Paunang Pagtataya ng Migrasyon ng mga Filipino (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Social Studies 5 Past Paper PDF - Theories on the Origin of the Filipinos
- Chapter 1 - Introduction to Culture, Society, and Politics PDF
- Araling Panlipunan W.A. #1.2 Past Paper PDF
- Marketing Dreams, Manufacturing Heroes: Filipino Migrant Workers (Chapter 3) PDF
- Contemporary Challenges and Responses UCSP PDF
- Migrasyon: Isyung Pang-Ekonomiya at Panlipunan PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng isang paunang pagtataya tungkol sa migrasyon ng mga Pilipino sa iba't ibang panig ng mundo. Kasama ang mga tanong at isang tsart na nagpapakita ng mga sanhi at epekto ng migrasyon. Mayroong iba pang mga seksiyon tungkol sa mga kategorya, dahilan, at epekto ng paglipat ng mga mamamayan.
Full Transcript
Paunang Pagtataya PANUTO: Itala sa tsart ang mga sanhi at epekto ng migrasyon ng maraming mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng daigdig. MIGRASYON MGA SANHI MGA EPEKTO UNITED STATE OF AMERICA CANADA MALASIYA NEW ZEALAND QATAR ITALY AUSTRALIA SI...
Paunang Pagtataya PANUTO: Itala sa tsart ang mga sanhi at epekto ng migrasyon ng maraming mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng daigdig. MIGRASYON MGA SANHI MGA EPEKTO UNITED STATE OF AMERICA CANADA MALASIYA NEW ZEALAND QATAR ITALY AUSTRALIA SINGAPORE UNITED ARAB EMIRATES GREECE JAPAN SOUTH KOREA VIETNAM THAILAND TARA MAGBYAHE TAYO! 1. Kumuha ng isang buong papel. 2. Isulat sa bilang 1 ang iyong nais mapuntahan. 3. Sa bilang 2 – 6, isulat ang mga bagay na nararapat mong dalahin. 4. Sa bilang 7 – 10, ang iyong mga gagawin sa bansang iyong pupuntahan. 5. Paano makakaapekto sa iyo at sa bansa ang paglalakbay na iyong gagawin? MIGRASYON ARALIN 6 MIGRASYON O PANDARAYUHAN Ang migration o migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan. DALAWANG URI NG MIGRASYON 1. Migrasyon Panlabas (International Migration) -Ayon sa etadistika ng United Nations noong taong 2017, 258 milyong tao o 3.4 ng populasyon ng buong mundo ang nakatira sa labas ng bansang sinilangan. DALAWANG URI NG MIGRASYON 2. Migrasyon Panloob (Internal Migration) Sa mga papaunlad na bansa sa daigdig, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na antas ng paglago ng mga lungsod. SINO ANG MGA NANDARAYUHAN? Migrante (migrant) Ang karaniwang tawag sa mga taong nandarayuhan. MGA KATEGORYA NG MGA MIGRANTENG PILIPINO DALAWANG KATEGORYA NG MGA MIGRANTE 1. Ang Pansamantala (migrant) 2. Ang Pangpermanente (immigrant) 1. Ang Pansamantala (migrant) Mga pansamantalang naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa. 2. Ang Pangpermanente (immigrant) Mga nagdesisyong manirahan nang permanente sa ibang bansa. Nagpalit sila ng pagkamamamayan batay sa proseso ng naturalization. Sila ay tinatawag ding "emigrants" ng Pilipinas (pinanggalingang bansa) o "immigrants" ng bansang nilipatan. Ito ay nakabatay sa mga proseso ng emigration at immigration. Ang una ay tumutukoy sa pag- alis o paglabas sa pinanggalingang bansa. Ang ikalawa naman ay sa pagpasok sa lilipatang bansa upang doon ay manirahan nang permanente. 