Mod 1- Batayang Konsepto sa Panimulang Pagsasalin Aralin 1 PDF

Summary

This document is about the fundamental concepts of introductory translation in Tagalog. It focuses on the definition of translation, a brief history of translation in the Philippines, scope of the translation studies, and translation process.

Full Transcript

KAHULUGAN; MAIKLING KASAYSAYAN NG PAGSASALIN SA PILIPINAS SAKLAW NG ARALING SALIN; PROSESO NG PAGSASALIN Panimulang Pagsasalin ARALIN 1 SIGHT TRANSLATION Subuking isalin nang on-the-spot ang sumusunod na mga pahayag na karaniwan nating mababása sa paligid. SIGHT TR...

KAHULUGAN; MAIKLING KASAYSAYAN NG PAGSASALIN SA PILIPINAS SAKLAW NG ARALING SALIN; PROSESO NG PAGSASALIN Panimulang Pagsasalin ARALIN 1 SIGHT TRANSLATION Subuking isalin nang on-the-spot ang sumusunod na mga pahayag na karaniwan nating mababása sa paligid. SIGHT TRANSLATION This program is rated SPG, it contains scenes which may not be suitable for children, strong parental guidance is advised SIGHT TRANSLATION Change the way you speak about yourself, and you can change your life-@BruceLee SIGHT TRANSLATION Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education. SIGHT TRANSLATION SIGHT TRANSLATION PAGPOPROSESO ✔ Kumusta ang ginawa ninyong pagtutumbas?Ano ang pangunahin ninyong konsiderasyon habang ginagawa ito? ✔ Ano, para sa inyo, pagsasalin? KAHULUGAN NG PAGSASALIN ▪ Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likás na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa, ay sa estilo (Eugene A. Nida, 1964). 1914-2011, American Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. KAHULUGAN NG PAGSASALIN ▪ Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita (Theodore H. Savory, 1968). 1896-1980, British Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. KAHULUGAN NG PAGSASALIN ▪ Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng VOCABULARY tumatanggap na wika 1925-2014, American (Mildred L. Larson, 1984). Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. KAHULUGAN NG PAGSASALIN ▪ Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitán ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika (Peter Newmark, 1988). 1916-2011, British Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. PAG-USAPAN NATIN Batay sa mga kahulugang ibinigay ng mga muhon sa pagsasalin, ano-anong mga paglalahat ang maibibigay natin tungkol sa pagsasalin? Hugutin natin ang mga susing-salita… KAHULUGAN NG PAGSASALIN ▪ Nagmula sa salitang Latin na “translatio” na nangangahulugang “pagsalin”. ▪ Hindi na kailangang tawaging “pagsasaling-wika” dahil ito ay redundant. Sa saliksik ni Almario sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754), ang kahulugan ng “salin” ay transladar (paglalapat ng salita para sa salitang nasa ibang wika). Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. KAHULUGAN NG PAGSASALIN ▪ Isang matandang kawikaang Italiano ang “traduttore, traditore” na nangangahulugang “tagasalin, taksil.” ▪ Pag-usapan natin: Bakit kaya nasabing pagtataksil ang pagsasalin? Sang-ayon ba kayo rito? Bakit o bakit hindi? Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. KAHULUGAN NG PAGSASALIN Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang malaya naman kapag iyon ay may kalabuan datapuwa’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan. – PACIANO MERCADO RIZAL (1886) Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF PAG-USAPAN NATIN Ano ang priyoridad Ano-ano ang Paano ang daloy ng sa pagsasalin? dalawang pagsasalin? elementong dapat mayroon sa pagsasalin? - Kahulugan - SL (source SL TL - Estruktura language o - Estilo simulaang - Pinaglalaanang lengguwahe) tao - TL (target language o tunguhang lengguwahe) KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN 1.Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika 2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN 3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura sa daigdig mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. Dalawang Pangkalahatang layunin sa pagsasalin: 1. Imitasyon o panggagaya- gawaing sumasaklaw sa paghahanap na katumbas na salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda. “Pag-big sa Tinubuang lupa” salin ni Marcelo H. Del Pilar sa akda ni Rizal na “ El Amor Patrio”na parehong sanaysay Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF Dalawang Pangkalahatang layunin sa pagsasalin: 2. Reproduksiyon o muling-pagbuo ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin. Nagbibigay ito ng kalayaan at pleksibilidad sa proseso ng pagsasalin. Maaari itong mangahulugan ng pagsasapanahon. Maaari itong umabot sa paglalapat ng wikang higit na naiintindihan ng mambabasá ng salin. Maaari itong mangahulugan ng paglilipat ng orihinal túngo sa isang anyong ipinalalagay na mas ninanais basahin ng madla. “Pag-ibig sa Tinubuang lupa” muling isinalin ang “El Amor Patrio” sa anyong Tula ni Andres Bonifacio, mas tinangkilik ng madla Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF KUNG BAKIT DAPAT MAGSALIN 1. Selection 2. Codification 3. Implementation 4. Elaboration Sanggunian: Haugen, E. Dialect, Language, Nation. 1966. MAIKLING KASAYSAYAN Sinasabing kasintanda na ng panitikang nakasulat ang pagsasalin. Ilan sa mga bahagi ng epiko ni Gilgamesh ng Sumeria ay kinatagpuan ng salin sa iba’t ibang wikang Asiatiko. Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. MAIKLING KASAYSAYAN Isa sa mga unang tekstong naisalin ay ang Bibliya. Iginiit ni San Agustin na sadyang wasto ang Septuagint, ang bersiyong Griyego ng Ebanghelyo ng mga Ebreo dahil ayon sa alamat, 70 Griyegong Hudyo ang nagsalin nito ngunit nagkaisa sila sa salin bagama’t Septuagint magkakahiwalay silang nagsalin. (332 B.C.) Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. MAIKLING KASAYSAYAN Sa kaniyang Letter to Pammachius (395 AD), pinaboran ni San Geronimo ang salita-sa-salitang salin ng Bibliya dahil “ang mismong paghahanay ng salita ay isang misteryo.” San Geronimo, Patron ng Pagsasalin, kapistahan tuwing ika-30 ng Setyembre Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. MAIKLING KASAYSAYAN Pagsasalin sa Ingles ng Bibliya, unang lumabas noong 1382, isinagawa ni John Wycliffe https://en.ppt- online.org/508481 https://www.d.umn.edu/lib/bible/images/wy1453.jpg MAIKLING KASAYSAYAN A. PANAHON NG KASTILA Kasintanda din ng nakalimbag na panitikan ang pagsasalin sa Pilipinas. Ang unang aklat na nailimbag, ang Doctrina Cristiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika. Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. MAIKLING KASAYSAYAN Nasundan pa ito ng pagsasalin ng mga tekstong moral o relihiyoso noong Panahon ng mga Español mula wikang Español tungong mga katutubong wika (hal., Tagalog, Cebuano, Kapampangan, etc.) sa layuning indoktrinahan ang mga Pilipino Barlaan at Josaphat, ang unang nobelang Tagalog, na salin ni Fray Antonio de Borja Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. MAIKLING KASAYSAYAN Bago matapos ang ika -18 siglo, salin para sa tanghalan at aliwan https://www.tagaloglang.com/florante-at-laura-buod- summary/ MAIKLING KASAYSAYAN Bago matapos ang ika - 18 siglo, salin para sa bagong kamulatan (may layuning nasyonalista) https://pinoycollection.com/noli-me-tangere-buod/ MAIKLING KASAYSAYAN B. PANAHON NG AMERIKANO - Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga akdang nasa wikang Ingles -Rolando Tinio maraming naisaling klasiko -National bookstore (1971) ipinasalin ang mga popular na nobela at kuwentong pandaigdig gaya “Rapunzel”, “The little Prince” atbp -Goodwill Bookstore –naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas , Kant atbp. - The Children’s Communication Center –nagsalin at naglathala ng mga kuwentong mula Asya, Palaso ni Rama, Palaso ni Wujan atbp MAIKLING KASAYSAYAN C. Patakaran Bilinggwal -Pagsasalin ng mga materyales pampaaralan gaya aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa. MAIKLING KASAYSAYAN D.Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di-Tagalog LEDCO(Language Education Council of thePhilippines) SLATE (Secondary Language Teacher Education ) Gumil(Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano) Ford Foundation – nagkaloob ng tulong pinansyal sa mga proyektong pagsangguni at pagsasalin MAIKLING KASAYSAYAN Paglawak ng mga paksang isinasalin, pagsasalin ng mga panitikan sa iba’t ibang wika ng Pilipinas Pagpapalakas ng pambansang kamulatan https://www.cebuanostudiescenter.com/dulaang-cebuano/ https://vdocuments.mx/panitikan-ng-reh-i.html MAIKLING KASAYSAYAN Dekada 70 – tungo sa pormalisasyon at propesyonalisasyon (Batas Militar) Mga paaralan, nagbukas ng kursong BA Pagsasalin (UP, UST, PNU, DLSU) https://www.slideshare.net/padepaonline/mai kling-kurso-sa-lipunan-at-rebolusyong-pilipino MAIKLING KASAYSAYAN Dekada 80 – tungo sa pormalisasyon at propesyonalisasyon Pagkakabuo ng Pambansang Samahan ng Pagsasaling-wika MAIKLING KASAYSAYAN Pinagtalunan din kung ang pagsasalin ay isang sining o agham. Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. MAIKLING KASAYSAYAN Ang pagsasalin daw ay agham dahil sa pinagdaraanan nitong proseso. Ang pagsasalin naman daw ay sining dahil sa ginagawa ditong muling paglikha. Sanggunian: Batnag, A. at Petras, J. Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, 2009. MAIKLING KASAYSAYAN Dahil sa mabilis na takbo ng pandaigdigang ekonomiya, asahan ang mas marami pang lokalisasyon ng mga produkto at serbisyo upang lalong umayon sa kalikasán ng mga target nitong mamamayan. Isa ito sa magtutulak sa lalo pang pagsasalin. Ang pagsasalin ay isang gawaing walang-kupas at lalong nagiging mahalaga sa daigdig. Maikling Kasaysayan Ayon kina Minako O’Hagan (2002), ang lokalisasyon ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa. - Kailangang lumikha ang pagsasalin ng “pang-akit na domestiko” sa target na pook upang mabisàng mailipat ang anumang impormasyon at kaalaman. Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF Sa kasalukuyan... Internationalization means the process of designing and developing a product, website, game or application, so they can be easily localized for targeted markets that may vary in terms of culture, language, or region. Internationalization is actually a preliminary process before focusing on localization. Localization refers to the adaption of a product or a service to a specific language or culture, in order to meet all the requirements needed to a desired local “look and feel”. It is an essential and a must-have business strategy, where translation is a central activity, but it’s only a part of this complex process. Halimbawa Anyo ng produktong global Lokalisasyon ng produkto https://www.nestle-family.com/en/brand/nescafe at https://pinoystore.kr/store/nescafe-coffee-sachet/ Saklaw ng Aralin salin Mga Larang ng Araling Salin (Williams at Chesterman 2002) 1. text analysis and translation 2. translation quality assessment 3. translation of literary and other genres 4. multi-media translation 5. translation and technology 6. translation history 7.translation ethics 8.terminology and glossaries 9.translation process 10.translator training 11.translation profession Saklaw ng Araling Salin Ang tinatawag ngayong aralin sa pagsasalin (translation studies) ay isang malawak na bukirin at patuloy na nililinang dahil sa matindi at patuloy na lumalaking pangangailangan sa pagsasalin sa buong mundo(Almario,2016). Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF MGA URI NG SALIN 1. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal Kabílang dito ang lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, aplayd na agham at teknolohiya. Mas abstrakto at mas mahirap isalin ang mga tekstong siyentipiko (purong agham) ngunit may estandardisado na itong mga termino na makakatulong sa pagsasalin. Sanggunian: Jody Byrne. Technical Translation: Usability Strategies for Translating Technical Documentation, 2006. MGA URI NG SALIN 1. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal Ang mga tekstong teknikal (aplayd na agham at teknolohiya) ay mas kongkreto, mas kolokyal at mas madaling unawain. Layunin ng pagsasaling teknikal na mailahad ang mahahalagang impormasyon sa paraang madali, maayos at epektibo. Sanggunian: Jody Byrne. Technical Translation: Usability Strategies for Translating Technical Documentation, 2006. MGA URI NG SALIN 1. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal Sa pagsasaling teknikal, hindi mahalaga ang estilo basta basta ang nilalamang impormasyon ay maisalin nang hindi nababago mula SL tungong TL (Landers, 2001). Sanggunian: Bahaa-eddin A. Hassan. Literary Translation, Aspects of Pragmatic Meaning, 2011. MGA URI NG SALIN 2. Pagsasaling Pampanitikan Sinasalamin nito ang imahinatibo, intelektuwal at intuwitibong panulat ng may-akda; natatangi ang tekstong pampanitikan dahil sa estetika o ganda nito. Sanggunian: Bahaa-eddin A. Hassan. Literary Translation, Aspects of Pragmatic Meaning, 2011. MGA URI NG SALIN Mga katangian ng tekstong pampanitikan ayon kay Belhaag (1997): - Nagpapahayag ng damdamin (ekspresibo) - Bukás sa iba’t ibang interpretasyon (konotatibo, subhetibo) - Nakatuon sa anyo at nilalaman - Hindi kumukupas at para sa kahit sinong mambabása - May tendensiyang tumaliwas sa mga tuntuning pangwika Sanggunian: Bahaa-eddin A. Hassan. Literary Translation, Aspects of Pragmatic Meaning, 2011. Proseso ng Pagsasalin Paghahanda sa Pagsasalin Aktuwal na Pagsasalin Pagsusuri Salin Simulaing gawain sa Pagsasalin 1.Dapat maunawaan ng tagasalin ang kahulugan at ang ibig sabihin ng orihinal na awtor. 2.Dapat nauunawaan ang SL at TL 3.Dapat umiwas sa tumbasang salita-sa- salita 4.Dapat gumamit ng anyo ng salita na alam ng nakararami sa TL. 5.Dapat malapatan ng angkop na himig ang himig ng orihinal. Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF Paghahanda sa Pagsasalin Aktuwal na Pagsasalin Pagsusuri ng Salin Aktuwal na Pagsasalin Paghahanap ng salita na pantumbas sa isinasaling salita. Ang gawaing ito ay malimit na depende sa tagasalin—sa kaniyang layunin—na depende rin sa kaniyang kaalamang pangwika, sa ninanais niyang epektong pampanitikan, sa kaniyang paboritong salita, sa kaniyang mood hábang nagsasalin. Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin. KWF Proseso ng Pagsasalin Paghahanda sa Pagsasalin Aktuwal na Pagsasalin Pagsusuri ng salin Pagsusuri ng Salin Napakalaking tulong ang intelihente at masinsinang pagsuri sa mga salin tungo sa inaasam nating paglusog ng pambansang pagsasalin. Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF Halaga ng Pagsasalin sa sariling larang 1.Pagharap at paglutas sa karaniwang suliranin na paglilipat ng kaisipan, kaalaman at laro-sa salita mula orihinal tungo sa pinagsalinang wika ; 2.Nawawala ang balakid ng pagkakaiba –iba ng wika sa pagkakaunawaang global 3.Pagsasaalang-alang ng tagasalin sa pangangailangan ng kanyang panahon at Lipunan 4.Makatulong sa adhikang pang-edukasyon o isang pambansang adyenda sa pagsasalin 5.Pambansang kaunlaran /Pagsulong o pagyabong ng wika Almario,Virgilio.(2016) Batayang pagsasalin :ilang patnubay at babasahin.KWF KONGKLUSYON Dahil sa mabilis na takbo ng pandaigdigang ekonomiya, asahan ang mas marami pang lokalisasyon ng mga produkto at serbisyo upang lalong umayon sa kalikasán ng mga target nitong mamamayan. Isa ito sa magtutulak sa lalo pang pagsasalin. Ang pagsasalin ay isang gawaing walang-kupas at lalong nagiging mahalaga sa daigdig. Sanggunian: Almario,Virgilio S.(2016). Batayang Pagsasalin:ilang patnubay at babasahin para sa baguhan. Maynila:Komisyon sa Wikang Filipino. ISBN 978-971-0197-78-1 Batnag, Aurora E. at Petras Jayson D. (2009).Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing Inc., KAHULUGAN; MAIKLING KASAYSAYAN NG PAGSASALIN SA PILIPINAS SAKLAW NG ARALING SALIN; PROSESO NG PAGSASALIN Panimulang Pagsasalin ARALIN 1

Use Quizgecko on...
Browser
Browser