ARALIN-5-TALUMPATI PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng talumpati. Kasama sa mga tinalakay ay ang biglaang talumpati, maluwag na talumpati, manuskrito, at isinaulong talumpati.
Full Transcript
IKALIMANG LINGGO PAGKATAPOS MONG SAGUTAN ANG MODYUL NA ITO, IKAW AY INAASAHANG: 1. Naipaliliwanag ang mga terminong may kaugnayan sa talumpati. 2. Nailalahad ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati. 3. Nasusuri ang halimbawa ng talumpati. 4. Nakasusulat ng talumpati mula s...
IKALIMANG LINGGO PAGKATAPOS MONG SAGUTAN ANG MODYUL NA ITO, IKAW AY INAASAHANG: 1. Naipaliliwanag ang mga terminong may kaugnayan sa talumpati. 2. Nailalahad ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati. 3. Nasusuri ang halimbawa ng talumpati. 4. Nakasusulat ng talumpati mula sa napakinggang halimbawa nito. TALUMPATI Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang tiyak na paksa. Hindi magiging ganap ang talumpating isinulat kung hindi ito mabibigkas sa harap ng madla. APAT NA URI NG TALUMPATI: Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. 1. BIGLAANG TALUMPATI (IMPROMPTU)- Ang uri na ito ng talumpati ay ibinibigay nang walang paghahanda o biglaan. Kasabay ng pagbibigay ng paksa ang oras ng pagsasalita. Ang tagumpay ay nakabatay sa mga mahahalagang impormasyon na kailangang mapakinggan ng madla. 2. MALUWAG (EXTEMPORANEOUS)- Sa uring ito, nabibigyan ng ilang minuto ang tagapagsalita upang makabuo ng outline ng mga mahahalagang kaisipan na kanyang ipapahayag batay sa paksang ibinigay. 3. MANUSKRITO Ang tagapagsalita ay may hawak na nakasulat na bersyon ng kanyang talumpati. Ginagamit ang uring ito sa mga seminar, kumbensyon o programa sa pagsasaliksik kaya ito ay dapat na lubos na pinaghandaan. 4. ISINAULONG TALUMPATI Ito ay mahusay ring pinag- aralan at pinaghandaan bago bigkasin sa madla gaya ng manuskrito. Nagkakaroon ng pakikipagugnayan ang tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil wala siyang binabasa habang nagsasalita. MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN: 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos. Makatutulong din ang paggamit ng mga larawan, tsart, dayagram, at iba pa sa pagsasagawa ng ganitong uri ng talumpati. Halimbawa: State of the Nation Address (SONA). 2. Talumpating Panlibang Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong nakakatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Madalas ginagawa ang ganitong talumpati sa mga salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan. MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN: 3. Talumpating Pampasigla Layunin ng talumpating ito na magbigay ng insprasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat nito, tiyaking ang nilalaman nito ay makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao Hal. Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mga paaralan at pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o organisasyon, kumbensiyon at sa iba pang pagdiriwang na kagaya ng mga nabanggit. 4. Talumpating Panghikayat Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay- katwiran at mga patunay. Hal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sermong naririnig sa mga simbahan, kampanya ng mga politiko sa panahon ng halalan, talumpati ng Kongreso, at maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman. MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN: 5. Talumpati ng Pagbibigay-galang Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkuling. 6. Talumpati ng Papuri Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, talumpati ng pagkilala sa isang taong namatay na tinatawag na eulogy, talumpati sa paggagawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahang nakapag-ambag ng malaki sa isang samahan o sa lipunan, at iba pang kagaya ng mga ito. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI A. Uri ng mga Tagapakinig Mahalagang makikilala ng mananalumpati ang kaalaman, interes at pangangailangan ng kanyang magiging tagapakinig. Sinabi ni Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan ang ilan sa mga dapat isaalang-alang ng mananalumpati patungkol sa kanyang madla. 1. Edad o gulang ng mga makikinig 2. Ang bilang ng mga makikinig 3. Kasarian 4. Edukasyon o antas sa lipunan 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig B. Tema o Paksang Tatalakayin Ang tema ng okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ay isa sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati. Kailangang mabatid ang tema ng pagdiriwang upang matiyak ang kaugnayan ng susulating talumpati. 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasah 2. Pagbuo ng Tesis 3. Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o punto C. Hulwaran sa pagbuo ng Talumpati Mahalaga ring mabigyang tuon ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati. Malaki ang epekto sa pagkaunawa ng mga makikinig sa paraan ng pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati. May tatlong hulwarang maaaring gamitin ayon kina Casanova at Rubin (2001). 1. Kronolohikal na Hulwaran 2. Topikal na Hulwaran 3. Hulwarang Problema-Solusyon D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati Mahalagang maisaalang-alang ang pagkakahabi ng nilalaman ng talumpati mula simula hanggang wakas upang maging mahusay, komprehensibo at organisado ito bago bigkasin. Ang isang talumpati ay may tatlong bahagi ayon kina Alemitser P. Tumangan Sr. et al. sa aklat nilang Retorika sa Kolehiyo. 1. Introduksyon 2. Diskusyon o Katawan 3. Katapusan o kongklusyon