3. IRREGULAR MIGRANTS Mga turista na desperadong makahanap ng trabaho kahit sa maling paraan o proseso. Sila ay tinatawag ding mga TNT (tago nang tago) o undocumented migrants. PUSH FACTOR – Ito ay mga bagay na nagtutulak para lisanin ang tinitirahan o nakagisnang lugar. Ang kawalan ng seguridad o pagkakaroon ng magulong pamayanan ay isang halimbawa nito. PULL FACTOR – Ito ay ang mga bagay na nag-uudyok para puntahan ang isang lugar. Karaniwang hinahanap ang mga lugar na katatagpuan ng mas maraming pagkain o likas na yaman, mas ligtas na lugar o kaya ay kaaya-aya ang klima. KAHIRAPAN NG PAMUMUHAY PUSH FACTOR ABOT KAYANG HALAGA NG TIRAHAH PULL FACTOR DIGMAAN O KAGULUHAN PUSH FACTOR LIGTAS NA KAPALIGIRAN PULL FACTOR MAUNLAD NA EKONOMIYA PULL FACTOR MAINAM NA KLIMA O PANAHON PULL FACTOR KATIWALIAN PUSH FACTOR Mga Dahilan ng Migrasyon -Malaki ang porsyento ng mga migranteng nangingibang bansa ay tinatawag na Economic Migrants - Bahagi rin ng mga migrante sa buong mundo ay mga refugee. Mga Dahilan ng Migrasyon -Noong 2018, tinatayang may 70.8 milyong taong forcibly displaced kabilang dito ang 25.9 milyong refugee sa buong mundo. -41.3 milyong internally displaced people -3.5 milyong asylum seekers MIGRASYON NG MGA PILIPINO Noong 2018, tinatayang mahigit sa 10 milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa mahigit 190 bansa sa dagidig. - Mayroon ding 3.8 milyong OFW o temporary migrants na nagtatrabaho sa mga bansang tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Hong Kong, Japan, Italy, at Spain. Samantala umanot naman sa 800, 000 ang mga migranteng walang legal na papeles. MGA EPEKTO NG MIGRASYON 1. Pagbabago ng Populasyon Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon. 2. Kaligtasan at karapatang Pantao Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taon- taon. 3. Pamilya at Pamayanan Ang pangingibang bansa ng mga ofw ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. 4. Pag-unlad ng Ekonomiya Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. 5. Brain Drain Ang isa pang epekto ng migrasyon ay ang tinatawag na “brain drain” kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t-ibang larangan ay mas pinipili nilang manngibang bansa. 6. Paghina ng Lokal na Industriya Dahil sa matinding pagdepende sa remittance na ipinadadala ng mga OFW upang makatulong sa ekonomiya ng Pilipinas, hindi na nabibigyan ng lubusang pansin ang mga lokal na industriya. 7. Integration o Multiculturalism Pagdagsa ng mga migrante sa ibang bansa, ang destinasyon o tumatanggap na bansa ay nahaharap sa hamon ng integrasyon (integration) at multiculturalism. PAGTUGON SA ISYU NG MIGRASYON 1. Pagpapatibay ng pangangalaga sa mga OFW Marami pa ring mga OFW ang nakararanas ng eksplotasyon at pang-aabuso, tulad ng hindi pagsunod sa kontrata ng kanilang mga amo, sexual harassment, diskriminasyon, at pisikal na pananakit. 2. Pagbibigay-suporta sa mga kaanak ng mga OFW Hindi lamang ang POEA at OWWA ngunit marami ring mga NGO ang nangangalaga sa kapakanan ng mga migrante. 3. Pagpapalakas ng mga lokal na industriya at pagpaparami ng mga trabaho sa loob ng bansa Kung dadami ang pagkakataong magkaroon ng trabahong may sapat na kita sa Pilipinas, hindi malayong maraming Pilipino ang mananatili sa bansa sa halip na makipagsapalaran sa ibang bayan. SALAMAT SA PAKIKINIG! PANGKATANG GAWAIN Pumili ng isang bansa sa Asya at gumawa ng "Travel Brochure" ng bansa na iyong Napili. Isama sa paggawa ng brochure ang mga sumusunod: a) Introduksyon o panimula na naglalarawan sa lugar (Tagline) b) Lokasyon / kinaroroonan ng bansa c) Lugar kung saan maaaring kumain, mamasyal o magpahinga (Lagyan ng mga larawan at maikling deskripsyon) d) Isama ang halaga ng transportasyon at Mapa e) Pinapayagan ang pagdadagdag ng ilang impormasyon na hindi nabanggit f) Maaring gumamit ng anumang app sa paggawa ng brochure o maari ding gawin ng gamit ang bond paper at art material PAMANTAYAN SA PAGGAGAWA: PUNTOS Paglalahad ng Panimula 20 Paglalahad ng Impormasyon 30 Pagkamalikhain 30 Kaayusan ng Larawan at Disenyo 10 Wastong Gamit ng Gramatika at 10 Pormal na Salita KABUUANG MARKA 100 Youngest Oldest Smallest Most Active Largest