Araling Panlipunan 2nd Quarter Module 4: Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Codon National High School, Catanduanes National High School, Virac Pilot Elementary School - Special Science Elementary School, Calatagan High School

Gilbert T. Sadsad,Jessie L. Amin,Helen Grace Diwata,Teresa T. Camu,Jupiter L. Torno,Augusto R. Vargas,Cynthia T. Soneja,John Anthony F. Romero,Kevin M. Escobedo

Tags

Araling Panlipunan history ancient civilizations education

Summary

This document is a module about the contributions of ancient civilizations to the world, specifically focusing on Greece and Rome, and the classical civilizations of America, Africa, and the Pacific.

Full Transcript

1 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawi...

1 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Regional Director: GILBERT T. SADSAD Assistant Regional Director: JESSIE L. AMIN Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: HELEN GRACE DIWATA- Teacher I (Codon NHS) Editor: TERESA T. CAMU- Head Teacher III (Catanduanes NHS) JUPITER L. TORNO- Teacher III (Catanduanes NHS) AUGUSTO R. VARGAS- Master Teacher II (VPES-SSES) Tagasuri: CYNTHIA T. SONEJA- Education Program Supervisor I Tagaguhit: Tagalapat: JOHN ANTHONY F. ROMERO- Teacher II (Catanduanes NHS) KEVIN M. ESCOBIDO- Teacher III (Calatagan HS) 2 TALAAN NG NILALAMAN KONTRIBUSYON NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG Panimula…………………………………………….. iii Mga aralin at sakop ng module……………………. 1 Aralin 2.1 Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnang Greece at Rome.......... 2 Pagsasanay 1………………………………… 5 Pagsasanay 2………………………………… 7 Pagsasanay 3………………………………… 20 Aralin 2.2 Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific...................... 23 Pagsasanay 1…………………………………. 26 Pagsasanay 2…………………………………. 27 Pagsasanay 3…………………………………. 33 Pagsasanay 4…………………………………. 37 3 Ikalawang Markahan – Modyul 4 – Linggo 4 KONTRIBUSYON NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG Bagamat maliit na bansa, ang Greece ay mahalaga sa kasaysayan ng daigdig dahil ito ang unang Kanluraning superpower sa kasaysayan. Ang Greece ang itinuturing na duyan ng Kanluraning sibilisasyon. Sinasabi na kahit sinakop ng Roma ang Gresya, ang Gresya naman ang namahala sa Rome. Ang mga naging kontribusyon ng mga Griyego sa sining at agham, gobyerno, panitikan, at pilosopiya ay higit na nakaapekto sa kabihasnang klasiko ng daigdig. Samantalang ang Rome naman ay naimpluwensiyahan ng dalawang pananaw. Ang una ay ang pananatili nila sa kanilang nakagawian gaya ng pagmamahal sa kaayusan at simpleng pamumuhay. Ang ikalawa ay ang pagyakap nito sa iba pang kultura ng Gresya. Napagsanib ng mga Romano ang magkasalungat na kaisipang ito upang makapagtatag ng isa sa pinakadakilang kabihasnan sa kasaysayan ng daigdig. Nakilala ang mga Romano sa larangan ng “practical arts” na siyang impluwensiya nila sa larangan ng agham, pang militar, arkitektura, inhenyera, pagbabatas, at pamahalaan. Malaki din ang naging ambag at impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnan ng America, Africa at mga pulo sa modernong daigdig. Mapag- aaralan mo sa modyul na ito ang mahahalagang kontribusyon ng Kabihasnang Griyego at Romano pati na rin ang mga sinaunang kabihasnan ng America, Africa at mga pulo sa Pacific. Mapag-aaralan mo sa araling ito ang mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Klasiko ng Amerika, Africa, at mga pulo sa Pacific noon at ngayon. Iyan at marami pang ibang impormasyon ang tiyak na magpapayaman sa iyong kaalaman. Halina’t umpisahan mo nang tuklasin! 4 Aralin 2.1 KONTRIBUSYON NG SINAUNANG KABIHASNANG GREECE AT ROME SIMULAN NATIN! Ang Gresya ay isa sa pinakakilalang bansa sa daigdig sapagkat marami silang naiambag sa kasaysayan. Maraming bagay-bagay mula sa iba’t ibang larangan ang kontribusyon ng mga Griyego sa daigdig. Ang mga Griyego ang unang Kanluranin na inabot ang estado ng isang sibilisadong lipunan. Kaya ang Greek ang itinuturing na duyan ng Kanluraning sibilisasyon. Marami silang nagawang pagbabago sa politika, karunungan, at kultura na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa sibilisasyong Kanluranin maging sa kasalukuyan. Ang Gresya din ang nagtaguyod sa konsepto ng demokrasya. Ipinamalas ng Greece ang kagalingan ng kabihasnan nito sa larangan ng agham, arkitektura, drama, eskultura, medisina, pagpinta, kasaysayan, pananampalataya at pilosopiya. Ang kadakilaan ng Rome na sinasagisag ng kanilang ginawa sa iba’t ibang larangan ng pamahalaan, sining, agham, panitikan at pilosopiya ay nananatiling mahalagang pamana. MGA LAYUNIN Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang mga kontribusyon ng mga kabihasnang klasiko ng Greece at Rome; 2. Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko ng Greece at Rome sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. 5 TALAHULUGAN Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin. a. Appian Way- pangunahing kalsada na nag-uugnay sa Rome at Italy. b. Aqueduct- isang tulay na ginawa upang magpadaloy o magpadala ng tubig mula sa mga ilog patungo sa mga lungsod c. Astrolabe- isang paraan ng pagtingin sa posisyon at lugar ng araw, buwan, at bituin nang sa gayon ay mapag-alaman ang lugar at direksiyon na kinalalagyan at kinatatayuan ng isa. Kadalasan itong ginagamit ng mga manlalayag sa sinaunang panahon. d. Basilica- ito ay isang bulwagan o gusali na ginamit ng mga Romano para sa mambabatas at mga pulong e. Batas- koleksiyon ng anumang alituntunin o patakaran na itinakda ng institusyon upang pangasiwaan ang kilos at gawi ng mga tao sa lipunan. Ito ay ginawa upang sundin ng mga mamamayan. Ito ang gumagabay sa mga mamamayan sa kung ano ang tama at mali. Ito rin ang nagtatakda ng kaparusahan sa mga indibidwal na lalabag sa mga alituntunin na ipinapatupad ng awtoridad f. Colloseum- ito ang pinakatanyag o pinakasikat na Roman Amphitheater na kung saan ditto ginaganap ang mga laro ng gladiator; isang lumang arkitektura na matatagpuan sa Roma g. Drama- isang uri ng palabas sa entablado; isang ispesipikong moda ng kathang-isip na kinakatawan ng pagkakaganap. Ito ay bahagi ng ritwal sa mga pista alay kay Dionysus, ang Diyos ng Alak. h. Demokrasya- uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan upang pumili ng kanilang kinatawan sa pamahalaan. i. Epiko- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ito ay mula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang awit. j. Forum- sentro ng lungsod; isang pampublikong kuwadrado sa gitna ng lungsod ng Sinaunang Roma. k. Hippocratic Oath-sinumpaang pangako ng mga nagtapos ng medisina; isang kodigo ng wastong kaasalan sa panggagamot. l. Liriko- ito ay uri ng tula kung saan ang pagtatampok ng isang makata ng kaniyang sariling damdamin, iniisip at persepsyon.ito ay puno ng masidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at iba pa. ito ay maikli at payak na uri ng tula. m. Panitikan- ito ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. n. Pilosopiya- ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Ito ay mula sa salitang Griyego na “Philia” at “Sophia”. Ang “philo ay nangangahulugang pagmamahal at ang “Sophia” naman ay karunungan na kung pagsasamahin ay nanganaghulugang “pagmamahal sa karunungan” o. Tula- isang uri ng panitikan na pinagyaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay, malayang paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo 6 PANIMULANG PAGSUBOK Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ang ____________ ay pinakatanyag na arkitektura ng Greek. Ito ay itinayo nina Ictinus at Callicrates para sa diyosang si Athena. Ano ang tawag dito? A. Panthenon C. Panthion B. Pantheon D. Parthenon 2. Ano ang tawag sa uri ng drama na naglalarawan ng pagbagsak ng tao dahil sa pagiging mapagmataas at mapagmalaki. A. Dula C. Trahedya B. Kwento D. Tula 3. Sino ang may akda sa isang aklat na pinamagatang “The Illiad” kung saan nakasulat ang kwento tungko sa digmaang Trojan? A. Herodotus C. Virgil B. Homer D. Xerxes 4. Ano ang tawag sa uri ng labanan na ipinapalabas sa colloseum ng mga Hari at taong bayan na kung saan mga bilanggo ang kalimitang nakikipaglaban? A. Chariot Race C. Olympic Game B. Gladiator Game D. Wrestling 5. Pinakamahalagang kontribusyon ng Gresya sa kabihasnan ay ang pagkakaroon nito ng demokratikong pamahalaan. Ano naman ang pinakamahalagang ambag ng Roma? A. Arkitektura C. Demokrasya B. Batas D. Panitikan MGA GAWAIN SA PAGKATUTO Payabungin ang iyong kaalaman. Alamin ang kontribusyon ng Kabihasnang Greece at Romano sa mundo. Maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang ambag ng kabihasnang Greece at Romano gamit ang mga teksto, larawan, chart, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman. PAGSASANAY 1 LARAWAN SURI! Sabihin kung ano ang tinutukoy sa mga larawan at isulat kung ano ang kaugnayan at saang larangan ito nabibilang. Sagutan din ang pamprosesong mga katanungan. 7 https://en.m.wikipedia.org/wiki/Parthenon ____________________________________________ https://www.slideshare.net/mobile/neridiaz18/ambag-ng-gresya _______________________________________________ https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Koliseo __________________________________________ 8 https://www.pinterest.com/pin/29062282175015321 ___________________________________________ https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/roman-aqueducts/ _______________________________________ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong nakikita sa mga larawan? Pamilyar ba sa iyo ang mga ito? 2. Anong larangan kabilang ang mga ipinakita sa larawan? Sa anong kabihasnan ito nagsimula? PAGSASANAY 2 MAGBASA AT MATUTO: Basahin at unawain ang nakasaad na teksto tungkol sa KONTRIBUSYON NG GREECE at ROMA. Maari mo ring gamitin ang internet at iba pang mga babasahin tulad ng aklat o modyul upang makakalap ng mga karagdagang impormasyon na makatutulong saiyo upang lubos na mapalalaim pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. 9 MGA KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG GREECE SA IBA’T IBANG LARANGAN Kaisipang Demokrasya Demokrasya ang pinakamahalagang kontribusyon ng Greece. Ang ninanais ng taumbayan ang nagbibigay ng kapangyarihan sa estado. Naniniwala ang mga Griyego sa taglay na kakayahan ng tao. Inimbento ng mga pilosopong Griyego ang mga ideya at sistemang pampolitika, gaya ng mga uri ng mga pamahalaan, karapatang bumuto, mga tungkulin ng estado, kasarinlan ng mga mamamayan, at iba pa. Iba pang uri ng Pamahalaan sa Greece ay ang Monarkiya (pamamahala ng hari), at aristokrasya (pamumuno ng iilan) Pananampalataya Ang tradisyunal na pananampalataya sa Greece ay ang pagsamba sa iba’t ibang diyos sa pangunguna ni Zeus, ang pinakamataas sa mga diyos at diyosa. Ang pangunahing 12 diyos at diyosa ng mga Griyego ay pinaniniwalaang naninirahan sa Bundok Olympus. Sining Maraming nagawa ang mga Griyego sa iba’t ibang aspeto ng sining gaya ng pagpipinta, arkitektura at iskultura. Naniniwala sila sa perpektong armonya o harmony at proporsiyon sa likas na mundo. Sinikap nilang ipakita ito sa kanilang mga gawa sa pamamagitan ng ideal na hugis sa halip na totoong porma. Ang mga estatwang Griyego ay matatagpuan sa mga museong Kanluranin na hanggang sa kasalukuyan ay hinahangaan ang mga ito. Pagpipinta Ipinakita ng mga Griyego ang kanilang galing sa pagpipinta sa magaganda nilang palayok. Karaniwang disenyo nito ay ang pang araw-araw na Gawain, tulad ng pagkanta, pagsayaw, pagtugtog, pagligo at iba pa. Ang disenyo ay maaaring ipinipinta ng itim samantalang ang palibot ay kulay pula o kaya ang disenyo ay pula at ang palibot ay itim. 10 Arkitektura Parthenon- Isang sinaunang templo na matatagpuan sa Acropolis sa sentro ng Athens sa Gresya. Sinasabing nabuo ito sa kalagitnaan ng ika-limang siglo bilang isang templong inihandog kay Athena, diyosa ng karunungan at patrona ng Athens. Kinikilala ang istrukturang ito bilang isa sa pinakakumakatawang mga simbolo ng kultura at sopistikasyon ng mga Sinaunang Griyego sa larangan ng arkitektura. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates. Istilo ng haligi ng mga Griyego Ang tatlong estilo ng haligi sa arkitekturang Greece ay ang Ionian, Doric, at Corinthian. Pinag-aaralan ang mga estilong ito sa mga kurso sa sining at arkitektura. Ang posteng Doric ay payak at matipuno. Payat at may dekorasyon sa ibabaw ang posteng Ionic. Samantalang ang Corinthian ay may pinakamagarbong dekorasyon. Ito ay inukit sa pinagkumpul-kumpol na dahon acantus (isang halamang may tinik at malalapad na dahon). Eskultura Phidias, ang pinakadakilang iskultor na Griyego. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra maestra niya. Zeus Athena 11 Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal sa Seven Wonders of the Ancient World. Collossus of Rhodes KAALAMAN SA AGHAM, MEDISINA, AT MATEMATIKA Pythagoras Siya ay nakalinang ng isang Sistema ng pagbibilang at nakatuklas na ang mga tatsulok ay may ilang pare-parehong katangian. Nakilala bilang Pythagorean Theorem, ginamit ito upang mahanap ang haba ng isang gilid ng tatsulok kung ang haba ng dalawang gilid nito ay alam na. Hippocrates Ama ng Medisina- siya ang nagpakilala sa medisina bilang isang propesyon. Ginamit ni Hippocrates ang pangangatwiran upang maunawaan ang dahilan ng mga sakit at karamdaman. Naniniwala siyang ang anumang sakit ay maaaring matukoy at magamot. Gumawa rin siya ng isang kodigo para sa mga manggagamot na nakilala bilang Hippocratic Oath. Euclid Ama ng Heometriya (Geometry)- isang Griyego na mathematician. “Founder of Geometry”. Sumulat ng unang aklat hinggil sa larangan ng geometry na pinamagatang “The Elements of Geometry” na kung saan isa sa pinakamaimpluwensiyang mga gawa sa kasaysayan ng matematika, na nagsisilbing pangunahing aklat para sa pagtuturo sa matematika (lalo na sa geometry) 12 Archimedes Inimbento niya ang compound pulley na gamit sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay; at cylinder screw na ginamit sa pagbuhat ng tubig para sa patubig. Unang nakapagpaliwanag kung bakit lumulutang (sa likidong tubig) ang mga bagay. Hipparchus Nag imbento ng astrolabe na ginamit sa pagsiyasat ng posisyon ng araw, buwan at mga tala. astrolabe PANITIKAN Ilan sa pinakadakilang aspeto na nagawa ng mga Griyego ay sa larangan ng panitikan. Magkakaugnay ang relihiyon, drama at tula sa panitikang Griyego. Ang mga dula at tula ay umusbong mula sa selebrasyon na parangal kay Dionysius, diyos ng alak. Uri ng Tula Epiko Kilala ang literaturang Griyego sa mga epikong Iliad at Odyssey. Ang mga epikong ito ay tungkol sa Digmang Trojan. Ito ay isinulat ni Homer, isang bulag na manunulat, 500 taon matapos maganap ang digmaan. Isa pang kinikilalang manunula ay si Hesiod. Sa kaniyang likhang Works and Days, inilarawan niya ang pang-araw-araw na pamumuhay ng isang 13 magsasakang Griyego. Isinulat rin niya angTheogony, isang salaysay tungkol sa pagkakalikha ng kalawakan at kasaysayan ng mga diyos Liriko Ang mga tulang ito ay tungkol sa iba’t ibang damdamin na kaiba sa mga epiko na pumapaksa sa mga digmaan. Ito ay binibigkas sa saliw ng lira. Isa sa pinakadakilang manunulang liriko ay si Pindar na nakilala sa kanyang mga tula ukol sa Olympic Games. Nakilala rin ang babaeng manunula na si Sappho, tinaguriang manunulang babae sa Greece dahil sa kaniyang mga tulang may maigting na emosyon. Pindar Sappho DRAMA Nahilig ang mga Griyego sa pagsusulat at pagtatanghal ng mga drama. Ito ay isang uri ng palabas sa entablado. Ito ay hindi lamang pang-aliw para sa mga Griyego bagkus ito ay isa ring uri ng edukasyon na tumatalakay sa mahahalagang usapin tulad ng kapangyarihan, katarungan, moralidad, digmaan, kapayapaan at iba pa. Ang drama ay may dalawang uri: ang trahedya at komedya. Ang trahedya na naglalarawan sa pagbagsak ng isang tao dahil sapagiging mapagmataas. Nakilala sa larangang ito ay si Aeschylus na sumulat ng Promeheus Bound. Isang dula tungkol sa isang taong ginalit ang mga diyos nang magdala siya ng sunog sa sangkatauhan. Si Sophocles naman ay sumulat ng “Antigone” at “Oedipus the King’ samantalang sinulat naman ni 14 Euripides ang “Medea” at “The Trojan Women”.Siya ang pinakabatang manunulat ng trahedya. Aeschylus Sophocles Euripides Ang ikalawang dulang nalinang ay ang komedya. Ito ay mga nakakatuwang dula na nagpapasaring sa mga pinuno, manunulat, pilosopo at iba pang sikat na tao. Ang pinakatanyag na manunulat ay si Aristophanes na sumulat ng “The Birds”, “The Clouds”, “The Frogs” at “Lysistrata” PAGSULAT NG KASAYSAYAN Ang mga Griyego ang unang nagsiyasat sa kahulugan o kahalagahan ng isang pangyayari kaya naman sila ang itinuturing na unang manunulat o historyador. Herodotus Ama ng Kasaysayan- nangalap at nagsuri ng mga kaalamang pangkasaysayan, nag-obserba sa mga lugar at itinala ang mga materyales na kanyang nakalap para sa kanyang gawain. Ang salitang history ay ginamit ni Herodotus ng kaniyang isulat ang History of the Persian Wars bilang isang ulat ng kaganapan sa digmaan ng Greece at Persia. Dahil dito kinilala ito bilang unang kabuuang ulat sa kasaysayan. Thucydides Isang Griyegong historyador na kung saan ay mas siyentipiko. Inihiwalay niya ang katotohanan (facts) sa mga alamat. Isinulat niya ang The History of the Peloponessian Wars na naging ehemplo ng isang balance at walang kinikilingang pag-ulat ng kasaysayan. Itinuturing bilang kauna-unahang siyentipikong historyador. 15 PILOSOPIYA Ang mga Griyego ay “pilosopo” o mahilig makipagtalo. Naniniwala sila na ang indibidwal ay kailangang matutong mangatwiran at makatuklas ng mahahalagang katotohanan. Naniniwala silang katungkulan ng tao ang kilalanin ang kaniyang sarili at kanyang daigdig. Ang mga Griyego din ang unang pangkat sa lipunang naghiwalay sa pag-aaral ng mga kaisipan at relihiyon. Ang pag-aaral ng mga kaalamang ito ay tinawag na pilosopiya na nangangahulugang “pagmamahal sa karunungan”. Thales ng MilItus Itinatag niya ang unang eskwelahang Griyego para sa Pilosopiya. Isang mahalagang tuklas niya na ang pisikal na mundo ay pinamamahalaan hindi ng mga diyos, kundi ng mga likas na batas na maoobserbahan at mauunawaan ng tao. Ayon sa kanya, ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan. Dahil sa kaniyang paraan ng paghahanap ng mga kasagutan sa kaniyang pinag-aaralan, siya ang itinuturing na nagtatag ng pundasyon sa pag- aaral na gumagamit ng scientific method. Ang tatlong pinakakilalang pilosopong Griyego ay sina Socrates, Plato at Aristotle. Si Socrates ay naniniwala sa prinsipyong nagpapaliwanag sa katotohanan at kabutihan. Ang kaniyang paboritong kawikaan ay “kilalanin ang sarili” (know thyself). Naniniwala siyang mapauunalad ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mas maraming kaalaman. At magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatanong o tinatawag na dialectics. Ang pamamaraang tanong at sagot ay tinatawag ngayong Socratic Method. Si Plato ay mag-aaral ni Socrates. Itinatag niya ang Akademya (academy), isang sentro ng pag-aaral na tumagal ng halos 900 taon. Ang obra ni Plato ay pinamagatang The Republic na naglalarawan ng isang ideyal na estado. Sa mga estudyante ni Plato, si Aristotle ang pinakatampok. Siya ay itinuturing na pinakamatalinong tao o isang henyo- isa siyang guro, pilosopo, siyentista, at mathematician. Nagmula sa kanya ang lohika at agham. Itinatag ni Aristotle ang Lyceum, ang paaralan sa Athens na naging unang paaralang pang-agham. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic, isang pagsusuri sa iba’t ibang dula-dulaan, ang Rhetoric na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kaniyang talumpati, at ang Politics, kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ng pamahalaan. 16 Socrates Plato Aristotle IBA PANG KONTRIBUSYON NG GREECE Olympics Ito ay isang pampalakasang paligsahan na nilalakukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia, isang lungsod-estado ng sinauang Greece. Chariot racing Javelin Wrestling Running Boxing Swimming Throwing 17 Alpabetong Griyego MGA KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG ROMANO SA IBA’T IBANG LARANGAN Batas Ang Sistema ng hustisya at pagbabatas ang pinakamahalagang nagawa ng mga Romano sa kabihasnan. Ang batas na ito’y tinawag na Law of the Twelve Tables na naging batayan ng mga sistemang legal ng maraming modernong nasyon, kasama na ang Pilipinas. Ang mga Romano ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas. Sistemang Pampolitika Ang sistemang pampolitika ay kahanga-hangang pamana ng Romano. Ipinakilala ng mga Romano ang dalawang Sistema ng pamahalaan 1.) ang republika at 2.) sentralisadong pamahalaan. 18 Nilikha ng mga Romano ang bagong sistemang pampolitika na tinawag na republika, ang namumuno ay inihalal na opisyal na gumagawa ng batas para sa tao. Walang hari sa republika. Ang sumunod na pagbabago mula sa mga Romano ay ang sentralisadong uri ng pamahalaan, na ang mga local na opisyal ang namamahala mula sa isang sentral na kapangyarihan. Panitikan Ang panitikan ng Roma ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo B.C.E. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Ang halimbawa nito ay si Livius Andronicus na nagsalin ng Odyssey sa Latin. Sina Virgil, Horace, at Ovid ang tinaguriang tatlong dakilang makata ng Roma. Si Virgil ang dakilang makata na sumulat ng Aenid tungkol sa pagdating ni Aeneas sa Italya pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Si Horace naman ay nakilala sa kanyang Oda na binubuo ng tulang Liriko. Si Ovid ay dakilang makata ng pag-ibig. Virgil Horace Ovid Nagkaroon ng tatlong bantog na mananalaysay ang Roma. Si Julius Caesar ay sumulat ng Commentaries na naglalarawan ng kanyang mga labanan sa Gaul. Si Levi ang nagsulat ng Annabis na tungkol sa kasaysayan ng Roma. Si Tacitus, ang dakilang Romanong mananalaysay, ay sumulat ng Germania tungkol sa mga kaugalian at kabutihan ng mga Aleman. Julian Calendar Ang kalendaryong Julian ay isang reporma ng kalendaryong Romano na kung saan binubuo ito ng 365 na araw na ang isang taon ay nahahati sa 12 buwan at kada 4 na taon ay may idadagdag na araw sa buwan ng Pebrero na tinatawag nating Leap Year. Ito ay pinag-utos ni Julius Caesar upang ipalit sa dating Roman Calendar noong 45 B.C.E na pinalitan naman ng Gregorian Calendar na ginagamit natin sa kasalukuyan. 19 KASAYSAYAN Maraming Romano ang naging sikat na historyador at biographer. Ang apat na katangi-tanging historayador ay sina Julius Caesar, Sallust, Livy at Tacitus. Dinakila ni Tacitus ang Rome sa kasaysayan. Isinulat niya ang Germania at Commentaries on the Gallic War. Cicero Tinaguriang Dakilang Orador ng Rome si Cicero. May higit 100 kurso siya sa larangan ng pilosopiya, oratoryo at teoryang pampulitika. Ang mga talumpati niyang isinulat sa Latin ay binabasa pa rin hanggang ngayon ng mga mag-aaral ng Latin. AGHAM Ang pinagpipitaganang siyentistang Romano ay si Pliny the Elder na sumulat ng 37 aklat ng Natural History na naglalaman ng mga kaalaman ukol sa astronomiya, botany, heograpiya at medisina. Si Ptolemy naman ang nagpalaganap ng konsepto na ang araw at mga bituin ay umiikot sa mundo. Ang kaisipang ito ay pinaniniwalaan hanggang noong ika-16 na dantaon. Isa siyang astronomer, matematiko at heograpo na taga Alexandria. Kinilala ang mga Romano sa mga nagawa nila para sa pampublikong kalusugan at sanitasyon. Nagtatag sila ng mga klinika at ospital gayundin ng mga paliguan at alkantarilya (sewer) para mapangalagaan ang kalusugan. Ang pinakabantog na manggagamot sa Rome ay si Galen, isa siyang Griyego na tumira sa Roma ngunit ang kanyang mga teorya ay hango sa medisinang Romano. PILOSOPIYA Nakilala ang pilosopiyang Stoicism sa Roma. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito ang tungkulin, disiplina sa sarili at pagtanggap sa kaayusan ng kalawakan na pangkaraniwan sa pamumuhay ng mga Romano. Si Seneca ang pinakakilalang pilosopong Romano. Si Emperador Marcus Aurelius na mas kilala pilosopo kaysa emperador ay sumulat ng Meditations, isang tunay na klasiko sa larangan ng pilosopiya. ARKITEKTURA AT INHENYERA Mahuhusay na inhenyero ang mga Romano. Natutunan nila ang gumawa ng mga arko at haligi. Pinagbuti pa nila ang arko sa pamamagitan ng pag-imbento ng simboryo (dome), bubong na may bilugang arko. Makikita ang impluwensiyang ito sa mga naglalakihang simbahan ng Rome at Byzantium. 20 Ang mga Romano ang unang gumamit ng mga materyales, gaya ng kongkreto sa paggawa ng mga gusali. Dahil dito nakagawa sila ng malalaking estruktura gaya ng tatlong palapag na Coliseum (Collosseum), ang Pantheon, temple ng mga diyos, mga stadium, triumphal archs, at basilica (hukuman ng batas). Itinuturing na dalawang obra maestra ng Roma sa arkitektura ang Pantheon at Coliseum. Ang Pantheon ay isang Katolikong simbahan sa Roma na ang bubong ay may habang 43 metro. Ang Coliseum naman ay isang bukas na arena na may upuan para sa 50,000 katao. Ito ay may disenyong Griyego ang mga kolumna. Dito isinasagawa ang mga labanan ng mga gladiator. COLLOSSEUM PANTHEON Nakapagpagawa ang mga Romano ng mga matitibay na estruktura na ng mga labi ay makikita pa sa kasalukuyang panahon. Ilan dito ay ang aqueduct, paliguan, kalsada, tulay, sewer system at imbakan (reservoir Ang mga aqueduct ay kahanga-hangang gawa ng mga inhinyero. Ang pinakakilalang kalsadang Romano ay ang Daang Appian. Ang iba pang mga obra maestra ng mga Romano ay ang Hippodrome na kung saan dito ginaganap ang karera ng mga kabayo, Pampublikong Paliguan Basilika, isang bulwagan na nagsilbing korte at pinagpupulungan. Hippodome Pampublikong Paliguan Basilica 21 Forum Aqueduct Appian Way PANANAMIT Ang kasuotan ng sinaunang Roma ay nakadepende sa kalagayan nito sa lipunan. Ang Patrician ay nakasuot ng kulay puting damit hanggang tuhod at pulang sapatos. Samantalang ang Plebeian ay nakasuot ng malabnaw na kulay ng damit. Patrician Plebeian Tunic Toga Stolla Palla Ang Tunic ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod ng mga lalaki. Samantalang ang Toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang Stolla naman ay kasuotang pambahay ng mga babae na hanggang talampakan at ang Palla naman ay inilalagay sa ibabaw ng stolla 22 Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang mga kontribusyon o ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa Greece at Rome sa daigdig? 2. Ano ang kahalagahan ng mga kontribusyong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa kanilang kabihasnan? 3. Alin sa mga kontribusyon ng Greece at Rome ang may kaugnayan sa kasalukuyan? PAGSASANAY 3 TALAHANAYAN, PUNAN MO! Mula sa binasang teksto tungkol sa mga kontribusyon ng kabihasnang Griyego at Roma, buuin ang talahanayan. Gawin ito sa hiwalay na papel. KAHALAGAHAN SA LARANGAN AMBAG KASALUKUYANG PANAHON POLITIKA RELIHIYON SINING AGHAM, MEDISINA, MATEMATIKA PANITIKAN PILOSOPIYA KASAYSAYAN 23 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga epekto ng kabihasnang Greece at Roma sa kasalukuyang panahon? 2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan 3. Paano pinapahalagahan ng sangkatauhan sa kasalukuyan ang mga mahahalagang ambag sa iba’t ibang larangan ng kaalaman ng kabihasnang Greek? Patunayan PANGWAKAS NA PAGSUBOK PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng kabihasnang Griyego? A. Agham C. Demokrasya B. Amphitheater D. Oligarchy 2. Ano ang tawag sa uri ng labanan na ipinapalabas sa colloseum ng mga Hari at taong bayan na kung saan mga bilanggo ang kalimitang nakikipaglaban? A. Chariot Race C. Olympic Game B. Gladiator Game D. Wrestling 3. Ang saligang Batas ng mga Romano ay nakasaad sa ____________. A. Batas Civil C. Republic Act B. Batas Romans D. Twelve Tables 4. Kung sa Gresya ang pinakamahalagang ambag nila sa kabihasnan ay ang pagkakaroon nito ng demokratikong pamahalaan. Ano naman ang pinakamahalagang ambag ng Roma? A. Arkitektura C. Demokrasya B. Batas D. Panitikan 5. Siya ay unang manggagamot na naniniwalang ang sakit ay hindi parusa mula sa Dios bagkus ito ay may natural na sanhi. A. Aristotle C. Plato B. Hippocrates D. Thucydides 24 KARAGDAGANG GAWAIN ANG AKING REPLEKSYON Kumpletuhin ang pahayag upang makabuo ng kaisipan kung alin at paano mo mapahahalagahan ang kontribusyon ng Greece at Rome. Sa mga naging kontribusyon ng Greece at Rome higit kong pinahahagahan ang ______________________________________________ _________________________ sapagkat ____________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _______________________________________________. RUBRIK Kaayusan at kaisahan ng diwa 5 Kaangkupan ng salita at bantas 5 KABUHAN 10 MGA SANGGUNIAN: Modyul sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig pahina 151-154 Kasaysayan ng Daigdig Para sa Mundong Postmoderno, Gregorio F.Zayde et al, ph pahina 104-108, 119-123, 166 https://www.wikiwand.com/tl/sinaunang-gresya https://science.howstuffworks.com/math-concepts/phythagorean.theorem.htm https://mimirbook.com/tl/add65282cf7 https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Euclid https://classicalwisdom.com/people/historians/herodotus-father-of-history/ https://www.google.com/amp/s/ https://www.history.com/.amp/topics/ancient-history/herodotus https://en.m.wikipedia.org/wiki/Thucydides https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Thales https://historica.fandom.com/wiki/Thales-of-Miletus https://www.britannica.com/biography/Socrates https://www.ancienthistorylists.com/people/top-contributions-plato/ https://www.britannica.combiography/Aristotle https://www.tl.m.wikipedia.org/wiki/seus https://www.ancient.eu/amp/1-488 https://www.who2.com/bio/archimedes/ https://en.m.wikipedia.org/wiki/Astrolabe https://medium.com/@greekalphabet-letters-22bf2f751700 https://pt.slideshare.net/mobile/ApHUB2013/pamana-ng-roma-quarter- 2/2?smtNorider=1 https://www.slideshare.net/mobile/ardzkiedhentaltala/ang-mga-naiambag-ng- greece-sa-kasalukuyan 25 https://www.google.com/amp/s/ancientegyptiancivilization.wordpress.com/2015/11 /07/kontribusyon-ng-greece/amp/ https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/roman-aqueducts/ https://www.simonandschuster.com/books/Work-and- Days/Hesiod/9781625581334 https://www.laphamsquarterly.org/contributors/hesiod https://en.mwikipedia.org/wiki/Homer https://www.Prestwickhouse.blogspot.com/2013/05/the-making-of-illiad https://www.britannica.com/biography/Hesiod/Spurious-works https://www.amazon.com/Theogony-Hesiod-ebook/dp/B00AIR8EYE https://www.britannica.com/biography/Tacitus-Roman-historian https://www.thoughtco.com/livy-roman-historian-119057 https://www.scribd.com/doc/284458237/Mga-Natatanging-Kontribusyon-Ng- Imperyong-Romano https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Drama https://www.tagaloglang.com/epiko/ https://philnews.ph 26 Aralin 2.2 KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG KLASIKO NG AMERICA, AFRICA AT MGA PULO SA PACIFIC SIMULAN NATIN! Malaki ang kontribusyon ng mga kabihasnang nabuo sa panahon ng klasikal na Amerika, Africa at mga Pulo sa Pacific. Ang mga kabihasnang ito ay mayroong mahalagang naiambag noon na hanggang sa kasalukuyang panahon ay makikita’t napapakinabangan pa rin. Ang mga a kontribusyong ito’y makikita sa iba’t ibang larangan tulad ng arkitektura, agrikultura, ekonomiya at kalakalan, matematika at astronomiya. Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nito at sa pamumuhay ng kanilang mga mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang naitatag sa mga kontinenteng ito. Mapag-aaralan mo sa araling ito ang mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Klasiko ng Amerika, Africa, at mga pulo sa Pacific noon at ngayon. MGA LAYUNIN Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang mga kontribusyon ng mga kabihasnang klasiko ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific. 2. Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. TALAHULUGAN Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin. a. pok-a-tok- isa sa pinakakilalang ritwal na laro ng mga Olmec na kung 27 saan ay naging popular din sa mga Mayan. Ang larong ito ay kahalintulad din ng larong basketball na kung saan ang mga kalahok ay may dalawang grupo na magkatunggali. b. Chinampas- isa itong artificial islands na kung tawagin ay floating garden na maaaring tirhan ng tao at tamnan din ng mga halaman para sa kanilang kabuhayan. c. Stelae- haliging batong may disenyo na itinayo bilang pananda ng libingan ng mga namatay na hari ng Axum. d. Catamaran- isa itong Bangka na may dalawang hull o katawan na mas mabilis kaysa sa pangkaraniwang Bangka. PANIMULANG PAGSUBOK PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ang larong pok-a-tok ay isa sa mga laro ng mga Maya na inihahalintulad sa kasalukuyang larong soccer o basketball. Paano naiiba ang larong pok-a-tok sa kasalukuyang basketball at soccer? A. Walang pagkakaiba ang pok-a-tok sa larong basketball. B. Ang pok-a-tok ay naiiba basketball dahil ito ay isang ritwal na laro para sa kanilang diyos. C. Ang pok-a-tok ay isang ritwal na laro na nagpapakita ng kanilang kultura samantalang ang basketball at soccer ay ordinaryong sports. D. Ang pok-a-tok ay naiiba sa basketball dahil ito ay nagmula sa Mesoamerika samantalang ang basketball ay nagmula sa Timog Amerika. 2. Karaniwang makikita sa sentro ng pamayanang Maya ang pagkakaroon ng isang piramide na may dambana para sa Diyos. Ano ang ipinapahiwatig nito? A. Ang mapayapa at maayos ang lipunan ng kabihasnang Maya B. Ang bawat lungsod-estado ng Maya ay maayos, mapayapa at tahimik. C. Pagpapahalaga sa relihiyon ang pinakasentro sa bawat lungsod ng Maya. D. Binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ang relihiyon kahit noong sinaunang kabihasnan. 3. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin kung alin ang HINDI nabibilang sa mga ambag ng Songhai. A. Sila ang sumakop sa kaharian ng Ghana. B. Sila ang nagpakilala sa relihiyong Kristiyanismo sa kontinenteng Aprika C. Gumagamit sila ng tanso at bronse sa paggawa ng mga kasangkapan at sandata D. Ipinakilala nila ang panibagong Sistema ng pagsulat na siyang sinusunod ng mga griot. 4. Alin ang HINDI kabilang sa mga ambag ng kabihasnang Aprika? A. Caravan C. Mga piramide B. Islam D. Kalakalang ginto at asin 28 5. Paano ipinakita ng mga taga Maya ang mataas na antas ng kaalaman sa larangan ng Arkitektura? A. mga sementadong daan at tulay B. maganda at mahabang chinampas C. mga bahay na gawa mula sa luwad D. mga magagarang templo at palasyo sa tabi ng Pyramid. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO Payabungin ang iyong kaalaman. Alamin ang kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko ng America, Africa at mga pulo sa pacific. Maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang ambag ng Kabihasnang Klasiko ng America, Africa at mga pulo sa pacific gamit ang mga teksto, larawan, chart, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman. PAGSASANAY 1 LARAWAN SURI! Pagmasdang mabuti ang bawat larawan. Magbigay ng maikling puna ukol dito at tukuyin kung saang larangan ito nabibilang. https://img02.deviantart.net/cb27/i/2015/120/7/b/mayan-game-pitz-by- carlosneak-d398b88.jpg 29 https://www.slideshare.net/mobile/jaredram55/kabihasnang-klasikal-sa - america-14330287 https://www.ancient-origins.net/news-general/fight-save-ancient-texts- timbuktu-001243 https://it.m.wikipedia.org/wiki/Stele_di Axum Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang iyong nakikita sa mga larawan? 