Panimulang Pagtalakay sa Kasaysayan PDF

Summary

Ang dokumento ay isang panimulang talakayan sa kasaysayan, na sinusuri ang kahulugan ng kasaysayan, mga diskarte sa pag-aaral, at mga teorya sa kasaysayan at nakaraan.

Full Transcript

PANIMULANG PAGTALAKAY SA KASAYSAYAN “ Let us study things that are no more. It is necessary to understand them, if only to avoid them. -Victor Hugo DePINISYON AT MgA Dulog SA KASAYSAYAN Ano nga ba ang tamang pagtanaw sa kasaysayan? ANG KASAYSAYAN ⬗ Nagmula sa salitang Griyegong...

PANIMULANG PAGTALAKAY SA KASAYSAYAN “ Let us study things that are no more. It is necessary to understand them, if only to avoid them. -Victor Hugo DePINISYON AT MgA Dulog SA KASAYSAYAN Ano nga ba ang tamang pagtanaw sa kasaysayan? ANG KASAYSAYAN ⬗ Nagmula sa salitang Griyegong historia na nangangahulugang pagtatanong, pagsisiyasat, o pagkalap ng kasagutan sa pamamagitan ng imbestigasyon. ANG KASAYSAYAN ⬗ Ang kasaysayan ay ang sistematikong pag-aaral at pagdodokumento sa nakaraan. Ang mga historyador ay naghahanap at pinagaaralan ang mga mapagkukunang nila ng impormasyon, tulad ng mga nakasulat sa dokumento, pasalitang paglalarawan, sining, at materyal na artipakto, at iniwang bakas ng kalikasan. ANG KASAYSAYAN ⬗ Makulay na pagsasalaysay ng nakaraan ayon sa kronolohikal na pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa nakaraan. ⬗ Pagsisiyasat tungkol sa nakaraan sa pamamagitan ng mga ebidensiya at batis na sinuri at pinatotohanan gamit ang mga metikolosong metodo at teknik. KALIGIRAN NG KASAYSAYAN 1. Nagbibigay-kahulugan 2. May daloy 3. Patuloy na proseso ng pagsisiyasat 4. Nagbubuklod 5. Inklusibo MGA DULOG IDEYALISMO HISTORISISMO RELATIBISMO Paniniwalang ang Isang dulog na Paniniwalang walang kasaysayan ay nagsasabing kailangang ganap na maaaring ilarawan sa mapanatili ang katotohanan at lahat pamamagitan ng mga awtonomiya ng ng tanaw sa kasaysayan ideya—mga kaisipan nakaraan. Ito’y ay may taglay na ng tao at mga nagbibigay-diin sa mga katumpakan. intensiyon sa likod ng natatanging konteksto kanilang bawat kilos. sa bawat panahunan sa kasaysayan. HAlAgA Ng PAg-AARAl Ng KASAYSAYAN Dapat nga bang magbalik-tanaw pa sa ating kasaysayan? SA SARILI ⬗ Ito’y nagpapatibay ng ating pagkakakilanlan. ⬗ Ito’y nakakatulong upang mas mahasa pa ang ating kritikal na abilidad. SA KOMUNIDAD ⬗ Ito’y nagdidisensyo ng isang mahalagang komunidad na angkop sa pamumuhay at paghahanapbuhay. ⬗ Ito’y nagpapatibay pa ng ekonomikong pagyabong ng isang bansa. SA HINAHARAP ⬗ Ito’y tumatawag sa mga nakikibahaging mamamayan. ⬗ Nililinang nito ang pamumuno. ⬗ Ito’y nag-iiwan ng mga pamana para sa mga susunod pang henerasyon. KASAYSAYAN AT NAKARAAN ⬗ KASAYSAYAN- proseso ng pagbibigay-kahulugan sa mga ebidensiya at datos mula sa nakaraan. ⬗ NAKARAAN- tumutukoy sa lahat ng mga pangyayaring naganap na. HISTORY AT PREHISTORY ⬗ HISTORY- mayroon nang sistema ng pagsulat, kaya’t may mga datos nang naitala. ⬗ PREHISTORY- wala pang anumang sistema ng pagsulat na naiimbento. HISTORICITY AT HISTORIOGRAPHY ⬗ HISTORICITY- proseso ng pagpapatotoo sa mga tauhan sa kasaysayan. ⬗ HISTORIOGRAPHY- aktwal na pagsulat ng kasaysayan at pagsusuri kung paanong ang tanaw ng mga historiador ay nagbabago sa paglipas ng panahon. HISTORY AT HERSTORY ⬗ HISTORY- isang dulog na ayon sa maka-babaeng tanaw ay tila nagbibigay- diin sa mga kalalakihan bilang mga bayani. ⬗ HERSTORY- isang dulog kung saan binibigyang-diin ang kontribusyon ng mga kababaihan sa kasaysayan. PANANAlIKSIK SA KASAYSAYAN Ito ba’y tulad lamang ng pananaliksik sa ibang disiplina? PANANALIKSIK SA KASAYSAYAN ⬗ Ang pangunahing layunin ng pananaliksik sa kasaysayan ay ang matukoy ang mga makatotohanang impormasyon tungkol sa kasaysayan upang maging basehan ng mga pagtataya at prediksyon. PANANALIKSIK SA KASAYSAYAN ⬗ Binubuo ng mga teknik at metodo kung saan ang mga historiador ay gumagamit ng mga primaryang batis at iba pang mga ebidensiya upang magsaliksik at maisalaysay ang kasaysayan. MGA KATANGIAN 1. Nagbibigay-diin sa nakaraan 2. Umiikot sa pangongolekta ng batis, pagbasa, at pagsulat 3. Tumutuklas, hindi gumagawa, ng datos 4. Gumagamit ng logical induction 5. May malawak na sakop Mg A TeORYA Ng KASAYSAYAN Paano nga bang nabubuo ang ating kasaysayan? SA TANAW NG PAG-ULIT (CYCLICAL) ⬗ Ayon kay Herodotus, ang mga salaysay tungkol sa mga tao at estado ay paulit- ulit lamang. ⬗ Ayon kay Thucydides, ang panahon ay nauulit lamang, at ito’y hindi kayang pigilin ninuman. SA TANAW NG PAG-ULIT (CYCLICAL) ⬗ Ayon kay Arnold Toynbee at Oswald Spengler, ang mga sibilisasyon ay umaangat at bumabagsak, at sa muling pag-angat nila, sila’y mas dakila pa kaysa una. ⬗ Ayon kay Machiavelli, ang kasaysayan ay isang casebook ng mga istratehiyang politikal. SA TUWIRANG TANAW (LINEAR) ⬗ Ayon kay Augustine, ang kasaysayan ay katuparan ng lahat ng plano ng Diyos, at matatapos lamang sa Araw ng Paghuhukom. ⬗ Ayon kay Voltaire, ang kasaysayan ay tuwiran, ngunit sekular. SA TUWIRANG TANAW (LINEAR) ⬗ Ayon kay Marx, ang kasaysayan ay produkto ng pakikibaka sa pagitan ng mga bourgeoisie at mga proletariat. ⬗ Ayon kay Herbert George Wells, ang kasaysayan ay isang karera sa pagitan ng edukasyon at mga sakuna. SA TANAW NG DAKILANG DIYOS ⬗ Ayon sa mga alamat, ang kasaysayan ay mga kaganapang naaayon sa plano ng Diyos. Nagmula ito sa mga Sumerian, Babylonian, at mga Ehipsiyo bago ito maipasa sa mga Griyego at Romano. Pinagtibay pa ito ng mga Israelita at muling hinubog ng Kristiyanismo at Mohammedanong paniniwala. SA TANAW NG DAKILANG TAO ⬗ Ayon kay Thomas