Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan PDF
Document Details
Uploaded by IntuitiveTantalum
Pinagbuhatan High School
Tags
Related
- National Disaster Resilience Month Quiz Bee Reference Guide PDF
- CBDRM Plan (Part 2) PDF
- MODULE 1_ENG_3DAY.ppt.pptx
- Araling Panlipunan 10 Modyul 5: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan 2020 PDF
- Disaster Readiness and Risk Reduction Module 15 PDF
- Chapter 4 Disaster Risk Reduction and Management PDF
Summary
This document provides steps for creating a community-based disaster risk reduction management plan, outlining four stages: disaster prevention and mitigation, disaster preparedness, disaster response, and disaster rehabilitation and recovery. It explores various aspects of hazard assessment, vulnerability assessment, capacity assessment, and risk assessment. This document is about community risk reduction.
Full Transcript
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan Unang Yugto : Disaster Prevention and Mitigation Iba’t ibang Uri ng Assessment 1. Hazard Assessment Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang...
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan Unang Yugto : Disaster Prevention and Mitigation Iba’t ibang Uri ng Assessment 1. Hazard Assessment Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. 1. Hazard Assessment - Ito ay ang pagtukoy sa mga lugar at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, at kabahayan na maaaring masalanta ng hazard. 14 Pisikal na Katangian ng Hazard Temporal na Katangian ng Hazard Dalawang mahahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment: Hazard Mapping Historical Profiling o - Ito ay isinasagawa sa Timeline of Events pamamagitan ng pagtukoy sa - Gumagawa ng historical profile o mapa ng mga lugar na maaring timeline of events upang makita masalanta ng hazard at mga kung ano ang mga hazard na elemento tulad ng gusali, nararanasan ng isang komunidad, taniman, kabahayan na maaring gaano ito kadalas at alin sa mga mapinsala. ito ang pinakamapinsala. 2. Vulnerability Assessment - Tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon sa pinsalang dulot ng hazard. Sa paggawa ng Vulnerability Assessment, kinakailangang suriin ang mga sumusunod. Elements at Risk – Tumutukoy ito sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon at paguugali na higit na maapektuhan ng kalamidad. People at Risk – Tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ngkalamidad. Location of People at Risk – Tumutukoy ito sa lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable. 3. Capacity Assessment - Sinusuri nito ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard. Sa pagsasagawa nito itinatala ang mga kagamitan, imprastruktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad. Kategorya ng Capacity Assessment Pisikal o materyal - tumutukoy sa materyal na yaman (halimbawa pera, likas na yaman). Panlipunan - kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa lipunan (halimbawa matatanda, kabataan, may-sakit, mga buntis). Pag-uugali tungkol sa hazard - paniniwala o gawi na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng komunidad (halimbawa: paghahanda ng emergencykit, pagiging kalmado sa panahon ng sakuna). 4. Risk Assessment - Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan. Dalawang Uri ng Mitigation: Structural Mitigation – tumutukoy sa mga paghahandang ginawa sa pisikal na kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng sakuna. Non-Structural Mitigation – tumutukoy sa mga ginagawang paghahanda at pagpaplano ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng sakuna. Napakahalaga ang pagbibigay ng mga paalala at babala sa mga mamamayan bago at sa pagtama ng kalamidad. Ito ay may tatlong mahalagang layunin. Magbigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal na TO INFORM katangian ng pamayanan. Magbigay impormasyon sa mga gawaing may kinalaman sa pagbibigay proteksyon, paghahanda, at pag- TO iwas sa mga sakuna at hazard. ADVISE Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyal ng pamahalaaan na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad at TO INSTRUCT hazard.. Ang mga komunidad ay may iba’t ibang pamamaraan upang mabigyang paalala at babala ang kanyang mga mamamayan tulad ng; 1. Pagdaraos ng barangay assembly 2. Pamamahagi ng flyers 3. Pagdidikit ng poster o billboard 4. Patalastas mula sa radyo, telebisyon at pahayagan 5. Social media tulad ng facebook Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ang mamamayan na magkaroon ng sapat na impormasyon at pang- unawa sa mahahalagang hakbang na dapat nilang gawin bago, habang at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maiwasan ang inaasahang maging epekto at pinsala. Tinatawag na Disaster Response ang ikatlong yugto ng DRRM Plan. Dito ay inaalam ang lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Ang impormasyong makukuha rito ay magsisilbing batayan upang maging maaayos ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang nakaranas ng kalamidad sa isang komunidad. Tatlong Pagtataya Ang Yugto Ng Disaster Response 1. Needs Assessment - inaalam ang pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad katulad ng mga pagkain, tirahan, damit, gamot at iba pang kagamitan. Mahalagang malaman ang mga ito upang maibigay sa mga nasalanta ng kalamidad kung ano talaga ang kanilang pangangailangan. Dahil dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra- sobra o mga bagay na hindi naman kailangan ng mga biktima ng kalamidad. 2. Damage Assessment - inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng kalamidad. Inaalam rito kung may nasirang mga tulay, kalsada at maging mga gusali gaya ng sa mga ospital at paaralan. Mahalaga ito upang malaman ng kinauukulan kung ano dapat ayusin upang manumbalik sa normal na buhay ang mga nasalanta ng kalamidad. 3. Loss Assessment - inaalam rito ang mga nawalang serbisyo gaya ng suplay ng tubig, kuryente at maging operasyon ng mga ospital at paaralan. Inaalam rin dito kung natigil ang produksyon ng ilang pangunahing pangangailangan gaya ng sa pagkain at gamot. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman ng mga kinauukulan kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik agad upang magamit ng mga tao. DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY Ang ikaapat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan ay nakatuon sa rehabilitation at recovery ng mga taong nasalanta ng kalamidad. Ang salitang REHABILITATION ay nangangahulugang pagpapanumbalik ng mga nasirang bagay sa dati nitong anyo o gamit. Ang RECOVERY naman ay tumutukoy sa konsepto ng pagbawi o paggaling mula sa isang bagay/pangyayari. Ang dalawang salitang ito ay ang esensya ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan. Layunin ng yugtong ito ang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad. Nakatuon ito sa mga hakbang at gawain sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo. Ilan sa halimbawa ng mga gawain sa yugtong ito ang sumusunod: pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon; paniniguro sa suplay ng tubig at kuryente; pagkukumpuni ng mga nasirang kabahayan; paninigurong sapat ang suplay ng pagkain, damit, at gamot; pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin; at pagkakaloob ng psychosocial services. ANG APAT NA YUGTO NG DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT PLAN Kaya naman, bilang tugon ng Kagawaran ng Edukasyon sa adhikain ng Disaster Risk Reduction and Management ay ipinalabas nito ang DepEd Order No. 55, s. 2008. Ang atas na ito ay bumuo sa Disaster Risk Reduction Resource Manual na naging batayan upang magamit ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction and management. Itinuturo na rin ang mga konseptong ito sa Araling Panlipunan at MAPEH sa Junior High School at sa asignaturang Disaster Readiness and Risk Reduction sa Senior High School.