Araling Panlipunan 10 Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa PDF
Document Details
Uploaded by UnmatchedWolf4053
Benguet National High School
2020
Norman R. Battulayan, Jenalyn Vanessa R. Pangat, and others
Tags
Summary
This learning resource covers the issues facing Filipino workers in the context of globalization. It explores various labor issues including potential exploitation and discusses supporting Filipino workers and labor rights.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkar...
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-aring mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Norman R. Battulayan John Jefferson I. Pacariem Jenalyn Vanessa R. Pangat Editor: Jhon Rey D. Ortal Susan M. Aspili Marlene C. Castillo Blesilda B. Antiporda Mhea Kathrine M. Acdan Marilou P. Omotoy Antoinnette Joanne A. Savellano Tagasuri: Editha T. Giron Gina A. Amoyen Aubrhey Marie R. Oasay Eric O.Cariño I Joselito M. Daguison Melchora N.Viduya Allan S. Macaraeg Mary Ann Grace Dulay Tagaguhit: Eimie Aicytel G. Ramos Clarence Manarpaac Tagalapat: John Jefferson I. Pacariem Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Arlene A. Niro Marilou B. Sales Gina A. Amoyen Aubrhey Marie R. Oasay Editha T. Giron Jhon Rey D. Ortal Inilimbag sa Pilipinas Department of Educa tion – DepEd-Region I Office Address: Flores., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] Alamin Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan bunga ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin ukol sa paggawa. Sa kasalukuyan, ang mga manggagawang Pilipino ay nagiging biktima ng pangaabuso at pagsasamantala ng mga kapitalista o may-ari ng mga negosyo. Kahit alam natin kung gaano sila kahalaga sa ekonomiya, hindi lahat ng kanilang pangangailangan ay naipagkakaloob ng pamahalaan, mga kapitalista at mga may-ari ng mga negosyo. Sa maikling salita, napapabayaan ang ating mga manggagawa at nahaharap sa mga isyu sa larangan ng paggawa. Halina at samahan mo ako sa pagtuklas at unawain ang mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa. (MELC 2) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: nailalahad ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor; natutukoy ang mga suliranin sa paggawa; naipapaliwanag ang mga epekto ng iba’t ibang suliranin sa paggawa; nabibigyang halaga ang mga batas na kumakalinga sa mga manggagawang Pilipino; at nakapagmumungkahi ng mga solusyun sa mga suliranin sa pamamagitan ng malikhaing paraan gaya ng brochure/poster slogan o video clip. 1 Aralin Mga Isyu sa Paggawa 2 Balikan Sa unang aralin ng modyul na ito ay nabatid mo ang naging epekto ng globalisasyon dulot ng pagbabago sa kaisipan at perspektibo ng mga mamamayan sa pandaigdig na komunidad at pangangailangan ng bawat bansa. Natunghayan mo rin sa unang aralin ang iba’t ibang anyo ng globalisasyon tulad ng globalisasyong ekonomiko, teknolohikal, at sosyokultural. Batay sa larawang makikita sa ibaba, ilahad ang posibleng mensahe nito. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. Orihinal na guhit ni G. Robert Armstrong 2 Tuklasin Gawain 2. Iguhit Mo, Kapalaran Mo Panuto: Iguhit ang iyong gustong trabaho pagkatapos ng sampung taon. Iguhit ito sa isang buong papel. P amprose s ong mg a Ta nong: 1. Bakit ito ang iginuhit mo? 2. Ano ang gagawin mo para matupad ang pangarap mong ito? 3. Kanino mo iaalay ang tagumpay mo? Bakit? Nasagutan mong maayos ang mga panimulang gawain, handa ka nang palawigin ang iyong pag-unawa o kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. 3 ANG Suriin GLOBALISASYON AT ANG MGA ISYU SA PAGGAWA Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-mismatch bunga ng mga ‘job-skills mismatch, mura at flexible labor, iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at COVID-19. Isang hamon din sa paggawa ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa subalit nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa. Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang bahay pagawaan na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na umaayon sa global standard ng mga manggagawa. Namumuhunan ang mga multi- national company ng mga trabaho ayon sa kasanayan ng isang manggagawa na nakabatay sa isang kasunduan. Ilan sa mga naging epekto ng globalisasyon sa paggawa ay ang sumusunod: 1. Pangangailangan ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng Global Standard. 2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan. 3. Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa. 4. Dahil sa mura at mababa ang pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal. Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay. Kakayahan na Makaangkop sa Global Standard na Paggawa Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN 2015) sa paggawa ng mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan na lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino. Bunga ng tumataas na pangangailangan para sa global 4 standard na paggawa (tunghayan ang Talahanayan 1) na naaangkop sa mga kasanayan para sa ika21 siglo. Ito ay ang media and technology skills, learning and innovation skills, communication skills at life and career skills (DepEd, 2012). Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa K to 12 ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang kasanayan ng mga mag-aaral para sa ika-21 siglo na maging globally competitive batay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic Education, Technological- Vocational Education at Higher Education (DepEd, 2012). Talahanayan 1. Mga Kasanayan at Kakayahan ayon sa Pangangailangan ng mga Kompanya Skills Educational Level Basic writing, reading, arithmetic Elementary Health and hygiene Elementary Practical knowledge and skills of work Secondary Human relations skills Secondary Work Habits Secondary Will to work Secondary Sense of responsibility Secondary Social responsibility Secondary Ethics and morals Secondary Theoretical knowledge and work skills Secondary Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na pamumuhay. Matutunghayan sa Pigura 1 ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa. Pigura 1. Apat na Haligi para sa isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE,2016) 5 Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, Haligi ng malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at Empleyo maayos na bahay-pagawaan para sa mga manggagawa. Haligi ng Naglalayong palakasin at. siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na Karapatan ng Manggagawa pagpapatupad ngmga karapatan ngmga manggagawa Haligi ng Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga Panlipunanang kasama sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo Kaligtasan para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad. Haligi ng Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng Kasunduang pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa Panlipunan pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit. Pamprosesong mga Tanong: Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Ano-anong mga suliranin ang kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino? Ano kaya ang dahilan ng mga suliraning ito? 2. Paano kaya makakaangkop ang mga manggagawang Pilipino sa Global Standard na paggawa? Ano-anong kakayahan ang mga dapat mahubog sa kanila? 3. Sa iyong palagay, paano magkakaroon ng disente at marangal na hanapbuhay ang mga Pilipino? Ipaliwanag. Ngayon, mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga isyu sa paggawa. Nakatitiyak ako na magpapatuloy pa ang iyong pag-unlad sa mga susunod na gawain. Ipagpatuloy lamang ang iyong nasimulan. 6 Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t Ibang Sektor Ang mga maggagawa ay potesyal na kabahagi ng mga pangunahing sektor sa ating ekononmiya. Ipinapakita ng mga datos at mga ulat pang-ekonomiya ang papaliit na bahagdan ng mga agrikultural na kumakatawan sa produktibong sektor habang papalaki ang nasa sektor ng industriya at serbisyo. Matutunghayan ang senaryong ito sa Talahanayan 2; ang distribusyon ng paggawa sa bawat sektor na nasa kasunod na pahina. A. Sektor ng Agrikultura Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pag-angkat ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubos na naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang naibibigay sa mga dayuhang kompanya na nagpapasok ng parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal pero de-kalidad na saging, mangga at iba pang produkto sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa. Ang pagpasok ng Pilipinas sa nakalipas na administrasyon ukol sa mga usapin at kasunduan sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), World Trade Organization (WTO), International Monetary Fund – World Bank (IMF-WB), at iba pang pandaigdigang institusyong pinansyal ay lalong nagpahina sa mga lokal na magsasaka dahil sa pagpasok ng mga lokal na produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas mura kumpara sa mga lokal na produktong agrikultural. Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang kakulangan para sa mga patubig, suporta ng pamahalaan tuwing nananalasa ang mga kalamidad sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa. Bunsod ng globalisasyon, ginagawang subdibisyon, mall, at iba pang gusaling pangkomersiyo ang dating lupang pansakahan ng Transnational Corporations (TNCs). Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa noong dekada ‘80, nagpatuloy rin ang paglaganap ng iba’t ibang industriya sa bansa. Kasabay nito ang patuloy na pagliit ng mga lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan. Dahil sa pangyayaring ito, nasira ang biodiversity, nawasak ang mga kagubatan, nabawasan ang mga sakahan, dumagsa ang mga nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural, at nawasak ang mga mabubuting lupa na mainam sa taniman. B. Sektor ng Industriya Lubos ding naapektuhan ng pagpasok ng mga Transnational Corporations (TNCs) at iba pang dayuhang kompanya sa sektor ng industriya bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Katulad ng mga imposisyon ng International Monetary Fund – World Bank (IMF-WB) bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa ay ang pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalizations, tax incentives sa mga Transnational Corporations (TNCs), deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. Isa sa mga halimbawa ng industriya na naapektuhan ng globalisasyon ay ang malayang pagpapasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telekomunikasyon, inumin, pagmimina, at enerhiya kung saan karamihan 7 sa mga kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. Bunga nito, ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa ay naaayon sa kanilang mga pamantayan at polisiya. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado, kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan, konstruksiyon, at planta na lumilikha ng lakas elektrisidad na kung saan may mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi. C. Sektor ng Serbisyo Ang sektor ng serbisyo ay masasabing may pinakamalaking bahagdan ng manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon. Ang paglaki ng bahagdan o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino. Saklaw ng sektor na ito ang pananalapi, komersiyo, panseguro, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, Business Processing Outsourcing (BPO), at edukasyon. Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makararating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa.Kasabay nito ang iba’t ibang suliranin dulot ng globalisasyon. Dahil sa patakarang liberalisasyon o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhang kasunduan ay humihina ang kalakal at serbisyong gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan. Ayon sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA) sa taong 2019, mahigit 58.1 bahagdan ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay kabilang sa sektor ng serbisyo kaya’t iminumungkahi ng kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng higit na prayoridad sa pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na paghikayat sa mga dayuhang kompanya na mamuhunan ng mga negosyo sa bansa dahil sa pagtataya ng 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo ang patuloy na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Bunga ng isinagawang pagtataya ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) noong 2016 ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang dahilan nito ay ang mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, at tax incentives. Samantala, kaakibat nito ang samo’t saring suliranin tulad ng labis na pagtratrabaho, mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa Business Processing Outsourcing (BPO), dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtratrabaho. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterprises (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya ang maliliit o mikrokompanyang ito sa kompetisyon kung saan sila mas lamang sa lohistika, puhunan, at pinagkukunang-yaman (NEDA report, 2016). Talahanayan 2. Employed Persons by Sector, Subsector, and Hours Worked, Philippines January 2018 and January 2019 (In Percent) 8 January January Sector/Subsector/Hours Worked 2019 2018 EMPLOYED PERSON Number (in thousands) 41,368 41,755 SECTOR Agriculture 22.1 26.0 Agriculture, hunting and forestry 87.0 90.5 Fishing and aquaculture 13.0 9.5 Total 100.0 100.0 Industry 19.7 18.1 Mining and quarrying 2.3 2.9 Manufacturing 44.9 47.0 Electricity, gas, steam, and air conditioning supply 1.2 1.4 Water supply; sewerage, waste management and remediation 1.0 O.6 Activities Construction 50.6 48.2 Total 100.0 100.0 Services 58.1 55.9 Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and 33.6 35.5 Motorcycles Transportation and storage 14.2 14.2 Accommodation and food service activities 7.5 7.4 Information and communication 1.7 1.6 Financial and insurance activities 2.4 2.1 Real estate activities 1.0 0.9 Professional, scientific, and technical activities 1.3 1.0 Administrative and support service activities 6.5 6.8 Public administration and defense; compulsory social security 11.1 10.3 Education 5.3 5.1 Human health and social work activities 2.2 2.1 Arts, entertainment, and recreation 1.6 1.5 Other service activities 11.6 11.6 Activities of extraterritorial organizations and bodies 0.0 0.0 Total 100.0 100.0 HOURS WORKED 100.0 100.0 Less than 40 hours 27.7 35.2 Worked 40 hours and over 71.7 63.6 With a job, not at work 0.6 1.2 Mean hours worked in one week 43.2 40.6 Pinagkunan:https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force- survey /title/ Employment%20Situation%20in%20January%202019 Subcontracting Scheme Naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhan at lokal na kompanya at 9 korporasyon sa bansa. Dahil dito, mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang mapalaganap ang subcontracting scheme sa paggawa sa bansa na naging malaking hamon sa pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng manggagawa. Ang subcontracting scheme ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting: Ang Labor-only Contracting - ang subcontractor ay walang sapat na puhunan para gawin ang trabaho o serbisyo kaya ang pinipiling manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Ngayon napag-aralan mo na ang kalagayan ng mga manggagawa, handang-handa ka nang magbahagi ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain. 10 Pagyamanin Gawain 3. Halina’t tuklasin, trabaho sa atin! Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Ibigay ang trabahong kabilang sa sektor ng Agrikultura, Industriya at Serbisyo na matatagpuan sa inyong lugar. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. Sektor ng Agrikultura Sektor ng Industriya Sektor ng Serbisyo Hal. Pagsasaka Hal. Konstruksiyon Hal. Pagtuturo 1. 1. 1. 2. 2. 2. 3. 3. 3. 4. 4. 4. 5. 5. 5. Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang natuklasan mo sa mga trabahong matatagpuan sa iyong komunidad? 2. Sa anong sektor mas maraming manggagawa? Bakit kaya mas maraming manggagawa ang nabibilang sa sektor na ito? Patunayan. 3. Pumili ng isang trabaho. Anong suliranin sa paggawa ang kinakaharap ng mga manggagawa nito? Ano ang maaaring dahilan ng mga suliranin sa paggawa? Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga isyu sa paggawa. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito upang mas palawigin pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang ito. 11 Suriin Mga Suliranin sa Paggawa at Epekto Nito Suliranin Epekto Kontraktuwalisasyon o “Endo” 1. Ang mga manggagawa ay hindi Isa sa mga iskema upang higit na binabayaran ng karampatang sahod pababain ang sahod, tanggalan ng at mga benepisyo tulad ng mga benepisyo, at tanggalan ng seguridad regular na manggagawa. sa trabaho ang mga manggagawa. 2. Naiiwasan ng mga kapitalista ang Atake rin ang kontraktuwalisasyon sa pagbabayad ng separation pay, SSS, karapatang mag-organisa at magtayo PhilHealth, atbp. ng unyon. Ang kontraktuwalisasyon ay 3. H indi natatamasa ng mga isa sa mga patakarang neo-liberal na manggagawa ang mga benepisyo ipinalaganap ng mga imperyalistang ayon sa Collective Bargaining bansa simula noong huling bahagi ng Agreement (CBA) dahil hindi sila dekadang ‘70 para mawasak ang kasama sa bargaining unit. kilusang paggawa at makapagkamal 4. Hindi maaaring bumuo o sumapi sa ng mas malaking tubo sa harap ng unyon ang mga manggagawa dahil tumitinding krisis ng pandaigdigang walang katiyakan o pansamantala kapitalismo. lamang ang kanilang seguridad sa Ipinagkakait sa manggagawa ang paggawa. katayuang “regular employee” ng 5. Hindi kinikilala ng contracting kompanya o kapitalista. company ang relasyong “employeeemployer” sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensya. Job-Mismatch 1. Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa walang trabaho o mga unemployed paggawa kung saan ang isang 2. Patuloy na pagtaas ng mga indibidwal ay may trabaho ngunit underemployed. hindi tugma sa kakayanan o pinagaralan nito. 12 1. Dahil sa mahabang oras ng trabaho ay Mura at Flexible Labor nagkakasakit ang mga manggagawa. 2. Hindi na ibinibigay ang iba pang Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o benepisyo ng manggagawa. mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa. Mababang Pasahod 1. Maraming tao ang nakakaranas ng Ito ang mababang pagpapasahod ng kahirapan sa ating bansa. mga kapitalista sa mga manggagawa 2. Maraming mga Pilipino rin ang ngunit gumugugol ng mahabang oras pinipiling makipagsapalaran bilang sa pagtatrabaho. OFW (Overseas Filipino Workers) sa ibang bansa. 3. Ito rin ang itinuturong dahilan kung bakit nagkakaroon ng "brain drain" sa Pilipinas kung saan nauubos ang mga manggagawa ng Pilipinas dahil mas pinipili nilang magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki. 13 1. Matindi ang naging epekto ng Pandemiyang COVID-19 COVID19 sa ating ekonomiya lalong Isang malaking pamilya ng mga virus na lalo na ang pagbaba ng Gross maaaring magdulot ng sakit mula sa Domestic Product growth at pagtaas karaniwang sipon hanggang sa mas ng budget deficit, malubhang sakit tulad ng Middle East 2. Patuloy na pagtaas ng tanto ng Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at kawalan ng empleyo sa iba’t ibang Severe Acute Respiratory Syndrome panig ng daigdig na nakaapekto nang (SARS-CoV). Maraming mga lubos sa ekonomiyang pambansa. coronavirus ang natural na 3. Dahil sa COVID-19, pansamantalang nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang itinigil ang pasukan ng mga paaralan ilan ay maaari ring makahawa sa mga upang mapangalagaan ang mga tao. Ang sakit na ito ay kumakalat sa magaaral sa lumalalang pagdami ng hangin sa pamamagitan ng mga nahahawa sa sakit na ito. pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o mata. Unemployment Ito ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho. Underemployment Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho. Talahanayan 3. Total Population 15 Years Old and Over and Rates of Labor Force Participation, Employment, Unemployment and Underemployment, by Region: July 2019 (In Percent) Region Total Population 15 Years Labor Employ Old and Force ment Unem Under Over (in Participa Rate ploy employ ‘000) - tion ment ment Rate Rate Rate Philippines 71,776 61.3 94.9 5.1 13.4 NCR-National Capital Region 9,680 60.3 93.7 6.3 4.5 CAR-Cordillera Administrative Region 1,205 61.9 97.1 2.9 13.4 I-Ilocos Region 3,476 59.7 94.0 6.0 20.0 II– Cagayan Valley 2,369 63.0 96.9 3.1 18.3 14 III-Central Luzon 8,278 60.0 94.8 5.2 8.5 IVA-CALABARZON 10,670 63.1 94.6 5.4 10.8 IVB-MIMAROPA 2,012 61.5 95.2 4.8 19.0 Region V (Bicol Region) 3,873 61.4 94.4 5.6 34.6 Region VI (Western Visayas) 5,365 56.7 95.2 4.8 8.7 Region VII (Central Visayas) 5,302 62.3 94.7 5.3 12.6 Region VIII (Eastern Visayas) 3,082 61.4 96.0 4.0 18.6 Region IX (Zamboanga Peninsula) 2,465 55.9 95.4 4.6 11.6 Region X (Northern Mindanao) 3,283 73.8 95.0 5.0 21.7 Region XI (Davao Region) 3,476 58.0 96.9 3.1 7.9 Region XII (SOCCSKSARGEN) 3,126 64.6 95.4 4.6 19.9 Region XIII (Caraga) 1,771 65.3 95.9 4.1 19.2 Bangsamoro Autonomous Region in 2,344 56.4 91.7 8.3 10.5 Muslim Mindanao (BARMM) Pinagkunan:https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force- survey /title/ Employment%20Situation%20in%20January%202019 Pinapahiwatig ng ulat ng July 2018 and July 2019 Labor Force Survey, ang underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural. Tinataya na maraming nagtratrabaho na underemployed. Sila ang mga manggagawang nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtratrabaho o dagdag pang hanapbuhay na may mahabang oras na trabaho. Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng manggagawa upang maging katanggap-tanggap sila gayundin sa mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase entrepreneurship, small business, project contract, business outsourcing, business networking sa mga ahente ng seguro, real estate, buy and sell ng mga sapatos na de signature, damit, food supplements, organic products, load sa cell phone, at iba’t iba pang produktong surplus at iniluwas mula sa mga kapitalistang bansa. Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at salik sa produksiyon. Bagamat iniaangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa pangangailangan ng global standard na paggawa, patuloy pa rin ang pagtaas ng antas ng kawalan ng sapat at angkop na trabaho. Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan ang iskemang kontraktuwalisasyon para ibaba ang gastos sa paggawa, alisin ang anumang proteksiyon at ang tuwirang responsibilidad nito sa manggagawa. Laganap ang kalakaran ng mga manggagawang kontraktuwal sa mga tanggapan. 15 Mga Karapatan ng mga Manggagawa (Ayon sa International Labor Organization (ILO) 1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa. 2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa. 3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’. 4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid, mayroong nakatakdang edad at mga kalagayan pang –empleyo para sa mga kabataan. 5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong trabaho. Mga Batas na Nagangalaga sa mga Karapatan ng mga Manggagawang Pilipino 1. Batas ng Pangulo Blg. 442 - Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa 2. Commonwealth Act Blg. 444 - Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa 3. Batas Republika Blg. 1933 - Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa 4. Batas Republika Blg. 679 – Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave 5. Batas Republika Blg. 1052 – Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa 6. Batas Republika Blg. 1131 – Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang 7. Batas Republika Blg. 772 – Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho 16 Pagyamanin Gawain 4. Larawan-Suri Panuto: Batay sa larawang makikita sa ibaba, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Ano ang mensahe ng larawan? 2. Sa iyong palagay, ano ang mga dahilan ng suliraning ito sa paggawa? 3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pagsugpo ang inilalarawang suliranin sa paggawa? 4. Paano ka makatutulong sa pag-angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa? Gawain 5. K-K-P-G Tsart Panuto: Itala sa hanay KI ang mga kasalukuyang kinakaharap na isyu sa paggawa na iyong natutuhan. Ilagay sa KK kung paano ito nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Sa bahagi ng “P” naman ay ilahad ang mga programa ng pamahalaan para solusyonan ang mga isyung ito. Para sa hanay na “G”, magbigay ng mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa. Isulat sa buong papel ang iyong sagot. 17 KI KK P G (Kinakaharap na (Kasalukuyang (Programa) (Gagawin Ko) Isyu) Kalagayan) 1. 1. 1. 1. 2. 2. 2. 2. 3. 3. 3. 3. 4. 4. 4. 4. 5. 5. 5. 5. Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan? 2. Paano nakaaapekto ang mga isyung ito sa kalagayan ng mga manggagawa sa kasalukuyan? 3. Sa mga naitalang programa ng pamahalaan sa kasalukuyan, alin sa mga ito ang nananatiling hamong panghinaharap sa mga manggagawang Pilipino? Isaisip Panuto: Ibuod ang natutuhan gamit ang sariling sagutang papel, kompletuhin ang sumusunod na pahayag. 1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng. 2. S a ka saluku yan , upan g makas aba y ang mga manggaga wang P ilipino ay dapa t 3. Ang isk emang s ubcontrac ting ay _. Ito ay maa ring s a anyo ng at 4. S a ak ing pa laga y maiIwasa n an g un employmen t kung. 18 Isagawa Gawain 6. Imbentaryo ng mga Manggagawa Panuto. Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbentaryo ng mga maggagawa sa iyong tahanan o sa iyong pamilya. Sa sagutang papel, punan ang tsart at sagutin ang pamprosesong tanong. Pangalan: Tirahan: A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan: Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos na Hanap Status: Kurso buhay Regular/Kontraktuwal B. Benipisyong Natatanggap: SSS PhilHealth Iba pang benipisyo C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong hanapbuhay ang nais mong pasukan? Bakit? Pamprosesong mga Tanong: 1. May manggagawa ba sa inyong pamilya o tirahan na naghahanapbuhay sa malayo o walang kaugnayan sa kanyang tinapos na pag-aaral? 2. Bakit may nagaganap na job-skills mismatch? 19 Karagdagang Gawain Gawain 8. Malikhaing Gawain (Tema: Mungkahi mo, ibahagi mo!) Panuto: Sa mga natutuhan mo sa araling ito, gumawa ng mungkahi upang masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap ng ating mga manggagawang Pilipino. Pumili lamang ng isang gawain sa sumusunod: a. brochure b. poster slogan c. video-clip Rubrik sa Pagmamarka ng brochure, poster slogan, at video clip Nakuhang Pamantayan Deskripsyon Puntos puntos Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma Kawastuhan sa paglalarawan at konsepto ng isyu. 5 Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May pinagbabatayang Nilalaman 5 pagaaral, artikulo o pagsasaliksik ang ginamit na datos. Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng Organisasyon kuwento/impormasyon. Maayos na 5 naipahayag ang konsepto ng isyu. May sariling istilo sa pagsasaayos o pagpapakita ng ginawa. Gumamit ng Pagkamalikhain 5 angkop na paglalarawan upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng produkto. Kabuuan 20 20 Sanggunian Aklat Antonio, Eleanor D. et. Al. Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2017. Department of Education. Araling Panlipuan 10 Learners Module.2017. Website Employment labor force survey, Last Modified May 25, 2020 https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-survey/title/ Employment%20Situation%20in%20January%202019 Corona virus facts, Last Modified April 3, 2020 https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx Epekto ng Covid 19 sa ekonomiya, Last Modified April 10, 2020 http://www.covid19.gov.ph/dof-epekto-ng-covid-19-sa-ekonomiya-ng-bansa- matindina/# 21 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected] 22