Araling Panlipunan 8 Modyul 3: Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific PDF
Document Details
Uploaded by AdulatoryRisingAction
2020
DepED
Tags
Related
- ARALING PANLIPUNAN 8 - Panahon at Pamumuhay ng Sinaunang Tao PDF
- Araling Panlipunan 6 Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino PDF
- Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig - Modyul 2: Kabihasnang Rome PDF
- ARALING PANLIPUNAN 7: Mga Pananakop sa Timog-Silangang Asya (PDF)
- Araling Panlipunan 8: Sinaunang Kabihasnan sa Greece at Rome (PDF)
- Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig PDF
Summary
This module covers the classic civilizations of Africa, America, and the Pacific Islands. It details the development and rise of empires. It includes learning activities and questions to test understanding.
Full Transcript
8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific CO_Q2_AP-8_Module 3 Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Ikalawang Mark...
8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific CO_Q2_AP-8_Module 3 Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America at mga Pulo sa Pacific Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Emely B. Pactorayan, Elgemary S. Abata Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Dan Ralph M. Subla, Jirc Nadia S. Bargado Renato L. Latorre, Larry G. Morandante, Carlos C. Catalan, Jr., Fernando A. Dones, Jr. Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Honorato D. Mendoza, Edwin G. Capon, Edwin C. Salazar, Fatima D. Notarte, Marina B. Sanguenza Tagaguhit: Renata L. Edara Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal, Genebabe C. Betonio, Olivia R. Dizon Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: [email protected] 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga mahahalagang datos tungkol sa pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific na nahahati sa sumusunod na paksa: Paksa 1- Mga Kaharian at Imperyo sa Africa Paksa 2- Mga Kabihasnan sa Mesoamerica at South America Paksa 3- Ang mga Pulo sa Pacific Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa Africa – Songhai, Mali, atbp. America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp. Mga Pulo sa Pacific – Nazca Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: nasusuri ang pag-usbong ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America at Pulo sa Pacific; natutukoy ang kalagayang heograpikal ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America at Pulo sa Pacific; nakakatala ng mahahalagang pangyayari sa klasikong kabihasnan sa Africa, America at Pulo sa Pacific; at nakakapaghambing ng kultura ng mga Pulo sa Pacific. 1 CO_Q2_AP-8_Module 3 Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang isa sa pinakamatandang kabihasnan sa daigdig na matatagpuan sa kontinente ng Africa? A. Egypt C. Mesopotamia B. Indus D. Shang 2. Anong rehiyon sa America naghari ang kabihasnang Maya? A. Hilagang Mexico C. Silangang Mexico B. Kanlurang Mexico D. Timog Mexico 3. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga Mali sa Africa? A. paghahabi C. pagsasaka B. pagmimina D. pangangalakal 4. Alin sa sumusunod na mga vegetation cover ang naglalarawan sa hilagang bahagi ng South America? A. Mga prairie at steppe B. Tuyot na mga disyerto C. Nagyeyelong mga lugar D. Mayabong na mga kagubatan 5. Anong kabihasnan sa America ang hinango sa pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes? A. Aztec C. Maya B. Inca D. Olmec 6. Anong istruktura ang nagsisilbing dambana para sa diyos ng mga sinaunang tao sa Timog America? A. aqueduct C. simbahan B. pyramid D. templo 7. Ano ang ibig sabihin ng mana? A. bisa C. tapang B. kapangyarihan D. yaman 8. Ano ang tawag sa mga maliliit na isla na matatagpuan sa kapuluan ng Pacific? A. Marquesias C. Micronesia B. Melanesia D. Polynesia 9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa paniniwala ng mga Micronesian? A. Naniniwala sila kay Kristo bilang Diyos. B. Naniniwala sila kay Brahma, Shiva, at Vishnu. C. Naniniwala sila kay Buddha bilang dakilang guro. D. Naniniwala sila sa halaman, hayop, bato, bundok, at ilog. 2 CO_Q2_AP-8_Module 3 10. Alin sa mga pahayag ang hindi sumusuporta sa Polynesia bilang pangkat ng mga pulo sa Pacific? A. Ang mga isla ay matatagpuan sa silangan ng Asya. B. Ang sinaunang pamayanan ay nasa baybaying-dagat. C. Ang pamayanan ay matatagpuan malapit sa mga lawa. D. Ang mga isla ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean. 11. Kailan yumabong at naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan? A. 1 000 BCE C. 3 000 BCE B. 2 000 BCE D. 4 000 BCE 12. Alin sa mga pahayag ang nagpatotoo sa pagpapalawak ng Imperyong Songhai sa Africa? A. Sa ilalim ni Sunni Ali ang imperyo ay umabot sa hangganan ng kasalukuyang Nigeria. B. Sa pananalakay ni Sundiata Keita, lumawak ang imperyo patungong Sahara Desert. C. Sa pamumuno ni Dia Kossoi, nakapagtatag ang imperyo ng ugnayan sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam. D. Sa paghahari ni Mansa Musa, naging sentro ng karunungan at pananampalataya ang Timbuktu at Gao. 13. Ano ang tamang paglalarawan sa paraan ng paggawa ng pera sa Palau? A. gumamit sila ng bato B. gumamit sila ng coral C. gumamit sila ng bakal D. gumamit sila ng bronze 14. Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia? A. Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan. B. May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala. C. Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan. D. Nagkakaroon ng mga pagdarasal sa kanilang mga tahanan. 15. Alin sa sumusunod ang naglalarawan kay Montezuma II bilang isang pinuno ng mga Aztec? A. Naniniwala siya sa kalikasan. B. Naniwala siyang si Hernando Cortes ay diyos. C. Naniniwala siya sa taong may mapuputing kaanyuan. D. Naniniwala siya sa diyos ng araw, ulan at kay Quetzalcoatl. 3 CO_Q2_AP-8_Module 3 Aralin Mga Klasikong Kabihasnan 1 ng Africa, America, at Mga Pulo sa Pacific Balikan Gawain 1: Pamana, Ilista Mo Panuto: Maglista ng mga pamana o ambag ng Kabihasnang Romano sa iba’t ibang larangan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Arkitektura Batas Inhenyeriya Panitikan 4 CO_Q2_AP-8_Module 3 Tuklasin Gawain 2: MAPA-Lakbay! Panuto: Tingnan ang mga mapa sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Gawin ito sa sagutang papel. Mapa ng Africa 1. Ano ang ipinapahiwatig ng mapa ng Africa batay sa legend na inilagay? Mapang iginuhit ni Renata L. Edera Mapa ng Mesoamerica at South Africa 2. Ilarawan ang hugis ng kontinenteng South America. Mapang iginuhit ni Renata L. Edera 5 CO_Q2_AP-8_Module 3 Mapa ng Pulo sa Pacific Mapang iginuhit ni Renata L. Edera 3. Paano mo mailalarawan ang mga pulo sa Pacific? Suriin Kadalasan hindi nabibigyang-pansin o nasusuri ang ibang kaharian ng Africa maliban sa Kaharian ng Egypt. Sa kasalukuyan, higit ang inyong kaalaman sa kontinente ng America pero limitado lamang tungkol sa mga pulo sa Pacific. Halina’t ating pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa Africa, America, at sa mga pulo ng Pacific. Africa Matatagpuan sa kontinente ng Africa ang iba’t ibang uri ng behetasyon (vegetation). Malapit sa ekwador, matatagpuan ang rainforest o uri ng kagubatan na may sagana sa ulan, may matataas, at malalaking puno. Sa hangganan ng rainforest, makikita ang savannah, isang bukas at malawak na grassland o damuhang may puno. Sa hilagang bahagi ng Africa matatagpuan ang disyerto ng Sahara, ang pinakamalawak na disyerto sa buong daigdig. Sa ilang bahagi ng disyerto matatagpuan ang oasis na napalilibutan ng matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng hayop at halaman. 6 CO_Q2_AP-8_Module 3 Ang Kalakalang Trans-Sahara Sa panahon ng 3000 BCE, yumabong at naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan na matatagpuan sa Timog ng Sahara. Ang namagitang palitan ng mga produkto ay tinawag na Trans-Sahara na tumagal hanggang ika-16 na siglo. Bitbit ang samu’t saring uri ng mga produkto tinahak ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan kaya’t tinawag itong kalakalang Trans-Sahara. Kalimitang kamelyo ang gamit sa mga caravan na tumutukoy sa grupo ng mga taong magkakasamang naglalakbay upang mangalakal. Mga Kabihasnan sa Africa Ang Egypt ang pinakaunang himpilan o sentro ng kabihasnan sa Africa. Ang Axum naman, na kasalukuyang bansang Ethiopia sa Silangang Africa, ay kinilala bilang sentro ng kalakalan. Kadalasan pumupunta ang mga mangangalakal dito na nagmula pa sa Persia at Arabia. Sa kabilang banda, naging maunlad ang rehiyon ng Sudan dahil sa pakikipagkalakalan at magandang ugnayan nito sa mga karatig- bansa. Bukod sa mga nabanggit na bansa, marami pang imperyong sumibol dahil sa pag-usbong ng kalakalan. Ang Imperyong Ghana Ang Ghana ay naging makapangyarihan sa Kanlurang Africa noong 700 CE at naging bahagi sa kalakalang Trans-Sahara. Dito ay may malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto na ipinagpalit ng mga katutubo sa mga produktong wala sila. Sa imperyong ito, mataba ang lupa at maluwang ang kapatagan kaya sila nakapagtanim. Mayroong sapat na pagkain na sanhi ng paglaki ng populasyon. Mayaman sila sa tubig na sapat sa pangangailangan ng mga kabahayan at irigasyon. Ang Imperyong Mali Ang Mali ay isang estado ng Kangaba, isa sa makabuluhang outpost ng Imperyong Ghana. Sa pamumuno ni Sundiata Kieta lumawak ang imperyo at rutang pangkalakalan. Ngunit natapos ang kapangyarihan nito sa taong 1240 nang namatay si Sundiata Kieta na nagpahina sa ugnayang pangkalakalan sa labas ng imperyo. Subalit muling ibinalik ni Mansa Musa ang kadakilaan ng imperyong Mali. Sa pagsapit ng 1325, naging sakop ng imperyo ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao. Naging tanyag din si Mansa Musa sa pagtataguyod sa karunungan sa pamamagitan ng paghikayat sa mga iskolar na Muslim na sinamahan ng pagpapagawa ng mosque o pook-dasalan upang pagyamanin ang kaalaman at pananalig sa Diyos. 7 CO_Q2_AP-8_Module 3 Ang Imperyong Songhai Ang Songhai ay nakikipagkalakalan sa mga Berber na pumapasok sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Dala-dala rin nito ang relihiyong Islam. Noong 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng Songhai, ang Islam. Hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam ngunit hindi niya ito ipinilit. Nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria sa pamamagitan ng ruta ng Gao at Timbuktu na nag-uugnay sa iba’t ibang panig ng imperyo. Subalit nasakop ang imperyong Songhai noong 1325 at nabihag ang mga mamamayan nito. Muling nakalaya ang imperyo sa pamumuno ni haring Sunni Ali na nagpalawak ng kaniyang nasasakupan. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala pinalawak at pinalaki ang imperyo mula sa hangganan ng kasalukuyang Nigeria. Naniniwala siyang sapat ang kaniyang kakayahan at ang suporta sa kaniya ng mga mamamayang mangingisda at magsasaka kaya hindi niya niyakap ang relihiyong Islam. Pinapahalagahan niya ang kakayanan ng mga mangangalakal at iskolar na Muslim na naninirahan sa loob ng kaniyang imperyo kaya itinalaga niya ang ilan sa mga ito na maglingkod sa pamahalaan. MESOAMERICA at SOUTH AMERICA Habang progresibo at naging malakas ang mga sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsimula ring lumakas ang sibilisasyon ng Mesoamerica sa pamamagitan ng pagkakatuklas ng agrikultura na nagpaunlad sa sistema ng kanilang pamumuhay. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica na naging makapangyarihan at kalaunan ay naging imperyo. Kabihasnang Maya (250 CE – 900 CE) Naghari ang Kabishasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Naitatag rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Naabot ng Maya ang tugatog ng kanilang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at 700 CE. Kaagapay ng mga pinuno ang mga kaparian sa pangangasiwa ng Kabihasnang Maya. Halach uinic o “tunay na lalaki” ang tawag sa pinuno. Ang mga pamayanang lungsod ang sentro ng kanilang pananampalataya sa kanilang mga diyos. Mapang iginuhit ni Renata L. Edera 8 CO_Q2_AP-8_Module 3 Naitatag rito ang mga pamayanan na may angking ganap na kapangyarihan. Mayroong malawak at maayos na kalsada at daanang patubig ang mga lungsod- estado ng Maya. Ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan ay matiwasay. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at may kaya sa buhay. Ang bawat lungsod ay may pyramid na nagsisilbing dambana at bahay-dasalan para sa mga diyos. Nasa rurok ang kabihasnang Maya matapos ang 600 CE. Ngunit sa pagtatapos ng 800 CE, ang ilang mga sentro ay iniwan, maging ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga gusaling panrelihiyon at lungsod ay nawasak sa pagitan ng 850 CE at 950 CE. Ayon sa ilang mananaliksik, ang pagkawasak ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan sa mga sanhi ng paghina nito. Nakapanglulumong isipin na isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng kanilang kabihasnan ay dahil sa pagbaba sa produksiyon ng pagkain. Ito ay batay sa mga nakuhang labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon kung kaya’t payat ang mga buto nito. Ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, nangibabaw ang lungsod ng Maya sa buong Yucatan hanggang sa mangyari ang isang paghihimagsik noong 1450. Kontribusyon ng Kabihasnang Maya Ilan sa mga natatanging kontribusyon ng kabihasnang Maya ay ang pagpapatayo ng mga pyramid. Isa rito ay ang pyramid ng Kukulcan na matatagpuan sa munisipalidad ng Tinum sa bansang Mexico. Ipinatayo ang templo Makikita dito ang itaas para sa mga pagdiriwang na bahagi na pantay. ng mga seremonyang Sa loob ay may altar na panrelihiyon. Ito ay doon ginagawa ang pag- papuri para kay aayuno. Kukulcan, ang tinaguriang “God of the Feathered Serpent.” Yari ang pyramid Ang pyramid mula sa na ito ay malalaking katibayan ng bato. mataas na Mayroon karunungan itong apat na ng mga Mayan bahagi na sa arkitektura, may inhenyeriya at mahabang matematika. hagdan. Larawang-guhit ni Renata L. Edera 9 CO_Q2_AP-8_Module 3 Isang progresibong kabihasnan ang naitatag ng mga Mayan. Makikita sa ibaba ang mga dahilan ng kanilang paglakas at pagbagsak. Aspeto Paglakas Pagbagsak Naging totoo ang mga Patuloy na tauhan sa pinuno. Siya nakikipagdigma ang mga Pamahalaan at Relihiyon ay nangasiwa sa pinuno at kaniyang mga pamahalaan at relihiyon. tauhan para makabihag Napag-isa ang mga tao ng mga alipin na iaalay dahil sa iisang sa kanilang mga diyos. pananampalataya Dahilan ng pagkawala ng yaman ng mga pamayanan. May magaling na Pagkawala ng Ekonomiya at Kabuhayan pamamaraan ng matatabang lupa at pagtatanim na pagdami ng mamamayan nagbunsod ng labis na ay sanhi ng suliranin sa ani. suplay ng pagkain. Masagana at progresibo Nagbunsod ng kaguluhan Mga Lungsod-estado ang mga pamayanan ng at kahirapan ang labanan Maya. sa pagitan ng mga Lungsod-estado. Kabihasnang Aztec Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang kathang lugar sa Hilagang Mexico. Ito ay nomadikong angkan na dahan-dahang pumunta sa kapatagan ng Mexico. Ang mga Aztec ay naging maimpluwensiya sa gitnang bahagi ng Mesoamerica na kung saan dito naitatag ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Kakaiba ang mga Aztec sa mga Olmec dahil nagawang mapalawak ang kanilang nasasakupan na nagdulot ng pag-unlad sa agrikultura at pagbuo ng kanilang imperyo. Noong 1325, nabuo ang lungsod-estado ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa lawa ng Texcoco na nasa gitna naman ng Mexico Valley. Ang lungsod ay naging sentro ng kalakalan kung saan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao ay ang pagtatanim dahil sa matabang lupang sakop nito. Mais ang kanilang pangunahing tanim at nag-aalaga rin sila ng mga hayop. Sa kabila ng mga hamon dala ng pagkakaroon ng maliit na lupang pagtataniman, nagawang mapaunlad ng mga tao ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng paglikha ng mga Chinampas o mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay floating garden. Ang mga Aztec ay naniniwala sa mga diyos na may kapangyarihang magkontrol sa kalikasan. Si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw ay binibigyang-alay at inaalagaan ng mga magsasaka dahil makabuluhan sa kanila ang sikat ng araw. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. 10 CO_Q2_AP-8_Module 3 Sa mga Aztec, kailangang laging matibay ang mga diyos na ito upang maharangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagwasak ng sanlibutan. Kaya ang mga Aztec ay naghandog ng tao na kalimitan mga nahuhuli sa labanan at mayroong ding mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob na ihandog ang sarili. Natigil ang paghahari ng mga Aztec sa pagdating ng ekspedisyon ng mga mananakop na Espanyol sa pamumuno ni Hernando Cortes noong 1519. Akala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil maputi ang kaanyuan nito. Hindi nila namalayan na ang pakay ng mga dayuhan ay ang unti-unting pagsakop ng kanilang nasasakupan na naging dahilan ng kanilang pagbagsak. HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA Ang katangiang pisikal ng South America ay hindi katulad sa Mesoamerica. Matatagpuan dito ang Amazon River sa hilaga na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan, ang praire at steppe sa bahaging timog ng Andes Mountain na may malaking epekto sa paghubog ng natatanging klima nito. Karamihan sa bahagi ng kontinenteng South America ay may klimang tropikal (mainit at basa). May mga bahagi rin ito na nakararanas ng mga malalakas na ulan. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na nakaharap sa Pacific Ocean. Mapang iginuhit ni Renata L. Edera Kabihasnang Inca (1200-1521) Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Halaw ito sa pangalan ng pamilyang namahala sa isang grupo ng tao na naninirahan sa Andes. Noong ika-12 siglo, ang mga tao ay naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamamahala ni Manco Capac, nagtatag sila ng maliliit na pamayanan. Noong 1438, nabuo ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang sambayanang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong bansa. Sa pamumuno ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalaki niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia at Chile. Nasa pamumuno din niya ang bayan ng Chimor o Chimu na pinakamatinding kalaban ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa pamumuno naman ni Huayna Capac, nakuha ng imperyo ang Ecuador. 11 CO_Q2_AP-8_Module 3 Ang imperyo ng Inca ay humina at bumagsak dahil sa kaguluhang politikal at pinalubha pa ng sakit na bulutong na dala ng mga Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro noong 1532. Ang katapangan ng mga Inca ay hindi naging sapat upang talunin ang mga dayuhan dahil sa sakit na unti-unting nagpaliit ng kanilang populasyon. Makikita sa talahanayan ang batayan at patunay ng pagkakahawig ng mga kabihasnang Aztec at Inca. BATAYAN AZTEC INCA PATUNAY Pinagmulan - nanggaling sa Magkatulad na matagumpay maliliit na pamayanang na umusbong sa aspeto ng agrikultural pagtatanim Paniniwala - Huitzilopochtli pananampalataya sa araw – panginoon ng araw ng mga bilang diyos Aztec Inti – panginoon ng araw ng mga Incan Inhenyeriya - magaling sa Pyramid of the Sun paggawa ng kalsada, templo, – hinubog ng mga Aztec at iba pang gusali Mahaba at batong kalsada – hinubog ng mga Incan Ang mga Pulo sa Pacific Ang mga isla sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking grupo ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ibinatay ang mga termino sa kaayusan ng mga isla at anyo ng mga katutubo. POLYNESIA MICRONESIA Marami na mga Maliliit na isla mga isla poly – marami micro – maliit nesia – isla nesia – isla MELANESIA Maitim ang mga tao rito mela – maitim nesia – isla Mapang iginuhit ni Renata L. Edera 12 CO_Q2_AP-8_Module 3 Polynesia Ang Polynesia ay nasa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanesia at Micronesia. Sakop nito ang New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Isands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Mayroong 30 pamilya ang bawat pamayanan ng Polynesia. Tohua ang katawagan sa sentro ng pamayanan na nasa gilid ng mga burol. Dito nagdaraos ng iksibisyon ng mga seremonya at komperensya. Dito rin makikita ang tahanan ng mga pari at banal na gusali. Ang ikinabubuhay ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Naniniwala sila sa dakilang kapangyarihan ng mana na nangangahulugang ‘bisa’ na makikita sa mga istruktura, bato, at bangka. Micronesia Ang Micronesia ay makikita sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ito ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru. Ang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga dagat-dagatan kaya madali sa mga tao ang lumuwas at maglayag sa karagatan. Binubuo nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi masyadong madaanan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin. Pagsasaka at pangingisda ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Maliban dito nakikipagkalakalan din sila sa mga kalapit-isla gamit ang bato na ginawang pera (stone money). Animismo ang tawag sa sinaunang pananampalataya ng mga Micronesian. Ang mga seremonya para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani. Melanesia Ang Melanesia ay nasa hilaga at silangang baybay dagat ng Australia. Binubuo ito ng mga pulo tulad ng New Guinea, Bismark Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu, New Caledonia, at Fiji Islands. Ang mga Melanesian ay naninirahan sa mga baybaying–dagat na pinamumunuan ng mga giyerero o warriors. Ang batayan ng paghirang ng isang lider o pinuno ay sa pamamagitan ng bilang o dami ng mga kalabang napatay at ang pagwawagi sa digmaan. Ang kakaibang kulturang ito ay naging panuntunan ng mga giyerero tulad ng kagitingan, kalupitan, paghihiganti, at kapurihan. 13 CO_Q2_AP-8_Module 3 Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Melanesian ay pagtatanim, pangingisda, at pag-aalaga ng mga hayop at pangangalakal sa mga karatig-isla. Sa aspeto ng pananampalataya o relihiyon, naniniwala sila sa animismo kung saan nagtatakda sila ng mga ritwal sa mga espiritu (anima ibig sabihin ay espiritu) sa panahon ng digmaan, sakuna, kamatayan, at maging sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan upang mabigyang-bisa ang pagkakaroon ng labis na mana. May sariling kaugalian at personalidad ang mga tao na hinubog ng kabihasnan sa Pacific. Hindi man ito kasingtanyag at kasing-sagana ng mga kabihasnan at imperyo na sumibol sa America at Africa, mayroon naman itong impluwensiya na namayani sa mga tao na naninirahan maging sa mga kalapit na bansa sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan. Pagyamanin Gawain 3: Suri-Sitwasyon Panuto: Ang sumusunod na sitwasyon ay naglalarawan sa mga pangyayari o kaganapan na umusbong sa tatlong kabihasnan sa America. Isulat kung ito ay Maya, Aztec, at Inca. Gawin ito sa sagutang papel. _____1. Itinatag noong 1438 ni Pachakuti ang isang lipunan sa pamamagitan ng isang sentralisadong estado. _____2. Ang mga nomadikong tribo nagtungo at nagtatag ng pamayanan sa Lambak ng Mexico noong ika-12 siglo CE. _____3. Narating ng sibilisasyong ito ang rurok ng kanilang kaunlaran sa pagitan ng 300 CE at 700 CE. _____4. Hindi sapat ang lawak ng lupain kaya lumikha ng mga chinampas o floating garden ang mga mamamayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan. _____5. Ang pagdating ni Hernando Cortes ay naging hudyat ng pagbagsak ng Tenochtitlan. 14 CO_Q2_AP-8_Module 3 Gawain 4: Tala-hanayan Panuto: Punan ang talahanayan ng mga impormasyon tungkol sa taon ng kadakilaan at mga mahahalagang pangyayari na may kinalaman sa pagtaguyod ng kabihasnan at imperyo sa Africa. Isulat ito sa sagutang papel. Mga Imperyo Taon ng Mga Mahahalagang Pangyayari Kadakilaan Ghana Mali Songhai Gawain 5: Pulo-Lakbay! Panuto: Punan ng kinakailangang impormasyon ang talahanayan at isulat ang sagot sa sagutang papel. Mga Pulo Diwa o kahulugan ng Mga Sakop na Pulo Hanapbuhay Pangalan sa Pulo (magbigay ng tatlong sagot) Micronesia Melanesia Polynesia Isaisip Gawain 6: Pagsusuri sa Aking Natutunan Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang patlang na nasa bawat bilang batay sa paksang tinalakay. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Ang aking natutunan sa araling ito ay. 2. Ang aking mga tanong sa araling ito ay. 3. Madali kong naisakatuparan ang mga gawain tulad ng. 15 CO_Q2_AP-8_Module 3 Isagawa Gawain 7: Piramide Panuto: Suriin ang mga salita sa kahon at itala sa piramide kung sa anong Kabihasnan o imperyo ito nabibilang. Gawin ito sa sagutang papel. Maya Inca Ghana Mali Songhai Halach uinic Kangaba outpost Iawa Iskola Andes Aztlan lambak ng Cuzco Irigasyon Kapatagan Gawain 8: Triple Venn Diagram Panuto: Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng tatlong pulo ng Pacific. Gawin ito sa sagutang papel. Polynesia Melanesia Micronesia 16 CO_Q2_AP-8_Module 3 Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Kailan yumabong at naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan? A. 1 000 BCE C. 3 000 BCE B. 2 000 BCE D. 4 000 BCE 2. Alin sa mga pahayag ang nagpatotoo sa pagpapalawak ng Imperyong Songhai sa Africa? A. Sa ilalim ni Sunni Ali ang imperyo ay umabot sa hangganan ng kasalukuyang Nigeria. B. Sa pananalakay ni Sundiata Keita, lumawak ang imperyo patungong Sahara Desert. C. Sa pamumuno ni Dia Kossoi, nakapagtatag ang imperyo ng ugnayan sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam. D. Sa paghahari ni Mansa Musa, naging sentro ng karunungan at pananampalataya ang Timbuktu at Gao. 3. Ano ang tamang paglalarawan sa paraan ng paggawa ng pera sa Palau? A. gumamit sila ng bato B. gumamit sila ng coral C. gumamit sila ng bakal D. gumamit sila ng bronze 4. Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia? A. Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan. B. May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala. C. Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan. D. Nagkakaroon ng mga pagdarasal sa kanilang mga tahanan. 5. Alin sa sumusunod ang naglalarawan kay Montezuma II bilang isang pinuno ng mga Aztec? A. Naniniwala siya sa kalikasan. B. Naniwala siyang si Hernando Cortes ay diyos. C. Naniniwala siya sa taong may mapuputing kaanyuan. D. Naniniwala siya sa Diyos ng araw, ulan at kay Quetzalcoatl. 6. Ano ang isa sa pinakamatandang kabihasnan sa daigdig na matatagpuan sa kontinente ng Africa? A. Egypt C. Mesopotamia B. Indus D. Shang 17 CO_Q2_AP-8_Module 3 7. Anong rehiyon sa America naghari ang kabihasnang Maya? A. Hilagang Mexico C. Silangang Mexico B. Kanlurang Mexico D. Timog Mexico 8. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga Mali sa Africa? A. paghahabi C. pagsasaka B. pagmimina D. pangangalakal 9. Alin sa sumusunod na mga vegetation cover ang naglalarawan sa hilagang bahagi ng South America? A. Mga prairie at steppe B. Tuyot na mga disyerto C. Nagyeyelong mga lugar D. Mayabong na mga kagubatan 10. Anong kabihasnan sa America ang hinango sa pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes? A. Aztec C. Mayan B. Inca D. Olmec 11. Anong istruktura ang nagsisilbing dambana para sa diyos ng mga sinaunang tao sa Timog Amerika? A. aqueduct C. simbahan B. pyramid D. templo 12. Ano ang ibig sabihin ng mana? A. bisa C. tapang B. kapangyarihan D. yaman 13. Ano ang tawag sa mga maliliit na isla na matatagpuan sa kapuluan ng Pacific? A. Marquesias C. Micronesia B. Melanesia D. Polynesia 14. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa paniniwala ng mga Micronesian? A. Naniniwala sila kay Kristo bilang Diyos. B. Naniniwala sila kay Brahma, Shiva, at Vishnu. C. Naniniwala sila kay Buddha bilang dakilang guro. D. Naniniwala sila sa halaman, hayop, bato, bundok, at ilog. 15. Alin sa mga pahayag ang hindi sumusuporta sa Polynesia bilang pangkat ng mga pulo sa Pacific? A. Ang mga isla ay matatagpuan sa silangan ng Asya. B. Ang sinaunang pamayanan ay nasa baybaying-dagat. C. Ang pamayanan ay matatagpuan malapit sa mga lawa. D. Ang mga isla ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean. 18 CO_Q2_AP-8_Module 3 Karagdagang Gawain Gawain 9: Tala-Saysayan! Panuto: Isulat sa talahanayan ang mga uri ng pamumuhay na makikita sa inyong komunidad at ipaliwanang ang kahalagahan ng bawat isa sa pagtataguyod ng isang bansa. Gawin ito sa sagutang papel. Ang Aking Komunidad Uri ng pamumuhay Kahalagahan 1. 2. 3. Susi sa Pagwawasto D 15. C 10. 5. B B 14. D 9. 4. D A 13. C 8. 3. D A 12. A 7. 2. D C 11. B 6. 1. A Subukin Odyssey Arch nagsaling ng Semento Andronicus na Aqueduct Colosseum Livius Appian Way Twelve Tables Basilica Panitikan Inhenyeriya Batas Arkitektura Gawain 1: Pamana, Ilista Mo Balikan 19 CO_Q2_AP-8_Module 3 CO_Q2_AP-8_Module 3 20 Gawain 4: Tala-hanayan Mga Imperyo Taon ng Kadakilaan Mga Mahahalagang Pangyayari Ghana 300 hanggang 350 A. D. Ginamit ang mga sandatang gawa sa bakal upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga grupong mahina ang mga sandata. Mali 1235 sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay ang imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungo sa lambak ng Senegal River at Gambia River pasilangan patungo Timbuktu, at pahilaga naman patungong Sahara Desert. Songhai ika-15 na siglo hanggang Sa pamamagitan ng ng Gao at Tibukto ika-16 na siglo. nakipaglaban ang mga Songhai sa Algeria, dahil dito nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam. Tuklasin Gawain 2: Mapa-Lakbay 1. Malaking bahagi ng Africa ay binubuo ng savannah. 2. Ang hugis ng South America ay tatsulok. 3. Ang Pulo ng Pacific ay nahahati sa tatlong malaking pangkat, ang Polynesia na matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanesia at Micronesia at ito ay higit na Malaki sa tatlo. Ang Micronesia ay maliliit na pulo at atoll na matatagpuan sa hilaga Pagyamanin ng Melanesia at silangan Asya. Ang Gawain 3: Suri-Sitwasyon Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at 1. Inca silangang baybay-dagat ng Australia at 2. Aztec binubuo ito ng pitong pulo. 3. Maya 4. Aztec 5. Aztec CO_Q2_AP-8_Module 3 21 Isaisip Gawain 6: Pagsusuri sa Aking Natutunan 1. Ang aking natutunan sa araling ito ay malaki ang epekto ng heograpiya sa isang kabihasnang klasikal dahil dito nakabasi ang ekonomiya ng mga taong namumuhay doon. May iba’t ibang kabihasnan, imperyp at isla may mga katangian silang magkakatugma meron din namang pagkakaiba nila. 2. Ang aking mga tanong sa araling ito ay may mga Inca pabang nabubuhay ngayon, o meron pabang namumuhay sa kasalukuyan. 3. Madali kong naisakatuparan ang mga gawain tulad ng gabay na tanong. Gawain 5: Pulo-Lakbay Mga Pulo Diwa o kahulugan Mga Sakop na Pulo Hanapbuhay ng Pangalan sa (magbigay ng tatlong Pulo sagot) Micronesia maliliit na mga isla Caroline Islands, Marianas Pagbubukid ang micro – maliit nesia Islands, Marshall Islands, pangunahing ikinabubuhay - isla Gilbert Islands (ngayon ay ng mga Micronesian. Kiribati), at Nauru. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. Marunong din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga bayan ng Marianas, Palau, at Yap. Melanesia maiitim ang mga New Guinea, Bismark Taro at yam ang tao dito mela– Archipelago, Papua New pangunahing tinatanim sa maitim nesia - isla Guinea, Solomon Islands, Melanesia. Nagtatanim dito Vanuatu, New Caledonia at ng pandan at sago palm na Fiji Islands. pinanggalingan ng sago. Pangingisda, pag-aaruga ng baboy at pamamaril ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Kadalasang produktong ibinibenta ng mga Melanesian ay palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, ganoon din ang mga yari nilang bangka. Polynesia marami na mga isla New Zealand, Easter Island, Pagbubukid at pangingisda. poly – marami Hawaii, Tuvalu, Wallis at nesia - isla Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Isands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. CO_Q2_AP-8_Module 3 22 Gawain 8: Triple Venn Diagram Polynesia Ang kultura nila ay Kinagawia nakabatay sa mana n nilang na may sinusunod na batas mag-aalay Ang tatlong pulo sa unang ay parehong may mga ritwal at ani paniniwala Melanesia Micronesia Ang kultura nila ay nakabatay sa mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti at karangalan Gawain 7: Piramide Maya halach uinic Aztec Iawa, Aztlan Inca Ghana Andes, kapatagan, Lambak ng Cuzco irigasyon Mali Songhai Kangaba iskola outpost CO_Q2_AP-8_Module 3 23 Karagdagang Gawain Gawain 9: Tala-Saysayan! Ang Aking Komunidad Uri ng Pamumuhay Kahalagahan 1. Pangingisda Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na naninirahan na malapit sa dagat. 2. Pagbubukid Sila ang nagtatanim sa mga prutas at gulay na siyang mabibili natin sa palengke at iba pang mga lugar na puwedeng bilihan. 3. Pagnenegosyo Ang paraan ng ilan natin mga kababayan, mapaliit man o mapalaking negosyo basta kanilang pagkakakitaan. Tayahin 1. C 6. A 11. B 2. A 7. D 12. A 3. A 8. D 13. C 4. B 9. D 14. D 5. D 10. B 15. C Sanggunian Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). 24 CO_Q2_AP-8_Module 3 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]