Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko PDF

Summary

This document is a learning material about Filipino language and academic skills, focusing on the role of the academy. It discusses the importance of academic skills in developing individual potential and contributing to societal progress. It also explores critical and creative thinking.

Full Transcript

Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko Ang Tungkulin ng Akademya Ang "ak...

Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko Ang Tungkulin ng Akademya Ang "akademya" ay tumutukoy sa isang institusyon o lugar na nakatuon sa pag-aaral, pananaliksik, at pagpapalaganap ng kaalaman. Karaniwan, ang akademya ay binubuo ng mga paaralan, kolehiyo, unibersidad, at iba pang mga organisasyon na may layuning magbigay ng edukasyon at mag-aral ng iba't ibang disiplina. Sa mas malawak na konteksto, maaari rin itong tumukoy sa isang komunidad o grupo ng mga propesyonal at eksperto sa isang partikular na larangan ng kaalaman. Mahalaga sa buhay ng bawat mamamayan ng isang bansa ang akademya. Ano-ano ang malaking naitutulong nito sa sarili, sa larangan, at sa lipunan? Isulat ang inyong sagot sa kahon na nasa ilalim. Sarili Larangan Lipunan Kasanayan at Gawaing Akademiko Pangunahing pinauunlad sa akademya ang mga kaalaman at kasanayan ng mga indibidwal at ng mga pangkat ng tao sa loob ng pamayanang ito. Sa proseso, napapaunlad din ang mga larangan ng kaalaman o disiplinan, at sa kalaunan, nag-aambag din ito sa pag-unlad at pagbuti ng mas malawak na pamayanan at ng kabuoan ng lipunan. Isa sa pangunahing nililinang ng akademya ang kakayahang mag-isip. Paano mo mapatutunayan ang pahayag na ito? “...pinapaunlad ng akademya ang kakayahan kung paano mag-isip, hindi kung ano ang dapat isipin.” Isulat ang iyong sagot sa tabing espasyo. Tandaan! Mahalaga na mapanday ang mga kasanayang akademiko ng isang indibidwal, ng bwat estudyante, upang magampanan niya ang kaniyang tungkuling akademiko-ang pagpapaunlad ng sarili, ng larangan, ng kaalaman, at ng lipunan. Ang mga kasanayang akademiko ay maaaring tumukoy sa mga ginagawa at kaugalian ng mga estudyante tulad mo upang maisakatuparan ang mga inaasahang gawain, kahingian, at tungkulin sa mas mataas na edukasyon. Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko Batayang Kasanayan sa Kasanayang Akademiko PAGSULAT- Dapat maipamalas dito ang kakayahang bumuo ng epektibong mga pangungusap at talata. Inaasahan ding ang sulatin ay may kaisahan, lohikal na nakaayos, at may nadedelop na pangunahing ideya o argumento. PAGBASA- Bahagi rin ng pagbasa ang kakayahang matukoy kung ano ang pangunahin at pantulong na mga ideya. DOKYUMENTASYON- Tumutukoy sa angkop at sistematikong pagkilala sa pinagkunan ng datos, impormasyon, o ebidensya para sa isang sulatin. PAGIGING MAPANURI- Ang pagiging mapanuri ay hindi lamang pinagagana o pinaiiral sa pagsulat ng papel, kundi sa iba panggawaing akademiko tulad halimbawa ng pakikinig sa mga letura, panonood ng pelikula at iba pang uri ng palabas, pakikipagtalakayan sa kaklase o pagbabasa ng isang artikulo. AKADEMIKONG PAGSULAT- Kaiba sa nabanggit na halimbawa ng pagsulat sa batayang kasanayan, ang akademikong pagsulat ay tumutukoy sa pagsulat na mas pormal at mas nakabatay sa saliksik. MAPANURING PAGBASA- Naipamamalas ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng dating kaalaman ng mambabasa, pagbuo ng koneksiyon sa ibang teksto, paghimay sa naging batayan argumento ng teksto, at pagpapatibay o pagpapasubali sa argumento. PAGBUO NG KONSEPTO AT PAGPAPLANO- Tumutukoy ito sa pagpili ng paksa, pagtukoy sa tiyak na suliranin, pagbuo ng plano kung paanong isasagawa ang pag-aaral o pananaliksik, ang pagkukunan ng datos, ang metodo para makalap ang datos, at ang tiyak na perspektiba o teorya para masuri ang mga datos. PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK- Tumutukoy sa pagtalakay at pagsagot sa isang suliraning akademiko o panlipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng pananaliksik. Bakit dapat paunlarin sa sarili ang mga batayang kasanayan sa kasanayang akademiko? Isulat ang iyong sagot sa ilalim. Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 1. Mapanuri na Pag-iisip: Ito ay ang kakayahan na masusing suriin ang impormasyon, argumento, o ideya. Ang isang mapanuri na pag-iisip ay naglalaman ng pag-unawa sa mga detalye, paghahambing ng iba't ibang pananaw, at pagsusuri ng ebidensya upang makuha ang katotohanan o makagawa ng makatarungan at lohikal na konklusyon. Halimbawa, kung ikaw ay nagbabasa ng isang artikulo, ang mapanuri na pag-iisip ay magbibigay-diin sa pag- check ng mga pinagmulan, pagkakaroon ng mga bias, at pag-suri sa kahusayan ng mga argumento. 2. Malikhaing Pag-iisip: Ito naman ay ang kakayahan na mag-isip nang bago at naiiba, upang makabuo ng mga orihinal na ideya at solusyon. Ang malikhaing pag-iisip ay nag- aalok ng mga bagong pananaw at alternatibong paraan sa pagharap sa mga isyu o problema. Halimbawa, sa paggawa ng isang proyekto, ang malikhaing pag-iisip ay maaaring magdala sa iyo ng mga bagong konsepto, estratehiya, o diskarte na hindi mo pa naisip dati. TANDAAN! Ang pagiging malikhain nang hindi pinaiiral ang pagiging mapanuri ay maaaring magresulat sa likhang walang pakinabang o walang saysay. Ang pagiging mapanuri naman nang hindi pinapagana ang pagiging malikhain ay maaaring magbunga ng isang bagay na hindi na rin bago. Ang pagsulat ng kuwento ay karaniwang inuuri bilang malikhaing gawa. Paano mo paiiralin ang ang iyong mapanuring pag-iisip sa pagsulat ng kuwento? Ang pagsulat ng kasayayan ay karaniwang inuuri bilang mapanuring pagsulat. Paano mo paiiralin ang ang iyong malikhaing pag-iisip sa pagsulat ng kasaysayan? Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko Layag-Diwa Sikaping maipaliwanag sa sariling pananalita ang mga sumusunod na pangunahing ideya. Tumukoy rin ng mga tiyak na halimbawa upang mas maging malinawang paliwanag. Ideya SarilingPananaw Kongkretong Halimbawa May tungkulin ang akademya sa pagpapaunlad ng lipunan. Malaki ang ambag ng akademya sa pagsusulong ng iba’t ibang larangan ng kaalaman. Ang kasanayang akademiko ay maaaring makategorya sa batayan at mataas na kasanayan Angpagiging mapanuri ay isa ring pananaw o kamalayan na mailalapat sa maraming sitwasyon. Ang mga kasanayan at prosesong mapanuri at malikhain ay halos laging magkasabay at magkatuwang Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko Lambat-Likha Mag-isip ng isang proyektong akademiko na ang magiging resulta ay mailalahad sa inyong barangay, pamahalaang lokal, o anumang organisasyon sa inyong pamayanan. Maaaring ang proyekto ng bawat pangkat ay kumakatawan sa iba’t ibang larangan: sining at kultura, agham panlipunan, at agham teknolohiya. Bahagi ng Plano Detalye ng Plano Pamagat ng Proyekto Deskripsyon ng Proyekto Kaligiran ng Proyekto Inaasahang Resulta Mga Layunin ng Proyekto Mga Hakbang sa Implementasyon ng Proyekto

Use Quizgecko on...
Browser
Browser