Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino PDF

Summary

Ang papel na ito ay isang pag-aaral tungkol sa intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino, na may mga talakayan sa kasaysayan at pag-unlad nito.

Full Transcript

**Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino** - Si *Lope K. Santos* ang siyang naglimbag ng kauna-unahang gramatika ng ating wikang pambansa. - Sa pamamagitan ng *Proklamasyon Blg. 1041*, higit na pinalawig ang selebrasyon o pagdiriwang ng wikang Filipino. Ito ay magaganap sa buon...

**Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino** - Si *Lope K. Santos* ang siyang naglimbag ng kauna-unahang gramatika ng ating wikang pambansa. - Sa pamamagitan ng *Proklamasyon Blg. 1041*, higit na pinalawig ang selebrasyon o pagdiriwang ng wikang Filipino. Ito ay magaganap sa buong buwan ng *Agosto*. (dati ay tinatawag lamang na Linggo ng Wika) - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ayon sa kautusang pang kagawaran Blg. 7 ay *Filipino.* \> Ang pinasimple o bagong alpabetong Fiipino ay binubuo ng 26 na titik o letra. - *Tagalog* ang siyang katutubong wikang kinilala ni *Pangulong Manuel L. Quezon* bilang batayan ng ating wikang pambansa. **Kasaysayan ng Wikang Pambansa** **Panahon ng Katutubo (1604)** - ang katutubong wika ng mga sinaunang Pilipino ang siyang ginagamit - ito rin yung panahon bago pa man dumating yung mga dayuhang mananakop **Panahon ng Kastila (1565)** - noong dumating ang Kastila sa ating bansa ay kung matatandaan ninyo sa inyong asignaturang history, matagal tayong sinakop ng mga Kastila at naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng wika yung pagdating din ng mga mananakop na mga Espanyol. Sila yung nagdala ng mga wikang Kastila na kung saan Kastila o Espanyol yung naging wikang panturo at naging wikang opisyal din sa loob ng 333 na taon na napasailalim tayo sa Panahon ng Kastila. **Panahon ng Propaganda at Himagsikan (1872)** - Sa panahong ito maaalala natin na napakahalaga ng mga papel na ginampanan ng ating mga bayani. Tulad na lamang ni Jose Rizal, Andres Bonifacio, at marami pang mga manunulat at mga rebolusyonaryo, na kung saan sa panahong ito ay nagising ang isip at diwa ng mga Pilipino, na kung saan ay sila na pala ay nakakaranas na ng iba't ibang mga pang aabuso sa kamay ng mga mananakop. **Panahon ng Amerikano (1903)** - Pagkatapos ng himagsikan laban sa bansang Espanya ay nagkaroon naman ng tinatawag na kolonyalismo galing sa Estados Unidos o ng mga Amerikano. - Sa panahong ito ay nagsimula ang pagpasok ng wikang Ingles dito sa ating bansang Pilipinas. Na kung saan ang wikang Ingles ay ginagamit natin sa komunikasyon lalo na sa pamahalaan at edukasyon. Kaya nagkaroon ito o nagdulot ng pagkakaiba sa pagitan ng wikang Filipino at Ingles bilang mga wika sa komunikayon at edukasyon. **Panahon ng Hapon (1935)** - Bagamat panandaliang ginawang opisyal ang Hapon bilang wika. - Sa panahong ito ay hindi nagtagal ang wikang Nihonggo sa bansang Pilipinas. - At ay panahong ito ay madali ng bumalik ang wikang Filipino at Ingles bilang opisyal na wika pagkatapos ng digmaan sa pagitan ng mga Hapon at mga Pilipino. **Panahon ng Republika (1945)** - Ito ay pagkatapos ng Second World War o ang tinatawag nating Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan kaya nga panahon ng Republika dito na umusbong o naitayo o binuo ang Republika ng Pilipinas. Na kung saan naging mahalaga din ang pagsasa-ayos at pag-unlad ng Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas. - At kung matatandaan natin isa sa mga mahalagang taon sa panahon ng republika ay taong 1935, noong 1935 ay kung babalikan natin sa panahon ng Hapon ay dito ay itinatag ang Surian ng Wikang pambansa o tinatawag pa natin noon na SWP. Kung saan ang SWP o Surian ng Wikang Pambansa ay naglalayon na pag aralan at paunlarin pa ang Filipino bilang wika ng bansa. - Kung mapapansin natin ngayon sa ating kasalukuyang panahon ay ano na ba ang kalagayan ng wikang Filipino? Sa kasalukuyang panahon ang tinatawag natin na opisyal na wika ng Pilipinas ay dalawa. Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay wikang Filipino at wikang Ingles. At patuloy na umuunad at lumalago ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa iba't ibang larangan tulad ng edukasyon , media, kultura at pamahalaan. Yun yung mga mahahalagang pangyayari sa anim na mga panahon at pang pito patuloy pa din yung ating **Kasalukuyang Panahon (2020).** Maaring ang Tagalog, Pilipino at Filipino sa inyo ay mayroong hindi pa masyadong naiintindihan kung ano ano ba yung pagkakaiba iba ng tatlong ito. **Tagalog** - Ang wikang sinasalita ng etnolinggwistikang grupong Katagalugan - Katulad ito sa ating lugar, sa Oriental Mindoro, ay Tagalog ang ginagamit nating wika o diyalekto. Kung inyong palalawakin pa ito ay makikita sa kautusang Executive Order No. 134, Series of 1937, at 1935 Constitution Article 13, Section 3. - Kung babalikan naman natin sa kasaysayan, ang Tagalog ay isang wika. Isang wika na kung saan ay kabilang sa pamilyang Austronician at isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas, bakit itinuturing na ito ay pangunahing wika? Sapagkat dito sa bansang Pillipinas, Tagalog ang may malaking porsyento na ginagamit ng mga Pilipino, sa Luzon, Visayas at Mindanao. At ang may pinaka malaking diyalekto o wika na ginagamit sa buong Pilipinas ay ang Tagalog. Ay partikular na sa rehiyon ng Luzon, sa Luzon ginagamit natin ang Tagalog. Kung babaikan din natin ang kasaysayan ng wikang pambansa ay noong 1937 kung matatandaan natin ay ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon na ang pagbabatayan ng wikang pambansa ay Tagalog. **Pilipino** - Ang wikang pambansang batay lamang sa Wikang Tagalog - Ito ay naging wikang opisyal ngunit hindi kailanman naging wikang pambansa ng Pilipinas. - Ang Pilipino ay nakasalig pa din sa Wikang Tagalog - At kung inyong babasahin ang mga artikulo o iba pang mga pamantayan tungkol sa Pilipino ay maari ninyong basahin ang Department Order No. 7, Series of 1959 kay Secretary Jose Romero at 1943 Constitution Article 9, Section 2. - At kung babalikan natin ang Tagalog, ang Tagalog noon ay pinag batayan ng Pilipino. Dahil nga gusto ng tanggalin o hindi na magkaroon ng dahilan ng pagkalito kapag ginamit yung Wikang Tagalog at Wikang Pilipino. - At mas binigyang diin din noong taong 1959 yung pagbabago ng Tagalog patungong Pilipino. Ito ay bahagi ng pagsisikap na kung saan ay mas gusto pang palawakin pa ang wika na magkaroon ng inklusibo na aspeto, o inclusive na yung Pilipino, kasi mayroong mga ibang taga rehiyon na nagrereklamo na bakit Tagalog ang pinagbabatayan o pinagbatayan ng Wikang Pambansa, bakit hindi Cebuano, kaya pinalitan ng Pilipino. Para nga mas paigtingin pa o mas mapalawak pa na inclusive na kapag Pilipino na ang ginamit ibig sabihin batay sa Tagalog at batay din sa mga ginagamit na ibang mga diyalekto. **Filipino** - Ang wikang pambansang batay sa mga wika sa Pilipinas. Ang paggamit ng "F" ay pagkilala sa binagong ortograpiya ng bansa. - At ito ay inyong mababasa rin sa 1973 Constitution Article 15 Section 3 at 1987 Constitution Article 14 Section 6 - Ang Filipino ay ang kasalukuyang opisyal na wika at pambansang wika ng Pilipinas. - Kinikilala at isinasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino sa ilalim ng 1987 Constitution. - At kung mapapansin natin di ba noong 1987 pinalitan yung pangalan mula sa Pilipino patungong Filipino. Sapagkat mas gustong panatilihin at magkaroon ng pagkakaisa ang wika kapag ginamit ang Wikang Filipino kaysa sa Pilipino. - Bakit pinalitan ng "F" ang Pilipino? Ito ay ayon sa binagong ortograpiya ng bansa. Dito naman sa ortograpiyang pambansa maari ninyo itong basahin para ng sa gayon ay mas mapalalim pa ang inyong pag unawa kung ano ano ba yung mga pagbabago tungkol sa spelling, matatalakay at mababasa niyo din kung ano ba yung ibat ibang pagkakaiba ng paggamit tulad ng "daw" "raw at marami pang iba. - Ang paggamit ng letrang "F" sa halip na "P" ay sa ilang mga salita ay bahagi sa ortograpiya ng bansa o sa binagong ortograpiya ng sa gayon ay mas umayon ito sa mga internasyonal na pamantayan at mas tama yung mga pinapakita na mga tunog ng mga \--. Dahil nga sa pagbabago ng ortograpiya ng bansa ay inirerekomenda din ng binagong ortograpiya yung paggamit ng Filipino at Filipinas. Kung maoobserahan natin, di ba si Michelle D ay noong lumaban siya sa Ms. Universe ay sa halip Pilipinas ang ginamit niya ay Filipinas, tama po yun, dahil nga inirerekomenda ng ating bagong ortograpiya yung paggamit ng Filipino at Filipinas ng sa gayon ay mas maipakita yung pagbigkas na nakikipagsabayan din sa pandaigdigang pamantayan. At layunin ng binagong ortograpiya na hindi lamang para mas maayos yung pagbigkas kundi pati na din mapadali yung pagsulat ng wika at mas madali itong maintindihan ng mga gumagamit sa loob at labas ng ating bansa. Makakatulong din ito sa mga ibat ibang mga pagsasalin at integrasyon ng pandaigdigang komunikasyon. **Intelektuwalisasyon** - ay pagpapayaman sa bokabularyo ng wika upang magamit itong kasangkapan sa talakayang intelektuwal o sa matatayog na larangan ng karunungan at kaalaman. ( Pineda.sa.Catacataca2004) **Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino** - Maaring sabihin na ang Wikang Filipino ay may aspeto na ng intelektuwalisasyon ngunit ito ay isang patuloy pa din na proseso. Sabi nga ang wika ay patuloy na nagbabago at dinamiko o ibig sabihin ay nagbabago. Ibig sabihin, ang wika ay patuloy na umuunlad at nangangailangan pa ng karagdagang pagsisikap upang maging ganap na intelektuwalisado. Kaya kung mapapansin natin na ginagawa pa din na mga hakbang halimbawa sa pagpapalawak ng terminolohiya. Mapapansin natin na sa ibat ibang disiplina halimbawa ay sa matematika, sikolohiya, siyensya, teknolohiya ginagamit ang pagpapalawak ng terminolohiya gamit ang Wikang Filipino. Kung mapapansin ninyo yung sa agham, teknolohiya, matematika at marami pang disiplina ay gumagamit sila ng pagsasalin kasi nga mas napapadali yung pagsasalin at pag unawa ng mga konsepto sa Filipino. At yung patuloy na pagsasanay at pagbuo ng akademikong resources sa Filipino ay kinakailangan ng sa gayon ay mapanatili natin yung proseso na ito at makamit yung mas mataas na intelektuwalisasyon. - "Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo." **Webster (1974)** - "Wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawain pantao." **Hill (2000)** - "Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at sinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura." **Gleason (2000)** Dalawang pangunahing batayan sa pag-unlad ng Pambansang Wika ayon kay **Constantino (2012):** 1. **Horizontal** - Ipinapakita dito na ang pag-unlad ng pambansang wika ay bunsod ng mga pangunahing katutubong wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. - Paglawak ng wikang Filipino\* - Ito ay mas pinapalalim ang Wikang Filipino sa pamamagitan wikang Ingles o mga hiram na salita.\* 2. **Vertical** ![](media/image2.png) - Dito makikita ang pagsulong ni Manuel L. Quezon ng wikang ating gagamitin at magbubuklod sa mga Pilipino. - Pagsulong ng mga wika sa mga pormal at mataas na paggamit\* - **SB, 1935 at SB, 1987**, Sa taong ito itinakda ang Wikang Filipino bilang opisyal na wika na ating bansa. At isa itong halimbawa ng vertical na pagunlad. Dahil nga mas pinapalakas ang paggamit ng wika sa pormal na antas. - Dito din nangyari ang pagsulong sa mga institusyon. Nagsimula sa surian ng Wikang Pambansa ngayon sa kasalukuyang panahon ay mayroon tayong tinatawag na **KWF** o **Komisyon sa Wikang Filipino** na kung saaan ay ma layunin na maipalaganap at mapreserba ang Wikang Filipino ay isang magandang halimbawa ng vertical na pag-unlad ng Wikang Filipino. **Saligang Batas 1935** - Nakasaad ang pagtukoy sa magiging wikang pambansa mula sa mga *umiiral na wika sa Pilipinas.* **Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 S. 1937** - Pinagtibay ang "bias" ng wikang tagalog, ipinahayag na ang *tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.* **Hunyo 4, 1946** - Nabuo ang **Batas Komonwelt Blg. 570**, pinagtibay na ang pambansang Pilipino ay isa sa mga magiging opisyal na wika ng Pilipinas. **Pangkagawaran Blg. 7 S. 1959** - Ibinaba ng Edukasyon na si **Jose E. Romero** ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Pilipino na nakabatay sa Tagalog. **Saligang Batas 1973** - Pinalitan ang baybay ng pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino at tatawagin itong Filipino at pinagtibay naman ito ng Saligang Batas 1987, Artikulo XIV Seksyon 6; **Wika at Diyalekto** **Wika** - Ay wikang sinasalita sa isang lugar na kinikilala ng buong bansa bilang opisyal na wika. Ito ang kinikilalang wika at wikang sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan. **Diyalekto** - Ay barayti ng isang wika. Nagpapakita ng pagkakaiba ng dalawang wika batay sa pagkagamit nito sa isang lugar. - Halimbawa ay ang WIKANG TAGALOG, ito ay wika subalit nagkakaiba o may barayti dahil magkaiba ang Tagalog ng mga taga Cavite sa Tagalog ng mga taga Batangas. **SITWASYONG PANGWIKA NG PILIPINAS, WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO** **Wikang Pambansa (Filipino -- De Facto de jure)** - Ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan n gating lahi at bansa. Ginagamit ang Pambansang Wika sa political at legal na diskurso at tinalaga ng ating pamahalaan. Wikang napagkaisahang gamitin ng isang pangkat ng tao. **Wikang Opisyal (Fiipino at Ingles)** - Ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng isang bansa, estado at iba pa. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa. Ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa ay itinuturo sa mga paaralan at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon. Wikang itinadhana ng batas na gagamitin sa sentro ng pamahalaan at kalakalan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser