Migrasyon: Isyung Pang-Ekonomiya at Panlipunan PDF

Summary

This document discusses the topic of migration, focusing on the reasons, impacts, and effects within the context of the Philippines. It covers push and pull factors and explores both positive and negative implications of migration. The document provides an overview of migration trends and issues.

Full Transcript

# Migrasyon ## Paksa 1 Migrasyon - Hindi na bago ang migrasyon - Ang paggalaw ng tao sa loob at labas ng bansa ay masalimuot - Mahalagang maunawaan ang ilang termino: - Flow: dami o bilang ng nandadayuhan sa isang bansa - Inflow, entries, o immigration - Outflows, emigration, o...

# Migrasyon ## Paksa 1 Migrasyon - Hindi na bago ang migrasyon - Ang paggalaw ng tao sa loob at labas ng bansa ay masalimuot - Mahalagang maunawaan ang ilang termino: - Flow: dami o bilang ng nandadayuhan sa isang bansa - Inflow, entries, o immigration - Outflows, emigration, o departures - Net migration: bilang ng pumasok minus bilang ng umalis - Stockfigure: bilang ng nandayuhan na naninirahan sa bansang nilipatan - Mahalaga ang flow para sa trend o daloy ng paglipat - Mahalaga ang stockfigure para sa matagalang epekto ng migrasyon ## Paksa 2 Mga Dahilan o Sanhi ng Migrasyon **A. Push-factor na dahilan: Mga negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon** 1. **Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan:** - Maraming tao ang napipilitang lumipat dahil sa kaguluhan - Halimbawa: Pag-alis ng mga mamamayan ng Marawi noong kasagsagan ng pananalakay 2. **Paglayo o pag-iwas sa kalamidad:** - Pilipinas ay daanan ng mga bagyo - Paglikas sa mga taong nasasalanta ng kalamidad **B. Pull-factor na dahilan: Mga positibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon** 1. **Pumunta sa pinapangarap na lugar o bansa:** - Maraming Pilipino ang nangangarap manirahan sa mga kalunsuran gaya ng Metro Manila - Marami rin ang nangangarap na pumunta sa kanilang "dream country" 2. **Magandang oportunidad gaya ng trabaho at mas mataas na sahod:** - Mas maraming trabaho sa mga mas mauunlad na lugar o bansa - Kawalan ng trabaho at oportunidad sa Pilipinas - Economic migrants 3. **Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan:** - Kahirapan ay tumutukoy sa kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan - Maraming Pilipino ang naghahanap ng trabaho sa ibang lugar o bansa 4. **Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa:** - Ayon sa Commission on Filipino Overseas (CFO), 912,324 na Pilipino ang pumunta sa Estados Unidos mula 1981 hanggang 2004 (70% ng kabuuang migranteng Pilipino). - Maraming Pilipino ang naninirahan sa Hawaii. 5. **Pag-aaral sa ibang bansa:** - Pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon - Pagkakataong makapag-aral sa ibang lugar o bansa sa pamamagitan ng scholarship programs - Halimbawa ng isang mag-aaral mula sa probinsiya na nakuha bilang varsity player sa mas malaking unibersidad sa Maynila. - Scholarship grant sa ibang bansa 6. **Pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao:** - Ayon sa International Organization for Migration, milyun-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taun-taon. - Ang mga migranteng ito ay nahaharap sa mga mapanganib na paglalakbay, pang-aabuso, at kawalan ng suporta - Ang isa sa malalaking pagbabago sa migrasyon ay ang pagdami ng kababaihang migrante. - Mas madalas na naaabuso ang mga babaeng manggagawa kaysa sa mga lalaki. ## Paksa 3: Mga Epekto ng Migrasyon **1. Pagbabago ng Populasyon** - Pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon. - Sa mga bansang mabilis tumaas ang populasyon, lalo na sa mga mahihirap na bansa, madalas tinataasan ang buwis na ipinapataw sa mga mamamayan - Sa mga mayayamang bansang nakararanas ng pagbaba ng populasyon o pagtanda ng populasyon, malugod namang tinatanggap ang mga migrante. - Ngunit nagiging suliranin din kapag hindi kayang suportahan ng ekonomiya ang pagdami ng populasyon. - Halimbawa: Noong 1983, sapilitan na pinaalis ng Nigeria ang 2 milyong mga migrante, karamihan ay mula sa Ghana. - Noong 2008, mahigit 350,000 migrante ang pinauwi ng Estados Unidos at 300,000 ang pinauwi ng South Africa mula sa kanilang bansa. **2. Negatibong Implikasyon sa Pamilya at Pamayanan** - Ang pangingibang-bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya. - Nangungulila ang mga anak at naiiwan sa pangangalaga ng ibang kaanak. - Ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng extended family ay nakatutulong upang masiguro ang maayos na pagpapalaki sa kabataan. - Sa kulturang Pilipino, ang ama ang nakasanayan na punong tagapaghanap-buhay samantalang ang ina ang siyang tagapangalaga. - Sa kaso ng mga amang OFW, ang kanilang naiwang maybahay ay natututong mag-isang magtaguyod ng pamilya. - Kung ang ina naman ang OFW, ang ama ay natututong mangalaga sa mga anak at mga nakatatandang miyembro ng pamilya. **3. Pag-unlad ng Ekonomiya** - Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. - Ang kanilang remittance ay nagsisilbing capital para sa negosyo. - Napakarami na rin ang mga OFW na nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan at nakapagpatapos sa kanilang mga anak sa pag-aaral. - Ayon sa datos na naitala ng Philippine Statistics Authority (dating National Statistics Authority, 2012), ang perang ipinadala ng mga migrante papunta sa mga papaunlad na bansa (developing countries), kabilang na ang Pilipinas, ay umabot sa $406 bilyon. - Ang kabuuang padala ng mga migrante sa kanilang bayan ay aabot sa $534 bilyon noong 2012. **4. Brain Drain** - Ang isa pang epekto ng migrasyon ay ang tinatawag na "brain drain," kung saan ang mga eksperto sa iba't ibang larangan ay mas pinipili nilang mangibang-bansa. - Kapag patuloy ang pangingibang-bansa ng mga mahuhusay na manggagawa, nauubos ang lakas-paggawa ng Pilipinas. - Ang brain drain naman ay nakatutulong sa bansang pinupuntahan ng mga manggagawa dahil nadaragdagan ng mga kwalipikadong manggagawa ang kanilang bansa. **5. Integration at Multiculturalism** - Ang pagdagsa ng mga migrante sa ibang bansa ay nagdudulot ng hamon sa integrasyon at multiculturalism. - Sa ilang mga mauunlad na bansa sa Europa ay mayroong polisiya ukol dito, halimbawa: - Italya: "batas sa seguridad o legge sulla sicurezza." Layunin nito ang magkaroon ng maayos na integrasyon ng mga dayuhan sa Italy at magandang relasyon ng mga Italyano at mga dayuhan. - Oxford University: Multiculturalism ay isang doktrinang naniniwala na ang iba't ibang kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa. - Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay maaaring mangyari sa antas ng institusyon, mula sa mga pang-araw-araw na patakaran at mga istruktura.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser