Wika (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF
- Banco De Contenido Digital - Lenguaje PDF, Ciclo Quinto 2025
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Language, Culture, and Society, 5th Edition PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Culture and ICC in Foreign Language Education PDF
Summary
This document discusses the importance of language as a crucial tool for communication, especially in the Philippines. It explores various aspects of Filipino languages, including the evolution of a national language and its diverse cultural significance.
Full Transcript
**Wika** Ang wika\'y mahalagang instrumento ng komunikasyon. Makakatulong sa pagkakaroon ng mabungang inter-aksiyon. Ito\'y pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo at tuntunin upang makapagpahayag ng kaisipan o kahulugan. Behikulong ginagamit upang makikipag-usap o magpaparati...
**Wika** Ang wika\'y mahalagang instrumento ng komunikasyon. Makakatulong sa pagkakaroon ng mabungang inter-aksiyon. Ito\'y pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo at tuntunin upang makapagpahayag ng kaisipan o kahulugan. Behikulong ginagamit upang makikipag-usap o magpaparating ng mensahe sa isa\'t isa na tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit pitong libong pulong nabibilang sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa: ang [Luzon, ang Visayas, at Mindanao.] Ayon sa datos ng PSA, may [182 na wika at diyalekto] ang umiiral sa bansa. 1\. Tagalog 2\. Cebuano/Bisaya/Binisaya 3\. llocano 4\. Hiligaynon/Ilonggo 5\. Bikol/Bicol 6\. Waray 7\. Kapangpangana 8\. Pangasinan, 9\. Maguindanao 10\. Tausog [Kahalagahan ng Wika] [Ayon kay Paz, Hernandez at Peneyra 2013] Ang wika ay tulad ng tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na ginagamit. Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang tao ay maging sa pakikipag-usap sa sarili. [Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr,- (2003)] Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinasaayos sa pamaraang arbitaryo upang magamit ng mga tao nabibilang sa isang kultura. [Ayon kay Charles Darwin] Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng isang cake o ng pagsusulat. Kinakailangan na pag-aralan muna bago matutuhan. Ano ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? Ano kaya ang mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura? Bakit nahihirapang umangkop kaagad sa isang lugar na pinupuntahan natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika? **Wikang Pambansa** [Tagalog, Pilipino, Filipino] Ayon sa datos ng [Philppine Statistics Authority (PSA) nasa 182 ang ibang wika at diyalektong] umiiral sa bansa. Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan ng Pilipino. Isang wikang nagiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw- araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. **Kasaysayan ng Wikang Pambansa** **WIKANG PAMBANSA** Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa **WIKANG PAMBANSA** Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw- araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. Ayon sa [Saligang Batas ng Biak na Bato] -Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas. **Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?** 1\. Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. 2\. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 3\. Mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba vang mga katutubong wikang Awstronesyo. 4\. Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero kung saan ang salik na ito ay mahalagang elemento sa kasaysayan ng Pilipinas. **MAHALAGANG PANGYAYARI** **WIKANG PAMBANSA** **1934**- Dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba\'t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang mas makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles. WIKANG PAMBANSA Pagpili **Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV,** **Sek. 3** \"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal\". **Manuel L. Quezon** Ama ng Wikang Filipino Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat\" - halaw mula sa kanyang talumpati sa Malakanyang. Pagpili **Suriang Wikang Pambansa (SWP)** itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea) Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika. **Disyembre 30, 1937** Pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika. **1940** Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Ang [wikang Tagalog] ang napili bilang wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumutugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng sumusunod; \"**ang wikang pipiliin ay dapat**\... Wika ng sentro ng [pamahalaan]; Wika ng sentro ng [edukasyon]; Wika ng sentro ng [kalakalan]; at Wika ng [pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.\"] **Hunyo 4, 1946** - kalayaan sa mga Amerikano Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng [Batas Komonwelt BIg. 570.] **1959** Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang [KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BILANG 7.] **Saligang Batas ng 1973** Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging [FILIPINO]. **1987** Pinalabas ni [Lourdes Quisumbing] ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal. **Saligang Batas ng1987** [FILIPINO] ang ngalan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. **Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987** \" Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay [FILIPINO]. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika\". **Wikang Opisyal** Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama\'t hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. **Wikang Opisyal** Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. **Wikang Opisyal** Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat\' ibang salik. **Wikang Opisyal** Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Paano naging wikang opisyal ang Wika Pambansa? **Batas Komonwelt blg. 570** - Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946 **Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3)** - \"Hangga\'t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika. " **Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7)** - \"Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles\... " **Wikang Panturo** Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wika ng talakayang guro-mag-aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa pangkalahatan ay **[FILIPINO at INGLES]** ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. **Mother Tongue- Based Multi-Lingual Education** Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. **19 na Wika** **Tagalog Kapampangan Pangasinense** **Iloko Bikol Chavacano** **Cebuano Ybanag Ivatan** **Sambal Aklanon Kinaray-a** **Yakan Surigaonon Hiligaynon** **Waray Tausug Maguindanaoan** **Maranaw** Ayon kay [DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC] \"Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural\" **Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika** **Proklamasyon Blg. 19 (Agosto 1988)** - Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon. **Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957)** - idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika **Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996)** - Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at pamantasan.