Document Details

ViewableAstrophysics

Uploaded by ViewableAstrophysics

NU Clark Senior High School

Tags

Tagalog language language levels formal language Filipino language

Summary

This document discusses the levels of the Tagalog language, including formal, informal, technical, and slang terms. It provides examples for each level, and details the characteristics of each type of language level.

Full Transcript

Antas ng Wika ANTAS NG WIKA ⮚Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng nakararami. ⮚Di-Pormal – ito ang mga salitang karaniwan, palasak, at pang-araw-araw. http://www.aralingpilipino.com/2010/07/antas-ng-...

Antas ng Wika ANTAS NG WIKA ⮚Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng nakararami. ⮚Di-Pormal – ito ang mga salitang karaniwan, palasak, at pang-araw-araw. http://www.aralingpilipino.com/2010/07/antas-ng- wika.html PORMAL ⮚Pambansa – wikang ginagamit sa pagtuturo, sa pamahalaan, at pagbabalangkas ng batas. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan. ⮚Halimbawa: ⮚Republika, edukasyon, pilosopiya, saligang batas, balarila http://www.aralingpilipino.com/2010/07/antas-ng- wika.html PORMAL ⮚Pampanitikan – malalim na pamimilipino. Ito ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, matalinhaga at masining. ⮚Halimbawa: ⮚Tayutay at Idyoma http://www.aralingpilipino.com/2010/07/antas-ng- wika.html TAYUTAY 1) Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan. 2) Wala ng mas babait pa sa kaibigan kong kasingbait ni Hudas. 3) Nagtago ang buwan sa likod ng makapal na ulap. 4) Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno. Ako ang demonyong gagabay sa iyo. 5) Halos makita mo na ang usok na lumalabas sa kanyang ilong dahil sa galit. http:// mathandmultimedia.com/ 2011/07/15/math-words-in- filipino/ PORMAL ⮚Teknikal – gamit sa Matematika at Agham. Mga salitang kadalasang hindi isinasalin. ⮚Hal. ⮚Square root (pariugat), variable (aligin), fuse (mitsa), electromagnetic wave, X-ray, chlorophyll, Staphylococcus, Enzyme, Coefficient, Cosine https://1222mylesaway.wordpress.com/ 2016/09/11/10-salitang-madalang-gamitin- sa-larang-ng-sipnayan/ PORMAL Teknikal ⮚Panandaan (Algebra) ⮚Tayahan (Calculus) ⮚Tatsihaan (Trigonometry) ⮚Palautatan (Statistics) ⮚Liknayan (Physics) PORMAL ⮚Cybernetic – mga salitang may kaugnayan sa teknolohiyang kompyuter. ⮚Halimbawa: ⮚Gigabytes, Upload, Download, Hashtag, Google, Software, Operating System, Firewall https://tl.wikipedia.org/wiki/ Lingua_franca DI - PORMAL ⮚Lingua Franca – tumutukoy sa anomang wika na ginagamit sa pakikipag-usap ng mga taong magkaiba ang katutubong wika o dayalekto. Halimbawa: ⮚Hapon at Filipino – Ingles ⮚Bisaya at Kapampangan – Filipino DI - PORMAL ⮚Rehiyunal – ito ay tumutukoy sa lingua franca ng mga lalawigan. ⮚Halimbawa: ⮚Bulacan Tagalog, Taal Tagalog, UP Tagalog, Nueva Ecija Tagalog, Maynila Tagalog ⮚Kapampangan, Ilokano, Hiligaynon, Ingles, atbp. DI - PORMAL ⮚Dayalekto/Lalawiganin – ang nakagisnang wika ng mga etnolingguwistikong grupo sa bawat lalawigan. ⮚Halimbawa: ⮚Kalamunding (kalamansi) – Pampanga ⮚Hawot (tuyô) – Batangas DI - PORMAL ⮚Kolokyal – karaniwang ginagamit sa pakikipag- usap sa tahanan, pasyalan, o tambayan (“country talk”). Pinapaikli ang mga salitang halaw sa pormal na pananalita. May kaunting gaspang ngunit maaari rin namang repinado, depende kung sino ang nagsasalita, sino ang kinakausap at paraan ng pananalita. DI - PORMAL ⮚Kolokyal ⮚Halimbawa: ⮚Meron, sa’yo, kelan, nasa’n, pa’no, ‘no?, ‘to, pakelam, ata?, penge, p’re, lika, ‘ka mo?, pede, antay, naro’n, askal, sa’kin, teka, ‘musta?, pinoy DI - PORMAL ⮚Balbal – mga salitang napupulot sa kalye (language of the street). Hindi makinis at repinado (likha). Sa Ingles ay “slang’’ ⮚Halimbawa: ⮚lonta, panulak, olats, datung, sabog, resbak, chibog, damo, omsim, igop, arat, tsikot, ninja moves, ayown WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas ⮚Atabs ⮚Etneb ⮚Matsala ⮚Erp ⮚Olats WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas ⮚Besh ⮚Dre ⮚Bro/Bruh ⮚Mej ⮚Sis WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas ⮚AYT ⮚AFAIK ⮚ATM ⮚BRB ⮚BTW ⮚IMO ⮚TBF ⮚TBC DI – PORMAL (BALBAL) 1) Katutubo (Gurang – Bisaya) 2) Banyaga (wheels – Ingles, tong – Intsik, salvage - Ingles) 3) Kahulugan (luto, ube, durog, bato, toyo, lagay, bola, damo, shot, buwaya, bata) DI – PORMAL (BALBAL) 4) Pagpapaikli (‘tol/utol, pake, ‘geh, kano) 5) Pagbabaligtad (salita: atab-bata, idol- lodi ; pantig: lespu-pulis, yorme-mayor) 6) Akronim (gg, pg, ksp,ggss, tbh, ttyl, idc) 7) Pagpapalit ng Pantig (jisa-isa, nyotlo- tatlo, jowa-asawa) DI – PORMAL (BALBAL) 8) Paghahalo (binasted, paepek, ma-take) 9) Bilang (143, 50-50, 123, 555) 10)Pagdaragdag (malay-malaySIA, kulong-colomBIA) DI – PORMAL (BALBAL - KUMBINASYON) 11)Kumbinasyon ⮚Baligtad at Dagdag (hindi-dehin-dehins, hiya- yahi-dyahe, wala-alaw-alaws) ⮚Ikli at Dagdag (pinoy, tisoy/tisay, bagets) ⮚Ikli at Baligtad (sigarilyo-siyo-yosi) DI – PORMAL (BALBAL - KUMBINASYON) 11)Kumbinasyon ⮚Hiram at Ikli (dead malice-dedma, short time- shota, security-sikyo, original-orig) ⮚Hiram at Dagdag (dead-dedo, cry-krayola, in- love-inlababo) DI – PORMAL (BALBAL) 12)Pangngalang Pantangi ⮚Janno Gibbs (to give) ⮚Luz Valdez (to lose) ⮚Winnie Monsod (to win) ⮚Gardo Versoza (haggard) ⮚James Yap (pumatol sa mas bata) DI – PORMAL (BALBAL) 12)Pangngalang Pantangi ⮚Julanis Morissette (umuulan) ⮚Cynthia (sino siya?) ⮚Lydia de Vega (mabilis tumakbo o sumibat) ⮚Ces Drilon (stress) ⮚Carmi Martin (karma) DI – PORMAL (BALBAL) 12)Pangngalang Pantangi ⮚Tom Jones (gutom) ⮚Rita Avila (nakakairita) ⮚Samantha Lopez (mapagsamantala o oportunista) ⮚Katrina Kahalili (third party) ⮚Purita Corales (mahirap) ⮚Rica Peralejo (mayaman) ⮚ Georgina Wilson (gorgeous) DI – PORMAL ⮚Bulgar – kabilang dito ang mga mura at mga salitang may kabastusan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser