ARALIN-1-PAL-101 PDF

Document Details

ProfoundSteelDrums

Uploaded by ProfoundSteelDrums

Bulacan State University

Tags

Filipino literature Philippine literature literature analysis education

Summary

This document provides an overview of Filipino literature and its relationship with society. It explores the themes of language, culture, and history as presented in literary works. The document also details elements of literary appreciation, analysis, and criticism.

Full Transcript

PANITIKAN AT LIPUNAN (PAL 101) PANITIKAN, LIPUNAN AT, KASAYSAYAN LAYUNIN: Naipapaliwanag ang ugnayan ng wika, kultura, at panitikan ng bansa. Napahahalagahan ang mga panitikang gawa ng kapwa Pilipino na sumasalamin sa lipunan. Napahahalagahan ang panitikan ng bansa bilang...

PANITIKAN AT LIPUNAN (PAL 101) PANITIKAN, LIPUNAN AT, KASAYSAYAN LAYUNIN: Naipapaliwanag ang ugnayan ng wika, kultura, at panitikan ng bansa. Napahahalagahan ang mga panitikang gawa ng kapwa Pilipino na sumasalamin sa lipunan. Napahahalagahan ang panitikan ng bansa bilang batayan ng identidad o pagkakakilanlan PANG – PAN +TITIK +AN d,l,r,s, at t unlapi S.U hulapi PANITIKAN LITERATURA O LITERATURE LITTERA Kastila Ingles Letra o titik - Jose Villa Panganiban, 1954 ANO ANG NAGAGAWA NG PANITIKAN SA ATING BUHAY? ANO ANG PANITIKAN AYON SA MGA EKSPERTO? Pagpapahayag ng Ito ay kasaysayan ng kaluluwa damdamin ng tao ng mga mamamayan sapagkat ukol sa lipunan, dito masasalamin ang mga pamahalaan, layunin, damdamin, panaginip, kapaligiran,a kapwa pag-asa, hinaing at guniguni at Dakilang ng mga tao na nasusulat o Lumikha. binabanggit sa maganda, makahulugan, matalinghaga at - Honorio Azarias masining na mga pahayag. - Maria Ramos Ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa Ang tawag natin sa lahat ng uri malikhaing paraan ang kulay ng ng pahayag nakasulat man ito, buhay, ang buhay ng kanyang binibigkas o kahit ipinahihiwatig daigdig, ang daigdig na kanyang lang ng aksiyon ngunit may kinabibilangan at pinapangarap. takdang anyo o porma katulad ng - J. Arrogante ng tula, maikling kuwento , dula, nobela, at sanaysay. - L. Santiago Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. - Panganiban Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. - Zeus Salazar LOURD DE VEYRA - isang musikero, makata at mamamahayag. - Nakapagtapos ng pamamahayag sa Unibersidad ng Santo Tomas at multi awarded na manunulat na makailang beses na ring nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Award. - siya rin ang bokalista ng Manila- based Jazz rock band na Radioactive Sago Project. https://www.youtube.com/watch?v=R4CIR_nzMZA&t=323s Sa kasalukuyang nababalot ang daigdig ng iba’t ibang internal at eksternal na gulo/ digmaan ano ang implikasyon ng sinabi ni Pound na ito? “NO POEM HAS EVER STOPPED A TANK.” – Ezra Pound PAANO NAKAAAPEKTO ANG SINING SA KAISIPAN NG KAPWA? ANO ANG UGNAYAN NG PANITIKAN AT LIPUNAN? SALAMIN NG LIPUNAN Ito'y nagpapakita ng mga kwento, karanasan, at mga pagpapahalaga ng mga tao sa isang partikular na panahon at lugar. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng panitikan, maaring maunawaan ang kasaysayan, kultura, at kalagayan ng lipunan noong mga panahon na isinulat ang mga akda. PAG-AAMBAG SA IDENTIDAD Ang panitikan ay nagpapalaganap at nagpapahalaga sa kultura at identidad ng isang bansa o komunidad. Ito'y nagbibigay ng pagkakakilanlan at pagpapakilala sa mga tao ukol sa kanilang mga tradisyon, wika, relihiyon, at kasaysayan. PAGPAPAHAYAG NG MGA ISYU Maraming akda ang tumatalakay sa mga isyung panlipunan tulad ng kahirapan, karapatang pantao, kawalan ng hustisya, at marami pang iba. Ang mga manunulat ay nagiging boses ng mga mahihirap at nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang mga akda. PAG-USBONG NG KAMALAYAN Ang panitikan ay nagpapalawak ng kamalayan ng mga tao tungkol sa mga pangunahing isyu at hamon ng lipunan. Ito'y nagbibigay sa mga mambabasa ng mas malalim na pag-unawa at pananaw ukol sa mga paksa tulad ng politika, relihiyon, at kultura. PAG-USBONG NG PAG-IISIP Ang pag-aaral ng panitikan ay nagpapalawak ng kakayahan ng mga tao sa kritikal na pag- iisip. Ito'y nagtuturo sa mga mambabasa na mag-analisa, mag-uri, at magbigay- halaga sa mga ideya at mensahe na nakapaloob sa akda. PAG-USBONG NG EMOSYON Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin at emosyon ng mga tao. Ito'y nagbibigay-daan sa mga mambabasa na makipag-ugnayan sa iba't ibang uri ng emosyon at pagpapahalaga. PAGPAPALAGANAP NG WIKA Ang mga akdang panitikan ay nagbibigay- halaga sa wika at nagpapalaganap ng kultura nito. Ito'y nagpapayaman sa bokabularyo at gramatika ng isang wika at nagbibigay- daan sa pagpapalaganap nito sa iba't ibang bahagi ng lipunan. PAGPAPAHALAGA SA SINING Ang panitikan ay isa sa mga sining na nagpapahayag ng kahalagahan ng kreatibidad at ekspresyon. Ito'y nagpapalaganap ng pag-unlad at pagpapahalaga sa mga sining tulad ng musika, teatro, at pintura. ANG MUNDO AT PANITIKAN SA PANANAW NI SP LOPEZ SALVADOR PONCE LOPEZ (1911-1993) - isang kilalang Pilipinong manunulat, kritiko, edukador, at diplomatiko. Siya ay may malawak na kontribusyon sa larangan ng panitikan, edukasyon, at pulitika sa Pilipinas. Mga Pangunahing Punto At Mga Pananaw Ni S.P. Lopez Ukol Sa "Ang Mundo Ng Panitikan" 1.Panitikan bilang Salamin ng Lipunan: Si Lopez ay naniniwala na ang panitikan ay isang salamin ng lipunan. Ito'y nagpapakita ng mga kaugalian, pag-iisip, damdamin, at mga pangarap ng tao sa isang partikular na panahon at kultura. Sa pamamagitan ng panitikan, mas nauunawaan natin ang karanasan ng mga tao sa iba't ibang aspekto ng buhay. 2. Pag-aambag ng Panitikan sa Kultura: Ayon kay Lopez, ang panitikan ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa kultura ng isang bansa. Ito'y nagpapalaganap ng mga kwento, tula, at mga alamat na nagpapahayag ng kasaysayan, pag-iral, at identidad ng isang lipunan. 3. Papel ng Manunulat: Isa sa mga ipinakikita ni Lopez ay ang malalim na papel ng manunulat sa lipunan. Ang mga manunulat ay may kakayahan na maging boses ng mga hindi maririnig na damdamin at saloobin ng mga tao. Sila ang nagdadala ng mga isyu at mensahe sa pamamagitan ng kanilang mga akda. 4. Kritikal na Pagsusuri: Sa kanyang mga sanaysay, ipinakikita ni Lopez ang kahalagahan ng kritikal na pagsusuri sa panitikan. Ipinapakita niya na ang mga akda ay may mga kinikilalang anyo, istruktura, at mga temang nagpapahayag ng iba't ibang mensahe. Ang ganitong pagsusuri ay nagbubukas ng mga pinto para sa mas malalim na pag-unawa sa mga akda. 5. Panitikan at Lipunan: Si Lopez ay naniniwala na ang panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan. Ipinapakita nito ang ugnayan at pagkakaugnay ng panitikan at lipunan. Ang mga akda ay nagdadala ng mga isyu at hamon ng lipunan sa harap ng mga mambabasa. PAG-UUGAT SA PANITIKANG PILIPINO - Nibalvos- Nakasandig sa pagkilala ng lipunan ay ang paglubog ng isang tao sa karanasan, pangyayari, at mga kultural na aspekto nito. ANO ANG KINALAMAN NG KOLONYALISMO SA ATING PANITIKAN? ANG