ARALIN 1: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses different types of writing, focusing on how academic writing is used in various contexts. This document appears to be educational material outlining the different types of academic writing in Filipino.
Full Transcript
MGA URI NG PAGSULAT MALIKHAING PAGSULAT ( C R E AT I V E W R I T I N G ) Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malilikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tun...
MGA URI NG PAGSULAT MALIKHAING PAGSULAT ( C R E AT I V E W R I T I N G ) Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malilikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang isip lamang. Halimbawa: Maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp. TEKNIKAL NA PAGSUL AT (TECHNIC AL WRITING) Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Bagama’t maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na makakaunawa nito ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan. Halimbawa: Feasibility Study on the Construction of Platinum towers in Makati Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina P RO P ESYO NAL NA PAGSUL AT ( P RO F E S S I O N A L W R I T I N G ) Mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang pansin ito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokason ng isang tao. Halimbawa: Guro - Lesson Plan, paggawa at pagsuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit o assessment Doktor/Nars - medical report, narrative report tungkol sa physical examination ng pasyente Kailangang pag-aaralan habang nag-aaral pa. DYO R NAL IST IK NA PAGSUL AT (JOURNALISTIC WRITING) Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Mahalagang ang mga taong sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radio at telebisyon. Halimbawa: Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo, R EP ER ENSIYAL NA PAGSUL AT (REFERENTIAL WRITING) Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkuna ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling bahagi ng isinagawang pananliksiko kaya naman ay sa kabnatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL). A K A D E M I KO N G PAG S U L AT ( AC A D E M I C W R I T I N G ) Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo et al. (2005), sa aklat na Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na partickular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginawang pananaliksik. Ayon naman kay Edwin Mabilin at al. (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akaademikong pagsulat. Lubos ding pinapataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at trabaho. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT SA MUNDO NG SA PAG-AARAL EMPLEYO Mahalagang masagot ng maayos ng Ang isang tao ay kailangan marunong mga mag-aaral ang mga pagsusulit na sumulat ng liham ng alplikasyon, may nangangailangan ng masusing kakayahang gumawa ng project pagpapliwanag, makabuo ng proposal, gumawa ng anunsiyo, umapela organisadong ulat, makapagtala ng mga sa paglikom ng pondo, sumagot sa mga resulta ng pagsusuri at pakiusap at tanong ng mga kliyente, eksperimentasyon, at higit sa lahat ay makapagpasa ng makabuluhang na makalikha ng mga papel na pinagagawa ng manager, at marami pang pananaliksik. iba. ANG PAGGAMIT NG AKADEMIKONG FILIPINO SA PAGSASAGAWA NG AKADEMIKONG PAGSULAT Madalas na iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang Akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturong na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-aaral, guro, administrador, gusali, kurikulum, at iba pa. Higit sa lahat hindi magagnap ang anumang adhikain ng isang akademya kung wala ang instrument upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika. AKADEMIKONG FILIPINO Ang Akademikong Filipino ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino. Sa paggamit ng Akademikong Filipino, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng intelektuwalisasyon. Kaya naman sa kasalukuyan, hindi lamang sa mababang paaralan at high school pinagbubuti ang pagtuturo at paggamit ng wika kundi pati na rin sa mga kolehiyo at unibersidad, gaya ng Univbersidad ng Pilipinas. Ayon kay Vivencio Jose (1996), isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya. Naniniwala siyang kailangan ang masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang dumadaloy sa wikang Filipino. Higit na maging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang alam niya ito matatamo. BAKIT KAILANGAN PAG-ARALAN ANG AKADEMIKONG PAGSULAT? Bilang pagtugon sa layuning nakasaad sa paggamit ng akademikong Filipino, isasama sa kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin, sasanayin, at hubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya, kolehiyo, at maging graduate school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat. Sa inyong pag-aaral ay ikinintal sa inyong isipan ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at higit sa lahat ang mga tuntunin sa paggamit nito. Kabilang sa mga pagsasanay na ito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng pamanahong papel, at pananaliksik. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Kailangang ang mga datos na isinulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag- aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng OBHETIBO personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinion. Dahil ang karaniwang ginagamit sa akademiong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit PORMAL ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisipan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong MALIWANAG sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-uugnay AT ORGANISADO ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa katangiang kaisahan at maasyos na pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin. Mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay M AY PA N I N I N D I G A N mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa. Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapt na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapananagutan ang mga manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ay MAY PANANAGUTAN isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng inyong ginawa. Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang iba’t ibang IBA’T IBANG uri ng akademikong sulating isa- URI NG isang tatalakayin sa kabuoan ng AKADEMIKONG inyong pag-aaral. Hindi mo lamang PAGSULAT matutuhan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga ito. ABSTRAK SINTESIS/BUOD BIONOTE PANUKALANG PROYEKTO TALUMPATI ADYENDA KATITIKAN NG PULONG POSISYONG PAPEL REPLEKTIBONG SANAYSAY PICTORIAL-ESSAY LAKBAY-SANAYSAY Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin siya pag- iisap.