2. Sa inyong palagay, ano-anong bansa o kabihasnan ang nagdala o nagpakilala ng mga bagay na ito? 3. Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao noon at ngayon? 30 PAGSASANAY 2 MAGBASA AT MATUTO: Basahin at unawain ang nakasaad na teksto na nasa ibaba tungkol sa KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG AMERICA. Maari mo ring gamitin ang internet at iba pang mga babasahin tulad ng aklat o modyul upang makakalap ng mga karagdagang impormasyon na makatutulong saiyo upang lubos na mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG AMERICA Maya Mahusay ang mga Maya sa pagtayo ng mga lungsod. Naiugnay ng malawak at maayos na kalsada at rutang pantubig (sistemma ng irigasyon) ang mga lungsod-estado ng Maya. Malalaking bloke ng bato ang kanilang mga temple at palasyo at ang mga ito ay nadedekorasyunan ng mga eskulturang serpiente at kakaibang disenyong heometrikal ng mga Maya. Ang mga alahas nila ay gawa sa jade na may disenyong mga ibon, mga hayop, at mga bulaklak. Ang paghahabi ay sagradong sining para sa kanila. Nalinang ng Maya ang komplikadong Sistema ng pagsulat ng Hiroglipiko (hieroglyphics) na kanilang ginamit sa pagtatala ng kanilang obserbasyon at kalkulasyon sa astronomiya at sa impormasyong pangkasaysayan. Ang prosa at tula ng panitikang Mayan ay naisalin sa iba’t ibang wika. Nakaimbento ng kalendaryo ang mga Maya dahil namamangha sila sa pagdaan ng panahon, na kailangang maunawaan para magamit sa kaalaman sa pangangaso, pagtatanim, at pag-aalay ng sakripisyo sa mga diyos. Isa sa kanilang nagawa ay ang kalendaryong ginamit nila sa pagtatalaga ng iskedyul ng mga seremonya. Ang isang kalendaryo ay batay sa araw. Ang ikalawang kalendaryo ay banal na may 260 araw na gianagamit sa paghahanap ng swerte at malas na araw. Ang kanilang kalendaryo ay mas tumapak kaysa noong ginamit sa kanlurang Europe hanggang noong ika-18 dantaon. Nagsimula ang kanilang kalendaryo noong 3000 BC. Naisulong din ng mga Mayan ang matematika at astronomiya. Naimbento nila nila ang Sistema sa pagbilang na may kasamang zero at ginamit din nila ang kaalamang ito para sa wastong pagsukat ng araw at taon sa pamamagitan ng pagbabawas o pagdagdag ng araw sa kanilang kalendaryo. 31 Konsepto ng Zero Mayan Calendar Mayan Heiroglyphics Mayan Sacred Rounds Sa larangan ng arkitektura, nagtayo ang mga Mayan ng mga piramide na pinagdarausan ng mga seremonya ng pag-aalay sa kanilang diyos. Ito ay matataas na temple na nagsilbi ring monumento at musuleo ng kanilang pinuno. Isa sa natatanging temple ay ang Pyramid of Kukulcan. Sa Inhinyera naman, ipinakita ng Maya ang kanilang kaalaman sa paggawa ng mga tulay, daan, at tinggalan ng tubig (reservoir). Ang larong pok-a-tok ay isa sa pinakakilalang ritwal na laro ng mga Olmec na kung saan ay naging popular din sa mga Mayan. Ang larong ito ay kahalintulad din ng larong basketball na kung saan ang mga kalahok ay may dalawang grupo na magkatunggali. Ang kaibahan nito sa normal na basketball ay hindi maaaring gumamit ng kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang, tinatangkang ipasok ng mga manlalaro sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang pader ang bola. Larong Pok-a-tok 32 Pyramid of Kukulcan AZTEC Mula sa dating maliliit na pamayanan, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Ngunit, hindi naging sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. Upang matugunan ang pangangailangang ito, nakagawa ng paraan ng mga Aztec. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi pa rin lubos na malawak. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga Chinampas. Isa itong artificial islands na kung tawagin ay floating garden na maaaring tirhan ng tao at tamnan din ng mga halaman para sa kanilang kabuhayan. Ang chinampas ay isang taniman na yari sa banig na damo at tinambakan ng lupa. Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila sa malambot na lupa gamit lamang ay matulis na kahoy. Magagaling din na inhinyero ang mga Aztec at bihasang manggagawa. Bukod sa chinampas, sila ay nakapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam gayundin ang liwasan, at mga pamilihan. Nakagawa sila ng mga daanan at isang sistema ng patubig na nagdadala ng tubig mula sa lawa patungo sa kanilang pananim na tinawag nilang Chapultepec aqueduct. Ang lagusang ito ang nagbigay daan upang yumabong ang pamumuhay ng mga Aztec. Mahalaga para sa mga Aztec ang relihiyon. Upang magbigay-pugay sa kanilang mga diyosa nagtayo ang mga Aztec ng mga piramideng templo at palasyo. Isa na rito ang Pyramid of the Sun. ito ang pinakamalaking bunton sa Cahokia at may hugis na parang putol na piramide ngunit may apat na terasa na may iba’t ibang taas. Naniniwala sila na ang gawaing ito ay magbibigay sa kanila ng buhay na walang hanggan. Naniniwala rin silang mahahadlangan ng kanilang mga diyos (Tialoc, diyos ng ulan at Quetzalcoatl) ang mga masasamang diyos sa pagsira ng daigdig kaya kinakailangang maging malakas ang mga diyos na ito. Ang pinakamahalagang diyos ng mga Aztec ay ang Diyos ng Araw na si Huitzilopochtli Dahil dito, nakilala ang mga Aztec sa pag-aalay ng mga tao bilang sakripisyo. At kadalasan ang iniaalay nila ay mga bihag sa digmaan. 33 Marami silang ginto at pilak. Ang pinakamahal na hiyas ay jade. Marami silang dekoratibong sining sa mga tela, palayok at alahas. Gumamit sila ng obsidian para sa pagagawa ng kagamitan at sandata. Tulad sa ibang matandang imperyo, mahalaga para sa Aztec ang pormal na edukasyon para sa mga batang lalaki. Tinuturuan sila sa pagsulat, wika, matematika, at batayang siyensiya. Samantala ang mga babae ay sinasanay sa bahay. Ang mga Aztec ay bihasa sa mga halamang gamot na hanggang ngayon ang kanilang ideya at kaalaman ay nagagamit ng mga doktor. Ang mga Aztec ay may sariling kalendaryo. Isa sa mga kilalang kalendaryo nila ay may sukat na 3.7 metro sa dayametro. Ang isang taon ay binubuo ng 365 araw at tinatawag na xiuhpohualli. Mayroon din silang kalendaryong panrelihiyon na tinatawag na tonalpohualli na binubuo ng 260 araw. Chapultepec aqueduct Chinampas Aztec Calendar Obsidian Templo Mayor Pyramid of the Sun Ang templo ng Aztec ay tinawag na “Hueteocalli” o Templo Mayor (Great Pyramid). Ang mga pari ay nagpupunta sa mga templo para magsamba at manalangin, gumawa ng handog sa mga Diyos. 34 Inca Ang lahat ng mga lupaing sakop ng mga Inca ay pag-aari ng imperyo. Ang buhay-pulitikal ng mga tao ay nakasentro sa isang pinuno. Ang mga lupain ay hinati para sa hari, sa relihiyon at sa mga mamamayan. Karamihan sa mga Inca ay magsasaka. Gumamit sila ng pataba at irigasyon. Nagtanim ang mga Inca ng mga patatas, mais, sa dalisdis ng mga bundok na ginawa nilang hagdan-hagdang palayan. Upang maiwasan ang pagkabulok ng patatas, nakabuo ng isang paraan ng preserbasyon ang mga Inca na tinawag na Chuno. Ang patatas ay dinudurog at pinatutuyo sa malamig na hangin. Sa ganitong paraan, naiiwasan ng mga Inca ang taggutom. Ang kabuhayan nila ay nakasalalay sa agrikultura. Nag-aalaga rin sila ng hayop at nangingisda. Ang ilan ay naghahabi. Mayroon ding iba na mahuhusay na magpapalayok, mga minero ng ginto, pilak at tanso. Ang mabundok na lupain ng imperyo ay hindi naging sagabal sa mabilis na komunikasyon sa mga lungsod ng Inca. Magaling gumawa ng mga imprastruktura ang mga Inca. Nagtayo ang mga Inca ng magagandang daan at tulay na yari sa bato sa kabuuan ng mabundok nilang imperyo. Ang mga magsasaka ay gumamit ng pataba at irigasyon. Sila ay may mga landbridge at aqueduct. Isa na rito ang tinatawag na Machu Picchu. Ito ay isa sa tinaguriang New Seven Wonders of the World. Ito ay binubuo ng mga makabagong lagusang tubig at mga daan. Ang mga Inca ay may mataas na kultura. Sila ay may mga gusali, at bahay na yari sa brick at bato, pamilihan, zoo, inuman, at paliguan. Walang Sistema ng pagsulat ang mga Inca. Ngunit, sa kabila nito’y nakagawa sila ng paraan ng pagtatala na tinatawag nilang quipo. Nakabatay lamang sa memorya at quipo ang mga tala ng kautusan o batas ng kanilang pamahalaan. Sa pamamagitan ng pagbubuhol ang lubid na kung tawagin ay quipos ay natutunan nilang magbilang at magtala ng iba pang kalkulasyon. Ang quipo ay mga nakabuhol na lubid na may katumbas na bilang o kwento na nakabatay sa alaala ng tagapag-ingat nito. Nakapagtatag din ng mga gusali sa pamamagitan lamang ng kanilang mga kamay at hindi ginagamitan ng mortar at semento. Sa sining naman, mayroon silang mga sayaw, awit, at laro. Gumawa rin sila ng kalendaryo at Sistema ng pagbilang o numero. Mayroong dalawang uri ng nilikhang kalendaryo ang mga Inca na tulad ng sa kabihasnang Maya. Ginagamit nila ito para sa pagsamba at pag-aalay sa kanilang diyos. 35 Machu Picchu sa Peru, huling moog ng mga Inca na isa sa kamangha- manghang lugar sa buong mundo. Ilama at Alpaca (pinagkukunang tela sa kasuotang pantaglamig Aqueduct o daang tubig Quipu Inca farm terraces KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG KLASIKO SA AMERICA EKONOMIYA AT MATEMATIKA AT ARKITEKTURA AGRIKULTURA KALAKALAN ASTRONOMIYA 36 Pamprosesong tanong: 1. Ano-ano ang kahalagahan ng mga naging kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa America? Ipaliwanag. 2. Ano ang kahalagahan ng mga sumusunod na ambag sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag a. kalendaryo b. pagsasaka at pangingisda c. sistema ng irigasyon 3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang tatlong kabihasnan? 4. Paano mo mapahahalagahan ang mga nabanggit na kontribusyon? Ipaliwanag. PAGSASANAY 3 MAGBASA AT MATUTO Basahin at unawain ang nakasaad na teksto na nasa ibaba tungkol sa KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG APRIKA. Maari mo ring gamitin ang internet at iba pang mga babasahin tulad ng aklat o modyul upang makakalap ng mga karagdagang impormasyon na makatutulong saiyo upang lubos na mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Ghana Ang kauna-unahang dakilang imperyo sa kanlurang Aprika ay ang Ghana. Naninirahan ang mga tao sa rehiyon kung saan matatagpuan ang isang mahahalagang daanang pangkalakalan. Ang Ghana ay nasa pagitan ng disyerto at kagubatan, naging mayaman ang imperyong ito sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga daanan at paniningil ng buwis sa mga mangangalakal na nagmumula sa magkabilang rehiyon nito. Sila ay nakilala sa pagiging masipag na mangangalakal. Nabubuhay sila sa pakikipagkalakalan. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba-ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila. Ang pagiging mangangalakal nila ang naging sangkap ng lipunan natin sa kasalukuyan sapagkat isa sila sa mga lahing nagtatag ng maayos na kalakaran sa daigdig. Ang paggamit ng bakal ay nakatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng imperyo ng Ghana. Natutunan nila ang paggawa ng iba’t ibang gamit tulad ng sandatang kahoy, buto, at bato. Naging maunlad ang Ghana dahil naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa. Sila ay bumili ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo. Ang mga sandatang bakal ay ginamit upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga pangkat na mahina ang sandata. Ang mga kabayo 37 naman ay nagbibigay ng ligtas at mabilis na paraan ng transportasyon para sa mga mandirigma nito. Mali Tulad ng Ghana ang imperyong Mali ay yumaman dahil sa kalakalan. Nagsilbing sentro ng kalakalan at kaalaman ang Timbukto. Ginto at tanso ang pangunahing pinagkukunang-yaman ng Mali. Lumaganap rin ang relihiyong Islam at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang Sangkore Mosque ang ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325. Si Mansa Musa ang pinakatanyag na hari. Pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa panahon ng paghahari ni Mansa Musa, ang Gao, Timbukto, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya. Nagtatag ng mas epektibong sistema ng pamamahala. Pinaunlad niya ang komersiyo at pakikipagkalakalan, interesado siya sa mga likhang sining gaya ng pagpipinta, arkitektura at literature. Sangkore Mosque SONGHAI Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Ang mga unang Songhai ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka at pangingisda. Mahalaga sa kanila ang pangingisda dahil ang kanilang imperyo ay matatagpuan malapit sa Niger River. Ang ginto at asin ang kanilang pangunahing pinagkukunang-yaman. Naninirahan ang mga Songhai sa mga bahay na yari sa luwad na ang bubong ay mga damo. Mga kamelyo, kabayo at asno ang ginagamit nila sa paglalakbay at Bangka naman sa paglalakbay sa ilog. Malaki ang kanilang respeto sa mga taong nakapag-aral at nakatuon ang kanilang pag-aaral sa relihiyon. 38 Ito ang kaharian ng Kanlurang Sudan na itinatag ni Sundiata at inilipat niya ang kabisera nito sa Niani SILANGANG APRIKA Axum Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal at iba pa. Sa larangan ng arkitektura, natuklasan ng mga Aksumite ang paraan ng pagbuo ng mga gusaling yari sa bato. Ang Stelae o haliging batong may disenyo na itinayo bilang pananda ng libingan ng mga namatay na hari. Ito ay nagsilbing alaala ng mga tao ng tagumpay ng kanilang hari at kadakilaan ng kanilang kaharian. Itinayo ito upang parangalan ang kadakilaan ng isang pinuno. Ito ay may taas na 100 talampakan. Ito ay naging atraksiyon at patuloy na dinarayo sa kasalukuyan sa Africa. Sa larangan naman ng agrikultura ay nagpakiata ng kahusayan ang mga Aksumite sa pamamagitan ng terrace farming. Humukay rin sila ng isang dam at mga imbakan ng tubig upang mayroon silang magamit sa pagsasaka. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 CE. 39 Stelae KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG APRIKA BAHAGI NG KABIHASNAN/ LARANGAN AMBAG AFRIKA IMPERYO Pamprosesong Tanong: 1. Saang aspekto ng buhay nagkakahawig ang Ghana, Mali, Songhai at Axum? 2. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng bawat imperyo sa Africa? 3. Alin sa mga kontribusyong ito ang nakatulong sa pag-unlad ng kasalukuyang panahon? Ipaliwanag. 4. Paano mo mapahahalagahan ang kontribusyon ng Aprika. Pangatwiranan. PAGSASANAY 4 MAGBASA AT MATUTO Basahin at unawain ang nakasaad na teksto tungkol sa KONTRIBUSYON NG MGA PULO NG PASIPIKO. Maari mo ring gamitin ang internet at iba pang mga babasahin tulad ng aklat o modyul upang makakalap ng mga karagdagang impormasyon na makatutulong saiyo upang lubos na mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin 40 KONTRIBUSYON NG MGA PULO SA PACIFIC Polynesia Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia. Umaabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog. Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octupos, at iba. Nanghuhuli rin sila ng pating. Gumawa rin sila ng inumin na ang tawag ay kava na ginagamit sa mga seremonya ng pamayanan. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas”. Ang kapangyarihang ito ay maaaring mapawalang-bisa sa pamamagitan ng iba’t ibang Gawain ng tao. Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay. May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Naimbento rin ng Polynesian ang Catamaran, isa itong Bangka na may dalawang hull o katawan na mas mabilis kaysa sa pangkaraniwang Bangka. Ito ay kanilang ginamit sa pangangalakal at sa paghahanap. Tohua Catamaran MICRONESIA Ang mga sinaunang pamayanan ay matatagpuan sa malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kinalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau at Yap. 41 Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money). Sa iba pang pulo, nagpapalitan ng kalakalang mga tao sa matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low- lying coral atolls). Ipinagpapalit ng mga taga high-lying island ang turmeric na ginagamit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga taga low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shell/bead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan. Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga ritwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani. Naniniwala ang mga Micronesian sa mga espiritu ng kanilang ninuno. Stone money (Rai stone) Micronesian Tattoo Melanesia Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying- dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mg mandirigma. Tagumapay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili ng sa pinuno. Ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan. Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag- aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, kopra at ginto. Mahuhusay na manlililok at manggagawa ng palayok at Bangka ang mga Melanesian. Ang mga Melanesian ay mahilig sa musika. Mayroon silang plawta, reed pipe at tambol. Mahilig sila sa mga tattoo na hanggang sa kasalukuyan ay uso pa rin ang mga ito. Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinapabatid ng mga diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan o pag-unald ng kabuhayan.laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana. May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang isla at kontinente. 42 Mga palayok Mga instrument sa musika Kagamitan ng Melanesian KONTRIBUSYON NG MGA PULO SA PACIFIC POLYNESIA MICRONESIA MELANESIA Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang kahalagahan ng mga naging kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa mga Pulo sa Pacific? 2. Sa paanong paraan mo mapahahalagahan ang mga nabanggit na kontribusyon? Ipaliwanag PANGWAKAS NA PAGSUBOK PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Katawagan sa mga matutulis na bato na kagamitan at sandata ng mga Aztec A. Aqueduct C. Dragon glass B. Crystals D. Obsidians 2. Alin sa mga sumusunod ang tinatayang pinakamaunlad at pinakamalaking imperyo na umusbong sa Mesoamerica? A. Aztec C. Maya B. Inca D. Teotehuacan 3. Ang mga Aztec ay mga mahuhusay na inhinyero. Ang mga sumusunod ay ang mga estrukturang kanilang nagawa MALIBAN SA___________. A. Aqueduct C. Liwasan B. Dam D. Solar Panel 43 4. Ang Manchu Picchu ay bantog at sagradong lungsod na dinarayo ng mga turista hanggang sa kasalukuyan. Anong bahagi ng kabihasnang ito? A. Aztec C. Mali B. Inca D. Maya 5. Ang mga taong nakatira sa pulo ng pacific ay naniniwala na ang mga bagay sa paligid ay mayroong kapangyarihan na tinatawag na ________. A. Illama C. Palau B. Mana D. Tohua KARAGDAGANG GAWAIN AD BAKIT?! Pumili ng isang Kontribusyon ng isang Klasikal. Gumawa ng dalawang pahinang Pamphlet na nagsusulong ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga kontribusyon nito sa kasalukuyan. Sundin ang format sa ibaba. Front Page Second Page First Page Larawan ng Kontribusyon Sumulat ng maikling Ipaliwanang ang pahayag na (maaring kumuha ng kahalagaha n ng naglalaman ng inyong larawan mula sa kontribusyo n sa adbokasiya upang internet o kaya’y iguhit kasalukuyan ng mapangalagaan ang ang napiling panahon. kontribusyon na larawan ng inyong napili. kontribusyon) MGA SANGGUNIAN: Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig pahina 187- 203, 207-215, 2016-221 Kasaysayan ng Daigdig Para sa Mundong Postmoderno, Gregorio F.Zayde et al, pahina 62-68 https://www.ancient-origins.net/news-general/fight-save-ancient-texts- timbuktu-001243 https://www.slideshare.net/mobile/kdlover98/sibiisasyong-maya https://en.m.wikipedia.org/wiki/maya-numerals https://www.britannica.com/topic/mayan-hieroglyphic-writing https://www.slideshare.net/mobile/kenstudious/kabihasnang-meso- america-olmec https://www.slideshare.net/mobile/k60110804/imperyo-ng-ghana https://brainly.ph/question/1944868 https://en.m.wikipedia.org/wiki/chinampa https://www.ancient.eu/article/896/the-aztec-caendar 44 https://www.123rf.com/photo_107799413_basketb-of-organic-raw https://kasaysayanngdaigdig.weebly.com/kasaysayan.html https://www.flickr.com/photos/rietje/10188545405 https://www.ttnotes.com/tohua-mauia.html https://www.elitereaders.com/largest-heaviest-currency-rai-stone-money/ https://www.atlasobscura.com/places/rai-stones https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Animismo https://geography.name/timbukto/ https://www.slideshare.net/mobile/k60110804/imperyo-ng-mali https://www.google.com/amp/s/api.nationalgeographic.com/distribution/publ ic/amp/travel/best-family-trips/machu-picchu https://www.slideshare.net/mobiledionesiable/modyul-07-kabihasnang- klasikal-sa-amerika-at-pacifico https://www.slideshare.net/mobile/danz_03/ap-iii-ang-mga-kabihasnan-sa- amerika https://www.britannica.com/topic/Maya-people https://prezi.com/3oa7x-uj9i8j/pagbibigay-halaga-sa-pamana-ng- sinaunang-kabihasnan-ng-africa/ https://www.britannica.com/place/Pyramid-of-the-Sun https://study.com/academy/lesson/aztec-templo-mayor-history-facts.html https://www.ancient.eu/Templo_Mayor/ https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Polynesia https://www.scribd.com/doc/165716328/Ang-Mga-Pulo-Sa-Pacific-Keanna mgasinaunangkabihasnan.blogspot.com/2014/07/kabihasnan-sa- africa.html?m=1 https://www.pbase.com/image/74258371 https://www.britannica.com/place/Sankore-mosque For inquiries or comments, please contact: 45

Use Quizgecko on...
Browser
Browser