Yunit II: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay may mga tala sa paksa ng pananaliksik at komunikasyon sa Filipino.,

Full Transcript

MAKABULUHANG ARAW, KLASE! Fili 101 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Yunit II : PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Instruktor: G. EMMANUEL M. REYES, LPT BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Ko...

MAKABULUHANG ARAW, KLASE! Fili 101 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Yunit II : PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON Instruktor: G. EMMANUEL M. REYES, LPT BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman YUNIT II: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon 1 Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay Layunin: 1.Mabigyang katuturan ang kaugnayan ng pananaliksik at komunikasyon sa buhay ng tao 2.Makapagpahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyunal at modernong midya. Isa sa magagandang dulot ng K to 12 ay ang pagbubukas ng isip ng mga mag-aaral sa akademikong gawain, isa na rito ang pagsasagawa ng mga pananaliksik. Sa dating kurikulum sa ikatlong taon pa ng mga mag-aaral sa kolehiyo nasisimulan ang pananaliksik para sa kani-kanilang tesis. o Sa anumang sitwasyong pang komunikasyon, ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa kapuwa ang mga kaalaman ay natutuhan natin mula sa pag-oobserba at pagsusuri ng lipunan. o Ang mga nabatid at napaglimian nating kaalaman mula sa karanasang panlipunan ang pumapanday sa ating karunungan na siyang gumagabay sa ating maliliit at malalaking desisyon at hakbang sa buhay. o Ang pangunahing salik ng kaalaman na ibinabahagi natin sa ating kapuwa ay ang mga imporamasyong nasasagap natin mula sa tao, sa ating kapaligiran at midya. o Lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating kakayahan na magproseso ng impormasyon- ang bawat butil ng impormasyon na alam natin at anumang kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa ay may malaking bahagi sa ating kaalaman. o Ang kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon at komunikasyon ay nakasalalay sa nabuo nating kaalaman at napanday nating karunungan. Paano tayo kumakalap ng kaalaman? ?? o Ang bawat pangyayari sa araw-araw mula sa umaga pagkagising hanggang sa gabi bago matulog ay bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman. o Ang bawat karanasan mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki ay nagiging paraan din kung paano tayo natututo. o Kadalasan ang pinakamalalim na kaalaman ay nakukuha natin mula sa pinakakumplikado nating mga karanasan. o Kasabay ng mga pang araw-araw na pangyayari ang pag- usbong ng mga perspektibo na maaari nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin lalo at higit sa mga mapanghamong panahon. Ito rin ang nagmumulat sa atin na mas maging mahusay sa pagdedesisyon at pag-aksyon sa mga bagay bagay. Ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. o Sa harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at talab ng mga ibinabahaging kaalaman batay sa malalim at malawak na pagsusuri at pagtatahi ng impormasyon. o Ang makatotohanan at katiwa-tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag –igpaw sa kamangmangan at kahirapan. o Isa ito sa mga malakas na panlaban sa panlilinlang, pang-aapi at pang-aabuso lalo pang mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. o Ang anumang napapanood, naririnig at maging nababasa natin sa tradisyonal o modernong midya man ay may kani- kaniyang layunin na bunsod ng tao o organisasyong nasa likod nito. o Hindi na maaaring iilang pandama ang ating ginagamit sa paghalaw ng mensahe mula sa mga nasasaksihan natin. Nangangailangan na magkaagapay ang ating mga pandama at ang ating matalas na isip sa pagbibigay katuturan sa mga mdiyang abeylabol. o Kailangan na nating tanggapin na binubuo ng tinatawag na binary opposition ang mundo sa kadahilanang walang neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang ng positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi. o Ayon sa website ni MindTools, ang Fake News ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. o Sinasabi rin ng ilang tao na ang mga totoong kuwento ay “ Fake news”, dahil lamang sa hindi sila sang-ayon sa kanila. o Ang mga Fake News ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali sa lugar ng trabaho. Halimbawa: Ang pagsira sa kultura ng pag-aaral, at naging sanhi ng pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. o Mahalagang malaman kung paano ihihiwalay ang tunay mula sa mga pekeng impormasyon. Hakbang kung paano malaman kung ang impormasyon ay lehitimo o hindi  Pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon.  Maging mapanuri sa pinagmulan ng impormasyon  Kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang katibayan.  Huwag magpadala sa tinatawang na “Face Value”na impormasyon.  Hindi kasiguraduhan ang magandang presentasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon.  Suriin kung “tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon. MASS MEDIA o PANGMADLANG MIDYA MASS MEDIA o PANGMADLANG Impormasyon at MIDYA Komunikasyon Balita Pampulitika Pahayagan Lipunan Magasin Libangan Radio Kulturang Popular Telebisyon Internet Teknolohiya  Ayon kina Maxwell McComb at Donald Shaw, ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag- uusapan ng publiko.  Ayon naman kay George Gerbner, ang midya lalo na nag telebisyon,ang mga tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na ang mundo’y magulo at nakakatakot.  Ayon kay Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensyahan nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali at kilos kung kaya’t masasabing “ ang midyum ay mensahe’.  Ayon kay Stuart Hall, ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan ( Griffin, 2012)  Sa makatuwid, kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga impormasyong nakukuha sa midya upang magamit ang mga ito sa kapakipakinabangan, sa halip na kapahamakan.  Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag-usap.  Ang sinasabi ng eksperto, mahal sa buhay,matalik na kaibigan, sikat na artista, politico o tinitingala sa lipunan ay hindi awtimatikong katotohanan.  Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang, at pagtatahi ng mga impormasyon mula sa mga taong nakakaranas hanggang sa mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang pinag-uusapan. Dapat Isaalang-alang sa Pagkuha ng Impormasyon  Pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon Ang maling pamaraan ay humahantong sa palso o di angkop na datos. Ang maling pamamaraan ng pagsusuri ay nagreresulta sa kaalamang hindi maasahan at kahina hinala ang katampukan.  Konteksto ng impormasyon Nagbibigay linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing gabay sa interpretasyon nito. Ang konteksto ng komunikasyon ay nahati sa apat:  Pisikal na konteksto  Sosyal na Konteksto  Historikal na Konteksto  Sikolohikal na Konteksto  Higit sa lahat sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagpoproseso ng impormasyon, kailangang magtiwala tayo sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wikang pag-unawa at pagpapaunawa.  Magtiwala tayo sa kaangkupan ng mga katutubong metodo sa pagkalap at pagsusuri ng impormasyon. Sa paggamit ng wikang Filipino at katutubong pamamaraan, mas magiging maigting at malaman ang komunikasyon sapagkat magkakaintindihan ang mga kalahok at mas nakakaugnay sila sa paksa dahil ang ating wika ay “hindi lamang daluyan kundi tapaghiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura” natin bilang mga Pilipino. BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman YUNIT II: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon 2 Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon Layunin: 1. Maisa-isa ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa ng pananaliksik. 2.Maipaliwanag ang kabuluhan at halimbawa ng sitwasyong pangkomunikasyon 3.Maisaalang-alang ang mga aspektong panlipunan sa paggawa ng malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon. Ano ang PANANALIKSIK? ?? PANANALIKSIK Isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang- agham. Ito ay nagbibigay pagkakataon sa atin upang mapataas ang antas ng kaalaman sa pamamagitan ng eksperimento. Ito ang pinakamahusay na nagawa sa pamamagitan ng paggawa ng isyu sa isang katanungan, na may hangarin ng pananaliksik upang sagutin ang tanong. Ito ay maaaring tungkol sa anumang bagay, at maraming halimbawa ng pananaliksik ang abeylabol sa iba’t ibang midya. Mga Dapat Isaalang-alang Ng Mananaliksik Bago Pumili Ng Batis Ng Impormasyon  Una, kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik.  Pangalawa, dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang kabuuang kaalaman.  Pangatlo, kailangang ikonsidera ang mananaliksik ang uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon. Ang tukoy na paksa at layon ay nakakawing sa dalawang bahagi:  Ang paksa ng sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman sa kanyang bubuuin.  Ang ikalawa ay ang kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon.  Kung ang paksa naman ng talakayan ay desisyon ng pagsuporta o pagtutol sa patakaran depende sa bentahe at disbentahe ng pagsasalita, ang isang tutol sa patakaran ay malamang na may pakay na mangumbinsi ang mga kapwa kalahok na pumanig sa posisyong laban sa patakaran. Konsiderasyo naman ang uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman at pagpili ng plataporma ng pagpapahayag.  