FIL1-CP1-KABANATA 2-BABASAHIN PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Negros Oriental State University

Tags

Filipino language Tagalog language language levels language varieties

Summary

This document discusses the levels and varieties of the Filipino language. It covers formal and informal language, regional dialects, and slang. The text highlights the different ways people use the language, such as formal written language used in academic papers, informal daily conversation, and regional dialects specific to different locations within the Philippines.

Full Transcript

![](media/image9.png) **KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM** **DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT MGA BANYAGANG WIKA** **FIL 1** (Akademiko sa Wikang Filipino) **1^st^ Semester 2023-2024** **COURSE PACK 1 -- KABANATA 2** **Wika** **L2: Antas at Barayti ng Wika** Isa pa sa mahalagang katangian ng wika ay...

![](media/image9.png) **KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM** **DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT MGA BANYAGANG WIKA** **FIL 1** (Akademiko sa Wikang Filipino) **1^st^ Semester 2023-2024** **COURSE PACK 1 -- KABANATA 2** **Wika** **L2: Antas at Barayti ng Wika** Isa pa sa mahalagang katangian ng wika ay ang antas nito. Mababatid na ang isang tao ay napabibilang sa isang lipunan at nauuri siya rito dahil sa antas ng wika na kadalasan niyang ginagamit. Dagdag pa rito, may iba't ibang barayti ng wika dulot ng pagkakaiba ng bawat indibidwal o lahi (lipunang kinabibilangan, antas ng edukasyon, kabuhayan, edad, kasarian at etnikong grupo na kinabibilangan). Dahil sa mga inilahad na pagkakaiba ay nagbunga ng samot-saring baryasyon, at dito na sumibol ang mga barayti ng wika, batay na rin sa hindi pagkakatulad ng mga indibidwal. Kaya't kinakailangan na mabatid ng bawat isa ang mga antas at barayti ng wika nang sa ganoon ay maipantay niya ang kaniyang sarili sa mga taong kaniyang kinakausap o tagapakinig. **Para sa layuning pang- edukasyon lamang** **ANTAS NG WIKA** Tayo bilang isang tao ay may iba't ibang pangangailangan. Ayon nga kay Maslow sa kaniyang "*Hierarchy of needs*" may iba't ibang antas ang ating mga pangangailangan: (1) pisyolohikal; (2) seguridad at kaligtasan; (3) pangangailangang panlipunan; (4) makamit o matamo ang respeto sa sarili at ng ibang tao at; (5) kaganapan sa pagkatao. Gaya ng pangangailangan ng tao ang wika rin ay may mga antas. Ang isa pang makabuluhang katangian ng wika ay ang pagkakaroon nito ng antas. Ano-ano nga ba ang mga antas na ito? Tulad nga ng mga nailahad na halimbawa na makikita sa itaas, ang wika rin ay nahahati sa iba't ibang ayos ayon sa kaantasang kinabibilangan nito. Nahahati ang antas ng wika sa dalawang kategorya. Ang unang kategorya sa antas ng wika ay ang **pormal.** Ano nga ba ang antas na ito? Nakapaloob dito ang mga salitang maayos na nakabalangkas, madalas ginagamit sa mga pormal na diskurso at tanggap ng mas nakararami. Mayroong dalawang uri ang antas na ito, ang pambansa at pampanitikan/panretorika. Ang unang uri ay **pambansa,** ito'y karaniwang ginagamit ng mga awtor sa mga akdang kanilang sinusulat at sa mga pambalarilang babasahin para sa paaralan at pamahalan. Ito rin ay itinuturo sa mga paaralan dahil madali at madalas itong ginagamit lalong-lalo na sa pormal na talakayan. Mga halimbawa nito ay; wika, sayaw, anak at tahanan. Ang pangalawang uri ay **pampanitikan/panretorika,** ito ay ang pinakamataas na uri ng salita na kadalasang ginagamit sa mga malikhaing sulatin lalong-lalo na sa mga akda na may kinalaman sa panitikan gaya ng tula, nobela, maikling kuwento atbp. Ito ay ang karaniwang mga salitang may malalim ang kahulugan, matalinghaga, makukulay, at masining. Mga halimbawa nito ay; may krus sa dibdib, amoy bawang, nasa katanghalian ng buhay. **Para sa layuning pang- edukasyon lamang** Ang pangalawang katergorya sa antas ng wika ay **impormal**, karaniwan itong bukambibig ng nakararami o ito'y gamitin sa araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang antas na ito ay may tatlong uri; lalawiganin, kolokyal at balbal. Una ay **lalawiganin,** dayalektal ang mga bokabularyo nito dahil ito'y gamitin ng isang tiyak na lungsod o lalawigan lamang. Bukod sa mga taong taal nang nagsasalita rito at kapag sila'y nagkikita sa ibang lugar ay likas na nila itong naibubulalas. Malaki rin ang pagkakaiba kung nagkakaroon na ng kakaibang tono o punto. Pangalawa ay **kolokyal,** ang mga salita ay pangkaraniwang gamitin sa pang-araw araw lalong-lalo na sa mga impormal na pagkakataon. Mayroong kaunting kagaspangan ang mga salita subalit maaari rin itong malinang pa batay sa kung sinuman ang nagpapahayag o nagsasalita nito. Sa mga pasalitang komunikasyon ay nagkakaroon minsan ng pagpapaikli ng isa o higit pang mga salita na siya ring mauuri sa antas na ito. Ang mga halimbawa ng pagpapaikli ay: ke'lan (kailan), meron (mayroon), sa'yo (sa iyo). Pangatlo ay **balbal,** tawag nito sa Ingles ay *slang*. Ang mga salitang ito ay nagmula sa mga grupo na nakabuo ng sariling kowd. Sinasabi na ang antas na ito ay mababa, sapagkat mayroong mga ekspertong nagmumungkahi ng mas mababang antas, at ito ang tinatawag na bulgar. Halimbawa ng mga ito, ay ang pangmumura at pagbitiw ng mga salitang kabastusan o hindi kaaya-aya. (Bernales, et al., 2011) **Para sa layuning pang- edukasyon lamang** **BARAYTI NG WIKA** Sa panahon ng pandemya ay nauuso ang samot-saring klase ng halaman na kinagigiliwan ng karamihan. Sa mga halamang ito'y makikita natin ang iba't ibang barayti na kung ikukumpara natin sa mga nagdaang taon ay marami na ang naglabasan kagaya na lamang ng: badjang, mirabilis, *taro* (gabi), atpb. Kagaya ng mga halaman na nabanggit ay may iba't ibang barayti rin ang wika. Ano nga ba ang barayti? Ang salitang **"barayti"** ay nangangahulugang pagkakaiba ayon sa iba't ibang klase, kalidad o kalagayan at dibersidad. Ang bawat lipunan ay may kaniya-kaniyang wika. Sa Pilipinas ay may iilang binansagang mga pangunahing wika at ito ay ang (1) Tagalog, (2) Iloko, (3) Pangasinan, (4) Pampanggo, (5) Waray, (6) Hiligaynon, (7) Cebuano at (8) Bicolano. Ang mga wikang ito ay nagkakaroon ng pagkakaiba o barayti. Ngayon ay tunghayan natin ang iba't ibang barayti ng wika; **Una, Dayalekto.** Wikain ang gamit nito sa ibang aklat. Ang barayting ito ay nalilikha dahil sa dimensyong heograpiko. Ginagamit ang wikang ito sa isang partikular na pook o lalawigan (maliit man o malaki) at rehiyon. Tinatayang mahigit sa apat naraan (400) ang dayalektong ginagamit sa Pilipinas ayon sa pag-aaral ni Renato Constantino. Mga halimbawa nito ay; Bikol -- Dios maray na banggi, Ibanag -- Dios ta gaviyyao, Hiligaynon -- Maayong gab-i, Tagalog -- Magandang gabi. Pansinin ang larawan sa kasunod na pahina. Ano kaya ang dayalektong ginamit? ![](media/image6.png) **Pangalawa, Sosyolek.** Ito ang tawag sa wikang gamitin ng isang tiyak na pangkat o grupo sa isang partikular na lipunan. Nagkakaiba ang mga grupo batay sa kanilang kasarian, edad, trabaho, istatus ng buhay, antas ng edukasyon at iba pa. Ang mga karaniwang halimbawa ay ang mga sumusunod: mga wika ng kababaihan, preso, bakla, matatanda, kabataan at iba pang mga pangkat. **Para sa layuning pang- edukasyon lamang** 1\. Ang *chaka* ng *fes* mo te! (bakla) 2\. *Oh my gash!* Ang gwapo talaga ni *crush* nakita ko siya kanina sa canteen. (estudyante) 3\. Brad, may jamming daw ang banda mamaya. Punta tayo. (rakista) **Pangatlo, Idyolek.** May tatak ang pagiging indibidwal, kaya nga sinasabing indibidwal dahil may natatanging pagkakaiba siya sa iba. Maihahalintulad ito sa finger prints ng isang tao na tanging kaniya lamang at walang ninuman ang makagagaya nito. Kakaiba ang kakanyahan ng isang indibidwal na mababakas sa kaniyang mukha, pagkilos at maging ang tono ng kaniyang pananalita. **Para sa layuning pang- edukasyon lamang** **Pang-apat, Pidgin.** Ito ay hindi katutubong wika ninuman (Nobody's native language). Sa barayting ito ang tagapagsalita ay gumagamit ng isang wika na kung saan hindi siya sanay na gamitin. Layunin lamang ng tagapagsalita na maunawaan ng tagapakinig ang kaniyang mga ipinipahayag o gustong sabihin. Ang taal na nagsasalita ay nagkakaroon ng kanilang halaw o hangong wika ngunit iba ang istruktura dahil mula sa iba pang wika. Ano ang mapapansin ninyo sa pananagalog ng mga intsik? Diba kapag ang salitang gamit nila ay Tagalog ay nag-iiba ang istruktura nito sapagkat hinahango nila ito sa kanilang unang wika. Halimbawa: Mga Intsik sa Binondo ![](media/image7.png) **Panglima, Creole.** Ito'y unang naging pidgin at naging likas na wika sa kalaunan (nativized). Nagkaroon ng ganitong barayti ng wika dahil may mga pangkat na niniwalang sa kanila nagsimula o sumibol ang unang wika. Halimbawa na lamang nito ay ang wikang Chavacano, kung saan nagmula sa dalawang wika na tagalog at espanyol, ang istruktura nito ay naimpluwensyahan ng ating wikang katutubo at hindi masasabi na purong kastila **Para sa layuning pang- edukasyon lamang** **TALASANGGUNIAN** Bernales, Rolando A. et al. 2011. Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon. Mandaluyong City: Mutya Publishing House, Inc. De Vera, Melvin B. et al. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mandaluyong City: Book atbp. Publishing Corp. Kahulugan ng Wika (Ortiz, 2012) [https://www.academia.edu/26847507/KAHULUGAN\_NG\_WIKA ] Komunikasyon sa Akademikong Filipino-SlideShare [https://www.slideshare.net/clydegabriele/komunikasyon-sa-akademikong-filipino105899907] Macaraig, Milagros B. 2004. Sulyap sa Panulaang Filipino. Manila: Rex Bookstore Inc. Tumangan, Alcomister P. et al. 2000. Sining ng Pakikipagtalastasan: Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya Publishing Inc. **Para sa layuning pang- edukasyon lamang**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser