FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Modyul 5: Pakikinig at Pagsasalita PDF
Document Details
College of Liberal Arts, Sciences, and Education
Jeric Z. Romero, Hubert V. Hernandez, Jayson V. Miranda
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 8) PDF
- GCAS 10 Aralin Pakikinig Midterm PDF
- GEE-KKF Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- Modyul sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- KOM-Kakayahang-komunikatibo-ng-mga-Pilipino PDF
- ARALIN 2-3 Kakayahang Pangkomunikatibo PDF
Summary
This document is a module for a Filipino communication course focused on listening and speaking skills in an academic Filipino context. It discusses the fundamental concepts of listening and speaking, the different types of listeners, and steps to becoming a better speaker. It's a learning resource designed to help students improve their communication skills in Filipino language.
Full Transcript
FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda...
FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda MODYUL 5 MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG AT PAGSASALITA Panimula at Deskripsyon Tinatalakay sa modyul na ito ang mga batayang konsepto sa pakikinig at pagsasalita. Binibigyang-diin dito ang mga uri ng tagapakinig at mga hakbang upang maging mabuti at mabisang tagapagsalita. Kabilang din sa modyul na ito ang mga gawain na makapagpapaunlad ng pakikinig at pagsasalita ng mga mag-aaral. Layunin: Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga batayang kaalaman sa pakikinig at pagsasalita 2. Magamit at mapayabong ang sariling kakayahan sa larangan ng pakikinig at pagsasalita Bago Bumasa 1. Ano-ano ang mga makrong kasanayan? 2. Bakit mahalaga ang mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita? 3. Paano nakatutulong ang mga makrong kasanayan sa pagbibigay ng solusyon sa mga suliraning panlipunan? Aralin 5 LIMANG MAKRONG KASANAYAN → PANONOOD 10% → PAKIKINIG 35% → PAGSULAT 9% → PAGSASALITA 30% → PAGBASA 16% Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay laging nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot. Sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba't ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain rig tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin - lahat ng mga karanasang ito'y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika. FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda ΡΑΚΙΚINIG "Hearing is a natural process, while listening is a skill." Buhat sa pagiging sanggol ay nakikinig na tayo kung kaya inaakala nating tayo'y sadyang marunong nang makinig. Ang hindi naabot ng ating kabatiran ay ang katotohanang ang pakikinig ay isang kasanayang maaaring linangin at higit na mapabuti. Ang malaking bahagi ng ating buhay ay napapalaan sa pakikinig kaya't kailangan pag-ukulan natin ito ng pansin. KAHULUGAN NG PAKIKINIG Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig. Sa isang pag-aaral na isinagawa, mas maraming oras ang nauukol ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan, mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. Ang Proseso ng Pakikinig Ayon kay SIER, may apat na proseso ang kritikal na pakikinig. 1) Sensing - pagdinig sa mensahe 2) Interpreting - pagpapakahugan sa mensahe 3) Evaluating - paghusga sa kahinaan at kalakasan ng mensahe 4) Responding - pagbibigay ng reaksyon ng tagapakinig ng mensahe (prezi.com/mmaip4yofz/pakikinig) Tatlong bagay ang magkakasama o magkakumbinasyon upang matamo natin ang kahulugan ng tunog na tinatanggap natin, ating nauunawaan at natatandaan. Karaniwan na sa tao ang nakakatanggap ng tunog sa anumang oras o lugar at kasabay nito ang kanyang pang-unawa at kung ito ay kanyang natatandaan. Kapag pagod ang tainga o balisa ang isang tao, nawawala ang interes niya sa anumang uri ng lunog na kanyang natatanggap. Ang mga tunog ay may kaugnayan sa pagkilala natin kung pamilyar sa atin o hindi ang tunog na ating naririnig. Ang bahagi ng ating katawan na ginagamit natin ay tainga (sense of hearing) at ang mga pamilyar na tunog ay pinagsasama- sama at inuugnay natin sa ating mga naging karanasan. Ang pag-apuhap ng kung ano ang natatandaan natin ay ang pagbibigay kahulugan sa ating mga narinig. Kasama ng pagsusuri sa ating mga narinig at naiuugnay natin sa ating pandama kung ito'y may kahulugan o kahalagahan. FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda LAYUNIN NG PAKIKINIG 1. Deskriminatibo ✓ Matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon. ✓ Binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita. 2. Komprehensibo Kahalagahan: ✓ Maunawaan ang kabuuan ng mensahe. ✓ Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan. 3. Paglilibang ✓ Upang malibang o aliwin ang sarili ✓ Ginagawa para sa sariling kasiyahan 4. Panggamot ✓ Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita. KRITIKAL NA PAKIKINIG Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig A. Edad o gulang Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdaman nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig. B. Oras Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. 1) Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan. 2) May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay hindi na rin epektibo sa mga tagapakinig. 3) Ang mga mag-aaral na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon. C. Kasarian Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae. ✓ Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. ✓ Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ang mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. D. Kultura Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip. ✓ Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. ✓ Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa pag-gamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon. ✓ Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. ✓ Ang pagsamba/pagsimba ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pagsamba nating mga Kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. ✓ Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang na nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita. E. Konsepto sa sarili ✓ Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maaari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita. ✓ Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan. F. Lugar ✓ Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapag- papataas ng lebel ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. ✓ Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig. URI NG MGA TAGAPAKINIG 1) Eager Beaver - Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong. 2) Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong making. FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda 3) Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang. 4) Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig. 5) Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres. 6) Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano'y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man onegatibo. 7) Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig. 8) Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig. Mga Kabutihang Maidudulot ng Aktibong Pakikinig ▪ Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin. ▪ Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya. ▪ Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan. ▪ Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita. ▪ Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig. ▪ Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masusuri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng pakikinig. Gabay sa Mabisang Pakikinig 1) Bumuo ng layunin sa pakikinig. 2) Ituon ang pakikinig sa pangunahin at mahalagang puntos sa sinasabi ng tagapagsalita. 3) Itala ang mga mahalagang sinabi ng tagapagsalita sa kwaderno. 4) lisantabi ang paghuhusga sa panlabas na anyo ng tagapagsalita at sa halip pagtuunan ng pansin ang nilalaman ng sinabi niya. 5) Sikaping maging sensitibo sa berbal at di-berbal na mensahe ng tagapagsalita. FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Mga Hadlang sa Pakikinig ▪ Pagbuo ng maling kaisipan ▪ Pisikal na dahilan ▪ Pagkiling sa sariling opinyon ▪ Pagkakaiba ng kultura ▪ Pagkakaiba-iba ng pagpapakahulugan ▪ Suliraning pansarili PROSESO NG PAKIKINIG Tunog / mensahe Pagdala ng Pagdala ng mensahe / tunog mensahe / tunog sa auditory nerve sa utak Interpretasyon ng mensahe Pagpapakahulugan sa salita o tunog Pagsagot sa mensahe o tunog na narinig mo / reaksyon PAGSASALITA Sa limang makrong kasanayan nangunguna ang pagsasalita dahil ito ang kauna-unahang natutunan ng tao. Ang isang bata ay natututong magsalita sa pamamagitan ing pagkislot, pagbuka ng kanyang mga labi bilang pagtugon sa mga bumabati sa kanya. Kahulugan ng Pagsasalita ▪ Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. ▪ Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao ang nagsasalita at ang kinakausap. Mahalaga ang pagsasalita dahil: ▪ naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita. ▪ nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao. ▪ nakapag-aanyaya o naka-iimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda ▪ naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito. Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita ▪ Kaalaman - (you cannot say what you do not know) dapat may katotohanan at wasto ang iyong sinasabi. Ang mga impormasyon, datos na babanggitin ay may nakahandang patunay sa mga pinagkunan na hindi haka-haka lamang. ▪ Kasanayan - dapat wasto ang mga pagbigkas sa mga salitang sasabihin at may mayaman na talasalitaan upang mabigyan ng angkop na kahulugan ang mga termino na kanyang gagamitin sa kanyang pagpapahayag o paglalahad. ▪ Tiwala sa Sarili - dapat huwag mabalisa o mag-alala at iyong isipin na ang mga tagapakinig ay handa at may pananabik sa iyong ibibigay na impormasyon. Iwasan ang pangangatal ng labi at tumitingala sa itaas habang nagsasalita dahil ito'y nagpapakita na ikaw ay hindi handa, kaya nararapat na pag-aralan ang paksa na tatalakayin o kung kinakailangan ay gumawa ng kaukulang pananaliksik. Mga Kasangkapan sa Pagsasalita a) tinig b) c) bigkas tindig kasangkapan tbtkk d) kumpas e) kilos MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA 1. Pakikipag-usap Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang ▪ Kailangan kakitaan ng paggalang sa isa't isa ▪ May matapat na layunin ▪ Sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa sinuman sa nag- uusap ang pagsasalita ▪ Ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag- uusap ▪ Ang pag-uusap ay likas, bukal 2. Pagtatalumpati Ang talumpati ay paraan ng pagbasa ng isang paksa sa harapan ng mga taong makikinig. Ang talumpati ay mensahe na angkop sa naturang pagtitipon o okasyon. Mga layunin ng talumpati ▪ Manghikayat ▪ Magbigay ng kasiyahan ▪ Magbigay ng impormasyon FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Bahagi ng Talumpati ▪ Pambungad - bilang unang bahagi, inihahanda ng mananalumpati ang mga kaisipan ng awdyens at mapakumbaba na akitin ang kalooban ng mga makikinig. Nakakatulong din ang pagpapatawa para sila'y malibang. ▪ Paglalahad - napapaloob dito ang paksa na siyang pinakakaluluwa ng talumpati. Kailangang mahinahon ang pagpapaliwanag at pagpapatunay sa mga termino na ginagamit. Upang mapaniwala at mahikayat ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig. ▪ Paninindigan - ipinaliliwanag sa bahaging ito na ang paksang tinalakay ay batay sa kanyang napag-aralan at pananaliksik. ▪ Pamimitawan - pagwawakas na pangungusap na nagbibigay ng pagtanaw ng kagandahang loob ng mga taong nag-imbita sa kanya bilang tagapagsalita. Mga Uri Ng Talumpati 1) Talumpating Pampalibang 2) Talumpating Pangkabatiran 3) Talumpating Parangal 4) Talumpating Pamamaalam 5) Impromptu (Ito ay biglaang talumpati na biribigkas nang walang ganap na paghahanda.) 3. Pakikipagdebate Ang debate ay isang pakikipagtalong may istruktura at may dalawang grupo tungkol sa sa napagkaisahang paksa. Ito ay gantihang pangangatwiran ng dalawa o higit pang panig. Mga Uri o Format ng Debate ▪ Oxford - bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang kung ang unang tagpaagsalita ay wala pang pagsasaligang mosyon, kaya mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pabubulaanan. ▪ Cambridge - ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay ihatid ang kanyang pagbubulaanan. ▪ Mock Trial - ang mga kalahok ay nagpapanggap bilang manananggol o mga abogado sa isang paglilitis ▪ Impromptu - isang uri ng debate na impormal kumpara sa ibang klase ng debate. Binibigyan ng paksa ang kalahok ng 15 minuto bago magsimula ng debate. ▪ Turncoat - ginagawa ng isang tao lamang ang kalahok at nagsasalita muna para sa proposisyon ng dalawang minuto at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto. 4. Pakikipanayam Isang uri ng pakikipagtalastasan sa isang tao na nais makunan ng kanyang pala-palagay o kuro- kuro hinggil sa napagkasunduan na paksa. Maaaring ang mga paksa ay personal, politika, FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda edukasyon, relihiyon at iba pa. Ito'y pakikipag- usap ng dalawang tao, kumakapanayam at kinakapanayam. Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng pakikipanayam: ▪ Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin. ▪ Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa. ▪ Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin. ▪ Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras. ▪ Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan. ▪ Iwasan ang pagtatanong na makakasakit sa kinakausap at ang mga katanungang sinasagot ng "oo" o "hindi" lamang. ▪ Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu. PANGKATANG TALAKAYAN Ito ay maayos na paraan ng masusing pagpapalitan ng kuro-kuro o opinyon na ang layunin ay makatipon ng mga kaalaman at magbigay halaga sa mabisang opinyon ukol sa isang paksa, o kaya'y ihanap ng solusyon ang isang problema. Ang mga kalahok ay nagtutulong-tulong upang maisakatuparan ang isang tiyak na layunin sapagkat ito ang nababatay sa matino at makabuluhang pagpapasya ng lahat ng mga kalahok. Uri ng Pangkatang Talakayan 1) Impormal na Talakayan (round table) - binubuo ng 5-10 na tao. 2) Talakayan ng isang hanay na nakatakda (panel discussion) 3) Simposyum 4) Lektyur porum 5) Talakayan ng lupon Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan; ▪ Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa talakayan. ▪ Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik. ▪ Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan. ▪ Magkaroon ng bukas na isipan ▪ Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami ▪ Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama. FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Tungkol sa pagtuligsa: a) Ipahayag ang kamalian ng kalaban. b) Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban. c) Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban. d) Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban. Tungkol sa pagtatanong: a) Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita b) Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa isang tagapagsalita c) Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong MGA DAPAT ISAALANG-ALANG UPANG MAGING MABISA ANG PAGSASALITA 1) May katotohanan at wasto ang sinasabi ng tagapagsalita. Maging tapat sa bawat pahayag na sasabihin upang maiwasan ang pagkainis at pagkagalit ng mga tagapakinig sa tagapagsalita. 2) Kahusayang magsalita ng tagapagsalita. Nararapat lamang na magtaglay ng mga katangiang naiiba sa ibang tagapagsalita ang isang tagapagsalita, partikular sa paraan ng pagsasalita nito sa harap ng mga tagapakinig. Kung magagawa ito ng isang mahusay na tagapagsalita, maiiwasan nito ang pagkukumpara ng mga tagapakinig sa isang tagapagsalita. 3) Upang maging masining ang pagsasalita ng tagapagsalita, maaaring gumamit sa tamang pagkakataon ng mga sawikain, salawikain, kawikaan, at mga kasabihan na magbibigay-kulay at kagandahan sa kanyang mga pahayag. Sawikain - lipon ng mga salita na ang dalang kahulugan ay iba kaysa kahulugang taglay ng mga salitang bumubuo nito: Halimbawa: ▪ may malambot na puso ▪ matamis ang dila ▪ kalamayin ang loob ▪ hinog sa pilit ▪ walang puso't kaluluwa Kawikaan - binubuo ito ng taludtod o mga taludtod na maaaring may sukat at tugma at maaari ring wala. Ang paksa ay hinango sa mga karanasan sa buhay. Kaya ginagamit na patnubay sa paghubog ng kaasahan. (Arogante et al, 2009) Halimbawa: ▪ Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa ▪ Sa taong may hiya, Salita'y panunumpa FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Salawikain - ito ay mga taludtod na may sukat at tugma at talinhaga. Ibinatay ito sa mga karanasan ng tao sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya ginamit din ito sa pangangaral sa paghubog ng magandang asal. Halimbawa: ▪ Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo. ▪ Ang buhay ay walang katapusang pakikibaka Kasabihan - mga mahahalagang pahayag na kinuha o hinugot sa mga akda ng kilalang tao o lider ng bansa. Halimbawa: ▪ Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ▪ Hindi karuwagan ang pagyuko habang nagliliparan ang mga punglo. 4) Kahusayan sa pagbigkas ng tagapagsalita. Napakainam makinig sa nagsasalita na may wasto at magandang pagbigkas. Ang maganda at wastong pabigkas ng mga salita sa tamang intonasyon ay makakapagdudulot ng kawilihan at kasiyahan ng mga tagapakinig, at malaki ang nagagawa nito sa paghahatid ng tamang mensahe. 5) Katugmaan ng tulong biswal. Hindi man sa lahat ng pagkakataon ay kailangan ng tulong biswal. Nararapat pa din na ang paksa ng tagapagsalita ay naaayon sa ipinapakita niyang tulong biswal sa kanyang mga tagapakinig. Malaki ang naitutulong ng tulong biswal sa lubos na pagkaunawa ng mga tagapakinig sa paksang tinatalakay ng tagapagsalita. 6) Kahandaan ng papel, lektura, o sasabihin. Iba't iba man ang dahilan ng bawat tagapagsalita sa pagharap sa kanyang tagapakinig, nararapat pa rin na maghanda ng sasabihin ang tagapagsalita. Mas magiging madali ang pagpapahayag ng tagapagsalita kung ito ay may plano at organisado. Pinagpaplanuhan ng tagapagsalita kung paano niya ipapahayag ang kanyang mensahe. KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA Upang magkaroon ng mabisang pahayag ang isang tagapagsalita, maraming mga paktor ang dapat isaalang-alang na naka-iimpluwensiya sa pagsasalita. Ang tagapagsalita ay dapat nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: 1. Mayamang bokabularyo Dapat nagtataglay ng mayamang bokabularyo ang tagapagsalita. Nararapat lamang alam ng tagapagsalita ang mga salitang nababagay sa kanyang tagapakinig. Dapat sinusuri at pinipili ng tagapagsalita ang salitang kanyang sasambitin upang maiwasan ang hindi pagkaunawa ng tagapakinig sa nais ipabatid ng tagapagsalita. 2. Kahusayang pangwika Malaking tulong ang kahusayang pangwika ng tagapagsalita, upang madaling maintindihan ng tagapakinig ang nais nitong iparating. Sa paggamit ng mga simpleng salita, nauunawaan kaagad ng mga tagapakinig ang nilalaman ng pahayag ng tagapagsalita. FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda 3. Sapat na kaalaman sa paksa Pinag-aaralan ng tagapagsalita ang paksang kanyang tatalakayin bago humarap sa kanyang mga tagapakinig. Maaaring magsaliksik ng iba't ibang bagay talakay kinalaman sa tatalakaying paksa, upang maiwasan ang pagkaligaw habang tinatalakay ang isang paksa. 4. Matapat na damdamin Upang lubos na mapaniwala ng tagapagsalita ang mga tagapakinig, nararapat na maging tapat ang tagapagsalita sa kanyang damdamin, at sabihin kung ano ang kanyang tunay na damdamin sa pinag-uusapang isyu o paksa. Nararamdaman ng tagapakinig ang bawat sentimyento ng tagapagsalita batay sa ekspresyon ng mukha ng tagapagsalita. 5. Kaaya-ayang tinig Sa isang mang-aawit, puhunan niya ang kanyang tinig upang makakanta ng isang awiting babagay sa kanyang tinig. Malaking tulong sa tagapagsalita kung ang tinig nito ay may kaaya-ayang tunog na masarap pakinggan. May mga tinig na kahit maayos ang pagkabigkas ng tagapagsalita ay hindi pa rin ito mauunawaan ng tagapakinig. 6. Maayos na tindig Sinasabing ang maayos na tindig ng isang tao ay nakadadagdag sa personalidad ng isang tao. Nakatutulong ang maayos na tindig upang mahikayat ang mga tagapakinig na pakinggan ang sinasabi ng tagapagsalita. MGA DAPAT TANDAAN NG ISANG TAGAPAGSALITA ✓ Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita. ✓ Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla. ✓ Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay. ✓ Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita. ✓ Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan. ✓ Magpraktis ka nang magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa malalaking madla. ✓ Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga. FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Pagtataya 1. Sa mga uri ng tagapakinig na tinalakay, alin ang uri/mga uri na dapat tularan? 2. Paano mapapaunlad ang iyong mga kakayahan sa pakikinig at pagsasalita? 3. Gaano kahalaga ang pakikinig at pagsasalita bilang mag-aaral sa kolehiyo? Mga Gawain 1. Obhektibong Pagtataya (Quiz) 2. Pagsulat ng Sanaysay. Komprehensibong sagutin ang mga katanungang ibinigay ng guro sa klase. Gamiting gabay ang rubriks na makikita sa hulihan ng modyul na ito. 3. Maikling talumpati. Magbigay ng isang maikling talumpati (impromptu) base sa paksang ibibigay ng guro sa klase. Ipapaliwanag ng guro ang rubriks para sa pagbibigay-grado. Repleksyon Ang repleksyon ay isasagawa sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng mga ideya at saloobin sa mga natutunan pagkatapos ng talakayan sa klase. Sanggunian: Sanchez, Remedios. (2020). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Unlimited Books Library Services and Publishing Inc. Page 13 of 15 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Institusyunal na Rubriks (Essay Writing) Very Comprehensiveness Excellent Satisfactory Fair Poor Satisfactory and Accuracy (10) (6) (4) (2) (8) Answers are Answers are Answers are not Answers are Answers are Score comprehensive, accurate and comprehensive or partial or incomplete. accurate and complete. Key completely stated. incomplete. Key ________ complete. Key points are stated Key points are points are not ideas are clearly and supported. addressed, but not clear. Questions stated, explained, well supported. are not and well supported. Very few spelling adequately and punctuation Most spelling, answered Free from spelling, errors, minor punctuation, punctuation or grammatical errors and grammar are Most spelling, grammatical errors correct allowing punctuation, reader to progress and grammar are though correct allowing essay. Few errors reader to remain. progress though essay. Some errors remain. Very Grammar and Excellent Satisfactory Fair Poor Satisfactory Mechanics (10) (6) (4) (2) (8) Free from spelling, Very few spelling Most spelling, Most spelling, Spelling, Score punctuation or and punctuation punctuation, punctuation, punctuation, grammatical errors errors, minor and grammar are and grammar are and ________ grammatical errors correct allowing correct allowing grammatical reader to progress reader to errors create though progress though distraction, essay. Few errors essay. Some making reading remain. errors remain. difficult. Page 14 of 15 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Institusyunal na Rubriks (Public Speaking) EMERGING (5) DEVELOPING (7) ADVANCED (10) SCORE 1. Organization Ideas may not be focused or developed; the Main idea is evident, but the organizational Ideas are clearly organized, developed, and (10 points) main purpose is not clear. The introduction is structure many need to be strengthened; ideas supported to achieve a purpose; the purpose is undeveloped. Main points are difficult to identify. may not clearly developed or always flow clear. The introduction gets the attention of the Transitions may be needed. There is no smoothly and the purpose is not clearly stated. audience and clearly states the specific purpose conclusion or may not be clear the presentation The introduction may not be well developed. of the speech. Main points are clear and has concluded. Conclusion does not tie back to Main points are not clear. Transitions may be organized effectively. The conclusion is satisfying the introduction. Audience cannot understand awkward. Supporting material may lack in and relates back to introduction. (If the purpose of presentation because there is no sequence of development The conclusion may need the [presentation is to persuade, there is a clear information. additional development. Audience has difficulty action step identified and an over call to action) understanding the presentation because the sequence of information is unclear. 2. Knowledge of Student does not have grasp of information; Student has a partial grasp of the information. Student has a clear grasp of information. the Topic student cannot answer questions about the Supporting material may lack in originality. Citations are introduced and attributed (10 points) subject. Few, if any, sources are cited. Citations Citations are generally introduced and attributed appropriately and accurately. Supporting material are attributed incorrectly. Inaccurate, appropriately. Student is at ease with expected is original, logical and relevant. Student generalized or inappropriate supporting material answers to all questions but fails to elaborate. demonstrates full knowledge (more than may be used. Over dependence on notes may Over dependence on notes may be observed. required) by answering all class questions with be observed. explanations and elaboration. Speaking outline or note cards are used for reference only. 3. Audience The presenter is not able to keep the audience The presenter is able to keep the audience The presenter is able to effectively keep the Adaptation engaged. The verbal or nonverbal feedback engaged most of the time. When feedback audience engaged. Material is modified or (10 points) from the audience may suggest a lack of interest indicates a need for idea clarification, the clarified as needed given audience verbal and or confusion. Topic selection does not relate to speaker makes an attempt to clarify or restate nonverbal feedback. Nonverbal behaviors are audience needs and interests. ideas. Generally, the speaker demonstrates used to keep the audience engaged. Delivery audience awareness through nonverbal and style is modified as needed. Topic selection and verbal behaviors. Topic selection and examples examples are interesting and relevant for the are somewhat appropriate for the audience, audience and occasion. occasion, or setting. Some effort to make the material relevant to audience needs and interests. 4. Language Use Language choices may be limited, peppered Language used is mostly respectful or Language is familiar to the audience, appropriate (Verbal with slang or jargon, too complex, or too dull. inoffensive. Language is appropriate, but word for the setting, and free of bias; the presenter may Effectiveness) Language is questionable or inappropriate for a choices are not particularly vivid or precise. “code-switch” (use different language from) when (10 points) particular audience, occasion, or setting. Some appropriate. Language choices are vivid and biased or unclear language may be used. precise. 5. Delivery The delivery detracts from the message; eye The delivery generally seems effective – All of the presenters speak in a clear voice. (Nonverbal contact may be very limited; the presenter may however, effective use of volume, eye contact, Pronunciation of terms are correct and precise so Effectiveness) tend to look at the floor, mumble, speak vocal control, etc. may not be consistent; some that all audience members can hear the (10 points) inaudibly, fidget, or read most of the speech; hesitancy may be observed. Vocal tone, facial presentation. gestures and movements may be jerky or expressions, clothing and other nonverbal excessive. The delivery may appear expressions do not detract significantly from the inconsistent with the message. Nonfluencies message. The delivery style, tone of voice, and (“ums”) are used excessively. Articulation and clothing choices do not seem out-of-occasion. pronunciation tend to be sloppy. Poise of Some use of nonfluencies are observed. composure is lost during any distractions. Generally, articulation and pronunciation are Audience members have difficulty hearing the clear. Most audience members can hear the presentation. presentation. TOTAL SCORE Page 15 of 15