Mga Antas ng Wika (Tagalog) PDF

Document Details

BoomingJudgment4158

Uploaded by BoomingJudgment4158

Cebu Technological University Daanbantayan Campus

Tags

Tagalog language language varieties linguistic variation Filipino dialects

Summary

This presentation discusses the different levels and varieties of the Tagalog language. It examines formal and informal language use, regional dialects (dayalek), slang (balbal), and social dialects (sosyolek). It also touches on how these varieties shape communication and identity within Filipino communities.

Full Transcript

MGA ANTAS NG WIKA Ano nga ba ang wika? Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. PORMAL WIKA DI-PORMAL PAMBANSA...

MGA ANTAS NG WIKA Ano nga ba ang wika? Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. PORMAL WIKA DI-PORMAL PAMBANSA LALAWIGANIN PAMPANITIKAN O PANRETORIKA KOLOKYAL BALBAL PORMAL Ito ay antas ng wika na pamantayan at kinikilala/ginagamit ng nakararami. A. PAMBANSA Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan B. PAMPANITIKAN O PANRETORIKA Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan IMPORMAL Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. A. LALAWIGANIN Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) B. KOLOKYAL Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no, sa’kin, kelan Meron ka bang dala? C. BALBAL Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino) KARANIWANG PARAAN NG PAGBUO NG SALITANG BALBAL: Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: gurang (matanda) bayot (bakla) barat (kuripot) KARANIWANG PARAAN NG PAGBUO NG SALITANG BALBAL: Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: epek (effect) futbol (naalis, natalsik) tong (wheels) KARANIWANG PARAAN NG PAGBUO NG SALITANG BALBAL: Pagbibigay ng kahulugan ng salitang Tagalog Halimbawa: buwaya (crocodiles – greedy) bata (child – girlfriend) durog (powdered – high in addiction) papa (father – lover) MGA BARAYTI NG WIKA “Mga barayti ng wika’y mahalagang matutuhan Makatutulong ito upang tayo’y higit na magkaunawaan”. MAHALAGANG TANONG Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at igalang ng isang tao ang ibat- ibang barayti ng wikang ginagamit ng iba't- ibang tao sa paligid? WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? MAGNANAKAW: Holdap, make bigay all your thingies! Don't make galaw or I will make tusok you! PULIS: Make suko, we made you napapaligiran! WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? NEWS CASTER: Oh my gosh, I have hot balita to everyone! PARI: You’re so bad, see ka ni God! WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? KARPINTERO: Can I hammer the pokpok? COSTUMER: Pa- buy ng water, yung naka shachet! WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? PASAHERO 1: Sir, payment! PASAHERO 2: Manong, faster please! I'm nag mama-hurry! WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? MAGTATAНО: Taho! Make bili na while it's init. I'll make it with extra sago! BUMILI NG TAHO: It is sarap? Pwede pa have? WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS? PULUBI: Knock knock, pa- beg! JANITOR: Eww! Kill the ipis, please don't step on it ha, I don't like to feel sound! PALAWAKIN PA NATIN! Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraang magsasalita ang lahat ng mga Pilipino? ALAM MO BA? Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal. BARAYTI NG WIKA Dayalek DAYALEK Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek: Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo) Dayalek na Tempora (batay sa panahon) Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan) MGA HALIMBAWA NG DAYALEK: Tagalog = Bakit? Batangas = Bakit ga? Bataan = Baki ah? Ilocos = Bakit ngay? Pangasinan = Bakit ei? Tagalog = Nalilito ako Bisaya = Naglibog ko BARAYTI NG WIKA IDYOLEK IDYOLEK Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. ILANG KILALA NA GUMAGAMIT NG IDYOLEK Noli De Castro- "Magandang gabi Bayan" Mike Enriquez- "Hindi kayo tatantanan" Mareng Wennie- "Bawal ang pasaway kay Mareng Wennie Kris Aquino- "Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey!Darla". Ruffa Mae Quinto- "To the highest level na talaga itoh!“, go..go..gooooo! Kim Atienza – “Ang buhay ay weather weather lang” Douglas MacArthur-“I shall return” Rodrigo Duterte- “P%@#!” BARAYTI NG WIKA ETNOLEK ETNOLEK Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. Mga Halimbawa ng Ekolek: Palikuran – banyo o kubeta Silid tulogan o pahingahan – kuwarto Pamingganan – lalagyan ng plato Pappy/Paps – ama/tatay Mumshy – nanay/ina AWITIN NATIN! Pen pen de chervaloo Pen pen de sarapen De kemerloo de eklavoo De kutsilyo, de almasen Hao hao de chenelyn de Haw, haw de karabaw de batuten Shoyang fula, talong batuten Sayang pula, na fula tatlong pera Shoyang fute, talong na Sayang puti, tatlong salapi mafute Sipit namimilipit Sriti dapay upit Ginto't pilak Goldness filak chumochurva Sa tabi ng dagat Sa tabi ng chenes AWITIN NATIN! Bubuka ang bulaklak Bubukesh ang floweret Papasok ang Reyna Jojosok ang reynabelz Sasayaw ng Cha- cha Shochurva ng chacha Ang saya- saya Pa jempot jempot fah Boom tiyaya boom Boom tiyayavush tiyayabush Tiyayaboom yeh! yeh chenes Boom tiyaya boom Boom tiyayavush tiyayabush Tiyayaboom yeh! Yeh! chenes BARAYTI NG WIKA SOSYOLEK SOSYOLEK na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita. Mga sosyolek na wika: Gay Lingo, Conyo, Jologs o Jejemon, JARGON MGA SOSYOLEK NA WIKA 1. Wika ng Beki o Gay Lingo Ito’y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulagan ng salita. Halimbawa: churchchill- sosyal wa facelak girlash mo- pangit ng girlfriend mo bigalou- Malaki Givenchy- pahingi Juli Andrew- Mahuli MGA SOSYOLEK NA WIKA 2. Coñoc or Conyo (Coñoctic o Conyospeak) Ito ay isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na i nihalo sa Filipino kaya't masasabing code switching na nagyayari. Naririnig sa mga kabataang may kaya at nakapag-aral sa eksklusibong paaralan. Halimabawa: Kaibigan 1: Let's make kain na. Kaibigan 2: Wait lang. I'm calling Ana. MGA SOSYOLEK NA WIKA 3. JOLOGS o "JEJEMON" Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo- halong numero, simbolo, at Malaki at maliit na titik kayat mahirap ito intindihin lalo na hindi pamilyar ang tinatawag na jejetyping. Halimbawa: Nandito na ako -"D na me’ MuZtaH - "Kamusta?" MGA SOSYOLEK NA WIKA 4. JARGON ay maaring tawagin na “salitang balbal”, “salitang kalye”, o “salitang kanto”. Ito ay grupo ng mga salita na hindi mo mauunawaan kung hindi ka parte ng isang grupo o kung wala kang konteksto sa nagaganap. Halimbawa: Yosi – sigarilyo Sikyo – guwardya Erpat - ama BARAYTE NG WIKA ETNOLEK ETNOLEK ETNOLEK Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko. Halimbawa: Vakuul- Pantakip sa ulo(ivatan) Bulanon- full moon Kalipay- tuwa o ligaya Palangga- mahal o minamahal Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province BARAYTI NG WIKA REGISTER REGISTER Minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon. a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito. b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon. c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap. HALIMBAWA: Ang salitang COURT ay maaring magkaroon ng dalawang kahulugan ayon sa register o larangang kinabibilangan nito. LARANGAN: PULITIKA KAHULUGAN “lugar o bulwagan kung saan isinasagawa ang paghahatol” LARANGAN: ISPORTS KAHULUGAN “lugar kung saan idinaraos ang mga gawaing pang-isports” BARAYTI NG WIKA PIDGIN O CREOLE PIDGIN O CREOLE Pidgin ang tawag sa umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na "nobody's native language" o katutubong wika na di pag- aari ninuman. Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag- usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya't 'di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa't- isa. Creole naman ang tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad kapag ito'y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning

Use Quizgecko on...
Browser
Browser