Aralin 2 - Pagsasaling-wika (Tagalog)
Document Details
Uploaded by StunningSynthesizer
Tags
Summary
These are Tagalog lesson notes on translation, covering topics like types of translation (literary, technical), understanding the text, and using suitable resources. It includes a sample translation.
Full Transcript
MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA Piktyur Ko, 5 0 4 0 3 0 2 Hulaan 0 1 0 0 1 2 3 4 5 Mo MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA PAGSASALIN...
MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA Piktyur Ko, 5 0 4 0 3 0 2 Hulaan 0 1 0 0 1 2 3 4 5 Mo MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA PAGSASALIN isang mahalagang tulay sa pagtatamo ng kaalaman. Sa pamamagitan nito, natutumbasan ang kaalamang nasa ibang wika sa anyong mauunawaan sa isa pang wika. Hindi nakapagtataka, tinatangka ng iba’t ibang produkto at serbisyong pumapasok sa bansa na gawan ito ng bersiyon sa Filipino. Halimbawa na lang ang mga teleserye, anime, at pelikulang galing sa ibang bansa na naka-dub sa Filipino, gayundin ang mga website at app na puwedeng gawing Filipino ang wika gaya ng Google, Gmail, Youtube, Facebook, Waze, at iba pa. proseso ng paglilipat sa PAGSASALIN pinagsalinang wika (SL) ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin (TL) Ingle Filipino s Salita - Sing Softly Umaawit ng malambot Diwa - Umaawit nang mahina proseso ng paglilipat sa PAGSASALIN pinagsalinang wika (SL) ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin (TL) SL Simulaang tawag sa wika ng tekstong isasalin Lengguwahe TL Tunguhang Lengguwahe tawag sa pagsalinan wikang target ST Simulaang Teksto mismong teksto TT Target na Teksto nais patunguhan Pag-uuri sa PAGSASALIN 1. Pampanitikan. Pagsasalin ng mga akda gaya ng tula, dula, kuwentong-bayan, nobela, maikling kuwento at iba pa. Pag-uuri sa PAGSASALIN 2. Siyentipiko/Teknikal. Pagsasalin ng mga tekstong nanuhol sa purong agham. Gabay sa PAGSASALIN 1.Unawain ang Tekstong isasalin Ang tagumpay ng pagsasalin ay nasa tumpak na pag-unawa sa mensahe ng ST Gabay sa PAGSASALIN 2. Tukuyin ang Uri ng Teksto a. IMPORMATIBO. Kung ang pinakamahalaga sa teksto ang nilalaman nito. Layunin nitong maisalin ang impormasyon o kaalamang taglay ng ST. Ginagamitan ng wikang siyentipiko/Teknikal Gabay sa PAGSASALIN 2. Tukuyin ang Uri ng Teksto b. EKSPRESIBO. Kung ang pinakamahalaga sa teksto ay ang anyo nito. Layunin nitong iparanas sa mga mambabasa ang ganda ng gamit ng mga salita. Gumagamit ng wikang Pampanitikan. Gabay sa PAGSASALIN 2. Tukuyin ang Uri ng Teksto c. OPERATIBO. Kung ang pinakamahalaga sa teksto ay ang magkabisa sa mga mambabasa. Layunin nitong pakilusin ang mga mambabasa tungo sa layuning nais Gabay sa PAGSASALIN 3. Tukuyin ang Teoryang gagamitin sa Pagsasalin Ang teorya ang gagamiting batayan ng tagasalin sa kaniyang mga pagtutumbas. Sa pamamagitan ng teorya, nagkakaroon ng dahilan ang tagasalin sa mga desisyong ginagawa Gabay sa PAGSASALIN 4. Gawan ng dokumentasyon ang salin tinutulungan nito ang tagasalin na maging malaya sa prosesong kaniyang ginagawa, tingnan ang mga opsiyon sa pagtutumbas ng salita, at piliin ang pinakamabuting opsiyon. Gabay sa PAGSASALIN 4. Gawan ng dokumentasyon ang salin Orihinal Salin Paliwanag I will report to Papasok na Dahil ang karaniwang ayos sa Filipino ay school ako sa nauuna ang panaguri bago ang simuno, inilipat tomorrow eskuwelahan ang "ako" sa gitna para mas maging natural ang bukas. pagpapahayag. Kapag sinabi kasing "Ako ay papasok..." magiging ingles pa rin ang estruktura ng pangungusap. "Papasok" naman ang ipinantumbas sa "report" dahil ang tinutukoy ay ang pagdating ng tao, hindi ang pag-uulat niya. Ang translator's notes ay paliwanag sa ginawang pagtutumbas. Tinutulungan nito ang tagasalin na maging maláy sa prosesong kaniyang ginagawa, tingnan ang mga opsiyon sa pagtutumbas ng salita, at piliin ang pinakamabuting opsiyon. Kapag nagkaroon ng kuwestiyon sa ginawang salin, mababalikan ng tagasalin sa translator's notes ang dahilan sa ginawa niyang pagtutumbas at maipaliliwanag ito. Tingnan ang halimbawa sa susunod na pahina. Gabay sa PAGSASALIN 5. Gumagamit ng mapagkakatiwalaang mga sangguniang makatutulong sa pagsasalin. Ilan sa mga sangguniang ito ang mga diksiyonaryong bilingguwal, tesauro, diksiyonaryong teknikal, at iba pa. Gabay sa PAGSASALIN 6. Isaalang-alang ang target na mga mambabasa Dapat kilalanin ng tagasalin ang mga taong pinag-uukulan niya ng salin at isaalang-alang ang kanilang kaikasan sa gagawin niyang salin. Gabay sa PAGSASALIN 7. Tayain ang kalidad ng salin kapag natapos na ito a. Paggamit ng instrumento sa pagtataya b. subok-unawa c. subok-gamit d. balik-salin paggamit ng instrumento sa patataya - maaaring gumawa ng talatanungan na pasasagutan sa mga eksperto sa paksa (hal., kung tungkol sa sakit ang teksto, maaaring magpasuri ng salin sa doktor), eksperto sa wika (hal., sa isang lingguwista o guro sa Filipino), at target na mámbabasá ng salin (hal., kung para ito sa mga atleta, magpasagot sa mga atleta). Susuriin ng mga nilapitang eksperto ang ginawang salin ayon sa katumpakan, kalinawan, at pagiging katanggap-tanggap nitó. Isaalang- alang ang kanilang mga feedback sa gagawing rebisyon. súbok-unawa - maaaring ipabása sa target na mámbabasá ang ginawang salin. Maaari siyáng tanungin kung naunawaan niya ang salin. Kung hindi, maaaring alamin ang mga tiyak na baha- ging hindi niya naintindihan at rebisahin ang mga ito. súbok-gamit - gaya ito ng súbok- unawa ngunit sa pagka-kataóng ito, tinitingnan kung masusunod ng mámbabasá ang mga panutong isinasaad ng salin. Kapag hindi niya nagawa ang inaasahang gawain, ibig sabihin, maaaring may mali sa pagkakasalin ng panuto at dapat itong rebisahin. balik-salin - sa parang ito, isinasalin ang teksto pabalik sa SL. Maituturing na tumpak ang ginawang salin kapag malápit ito sa orihinal na bersiyon. Kung hindi, kailangang balikán ang ginawang pagsasalin dahil bakâ may mga salitang hindi natumbasan nang PAGSASANAY PAGSASALING-WIKA Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga halimbawang salin. Isulat ang A kung isa itong halimbawa ng pagsasaling pampanitikan at B kung isang halimbawa ng pagsasalipang pang-siyentipiko/teknikal. 1. Pagsasalin ng nobelang Aprikano na Things Fall Apart ni Chinua Achebe 2. Pagsasalin ng "No approved therapeutic claims" sa pa-kete ng mga food supplement 3. Pagsasalin ng isang talata sa ensiklopidya tungkol sa arachnid, ang pamilya ng mga gagamba, alakdan, at anay 4. Pagsasalin ng mga divalogo sa isang Koreanovela 5. Pagsasalin ng isang artikulo tungkol sa proseso ng mummification 6. Pagsasalin ng alamat ng kape mulâ sa Ethiopia “If I were in your shoes” PANLINANG NA GAWAIN: Pagsasaling-wika Panuto: Isalin ang awiting "Born for You" ni David Pomeranz sa wikang Filipino. Pamantayan: Nilalaman - 10 Gramatika - 10 Presentasyon - 5 PANLINANG NA GAWAIN: Pagsasaling-wika None of them seem to matter when I look into Too many billion people running around the planet What is the chance in heaven that you'd find your eyes your way to me Now I know why I belong here Tell me what is this sweet sensation In your arms I found the answer It's a miracle that happened Somehow nothing would seem so wrong here Though I search for an explanation If they'd only realize that Only one thing it could be That I was born for you I was born for you and that you were born for It was written in the stars me Yes, I was born for you And in this random world, this was clearly And the choice was never ours meant to be It's as if the powers of the universe What we have the world could never Conspired to make you mine until the day I die understand I bless the day that I was born for you Or ever take away until the day I die Too many foolish people try to come between us I bless the day that I was born for you What we have the world could never PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN KAGANDAHANG LOOB Paano nakatutulong sa paggawa ng mga bagay bagay ang pagkakaroon ng katangiang mapamaraan? Mahalaga bang taglayin ang katangiang mapamaraan? Patunayan. GAWAING-UPUAN Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga halimbawang salin. Isulat ang A kung isa itong halimbawa ng pagsasaling pampanitikan at B kung isang halimbawa ng pagsasaling Pagsasalin ng nobelang Aprikano na Things Fall pang-siyentipiko/teknikal. Apart ni Chinua Achebe. 2.Pagsasalin ng "No approved therapeutic claims" sa pakete ng mga food supplement. 3. Pagsasalin ng isang talata sa ensiklopidya tungkol sa arachnid, ang pamilya ng mga gagamba, alakdan, at anay. 4. Pagsasalin ng mga diyalogo sa isang Koreanovela. 5. Pagsasalin ng alamat ng kape mula sa Ethiopia. TAKDANG-ARALIN Panuto: Basahin ang dulang Sangandaan: Isang malungkot na Bodabil, pahina 147-157 bilang paghahanda sa susunod na aralin.