LIPUNAN AT PANITIKAN SA SINAUNANG PAMAYANANG PILIPINO BOXER CODE NOONG 1947 MGA ORAL NA PANITIKAN Mito -nagmula sa isla ng Kabisayaan. - Sinasabing ang mito na ito ay nagpapakita ng usapin ng tatlong estadong panlipunan ng mga tao, ang Datu, timawa, at oripon o alipin. DATU ang itinuturing na mga pinuno ng kanilang mga pook. Ang kapangyarihan ay nagmumula lamang sa iisang pamilya, mistula itong isang monarkiya na ang posisyon at kapangyarihang kaakibat nito ay namamana. Tinawag itong mga principalia o mga taong nabibilang sa mataas na estadong uri sa lipunan. Respetadong kasapi sila ng kanilang komunidad sapagkat tinutulungan nila ang mga tao sa kanilang mga suliranin at maging sa ilang pangangailangan. TIMAWA naman ang tawag sa mga naglilingkod sa mga datu at itinuturing silang nasa gitnang uri. Hindi lamang sila alalay ng datu, kasapakat din sila nito. Ito rin ang unang umiinom ng alak upang matiyak na walang lason ang mga ito bago ipainom sa mga datu. Ang antas na ito ay nahahati sa dalawa; Timawa at mga Maharlika. ORIPON O MGA ALIPIN. Ito ay nahahanay sa mga taong hindi maaaring makapangasawa ng mga datu. Ang tungkulin nito ay maglingkod sa mga datu at sa mga kasama nitong Timawa. IBA’T IBANG URI NG ALIPIN SAGUIGUILES O SAGIGILID, mga aliping naglilingkod sa loob ng bahay, ang ilan sa mga ito ay may sariling mga bahay, kung kailangan lamang sila katulad sa pagsasaka ay ipapatawag na lamang sila ng kanilang panginoon. MAMAMAHAYES O NAMAMAHAY ay ang aliping katuwang sa paggawa ng mga tirahan ng kanyang panginoon at naglilingkod kung may mga panauhin ang kanyang pinaglilingkurang datu. Sa Cagayan may tinatawag silang “BANTAY”, ito ay isang ibon. Kung ito ay kanilang naririnig na umaawit sa gawing kaliwa nila, sila ay hindi tumutuloy sa kanilang pupuntahan sapagkat ito ay isang babala. Iba naman din ang dalang senyales ng tagak o kanduro, kung ito ay nagmumula sa kanang bahagi o kaya naman ay humapon sa kaliwang bahagi ng kanilang daraanan, hudyat ito na sila ay magpapatuloy sapagkat isa itong magandang pangitain. Sa katagalugan naman, naniniwala sila kay “LAKANBACO” (LAKAN-BAKOD), na diyos ng mga prutas sa daigdig. “LAKANPATI” na kanilang pinagsusumamuhan ng tubig para sa kanilang mga palayan, at para sa kanilang masaganang huli sa pamamalakaya. Ang iba naman ay naniniwala isang ibong kulay dilaw na naninirahan sa kabundukan, “BATATA” kung tawagin nila ito, sa ilang panig naman isang kulay asul na ibon ang kanilang sinasamba at tinatawag na “BATHALA”. Ang mga BABAYLAN ang pangunahing tauhan para sa usaping kalinangan, relihiyon, at medisina Katuwang din siya ng datu sa ekonomikal na usapin, siya ang nagbibigay ng hudyat kung kailan maaaring magtanim ang mga magsasaka. Tanging babae ang maaaring maging babaylan, subalit may mga lalake rin nito na kung tawagin ay AYOG O AYUGIN. Sa ilang panig naman ng Katagalugan, CATALONA ang tawag sa mga ito. Sa susunod na meeting ay may maikling pagsusulit, labinlimang aytems. Ang uri ng pagsusulit ay pagtutukoy o identification. PANGKATANG GAWAIN Blg.1 : Panuto: Itala ang nag-uumpugang pananaw tungkol sa sining nina SP Lopez at Jose Garcia Villa. Isulat sa isang yellow paper. Tatawag ang guro ng isang kamiyembro ng pangkat upang ipaliwanag ito. Salvador P. Lopez Jose Garcia Villa Magbigay ng isang punto mula sa Magbigay ng isang punto mula sa binasang artikulo at ipaliwanag. binasang artikulo at ipaliwanag. PAGMAMARKA 25 20 15 10 5 MARAMING SALAMAT!!!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser