Mga Yugto sa Pagbuo ng Disaster Management Plan PDF

Summary

This document outlines the stages of disaster management, focusing on prevention, preparedness, response, and recovery. It details different assessments like hazard, vulnerability, risk, and capacity assessments; also explores mitigation strategies including structural and non-structural approaches.

Full Transcript

Mga Yugto sa Pagbuo ng DISASTER MANAGEMENT PLAN Mga Yugto: 1. DISASTER PREVENTION and MITIGATION 2. DISASTER PREPAREDNESS 3. DISASTER RESPONSE 4. DISASTER REHABILITATION and RECOVERY Unang Yugto: DISASTER PREVENTION and MITIGATION Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga...

Mga Yugto sa Pagbuo ng DISASTER MANAGEMENT PLAN Mga Yugto: 1. DISASTER PREVENTION and MITIGATION 2. DISASTER PREPAREDNESS 3. DISASTER RESPONSE 4. DISASTER REHABILITATION and RECOVERY Unang Yugto: DISASTER PREVENTION and MITIGATION Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Unang Yugto: DISASTER PREVENTION and MITIGATION 1. Disaster Risk Assessment 1.a. Hazard Assessment 1.b. Vulnerability Assessment 1.c. Risk Assessment 2. Capacity Assessment Hazard Assessment tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito. Pisikal na Katangian ng Hazard Pisikal na Katangian ng Hazard Temporal na Katangian ng Hazard Temporal na Katangian ng Hazard Temporal na Katangian ng Hazard Vulnerability Assessment tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk, People at risk, at Location of people at risk. Elements at risk. Tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon, at pag- uugali. Pagkatapos matukoy ang mga elements at risk, sinusuri rin kung bakit sila maituturing na vulnerable. People at risk. Sa people at risk naman, tinutukoy ang mga grupo ng tao namaaaring higit na maapektuhan ng kalamidad. Halimbawa, ang mga buntis ay maituturing na vulnerable sa panahon ng kalamidad dahil sa kanilang kondisyon. Gayundin, ang mga may kapansanan ay maituturing navulnerable o elements at risk. Location of People at risk. Sa usapin naman ng location of people at risk, tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable. Risk Assessment Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan Dalawang Uri ng Mitigation 1. Structural Mitigation Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo ng earthquakeproof buildings, at pagsisiguro na may fire exit ang mga ipinatatayong gusali. Dalawang Uri ng Mitigation 2. Non-Structural Mitigation Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagbuo ng disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas, information dissemination, at hazard assessment. Capacity Assessment sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag- uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Ikalawang Yugto: DISASTER PREPAREDNESS Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Ito ay may tatlong pangunahing layunin: 1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad. 2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard. 3. To instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard. Ikatlong Yugto: DISASTER RESPONSE Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad. Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage Assessment, at Loss Assessment. Needs Assessment – ang needs ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. Damage Assessment – ang damage ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. Loss Assessment – Ang loss naman ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon. Ikaapat na Yugto: DISASTER REHABILITATION and RECOVERY Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser