Document Details

AstonishingDune4935

Uploaded by AstonishingDune4935

Bulacan State University

Tags

Filipino language varieties Tagalog dialects Linguistics Language study

Summary

This document provides a detailed overview of the different varieties of the Filipino language, including dialects, sociolects, and registers. It explores the characteristics of each variety and offers examples. The document covers concepts like geographic dialect, temporal dialect, social dialect, idiolect, sociolect, ethnolect, and ecolect. It also introduces the term "register" and explains its various dimensions, such as field, mode, and tenor within the field of language study.

Full Transcript

**BARAYTI NG WIKA** Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibongmakapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kultura pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan...

**BARAYTI NG WIKA** Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibongmakapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kultura pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Ito ang barayti ng wikang gingamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Gumagamit ang mga tao ng isangwikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuong pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar. Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Lumulutang ang mga katangian at kakanyahangnatatangi ng taong nagsasalita. Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika. **DAYALEK ** Ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Ito ay barayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ngmga tao ayon sa partikular na [[rehiyon]](https://takdangaralin.ph/mga-rehiyon-sa-asya/) o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo aymay iba't-ibang uri ng [[wikang]](https://takdangaralin.ph/wikang-panturo/) panrehiyon na kung tawagin ay wikain. **TATLONG URI NG DAYALEK:** Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo) Dayalek na Tempora (batay sa panahon) Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan) \* Mga halimbawa ng Dayalek:* Tagalog = Bakit? Batangas = Bakit ga? Bataan = Baki ah? Ilocos = Bakit ngay? Pangasinan = Bakit ei? **IDYOLEK ** Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nangmagkaparehong-magkapareho. Itinuturing din itong indibidwal na dayalek ng bisa ng taona makita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, bokabularyo at iba pang aspektong pangwika. Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawatisa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo otatak ng kanilang[ pagkatao]. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. ***Mga halimbawa ng Idyolek:*** "Magandang Gabi Bayan" ni Noli de Castro"Hindi ka namin tatantanan" ni Mike Enriquez"Ito ang iyong Igan" ni Arnold Clavio"Hoy Gising!" ni Ted Failon"Ang[ buhay] ay weather weather lang" ni Kim Atienza"I shall return" ni Douglas MacArthur  **SOSYOLEK ** Minsan ay tinatawag na "Sosyalek", ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ngindibidwal na gumagamit ng mga naturang salita. \* Mga halimbawa ng Sosyolek:* Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera) Oh my God! It's so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit nggelpren mo) Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!) May amats na ako 'tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na akokaibigan/kapatid) **ETNOLEK ** Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang iba't ibang uri ngEtnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko. \* Mga Halimbawa ng Etnolek:* Vakuul -- tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan Bulanim -- salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan Laylaydek Sika -- Salitang "iniirog kita" ng mga grupo ng Kankanaey ng MountainProvince Palangga -- iniirog, sinisinta, minamahal Kalipay -- tuwa, ligaya, saya **EKOLEK ** Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitangmadalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itongginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. \* Mga Halimbawa ng Ekolek:* Palikuran -- banyo o kubeta Silid tulogan o pahingahan -- kuwart Pamingganan -- lalagyan ng plato Pappy -- ama/tatay Mumsy -- nanay/ina **REGISTER ** Minsan sinusulat na "rejister", ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ngisang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon. a.) Field o larangan -- ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.  b.) Mode o Modo -- paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon. c.) Tenor -- ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap. \* **Mga Halimbawa ng Register:*** Mga salitang jejemon Mga salitang binabaliktad Mga salitang ginagamit sa teks Mga salitang ginagamit ng mga iba't-ibang propesyon gaya ng mga doctor Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at nagbibigayito ng kapayapaan at katahimikan. **PIDGIN** Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang "nobody'snative language" ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibangwika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga "make-shift" na salita o mga pansamantalang wika lamang.  Mga Halimbawa ng Pigdin: Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.) Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.) Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.) Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kitang diskawnt.) Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas angiyong grado.) **CREOLE** Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal,mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular nalugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong American at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol. \* Mga Halimbawa ng Creole:* Mi nombre -- Ang pangalan ko Di donde lugar to? -- Taga saan ka? Buenas dias -- Magandang umaga Buenas tardes -- magandang hapon Buenas noches -- Magandang gabi KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG BARAYTI NG WIKA Mahalagang pag-aralan ng barayti ng wika sa atin, dahil dito nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao. Kung wala ito mawawalan ng saysay ang lahatng ating sinasabi. Mahalagang pag-aaraln ang iba't ibang barayti ng wika upang: 1\. Maiintindihan natin ang ating kapwa. Balik-tanaw sa ating kasaysayan at mga pamumuhayng mga tao noong unang panahon. 2\. Ito ang sumisimbolo ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal. 3\. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon at damdamin kapag mayroon siyanggustong sabihin. 4\. Mas napapaliwanag ng isang tao ang gusto niyang ihayag kung gagamitin niya ang kanyangsariling dayalekto kumpara sa kung gagamit siya ng wikang Ingles kung siya ay purong Pilipino.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser