Summary

This is an Araling Panlipunan module for fifth graders in the Philippines. The module covers the topic of economic policies during the Spanish colonial period. Key topics such as tributes, polos y servicios, cedula personal, and the bandala system are included.

Full Transcript

5 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: PATAKARANG PANG – EKONOMIYA POLO Y SERVICIOUS TRIBUTO CEDULA PERSONAL SISTEMANG BANDALA i Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Tribut...

5 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: PATAKARANG PANG – EKONOMIYA POLO Y SERVICIOUS TRIBUTO CEDULA PERSONAL SISTEMANG BANDALA i Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Tributo Cedula Personal Sistemang Bandala Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis – Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Jennifer B. Garrovillo Editor: Retchie F. Quiñones Tagasuri: Nieves S. Asonio Hope A. Jandomon Tomas Raglin D. Partosa Tagaguhit: Typesetter Tagalapat: Richie C. Naingue Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera Carmelita A. Alcala, Ed.D. Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected] i 5 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 5: Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Sevicious Tributo Cedula Personal Sistema Bandala ii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Sevicious Tributo Cedula Personal Sistema Bandala.” Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Sevicious Tributo Cedula Personal Sistema Bandala. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. iii iv iv v Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na kwaderno sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! v vi Alamin Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-aaralan habang wala ka sa paaralan. Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Most Essential Learning Competency (MELC) Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa: Patakarang Pang – Ekonomiya. Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nasusuri ang mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.Patakarang Pang – ekonomiya;Hal polo y servicious, tributo, cedula personal at sistemang bandala. 2. Nakasusulat ng isang sanaysay na naglalarawan sa epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa. 3. Napahahalagahan ang pag-aangkop na ginawa ng mga Pilipino sa mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa. 1 Subukin Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod.Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kuwaderno. 1. Sa ilang reales nagsimula ang tributo? A. 8 reales B. 20 reales C. 18 reales D. 30 reales 2. Ano ang tributo? A. pagawaan C. buwis B. kolonya D. pangangailangan 3. Bakit nagbabayad ng tributo o buwis ang mga Pilipino? A. Dahil ito ay patakaran. B. Dahil ito ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. C. Para sa may panggastos. D. Wala sa nabanggit. 4. Ano ang sapilitang paggawa? A. Pagtatrabaho na malaki ang bayad. B. Tungkuling magbigay ng serbisyo ang mga kalalakihan. C. Mga kababaihan lamang ang nagtatrabaho. D. Lahat ng nabanggit. 5. Ano ang ibang tawag sa sapilitang paggawa? A. Polo y servicio B. Pagtatrabaho B. Manggagawa C. Mangangalakal 6. Ilang araw ang sapilitang paggawa? A. 70 B. 30 C. 40 D. 10 7. Ano ang cedula personal? A. Ito ay papel lamang. B. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaanbilang katibayan ng pagbabayad ng buwis. C. Dito nakalista ang lahat ng utang. D. Ito ay pagpapatibay na ikaw ay isang Pilipino. 2 8. Ano ang parusa kapag hindi ka nakapagdala ng cedula personal? A. ikukulong C. pakakainin B. Wala lang D. paglilinisin 9. Ano ang sistemang bandala? A. Pagbili ng mga ani sa mataas na presyo. B. Pamamahagi ng mga produkto C. Ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng ani ng mga magsasaka sa mas mababang halaga, D. Wala sa nabanggit 10. Sino ang nagsimula sa sistemang bandala? A. Gobernador – Heneral Sebastian Hurtido de Corcuera B. Gobernador – HeneralMabini C. Gobernador – Heneral Magellan D. Gobernaador – HeneralLapu – Lapu Balikan Panuto: Sagutin ang mga sumusunod at isulat sa kwaderno ang tamang sagot. Ano – ano ang mga patakarang ukol sa pagsasaka? Nakatutulong kaya ang mga patakarang ito para sa mga katutubo?Bakit? Pangatwiranan ang sagot. Kung ang mga patakarang ukol sa pagsasaka ay ipinatutupad natin sa panahon ngayon, ito ba ay nakatutulong sa ating mga magsasaka? Kung oo ang sagot, paano? 3 Tuklasin Hindi lamang ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang pangunahing layunin ng pagsakop sa bansa. Maraming mga patakaranng pangkabuhayan ang ipinatupad sa Pilipins noong panahon ng mga Espanyol.Ilan dito ang; https://www.google.com/search?q=uri+ng+sapilitang+paggawa+ay+ang+paggawa+ng+barkong+galyon&tbm=isch&ved=2ahUKE Polo y Servicio/SAPILITANG PAGGAWA Isa pa sa mga pamamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga Espanyol ay ang sapilitang paggawa. Ito ay sinimulang ipinatupad noong 1580 sa lahat ng kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60. Kailangan nilang magtrabaho sa loob ng 40 araw sa loob ng isang taon. Ang kadalasang ginagawa nila ay kalsada, tulay, simbahan, bahay na bato, munisipyo at galyon. Hango ang sapilitang paggawa sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing pampamayanan”.Upang makaiwas ang isang polista sa sistemang Polo o sapilitang paggawa,kailangan niyang magbayad ng buwis na tinatawag na falla. TRIBUTO Dahil ang layunin diumano ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas ay upang ipalaganap ang Kristiyanismo, kinailangang humanap ng pamamaraan upang matugunan ang mga pangailangan ng kolonya. Bunga na rin ito ng patakarang pang – ve. ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol na sa halip na developmental at extractive Ibig sabihin, hindi nila tinangkang paunlarin ang mga potensiyal sa bansa upang magkaroon nhg kita, sa halip ay kinuha lamang kung ano ang maaaring pakinabangan gaya ng lakas – paggawa at likas na yaman. Sinasabing hindi naman talaga ang Spain ang kumita mula sa pananakop sa Pilipinas kundi ang mga Espanyol na ipinadala rito. Sa katunayan, upang matugunan ang pangangailangan sa kolonya ay kinakailangan pang umasa ang bansa sa real situado (royalsubsidy) o tulong na salapi mula sa Mexico na noon ay kolonya rin ng Spain. Samantala, iminungkahi naman ng mga prayle na payagan silang magmay – ari ng mga lupain sa Pilipinas upang hindi na sila umasa pa ng suportang pinansiyal mula sa Spain. 4 Ang Halaga ng Tributo Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusan ang pangangailangan nito, ang paniningil ng tributo o buwis ay isa sa mga pangunahing patakarang ipinatupad ng mga Espanyol. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. Sinimulan ang pagkolekta ng tributo noong 1571 na nagkakahalaga ng 8 reales, naging 10 reales nong 1589, hanggang sa naging 12 reales noong 1851. Iba pang Buwis na Ipinataw Bukod sa tributo, marami pang ibang buwis ang ipisnataw sa mga katutubo. Ang donativo dezamboanga, falua, at vinta ay mga buwis na kailangang bayaran upang suportahan ang hukbong militar sa pagsugpo sa pananalakay ng ilang Muslim sa mga pagkakataong nambibihag sila ng mga katutubo upang ibenta bilang alipin. SISTEMANG BANDALA Ang isa pang anyo ng buwis ay ang bandala, na nagsimula sa panahon ni Gobernador Heneral Sebastian Hutrtao de Corcuera noong ika – 17 siglo. Sa sistemang bandala, nagtatalaga ang pamahalaan ng taunang quota sa proukto sa mga lalawigan na kailangan nilang ibenta sa pamahalaan. Gayunpaman, hindi naman sila kadalasang nababayaran ng pamahalaan kung kaya’t sa halip na bilhin ay tila kinumkumpiska lamang sa kanila ng pamahalaan ang kanilang produkto. Sa kabuoan, malaki ang naging papel ng tributo sa pagpapatupad sa kolonyalismo. Ang pagbabayad ng tributo ay pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. Para sa mga Espanyol, nagbigay – daan din ito upang mabawasan ang mataas na pagtingin ng mga katutubo sa kanilang mga sarili spagkat ginagawa nila ang isang bagay na alam nilang hindi kailangang gawin. Naging dahilan din ito upang makapangamkam ng pera ang mga tiwaling Espanyol na walang hangad kundi ang magpayaman bago bumalik sa Spain. Sa bandang huli, napagtanto ng mga katutubo na sa halip na mapakinabangan nila ang tributo para matugunan ang mga batayang pangangailangan, lalo pa itong nagsadlak sa kanila sa kahirapan. ANG CEDULA PERSONAL Pagdating ng 1884, ipinatupad ng mga Espanyol ang cedula personal. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaang bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis. Kung ang tributo ay pahirap sa buhay ng mga katutubo doble ang pahirap na dulot ng cedula personal sapagkat kailangang dala lagi ito ng katutubo saan man siya magpunta. Nagpapatunay ito ng kaniyang pagkakakilanlan at ng kaniyang lugar ng panirahan. Kung wala siya nito, maaari siyang pagbintangan bilang tulisan.Siinumang 5 mahuli na walang dalang cedula personal ay pagmumultahin at kung walang pangmulta ay ikukulong. Maraming katutubo ang ikinulong noong panahon ng kolonyalismong Espanyol dahil lamang walang dalang cedula personal. http://kristinebraga22.blogspot.com/2013/10/ang-tributo-tributo-and-tawag-sa.html Suriin Suriing mabuti ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa kuwaderno. Piliin ang sagot sa kahon. Cedula Personal Tributo Bandala Sapilitang paggawa real situado (royalsubsidy) Laws of the Indies reales 1. Tawag sa pera na ginamit ng mga Espanyol sa kanilang bansa at nasasakupan noong 14th century.Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang perang ito noong panahon ng Espanyol. 2. Sapilitang pagbibili ng pamahalaan ng mga produktong pansakahan. 3. Paraan ng pagbayad ng buwis na pinapalit sa tributo noong 1884. 4. Pondong nanggagaling sa Mexico bilang pampuno sa mga gastusin ng Spain sa Pilipinas. 5. Ito ay hango sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing pampamayanan,” 6 Pagyamani n Gawain A Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang pangungusap at MALI kung mali ang pangungusap. Isulat ito sa kuwaderno. ____ 1. May pagtatangkang maprotektahan ang kapakanan ng mga polista batay sa Laws of the Indies. ____2. Falla ang buwis na kailangang bayaran ng mga polista upang maiwasan ang sapilitang paggawa. ____3. Ang polo Y Servicious ay sapilitang paggawa ng mga kalalakihan idad 16 hanggang 60. ____4. Ang cedula personal ay isang napakalaking papel na katumbas ng pagkakakilanlan bilang hindi mamamayan ng isang lalawigan. ___ 5. Ang sistemang bandala ay binabayaran ang mga produkto sa mas maliit na halaga. Gawain B Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita at isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Kailangan nilang magtrabaho sa loob ng __________sa loob ng isang taon. 2. May pagtatalakay na maprotektahan ang kapakanan ng mga Polista batay sa ___________________. 3. Sa sistemang bandala, nagtatalaga ang pamahalaan na taunang ____________ sa mga lalawigan na kailangan nilang ibenta sa pamahalaan. 4. Upang makalikom ngpundo, mula a kolonya at matustusan ang pangangailangan nito, ang paniningil ng ______________ ay isasama ang mga pangunahing patakaran ipinapatupad ng mga Espanyol. 5.___________________ ang kinolektang buwis noong 1851. 7 Isaisip Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. 1. Bakit sa kabila ng paniningil ng buwis ay kinakailangan pang tumanggap ang kolonya ng real situado mula sa Mexico sa panahon ng kolonyalismong Espanyol? 2. Bakit kailanagang kumuha ng cedula personal ang mga katutubo? 3. Ano – ano ang mga nakasaad sa batas na sapilitang paggawa? 4. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino nang panahong ipinatupad ang polo y servicio susunod ka rin ba? Bakit? 5. Paano mo pahahalagahan ang mga pag-aangkop na ginawa ng mga Pilipino sa mga patakaran ng mga Espanyol? Isagawa Panuto: Gawin ang mga sumusunod sa iyong kuwaderno. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa naging epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa. Ang gagawin mong sanaysay ay dapat makasunod sa pamantayan sa ibaba. Pamantayan 5 4 3 2 1 Maliwanag, May kaisahan Bahagyang May kaunting Walang naisulat tumpak, may ang kabuoan ng nailalarawan epektong na sanaysay. kaisahan ang sanaysay at ang naging nailalarawan kabuoan ng nailalarawan epekto ng mga tungkol sa sanaysay at ang naging patakarang patakarang nailalarawan epekto ng mga kolonyal na kolonyal na ang naging patakarang ipinatupad ng ipinatupad ng epekto ng mga kolonyal na mga Espanyol mga Espanyol patakarang ipinatupad ng sa bansa. sa bansa. kolonyal na mga Espanyol ipinatupad ng sa bansa. mga Espanyol sa bansa. 8 Tayahin Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kuwaderno. 1. Bakit nagbabayad ng tributo o buwis ang mga Pilipino? A. Dahil ito ay patakaran. B. Dahil ito ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. C. Para sa may panggastos. D. Wala sa nabanggit. 2. Ano ang tributo? A. pagawaan C. buwis B. kolonya D. pangangailangan 3. Sa ilang reales nagsimula ang tributo? A. 8 reales B. 20 reales C. 18 reales D. 30 reales 4. Ano ang sistemang bandala? A. Pagbili ng mga ani sa mataas na presyo. B. Pamamahagi ng mga produkto C. Ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng ani ng mga magsasaka sa mas mababang halaga, D. Wala sa nabanggit 5. Sino ang nagsimula sa sistemang bandala? A. Gobernador – Heneral Sebastian Hurtido de Corcuera B. Gobernador – HeneralMabini C. Gobernador – Heneral Magellan D. Gobernaador – HeneralLapu – Lapu 6. Ilang araw ang sapilitang paggawa? A. 70 B. 30 C. 40 D. 10 9 7. Ano ang cedula personal? A. Ito ay papel lamang. B. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis. C. Dito nakalista ang lahat ng utang. D. Ito ay pagpapatibay na ikaw ay isang Pilipino. 8. Ano ang parusa kapag hindi ka nakapagdala ng cedula personal? A. ikukulong C. pakakainin B. Wala lang D. paglilinisin 9. Ano ang sapilitang paggawa? A. Pagtatrabaho na malaki ang bayad. B. Tungkuling magbigay ng serbisyo ang mga kalalakihang may idad 16-60. C. Mga kababaihan lamang ang nagtatrabaho. D. Lahat ng nabanggit. 10. Ano ang ibang tawag sa sapilitang paggawa? A. Polo y servicio B. Pagtatrabaho C. Manggagawa D. Mangangalakal 10 Karagdagang Gawain Para sa iyo,aling patakarang ipinatupad ng mga Espanyol ang mas mainam-inam para sa mga Pilipino?Patunayan ang sagot. TALAHULUGANAN bandala – ana patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng mga ani ng mga magsasaka sa mababang halaga cedula personal – isang maliit na papel na katumbas ng pagkakakilanlan bilang mamamayan ng isang lalawigan donativo de Zamboanga – buwis na binayaran ng mga naninirahan sa may pampang ng kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdepensa ng mga lalawigan dito mula sa banta ng mga Muslim; tinatawag ding samboanga faula - siningil sa mga taga- Camarines Sur, Cebu, Misamis at karatig na mga lalawigan bilang tulong sa pagdepensa sa bantang pananalakay ng mga Muslim sa kanilang lalawigan katubas ng vinta polo y servicio– patakaran ng sapilitang paggawa polista – mga manggagawa ng polo y servicio reales – yunit ng pananalapi na gimamit ng Spain mula ika-14 na siglo hanggang sa mapalitan ito ng escudo (1864) at peseta tributo – uri ng buwis noong panahon ng kolonyalismong Espanyo na binayaran sa pamamagitan ng salapi o katumbas ng halaga nito sa tabako, palay, bulak,tela at mano vinta – buwis na binayaran ng mga taga- Zamboanga sa mgaEspanyol para sa pagsupil sa mga Muslim; katawagan din sa mga bangkang may makulay na layag sa Sulu at sa sayaw ng mga Moro 11 Susi sa Pagwawasto Tayahin: 1.B 2.C 3.A 4.C 5.D 6.C 7.B 8.A 9.B 10.A Karagdagang Gawain:(malayang Pagpapahayag ng Sagot.) Balikan:1.Encomienda, Sistemang Kasama.Hindi dahil lalo lang itong nagpapahirap sa mga katutubo 2.Hindi Subukin 1.a 2.c 3.b 4.b 5.a 6.c 7.b 8.a 9.c 10.d 12 Sanggunian 1. MELC 2020, pahina 44, week 5 2. Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa, pahina 128 at 129, 130 hanggang 132 Mga May – akda: Maria Annalyn P. Gabuat Michael M. Mercado Mary Dorothy dL. Jose Mga Patnugot: Celestina P. Boncan, PhD Vicente C. Villan, PhD 3. https://slideplayer.com/slide/17323167/ http://kristinebraga22.blogspot.com/2013/10/ang-tributo-tributo-and-tawag- sa.html https://www.google.com/search?q=sino+-+sino+ang+kukuha+ng+sedula https://www.google.com/search?q=larawan+ng+bagong+sed https://www.google.com/search?q=uri+ng+sapilitang+paggawa+ay+ang+pagg awa+ng+barkong+galyon&tbm 13 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: [email protected] Website: lrmds.depednodis.net

Use Quizgecko on...
Browser
Browser