiging maawain ay isang katangian na dapat taglayin ng bawat tao. c. Ang pag-alala sa nakaraan ay nakakatulong upang maunawaan ang kasalukuyan. d. Ang pagiging matulungin ay nagdudulot ng kasiyahan at kapayapaan ng loob. 3. Ano ang pahiwatig na ipinahihiwatig ng sipi tungkol sa damdamin ni Aling Marta? a. Nakaramdam ng awa at pagkahabag si Aling Marta sa batang babae. b. Nakaramdam ng galit at pagkadismaya si Aling Marta sa kahirapan ng batang babae. c. Nakaramdam ng inggit at pagseselos si Aling Marta sa batang babae. d. Nakaramdam ng pagkamangha at paghanga si Aling Marta sa batang babae. 4. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig ng sipi tungkol sa pagtulong sa kapwa? a. Ang pagtulong sa kapwa ay isang tungkulin na dapat gampanan ng bawat tao. b. Ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan upang makamit ang sariling kaligayahan. c. Ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan upang makaiwas sa mga problema. d. Ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan upang makuha ang pagmamahal ng ibang tao. "Noong unang panahon, sa isang maliit na nayon sa gitna ng kagubatan, naninirahan ang isang magandang dalaga na nagngangalang Alona. Siya ay kilala sa kanyang kagandahan at kabaitan. Isang araw, habang naglalakad si Alona sa kagubatan, nakasalubong niya ang isang matandang lalaki na nagngangalang Mang Turoy. Si Mang Turoy ay isang manggagamot at kilala sa kanyang karunungan. Hinanap ni Mang Turoy si Alona upang humingi ng tulong sa paghahanap ng isang mahiwagang halaman na nakakapagpagaling ng sakit. Pumayag si Alona na tulungan si Mang Turoy at naglakbay sila sa kagubatan. Sa kanilang paglalakbay, nakita nila ang mahiwagang halaman at nagpasalamat si Mang Turoy kay Alona." 5. Ano ang kultural na elemento na nakapaloob sa sipi? a. Ang paniniwala sa mga engkanto at diwata b. Ang paggalang sa mga matatanda at may karunungan c. Ang pagiging mapagbigay at matulungin sa kapwa d. Lahat ng nabanggit 6. Paano ipinapakita sa sipi ang paggalang sa mga matatanda at may karunungan? a. Sa pagtawag ni Alona kay Mang Turoy na "Mang" b. Sa pagpayag ni Alona na tulungan si Mang Turoy c. Sa pagiging magalang ni Alona sa pakikipag-usap kay Mang Turoy d. Lahat ng nabanggit 7. Ano ang konteksto ng panahon na ipinahihiwatig ng sipi? a. Panahon ng mga Espanyol b. Panahon ng mga Amerikano c. Panahon bago dumating ang mga Espanyol d. Panahon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 8. Paano nakakatulong ang kultural na elemento sa pag-unawa sa teksto? a. Nagbibigay ito ng konteksto sa mga pangyayari sa teksto. b. Nagbibigay ito ng pananaw sa mga paniniwala at kaugalian ng mga tao noong panahong iyon. c. Nagbibigay ito ng mas malalim na pag-unawa sa mga tauhan at kanilang mga aksyon. d. Lahat ng nabanggit 9. Ang mga Babaylan sa Pilipinas ay kinikilalang nagtataglay ng mga kakaibang kakayahan kagaya na lamang ng panggagamot o tinatawag itong mga Albularyo. Kung sakaling may mga taong hindi naniniwala sa mga ito, paano mo kukumbinsihin ang iba sa ganitong paniniwala? a. Kakausapin ang tao at papayuhan na maniwala sapagkat totoo ito. b. Magbibigay ng sapat na ebidensya upang paniwalaan ang mga Babaylan. c. Ipakita na ang mga Babaylan ay nagtataglay ng kapangyarihan. d. Igagalang ang kultura at tradisyon ang kanilang pinaniniwalaan. 10. Bilang isang mag-aaral sa ikapitong baitang, paano mo maipapanatili ang kultura at tradisyon ng mga katutubo sa kasalukuyang panahon? a. Magbasa ng mga panitikan ng ating bansa sa panahon ng katutubo. b.Tangkilikin at ibahagi sa iba ang ating kultura. c. Mag-post sa batirang pangmadla (social media) tungkol sa kahalagahan ng ating kultura at tradisyon. d. lahat ng nabanggit 11. Sa kasalukuyan ang Edukasyon sa Pilipinas ay humaharap sa matinding hamon tungkol sa mababang kasanayan sa pag-unawa ng isang teksto at sa pagsusuri ng isang sitwasyon o phenomenon. Paano mo malilinang ang iyong kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ? a. Ilantad ang sarili sa pagbabasa ng iba’t ibang babasahin. b. Susubukang itigil ang paglalaro ng online games. c. Palaging papasok sa klase d. Makikinig sa payo ng guro. 12. Ang ating bansa ay dumadanas ng matinding pagbabago sa klima ng panahon kagaya na lamang ng matinding init at madalas na pagbabaha sa ibang dako ng lugar sa ating bansa. Sa kabila ng iba’t ibang adhikain ng gobyerno upang masugpo ang suliraning ito, lumalala pa ito sa paglipas ng panahon. Paano nagiging hamon ang kalagayang ito sa ating bansa? a. Kulangan ng malasakit at disiplina ng mga tao. b. Dumedepende ito sa pondo ng gobyerno. c. Marami ang paraan at solusyon subalit walang kilos ang mga tao. d. Hindi kontrolado ng tao ang problemang ito. 13. Sa ano-anong mga aspeto makikita ang halaga ng kasaysayan sa konteksto ng alamat? a. Pag-unawa sa pinagmulan, kahalagahan ng kultura, pagpapanatili sa tradisyon, at pagsasalamin ng panahon b. Pag-unawa sa pinagmulan, kahalagahan ng kultura, pagpapanatili sa tradisyon, at pagsasalamin ng lipunan c. Pag-unawa sa pinagmulan, kahalagahan ng struktura, pagpapanatili sa tradisyon, at pagsasalamin ng lipunan d. Pag-unawa sa nasimulan, kahalagahan ng struktura, pagpapanatili sa tradisyon, at pagsasalamin ng panahon 14. “Ang ating pambansang bayani ay si Jose P. Rizal. Siya ang naghikayat sa mga kabataan na maging pag-asa ng bayan.” Anong uri ng pahayag ang nasa itaas? a. Anapora c. Nominal b. Katapora d. Verbal 15. Paano isinasalamin sa pabula ang kultura? a. Ito ay kinapalooban ng aral na may kahulugan. b. Pagpapakilala sa antas ng pamumuhay at kilos ng mga tauhan. c. Sa pamamagitan ng kapangyarihan na gisingin ang imahinasyon ng mambabasa. d. Pagkakaroon n8g pabula na ang mga tauhan na hayop ay nagsasalita. 16. Bakit mahalagang basahin ang mga sinaunang akdang panitikan tulad ng mga alamat? a. Dahil ang alamat ay isa sa mga kwento na kung saan nababakas ang ating kasaysayan. b. Dahil ang alamat ay isa sa mga kwento na nagtatampok ng mangyayari sa darating na panahon. c. Dahil ang alamat ay ang kaisa-isang panitikan mayroon tayo sa Pilipinas. d. Dahil ang alamat mga kwento na hango sa ibang bansa. 17. Ito ay bahagi ng kuwento kung saan ipakikilala ang tauhan at binabanggit ang tagpuan. a. banghay c. simula b. kasukdulan d. kakalasan 18. Ito’y kadalasang inilalarawan sa loob ng kuwentong-bayan sa isang pook o lugar. a. wika at kultura c. kaugalian at tradisyon b. pagkain at sayaw d. relihiyon at paniniwala 19. Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay kilala bilang isang akdang pampanitikan na may layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay at ipinalalabas sa ____________. a. lansangan c. tanghalan b. labas ng bahay d. paaralan 20. Saang pulo nagmula ang dulang “Ang Mahiwagang Tandang”? a. Luzon c. Maguindanao b. Mindanao d. Visayas 21. Ito’y isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan. a. babaylan c. albularyo b. manggagamot d. manghuhula 22. Ito ay mga dulang itinatanghal sa lansangan na naglalayong magbigay ng magandang pagtatanghal sa taong-bayan. a. Dulang pantahanan c. Dulang pampaaralan b. Dulang panlansangan d. Dulang pang-entablado 23. Uri ng tekstong nagbibigay ng kaalaman at nagbibigay- linaw sa mga katanungan tungkol sa isang paksa. Karaniwang makikita ito sa mga artikulo sa pahayagan, edukasyonal na aklat, instruction manuals, at iba pa. a. tekstong naratibo c. tekstong persweysib b. tekstong ekspositori d. tekstong argumentatibo 24. Tumutukoy ito sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari. a. sanhi c. bunga b. resulta d. pakakamali 25. Sa sulating teknikal, ang mga _____________ ay karaniwang naghahanap ng impormasyon o instruksiyon, at ang pagsusulat ay dapat ayon sa kanilang pangangailangan. a. tagapanood o tagapuna c. tagapuna o tagabasa b. tagapakinig o tagabasa d. tagapanood o tagapakinig 26, Ang mga _______ng panitikan ay karaniwang naglalayong maglahad ng kanilang mga likha sa mga mambabasa na naghahanap ng karanasan sa pagbasa. a. manunulat c. mambabasa b. makata d. mamumuna 27. Ito ay tumutukoy sa organisado at mahusay na ugnayan ng mga pangungusap sa isang talata. a. Kohesyong Gramatikal c. Katapora b. Pangatnig d. Anapora 28. Ano ang tawag sa pahayag kung ang panghalip ay sumusunod sa pangngalang tinututukoy nito? a. Panghalip c. Katapora b. Pangatnig d. Anapora 29. Ito ay naratibo ng aktuwal na karanasan ng isang tao tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan. a. Memoir c. Menu b. Brochure d. Medikal na Teksto 30. Nagbibigay ito ng impormasyon sa lokasyon ng isang lugar, pasyalan o parke at ng gabay kung papaano mararating ang nasabing lugar. a. Heograpiya c. Journal b. Kasaysayan d. Resipe 31. Ito ang nagsisilbing talaan ng mga pamamaraan kung paano lulutuin ang isang uri ng ulam o putahe. a. Heograpiya c. Journal b. Kasaysayan d. Resipe 32. Isa itong maliit na magasin na nagpapakilala sa isang tao, produkto, serbisyo, paaralan, at iba pang bagay. a. Memoir c. Menu b. Brochure d. Medikal na Teksto 33. Tawag ito sa siyentipikong publikasyon na naglalaman ng mga pananaliksik at artikulong likha ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan. a. Heograpiya c. Journal b. Kasaysayan d. Resipe 34. Ano ang tawag sa lagom ng pananaliksik? a. Abstrak c. Menu b. Journal d. Memoir 35. Ito ay anyong sining at pampanitikan na naglalaman ng kuwento na isinasaayos sa pamamagitan ng paggamit ng imahen, teksto, at iba’t ibang elemento ng disenyo. a. komiks c. aklat b. magasin d. pahayagan 36. Uri ito ng impormasyonal na materyal na gumagamit ng elementong pangkomiks. Maaari itong gamitin sa iba’t ibang layunin tulad ng promosyon, edukasyon, at pagpapalaganap ng kamalayan. (Remembering) a. Tekstong Biswal c. Broadcast Media b. Comic Brochure d. Internet 37. Ito ang aktuwal na nakikitang representasyon ng mga teksto o impormasyon sa pamamagitan ng mga larawan, grapiko, disenyo, at iba pang biswal na elemento. a. Tekstong Biswal c. Broadcast Media b. Comic Brochure d. Internet 38. Ang Alamat, bugtong, salawikain at palaisipan ay mga halimbawa ng sinaunang panitikan. Alin sa mga ito ang nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig? a. Alamat b. bugtong c.salawikain d. palaisipan 39.Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na ang mga tauhan ay kumakatawan sa mga uri ng mamamayan katulad ng matandang hari, isang sultan, isang marunong na lalaki, o kaya ay isang hangal na babae. a. Alamat b. Dula c. Pabula d. Kuwentong-bayan 40. Ang kwentong ito ay naglalayong mang-aliw at magbigay ng aral. Madalas ang mga tauhan ng kwentong ito ay pawang mga hayop. Ano ito? a. Kuwentong-bayan c. Dula b. Pabula d. Alamat 41. Ito ay isang akdang pampanitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay, o pangalan ng isang lugar. Ano ito? a. Kuwentong-bayan c. Dula b. Pabula d. Alamat 42..Ang _________ ay maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. a. Simula c. Banghay b. Tunggalian d. Tagpuan 43. Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. a. Kuwentong-bayan c. Dula b.Pabula d. Alamat 44. Ito ay isang elementong sumasaklaw sa lugar at panahon na inilalahad sa akda. a. Simula c. Banghay b. Tunggalian d. Tagpuan 45. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng alamat. Alin dito ang hindi kabilang? a. Tauhan b. Tagpuan c. Suliranin d. Iskrip 46. Sa iba’t ibang uri ng panitikan, bakit nabibilang na Alamat “Ang Pinagmulan ng Bohol”? a. Dahil ito’y nagtataglay ng kababalaghan b. Dahil naglalaman ng mga gintong aral c. Dahil nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay at lugar d. Dahil ito ay bukambibig ng mga katutubo 47. Ang panlilinlang ni Pilandok ay maituturing na isang sakit o suliranin. Sa anong sulranin nating maiuugnay? a. suliraning pantahanan b. suliraning panlipunan c. sukiraning pangmoral d. suliraning pangkaisipan 48. “Sunod-sunod ang pagkatalo nina Bonifacio sa Maynila habang sunod- sunod naman ang pagwawagi nina Aguinaldo sa Cavite”. Alin dito ang ginamit na pangatnig sa loob ng pahayag? a. sunod-sunod c. sa b. nina d. habang 49. Ano ang pagkakatulad ng Tekstong Biswal at Tekstong Ekspositori? a. nagsisilbing libangan b. nagsasanay sa ating talento c. nagbabahagi ng hindi makabuluhang impormasyon d. naghahatid ng mahahalagang impormasyon 50. Isa sa mga halimbawa ng Tekstong Multimodal ay ang Comic Book Brochure. Alin ang sa sumusunod ang pinakawastong paglalarawan ng Tekstong Multimodal? a. Walang imahen ang Tekstong Multimodal b. Maaaring teksto at imahen ang Tekstong Multimodal c. Maaaring tunog lamang ang Tekstong Multimodal d. Di maaaring aktuwal o live ang Tekstong Multimodal _____________________________________________________________________________ Binabati kita! Natapos mo ang pagsusulit! _____________________________________________________________________________

Use Quizgecko on...
Browser
Browser