Kabanata 3: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon PDF
Document Details
Uploaded by EfficientLasVegas
Don Honorio Ventura State University
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa komunikasyon, pagbasa at pananaliksik na partikular na naglalaman ng mga proseso ng pagbasa at mga teorya sa pag-unawa. May mga hakbang din na nakasaad dito para mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa.
Full Transcript
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph COLLE...
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Language Department Kabanata 3: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Aralin 2 C. Pagbabasa at Pananaliksik ng Imposmasyon Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y mas lalo pang maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita (Anderson, 1998). Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may pangunawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot. Samantala ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat bagay. MGA LAYUNIN SA PAGBASA: 1) Nagbabasa upang maaliw. 2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito. 3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral. 4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating. 5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa kulturang kinagisnan. Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na siyang kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa, Reaksyon at Assimilasyon at Integrasyon. Pagbasa Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang: 1. Bottom-up Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. 2. Top-down Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayang maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. 3. Interaktib Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. 4. Iskema Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Pagpapaunlad ng Pagbasa Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at naglalayong umunlad ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga kaayusan ng pangungusap ay kontrolado at sumusunod sa takdang criterion para sa pagkasunod-sunod. Iskiming Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang materyales ay isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay naglalaman ng impormasyon. Overviewing Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw. Survey Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales. Iskaning Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin ang mga impormasyon na kanyang gusting malaman. Previewing Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan. Kaswal Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan ang bawat salita na ibinibigay. Pagtatala Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya maintindihan o napakahirap na salita. Re-reading o Muling Pagbasa Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang pagbasa upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.