Aralin 1: Pagproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides information about processing information for communication, using different approaches (auditory, visual, and kinesthetic). It discusses various steps in the process and explains different methods. The document is likely intended for educational purposes.
Full Transcript
Aralin 1: PAGPRO-PROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Impormasyon Anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding ang mga impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o repr...
Aralin 1: PAGPRO-PROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Impormasyon Anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding ang mga impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o representasyon at interpretasyon sa mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan, laki, hugis, kulay o bilang ng mga ito. Maaaring ukol sa pananaw, kuro-kuro, kontrol datos, direksyon, kaalaman, kahulugan persepsyon at mga representasyon Pagproproseso ng Impormasyon Tumutukoy sa pagkuha, pagtatala, pagpanakita, intindi at pagpapalaganap ng impormasyon. Tumutukoy sa mga katotohanan at opinyon na ibinibigay at natatanggap sa pang-araw-araw na buhay. Ang paggamit ng kaalaman mula sa mga impormasyong natano ay nagbubunga ng kadalubhasaan at patuloy itong lumalawak dahil sa pag-iisip nang analitikal at pag- aangkop ng karanasan KATEGORYA SA PAGPROPROSESO NG IMPORMASYON Ang iba’t ibang pamamaraan sa pagproproseso ng impormasyon ay maaaring sa pamamagitan ng pandinig (aural), pampaningin (visual) at pagkilos (kinesthetic). Ang mga estilong ito ay makakatulong nang malaki sa pag unawa sa mga impormasyon. 1. PANDINIG (Aural o Auditory) –Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang mahahalagang impormasyon. Karaniwan sa mga indibidwal na nakakapagproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong may hilig sa musika o iyong may hilig sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig 2. PAMPANINGIN (Visual) –Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay ilan sa mga pinakamahusay na kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang biswal. Ang mga impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita. Ang hugis, kulay, bilang, bigat at gaan, ayos at ang pagkabuo ng mga bagay ay ang basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman 3. PAGKILOS (Kinesthetic) –Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na nangangahulugang pagkilos. –Sa prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay na pisikal. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon, eksipit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. Ang mga pelikula at video ay nakahanay sa estilo na kinesthetic. Ginagamit ng mga mag-aaral na kins sthetic ang lahat ng kanilang mga pandama (panlasa pandama, paningin, pandinig) upang maging, kapaki-pakinabang ang kanilang pag-aaral HAKBANG SA PAGPROPROSESO NG IMPORMASYON 1. PAGTUKOY (Defining) –Ang hakbang na ito ay tumutukoy sa pagkilala at pagpapaliwanag ng partikular na tanong o problema na kailangang lutasin. Dito, tinutukoy kung ano ang impormasyon na kinakailangan upang masagot o maunawaan ang isang paksa. 2. PAGHAHANAP (Locating) –Sa yugtong ito, hinahanap ang mga posibleng mapagkukunan ng impormasyon na makakatulong sa pagsagot o paglutas ng itinakdang tanong o problema. Kabilang dito ang paggamit ng mga libro, internet, databases, at iba pang mapagkukunan. 3. PAGPILI (Selecting) –Pagkatapos makahanap ng maraming impormasyon, pipiliin lamang ang mga mahalaga, may-katuturan, at mapagkakatiwalaang impormasyon. Mahalaga ang pagsusuri sa kalidad at kredibilidad ng mga impormasyon. 4. PAGTATALA AT PAGSASAAYOS (Recording and Organizing) –Sa hakbang na ito, isinusulat o itinatala ang nahanap na impormasyon at inaayos ito sa lohikal o sistematikong paraan. Maaaring gumamit ng mga talahanayan, listahan, o diagram upang mas malinaw na makita ang relasyon ng mga impormasyon. 5. PAGLALAHAD O PAGBABAHAGI (Presenting) –Dito inilalahad o ibinabahagi ang naprosesong impormasyon sa iba, maaaring sa anyo ng ulat, presentasyon, o diskusyon. Mahalagang maiparating nang malinaw at maayos ang impormasyon sa mga tatanggap nito. 6. PAGTATASA (Assessing) –Ang huling hakbang ay ang pagsusuri o pagtataya sa proseso ng pagproseso ng impormasyon. Dito tinitingnan kung epektibo ba ang mga hakbang na ginawa at kung tama o sapat ba ang mga impormasyong nakuha para masagot ang tanong o malutas ang problema. Mga Halimbawa ng Pagproproseso ng Impormasyon PRINSIPYO HALIMBAWA 1. Kunin ang atensyon ng mga mag-aaral ➤ Gumamit ng mga pahiwatig o cues kapag handa ka nang magsimula. ➤ Maglakad sa paligid ng silid-aralan habang nagsasalita 2. Isipin ang bagong pag-aaralan ➤ Suriin ang mga aralin noong nakaraang araw ng pag-aaral ➤ Magkaroon ng talakayan hinggil sa nakaraang paksang-aralin 3. Banggitin ang mahahalagang ➤ Maghanda ng handouts. impormasyon ➤ Maaaring isulat ang mga impormasyon sa pisara o gumamit ng kagamitang panturo para sa mga impormasyon PRINSIPYO HALIMBAWA 4. Ibahagi ang impormasyon sa maayos na ➤ Ipakita ang mga impormasyon ayon sa paraan pagkakasunud-sunod ng mga konsepto at mga kasanayan ►Kapag magbabahagi ng bagong kaaalaman simulan mula sa pinakasimple patungo sa pinakakomplikadong impormasyon 5 Ipakita sa mga mag-aaral kung paano ➤ Maaaring gumamit ng teknik tulad ng keyword gumamit ng coding sa pagsasaulo ng mga method datos 6. Magbigay ng pag ulit ng pag-aaral ➤ Ibahagi ang mahahalagang impormasyon ng ilang beses sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya 7. Ibahagi sa mga mag aaral ang ➤ Ipakita ang mga impormasyon ayon sa pagkakapangkat ng mga impormasyon. pagkakapangkat pangkat Aralin 2: PAGPILI NG BATIS (SOURCE) NG IMPORMASYON –Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa bisa ng mga nakahanay na datos at impormasyon. Mahalaga ang wastong pagpili ng mga pagkukunan ng mga datos at impormasyon na ito upang maging makabuluhan ang gagawing pananaliksik. –Para nga daw maging makabuluhan ang gagawing pananaliksik kinakailangan na yung pipiliin niyong batis ng impormasyon o yung mga sanggunian ay mapapagkatiwalaan para maging makabuluhan nga at kapani-paniwala ang ginagawang pananaliksik o ang ginawang pananaliksik. 1. HANGUANG PRIMARYA Pinagmumulan ng mga raw data. Orihinal na akda tulad ng talaarawan, manuskrito, imahen, pelikula, iskrip ng pekilula, rekording, paglalapat ng musika sa pelikula, liham, talaarawan, ulat ng mga nakasaksi, at iba pa. Mga publikasyong unang nag-ulat ng mga datos. 1. HANGUANG PRIMARYA Pinagmumulan ng mga raw data. Orihinal na akda tulad ng talaarawan, manuskrito, imahen, pelikula, iskrip ng pekilula, rekording, paglalapat ng musika sa pelikula, liham, talaarawan, ulat ng mga nakasaksi, at iba pa. Mga publikasyong unang nag-ulat ng mga datos. Mga Halimbawa Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas- kautusan, treaty o kontrata. Ang lahat ng orihinal na tala, katitikan korte, sulat, journal at taalarawan o dayari Rekord ng talumpati at mga larawan 2. HANGUANG SEKUNDARYA Mga ulat na gumamit ng mga datos mula sa mga hanguang primarya. Sinulat ng mga iskolarli at/o propesyonal na mambabasa. Upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o pagpapabulaan. Mga Halimbawa ➤ Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas; ➤ Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan, at newsletter; ➤ Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi; at ➤ Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa. 3. HANGUANG ELEKTRONIKO Mga datos at impormasyong matatagpuan sa internet. Ang mga datos na ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na counterpart. Mga Halimbawa 1. Ang.edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko. Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu 2. Ang.org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon. Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org 3. Ang.com ay mula sa komersyo o bisnes. Halimbawa: www.yahoo.com 4. Ang.gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan. Halimbawa: www.makaticity.gov Apat na gamit ng hanguang Sekundarya 1. Upang makakuha ng pamalit sa mga 'di abeylabol na hanguang primarya. 2. Upang malaman kung ano na ang naisulat na ng iba tungkol sa paksa. 3. Upang tumuklas ng mga modelong magagamit sa pagsusulat, pag-uulat, at pagpapalakas ng argumento. 4. Upang tumuklas ng mga taliwas na punto de bista. Pagsusuri ng batis o hanguan ng Impormasyon 1. Ang hanguan ba ay naitala ng reputableng tagalimbag? 2. Ang aklat o artikulo ba ay peer-reviewed? 3. Ang awtor ba ay isang reputableng iskolar? 4. Kung ang hanguan ay matatagpuan online lamang, inisponsoran ba iyon ng isang reputableng organisasyon? 5. Ang hanguan ba ay napapanahon? 6. Kung ang hanguan ay aklat, mayroon bang bibliyograpiya? 7. Kung ang hanguan ay isang website, kakikitaan ba iyon ng mga bibliyograpikal na datos? 8. Kung ang hanguan ay isang website, naging maingat ba ang pagtalakay sa paksa? 9. Ang hanguan ba ay positibong nirebyu ng ibang mananaliksik o iskolar? 10. Ang hanguan ba ay madalas na sina-cite ng iba?