Carlyle, ang kasaysayan ay ang pinagsama-samang mga dakilang gawain ng mga ordinaryong tao. ⬗ Ayon kay Sir Walter Scott, ay kasaysayan ay isang makulay na pagsasalaysay kung paanong namuhay ang mga tao sa pinakamahahalagang bahagi ng nakaraan. SA TANAW NG DAKILANG TAO ⬗ Ayon kay William E. B. Du Bois, ang kasaysayan ay hindi lamang produkto ng mga Kanluranin at Europeong kaganapan, bagkus ang bawat lipunan ay may kani-kaniyang kasaysayan. SA TANAW NG PINAKAMAHUSAY ⬗ Ayon sa Lumang Tipan, ang mga Israelita ang lahing pinili ng Diyos. ⬗ Ayon sa mga Griyego, sila ang pinaka- dakilang lahi. Pinatunayan pa ni Plato at Aristotle na ang pagkakaroon ng mga taong mas mababa kaysa iba ay natural at pangkaraniwan lamang. SA TANAW NG PINAKAMAHUSAY ⬗ Ayon kay Hitler, ang lahing Arian ang pinaka-dakila sa lahat. SA TANAW NG MGA IDEYA ⬗ Ayon kay Anaxagoras, ang katwiran (nous) ang siyang namamahala sa mundo. ⬗ Ayon kay Aristotle, ang pangunahing nagpapagalaw sa lahat ng bagay ay ang Diyos—isang purong pag-iisip na marunong mag-isip tungkol sa kaniyang sarili. SA TANAW NG MGA IDEYA ⬗ Ayon kay Georg Wilhelm Friedrich Hegel, ang kasaysayan ay produkto ng patuloy na pagpapadalisay ng intelektwal na pang-unawa. ⬗ Sabi naman ng mga rasyonalista ng ikalabingwalong siglo, ang opinyon ang siyang nagpapaikot sa mundo. SA TANAW NG KALIKASAN NG TAO ⬗ Ayon kay Edward Burnett Taylor, bagama’t ang mga institusyon sa mundo ay nagkakaiba-iba, ang mga ito’y naaayon sa magkakaparehong kalikasan ng tao. ⬗ Ayon kay Thucydides, ang kalikasan ng tao maging ang kanilang mga gawi ay hindi nagbabago at magkakatulad lamang sa anumang panahon. SA TANAW NG KALIKASAN NG TAO ⬗ Ayon kay David Hume, ang sangkatauhan ay magkakatulad sa lahat ng aspeto sa anumang oras at panahon, kaya’t wala nang nakagugulat pa sa kasaysayan. SA TANAW NG EKONOMIYA ⬗ Ayon kay Karl Marx, ‘di tulad ng sinasabi ni Hegel, ang mga materyal na bagay ang siyang kumokontrol sa mga ideya ng tao. SA TANAW NG KASARIAN ⬗ Ayon kay Joan Kelly, ang kasaysayan, lalo na ang Panahon ng Muling Pagsilang, ay tila masyadong binigyang-diin ang mga kalalakihan at parang naisawalang-bahala na ang mga kontribusyon ng mga kababaihan. SA MODERNONG TANAW ⬗ Ayon kay Jacques Lacan at Michael Foucault, ang bawat panahunan sa kasaysayan ay may kani- kaniyang sistema, at ang bawat nilalang ay hindi maiiwasang matali sa mga sistemang ito. IBA PANG TANAW ⬗ Ayon kay Friedrich Nietzsche, ang kasaysayan ay walang pinagmulan at katapusan, ngunit punong- puno ng kaguluhan. ⬗ Dagdag pa ni Michael Foucault, ang mga nagwawagi raw sa mga pakikibaka ang siyang sumusulat ng kasaysayan kung saan ang mga talunan ay karaniwang inilalarawan bilang mahina. WAkAS! May mga katanungan?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser