Ang Maikling Kuwento PDF

Document Details

FervidElPaso

Uploaded by FervidElPaso

Sekolah Kebangsaan Taman Sri Pulai

Edgardo B. Ongkiatco, Jr.

Tags

Tagalog literature short stories narrative elements Filipino language

Summary

Ang dokumentong ito ay isang gabay sa mga elemento ng maikling kuwento sa Tagalog. Tinatalakay dito ang mga karakter, tagpuan, banghay, kasukdulan, kakalasan, at wakas ng maikling kwento, kasama ang mga katangian nito.

Full Transcript

Ang Maikling Kuwento I n i h a n d a n i : E d g a r d o B. O n g k i a t c o , J r. A ng ma iklin g kuwento ay isa sa mg a uri ng pa nitika ng tuluya n. A yo n kay Genoveva E. Ma tute, isa ng ma nunula t, an g ma iklin g kuwento ay hindi pina iklin g no bela, at hindi rin buod ng...

Ang Maikling Kuwento I n i h a n d a n i : E d g a r d o B. O n g k i a t c o , J r. A ng ma iklin g kuwento ay isa sa mg a uri ng pa nitika ng tuluya n. A yo n kay Genoveva E. Ma tute, isa ng ma nunula t, an g ma iklin g kuwento ay hindi pina iklin g no bela, at hindi rin buod ng isa ng no bela. Ma gka iba ng uri ng pa nitika n an g no bela at ma iklin g kuwento. Sa kabila ng kaiklian nito, kumpara sa nobela, ay kompleto nitong nailalarawan ang mahahalag ang pang yayari sa buh ay ng pang unahing tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa mambabas a. Ang mg a sinaunang panitikang gaya ng kuwentong-bayan at alamat ang naging inspirasyon sa paglinang ng maikling kuwento. KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO 1. May mahalagang bahagi ng buhay na tinatalakay -Makulay ang buhay. Bawat kulay ay sumisimbolo sa mga pinagdadaanan ng tao, na pinagbabatayan ng mga manunulat sa pagkatha ng maikling kuwento. 2. May Mahalagang suliranin ang pangunahing tauhan - Ang suliraning pinagdaraanan ng tauhan ang isa sa mga nagbihis sa maikling kuwento upang makahikayat ito ng mga mambabasa. 3. May mahalagang tagpuan - Malaki ang ginagampanan ng tagpuan upang mas mapatingkad ang pagtalakay sa mahalagang bahagi ng buhay ng tauhan. 4. May mabilis na pagtaas ng kawilihan - Mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa maikling kuwento, kaya madaling masundan ng mga mambabasa ang mahahalagang bahagi ng kuwento. 5. May maigting na kasukdulan agad na sinusundan ng wakas - Isa sa kagandahan ng maikling kuwento ay agad na isinusunod ang kasukdulan o pinakamaigting na pangyayaring pinakaaabangan ng mga mambabasa. 6. May kakintalang iniiwan sa mga mambabasa - Kailangang makapag-iwan ang kuwento ng damdaming aantig sa mambabasa upang hindi agad makalimutan ng kuwentong binasa. MGa Elemento ng Maikling Kuwento Tauhan - Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa kuwento. Ang pangunahing tauhan ang may pinakamalaking bahagi ng kuwento na lumulutas sa suliraning kanyang kinakaharap. Tagpuan- ang tagpuan ay tumutukoy sa panahon at lugar na pinangyarihan ng kuwento. Sakop nito ang kaligiran ng pagkilos ng mga tauhan. Banghay - Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento. Maaari itong ilarawan bilang hugis na baligtad na tsek o tatsulok, sapagkat simula sa ibaba ay unti-unting tumataas ang kawilihan ng mga mababasa. Simula - pagbubukas ng kuwento ng buhay ng pangunahing tauhan. Saglit na kasiglahan - ito ang bahagi kung saan unti-unting lumilitaw ang suliraning kakaharapin ng tauhan at ang pagdagdag ng kumplikasyon sa mga pangyayari. Suliranin at Tu ng galian - ang pagsubok na pina gdara ana n ng pangunahing tauhan o ang balakid sa kaniyang layunin o mithi. D ito iikot ang mga pangyayar i sa kuwe nto tungo sa tungga lia n nagaganap ang pagtungga lia n. Naga gana p ang pagharap ng tauhan sa kaniyang sulira nin. Tao laban sa tao Pangunahing tauhan laban sa maaaring paglalabang pisikal, talino, kapangyarihan, espirituwal, at iba pang maaaring laban ng tao sa kaniyang kapwa. Tao laban sa kapaligiran Pangunahing tauhan laban sa mga pangyayaring nagaganap sa kaniyang paligid. Maaaring ito ay kahirapan, diskriminasyon, at iba pang isyung panlipunan na susukat sa pagkatao at kakayahan ng pangunahing tauhan. Tao laban sa sarili Pangunahing tauhan laban mismo sa kaniyang sarili. Maaaring mayroong pagtatalo sa desisyong kaniyang gagawin, paniniwala, damdamin, atbp. Kasukdulan Pinakamasidhing pangyayari sa kuwento, kung kaya ito ang may pinakamataas na kawilihan. Sa bahaging ito ng banghay madalas nagaganap ang tunggalian. Unti- unting wawakasan ang tunggalian hanggang sa makarating sa bahaging kakalasan Kakalasan Paglutas sa suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan. Wakas Ang katapusan ng kuwento. May mga wakas kung saan pinag-iisip ng may-akda ang mga mambabasa tungkol sa kahihinatnan ng mga tauhan matapos masolusyonan ang suliranin. Paksang-diwa Pangunahing kaisipan ng kuwento na inihahatid ng kuwento sa mga mambabasa. Katimpian Masining na paglalarawan sa damdamin. Maaaring higit na madama ang labis na galit ng pangunahing tauhan kung ilalarawan ito sa paraang nagtitiim bagang, kuyom na palad at habol na paghinga kaysa sa pagpapalahaw. Paningin (Point of View) Ang perspektibong ginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayari ng kuwento.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser