FIL. Aralin 4 Workshop Aktuwal na Pagsasalin PDF

Summary

This document is a workshop on Filipino translation, covering various aspects such as understanding the source text, finding equivalents in Tagalog, and adapting to different contexts. It emphasizes the use of native Filipino words and cultural considerations in translations .

Full Transcript

AKTUWAL NA PAGSASALIN Aralin 4 Filipino: Panimulang Pagsasalin PROSESO NG PAGSASALIN Paghahanda sa Pagsasalin Aktuwal na Pagsasalin Ebalwasyon...

AKTUWAL NA PAGSASALIN Aralin 4 Filipino: Panimulang Pagsasalin PROSESO NG PAGSASALIN Paghahanda sa Pagsasalin Aktuwal na Pagsasalin Ebalwasyon ng Salin Prinsipyo Blg. 1 Unawain nang mabuti ang tekstong isasalin. Basahin nang paulit-ulit hanggang makuha ang diwa. Nahúli ba ang kahulugan? Workshop Ilipat ang tekstong isasalin sa sumusunod na talahanayan. Paghiwa-hiwalayin ang mga ito sa bawat hanay upang mabigyan ng partikular na tuon. Ideal, kada pangungusap o paparirala ang putol. Orihinal* Salin Paliwanag COVID-19 affects different people in different ways Most infected people will develop mild to moderate illness and recover without hospitalization. Workshop Unawain ang ST, bilang kabuoang teksto at bilang magkakahiwalay na yunit. Orihinal* Salin Paliwanag COVID-19 affects different people in different ways Most infected people will develop mild to moderate illness and recover without hospitalization. Prinsipyo Blg. 2 Kapag naunawaan na ang kahulugan o diwa ng ST, tumbasan na ito sa TL. TUMBÁSAN NG SL at TL Pangunahing hámon sa proseso ng pagsasalin 7 GABAY SA PAGTUTUMBAS NG SALITA PARA SA PAGSASALIN MULA INGLES PATUNGO SA FILIPINO 1. Hanapin ang katumbas mula sa kaban ng salita ng wikang Filipino na nakabatay sa Tagalog. SL = TL tree punò child batà water tubig cloud ulap chair upuán 2. Hanapin ang katumbas mula sa ambag ng mga wikang katutubo sa Pilipinas. 130 wikang katutubo Mga karagatan ng mga salitang nagpapahayag ng pagiging multikultural ng mga Pilipino a. Maláy, mapanuri at malikhaing paggamit ng mga salitang katutubo bilang panumbas sa mga konseptong banyaga imagination haráya (Cebuano) surface rabáw (Ilokano) hegemony gahúm (Cebuano, Hiligaynon) justice katarungan (Cebuano, Hiligaynon, Kapampangan b. Ginagamit din ang mga katutubong wika upang mas maging tiyak ang panumbas sa Filipino husband bána (Hiligaynon, Cebuano, Tausug) seed líso (Cebuano, Maranaw, Waray) play dulâ (Cebuano) justice katarungan (Cebuano) c. Ambagan ng mga salitang katutubo = Multikultural na batayan ng Filipino vakul tradisyonal na kasuotan sa ulo ng mga kababaihan sa Batanes ukkil sining ng pag-uukit mula sa Sulu payyó tawag ng mga Ifugao sa kanilang palayan sa kabundukan cañao ritwal para sa iba’t ibang okasyon ng buhay ng mga taga-Hilagang Bulubundukin ng Luzon d. Pagkilala sa katutubong tunog ng mga titik na F, J, V, at Z Salita Wikang Pinagmulan Kahulugan alifuffug Itawes ipuipo safot Ibaloy sapot ng gagamba falendag Tiruray plawtang may nakaipit na dahon sa ihipán jambangan Tausug halaman julúp Tausug masamang ugali avid Ivatan ganda kuvat Ibaloy digma kazzing Itawes kambing zigattu Ibanag silangan 3. Kung manghihiram ng katumbas sa mga dayuhang wika, unang gamíting panumbas ang mga salitang hiram mula sa Español Ambagan vs. Panghihiram wikang katutubo wikang banyaga a. Hispanismo sa Filipino Ingles Español Filipino bottle botella bote wall pared pader time hora oras godfather padrino ninong Alam mo ba kung ano ang katumbas sa Filipino mga salitang Español na ito? - caballo - hermana - cuchara b. Higit na umaalinsunod ang wikang Español sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles Hal., bakuna (vacuna) vs baksin (vaccine) biyolohiya (biología) vs bayolodyi (biology) krisis (crisis) vs kraysis (crisis) 4. May mga salitang Ingles na higit katanggap-tanggap gamiting panumbas kaysa panatilihin sa orihinal Hal., Puwede nang gamítin nang buo at hindi na kailangang ireispel sa Filipino kung gagamitin ang mga salitang: coronavirus, contact tracing, lockdown, laptop, smartphone, hamburger, fries, at maraming iba pa Liban na lang kung ang mga salitang Ingles ay natumbasan na sa mga gamitíng sanggunian gaya ng sumusunod; sa gayong kaso, gamitin ang ibinigay na katumbas: Dahil sa pagkilala sa mga tunog na F,J,V, at Z, maaari na ring hiramin nang buo ang sumusunod na salitang Ingles: F- fern, folder, fax, J- jam, jaywalking, jar, jogging V- envoy, develop, visa, vertebra Z- zipper, zip, zigzag, zoo 5. May mga salitang banyaga ding maaaring ireispel sa Filipino Hal., protocol - protokol janitor - dyanitor channel - tsanel Banyagang Pinagmulang Saling Isina- Salita Wika Filipino stand by Ingles istambay Mga salitang banyaga na inampon at coup’d’etat Pranses kudeta naisakatutubo na sa Filipino bongsu Malay bunso devata Sanskrit diwata binpo Hokkien bimpo Hindi lahat ng salitang hiram mula sa Ingles at iba pang wika ay maaaring agad na isa-Filipino. 1. Nagiging kakatwa (awkward) o katawa-tawa ang anyo sa Filipino, hal. “prens prays” (French fries), “bukey” (bouquet) 2. Nagiging higit pang mahirap basahin ang bagong anyo kaysa orihinal, hal. “karbon day-oksyad” (carbon dioxide), “debu” (debut), “dyuti-fri” (duty free) 3. Nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan (hal. “sosyal jastis” para sa “habyas korpus”) 4. Higit nang popular ang anyo sa orihinal (hal. vlog, software, social media) 5. Lumilikha ng kahulugan ang bagong anyo dahil may kahawig na salita sa Filipino (hal. “pitsa” para sa “pizza”) 6. Hindi kailangang agad na bigyan ng bagong katumbas ang mga salitang banyaga, mga pangngalang pantangi, mga salitang mahirap ireispel, at katawagang siyentipiko at teknikal. Hindi na kailangang tumbasán: a. mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga Hal., Charles, Catherine, Montaño, Santo Niño, Enrique, Quirino, Nueva Vizcaya, Vancouver, Xerxes, Maximo, Zenaida, Zion, Zobel, atbp. Hindi na kailangang tumbasán: b. mga salitang mahirap na dagliang ireispel: Hal., cauliflower, jaywalking, pizza, zebra, zoo, atbp. Hindi na kailangang tumbasán: c. mga katawagang siyentipiko at teknikal: “jus sanguinis,” “quo warranto,” “valence,” “x-axis,” “oxygen,” “zeitgeist,” “zero,” “zygote”, atbp. Paano malalaman kung ang salita ay bahagi ng wikang siyentipiko at teknikal? Wikang Teknikal isang varayti ng wika na nagtataglay ng tiyak at partikular na mga katangian ng bokabularyo at sa higit na limitadong saklaw ng gramatika. – Isadore Pinchuck Tatlong Uri ng Wikang Teknikal 1. wikang siyentipiko (laboratoryo) 2. wikang pangkasanayan (workshop) 3. wikang pangnegosyo (sales) Nakikita rin ang wikang teknikal sa mga teksto ayon sa tiyak na larang o propesyon Salita Mga Larangan virus Medisina, Agham Pangkompyuter hardware Inhenyeriya, Information Technology plates Arkitektura, Sining ng Pagluluto pasta Dentistry, Sining ng Pagluluto class Edukasyon, Ekonomiks Wikang Siyentipiko Ginagamit sa mga pananaliksik at paglalahad ng mga teorya at haypotesis. Pormal, pasibo at estandardisado ang anyo. Madalas na makikita sa mga tekstong impormatibo at operatibo. 7. Maaari ding lumikha ng bagong salita upang matumbasan ang mga banyagang termino. Ang Pagsasalin ay “Muling Pagtatanim” Lampas sa paghahanap lámang ng tumbasan at hambingan ang pagsasalin. Maaari din itong maging daan upang “muling magtanim” sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong salita. - Virgilio S. Almario Neolohismo mula sa konsepto ng bago (neo) at logos (salita). Konseptong Neolohismo Pinagmulang Ingles Salita grammar balarila bala ng dila Iláng neolohismo sa wikang Filipino literature panitikan pang-titik-an ang mga salitang itinala ni Lope K. percent bahagdan bahagi ng Santos noong sandaan 1940. prefix unlapi una-lapi underline salungguhit saló na guhit Prinsipyo Blg. 3 Bigyan ng tamang pagtutumbas ang mga idyomatikong pahayag ayon sa konteksto. A. Iláng halimbawa ng idyoma na magkatulad sa dalawang wika: Ingles Filipino sand castle kastilyong buhangin old maid matandang dalaga iron fist kamay na bakal B. Iláng halimbawa ng idyoma na may ibang katumbas sa TL ngunit pareho lang ang kahulugan: Ingles Filipino fishwives’ tales kuwentong kutsero / barbero at a snail’s pace usad-pagong still wet behind the ears may gatas pa sa labi C. Iláng halimbawa ng idyoma na walang katumbas kaya maaari na lamang ibigay ang kahulugan: Ingles Filipino red letter day masuwerteng araw green-eyed monster selos apple of the eye paborito Workshop Tumbasan ang bawat pangungusap o parirala ng ST ayon sa mga gabay na tinalakay. Sumubok ng iba’t ibang salin hanggang makuha ang pinakatumpak, pinakamalinaw at pinakanatural na pagtutumbas. Orihinal* Salin Paliwanag COVID-19 affects different people in different ways Most infected people will develop mild to moderate illness and recover without hospitalization. (*Halimbawa lang, gamítin ang sariling teksto.) Prinsipyo Blg. 4 Isaalang-alang ang estruktura ng target na wika. Estruktura ▪ Sa Filipino, ang karaniwang ayos ay nauuna ang panaguri (predicate) bago ang paksa/simuno (subject). Sa Ingles, ang kabaligtaran. ▪ Kapag nagsalin mula Ingles tungong Filipino, dapat iayon ang ayos ng SL sa kung ano ang mas karaniwan sa TL. ▪ Hal., Orihinal Salin The dog is hungry. Gutóm ang aso. Estruktura ▪ Gayunpaman, hindi ganap (absolute) ang tuntuning ito sapagkat may mga pagkakataong mas angkop panatilihin sa simula ang paksa lalo na kung nais itong pag-ukulan ng tuon/pokus/bigat. ▪ Hal., Orihinal Salin The University of Santo Ang Unibersidad ng Santo Tomas Tomas is the oldest ay ang pinakamatandang university in Asia. unibersidad sa Asia. Suriin: Nahúli ba ang estruktura? Tama ba ang sinunod na estruktura kung pagbabatayan ang target na lengguwahe? Workshop Isaayos ang estruktura ng salin ayon sa itinatakda ng teoryang piniling gamítin. (Hal., kung pinili ang formal equivalence ni Nida, kailangang panatilihin ang estruktura ng orihinal. Kung Skopos naman, maaaring talagang umiba sa orihinal depende sa layunin.) Orihinal* Salin Paliwanag COVID-19 affects different people in different ways Most infected people will develop mild to moderate illness and recover without hospitalization. Prinsipyo Blg. 5 Isaalang-alang ang target na mambabása. Pagtukoy sa Pinag-uukulan ng Salin Isaalang-alang ang mga tanong na ito sa ginagawang pagsasalin? Sino ang target audience ng isinasalin? Ano ang kanilang kalikasán (hal., akademiko ba, kaswal, nagmamadali, etc.)? Ano ang uri ng wikang gamit nila? Anong kultura mayroon sila? Paano matitiyak na bagay sa kanila ang salin? Wala bang bahagi ang salin na maaaring makasalíng ng kanilang sensibilidad, makasakít ng kanilang damdamin, o makapagpahamak sa kanila? Workshop Kinisin ang salin upang maisaalang-alang ang pagiging angkop sa target na mga mambabása. Ilagay ang hulíng bersiyon ng salin sa ikalawang kolum kapag naisaalang-alang na ang lahat ng prinsipyong tinalakay. Orihinal* Salin Paliwanag COVID-19 affects different people in different ways Most infected people will develop mild to moderate illness and recover without hospitalization. Workshop Sa ikatlong kolum, magbigay-paliwanag, paano nakarating sa hulíng bersiyon ng salin. Pagtuonan ng paliwanag ang mga naging desisyon ukol sa pagtutumbas ng salita, pag-aayos ng estruktura, pagsasaalang-alang sa mga mambabása, at pagsunod sa teorya. Orihinal* Salin Paliwanag COVID-19 affects different people in different ways Prinsipyo Blg. 6 Iayon ang mekaniks ng pagsulat sa Ortograpiyang Pambansa. Pag-ayon sa Ortograpiyang Pambansa Dahil sa matandang prinsipyong “kung ano ang bigkas, siyáng baybay”, maaaring magkaiba-iba ang mekaniks ng pagsulat sa buong kapuluan. Upang magtagpo-tagpo sa pare-parehong pag- unawa, mahalaga ang pagkakaroon ng estandardisasyon sa paggamit ng wika. Suriin ang kalakip na Manwal sa Masinop na Pagsulat at iayon dito ang mekaniks ng pagsulat. AKTUWAL NA PAGSASALIN Aralin 4 Filipino 2: Panimulang Pagsasalin

Use Quizgecko on...
Browser
Browser