Mapapansin sa talakayan na nauna ang paglilinaw sa paksa, uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon bago ang pakay sa paglahok dito ang pagtukoy sa tiyak na paksa at tiyak na layon ng pananaliksik.  Maari ring kabaligtaran ang mangyari, na mauna ang pagsasaliksik hinggil sa isang napapanahon at mahalagang paksa bago magdesisyon ang mananaliksik kung saang sitwasyong pangkomunikasyon niya ibabahagi ang kaalamang nahalaw at kung ano ang pakay niya sa pagbabahagi nito.  Anuman ang proseso, ang pag-alam sa uri ng sitwasyong pangkomunikasyon ay makatutulong din upang makilala ang kapwa kalahok o audience (tagapakinig, mambabasa o tagapanood) mapaghandaan ang posibleng estraktura at daloy ng sitwasyon at makagawa ng estratehiya kung paano pupukawin ang interes ng mga kapuwa kalahok o audience.  Si San Juan (2017) ay nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng makabuluhang adyendang pananaliksik. Limang Hakbangin Para Sa Ikauunlad Ng Pananaliksik 1. “Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba”. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino. Paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo. 2. “Magbuo ng pambansang arkibo ng mga mananaliksik gaya ng narcis.nl. ng Netherlands at dive-portal.org ng Sweden. 3. “Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software ng libreng magagamit para sa mass translation projects”. 4. “Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang edukasyon at ang mga programang gradwado”. 5. “Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o araling Pilipinas. Santiago at Enriquez (1982)  Iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa.  Gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura at katanggap-tanggap sa ating mga kababayan.  Humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok, lalo na iyong makabuluhan sa kanila. BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman YUNIT II: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon 3 Mulaan ng Impormasyon; Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis Layunin: 1.Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik; 2.Makapagbibigay ng mga tiyak na halimbawa ng mga batis ng impormasyong matatagpuan sa tahanan;at 3.Makagamit ng mga tradisyunal at modernong midya sa pagkalap ng impormasyon Ano ang BATIS NG IMPORMASYON? ?? Ang BATIS NG IMPORMASYON ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan o datos na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno o panlipunang realidad. KATUNAYAN DATOS Facts Berbal Obserbasyon and Figures Artifact fossil Biswal na teksto 2 Uri ng Batis ng Impormasyon 1. Primarya 2. Sekondarya Primaryang Batis Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena Halimbawa: Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa -tao: 1. Pagtatanong tanong 2. Pakikipagkuwentuhan 3. Panayam o interbyu 4. Pormal, impormal, estrukturado o semi-estrukturado talakayan 5. Umpukan 6. Pagbabahay-bahay Halimbawa: Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang electroniko: 1. Awtobiyograpiya 2. Talaarawan 3. Sulat sa koreo at email 4. Tesis at disertasyon 5. Sarbey 6. Balita sa diyaryo, radio at telebisyon Halimbawa: Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang electroniko: 7. Mga record ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan ng pulong kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat at pahayagang pang-organisasyon 8. Orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament 9. Talumpati at pananalita 10. Larawan at iba pang biswal grapika Halimbawa: Mula sa iba pang batis 1. harapan o online na survey 2. Artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera, kagamitan at damit 3. Nakarecord na audio at video 4. Mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon 5. Website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet;at 6. Mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting at music video Sekondaryang Batis Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas, makaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi nakaranas nito o pagtalakay sa gawa ng iba. Halimbawa: Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editorial kuro kurong tudling, Kritisismo at/o Komentaryo sulat sa patnugot at tsismis o tsika. Encyclopedia Sanaysay Teksbuk Sipi mula sa Abstrak Manwal at gabay na aklat Sabi-sabi Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya Diksyonaryo at Tesoro ng powerpoint presenatation Alinman sa mga sekundaryang batis ay maaaring maging primaryang batis kung ito ang mismo ang paksa ng pananaliksik. Halimbawa ang nilalaman ng tsismis na pangshowbiz na nalalathala sa mga diyaryo at katuturan nito sa buhay ng mga Pilipino ay maaring maging paksa ng isang pag-aaral o diskurso. Sa gayon, ang tsismis ay ituturing na primarying batis dahil ito mismo ang susuriin. Sa pangkalahatan, sa dalawang uri ng batis, binibigyang proyoridad ng isang mananaliksik ang primary kesa sekondaryang batis sapagkat ang una ay nagiging aktwal na karanasan, obserbasyon o pagsisiyasat kaya itinuturing na mas katiwa tiwala kaysa pangalawa. Hindi dapat ipagbalewalang bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring mahain ito ng kaugnay o alternatibong perspektiba at kabatiran na magpapatatag sa kaalamang binubuo ng mga mananaliksik lalo na kung ang mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto. Daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang mahahalagang batis ng impormasyon na posibleng magamit ng mananaliksik; gayunman, dapat na balikan, suriin at gamitin ng mananaliksik ang primarying batis kung saan kinuha ang mga impormasyong nagamit sa sekondaryang batis ( Hinampas 2016). Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na ang nilalaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na lamang ng wikipedia. KAPUWA TAO bilang Batis ng Impormasyon Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong pakikipag- ugnayan. Ang mga kapuwa-tao ay karaniwang itinuturing na primarying batis, maliban kung ang nasagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao. KAPUWA TAO bilang Batis ng Impormasyon Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang indibidwal o grupo na direktang nakararanas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito, nakobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, dito sa iba’t ibang dahilan. KAPUWA TAO bilang Batis ng Impormasyon Sa mediadong ugnayan naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa pamamagitan ng ICT, lalo na kung may limitasyon sa panahon at distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal. Kalakasan ng Harapang Ugnayan 1. Maaaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid; 2. Makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod ng tanong (follow-up question) sa kaniya; 3. Malinaw niya agad ang sagot;at 4. Maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspression Kalakasan ng Mediadong Ugnayan 1. Pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at pagkakataon kung kalian nila maiisingit ang pag responde. 2. Ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal ng mananaliksik ang mga tagapagbatid; at 3. Ang mas madaling pag-oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektronikong Sistema na ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap ng datos. MIDYA bilang Batis ng Impormasyon Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon, kailangan ding pag-isipang Mabuti ang kalakasan, kahinaan at kaangkupan nito para sa binubuong pahayag ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angko na uri ng midya at kredibilidad ng tukoy na midya. BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman YUNIT II: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon 4 Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa Layunin: 1. Maisa isa ang iba’t ibang paraan ng pagkalap ng impormasyon. 2. Maisagawa ang ilan sa mga pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon gamit ang mga tradisyunal at modernong midya. Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng impormasyon, kailangang paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan at datos. Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik kung kaya inaasahang natukoy na ito ng mananaliksik bago pa man siya pumili ng batis ng impormasyon. KWANTITATIBONG KWALITATIBONG DISENYO DISENYO palasak ang malawak ang pamamaraang survey pagkakaiba iba ng mga na ginagamitan ng pamamaraan pero mas talatanungan at palasak ang panayam ekperimento na may at pangkatang pretest at post test talakayan. Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon  Maraming disenyo ng pagsasaliksik kung saan kailangan munang malikom bago ang pagbabasa at pagsusuri nito. Halimbawa: Sarbey, eksperimento, sosyomatrikong analisis  Mayroon ding mga disenyo kung saan pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay na mga gawaing ito. Halimbawa sa kaso ng midya bilang batis ng impormasyon, kailangan ng panimulang pagbabasa habang nangangalap ng impormasyon kung hindi pa natutukoy ang espesipikong sanggunian mula sa isang uri ng batis na napili. Maaaring tingnan muna sa abstrak ang pamatnubay at buod para malaman kung mahalaga o kaugnay ba ito ng paksa. PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA KAPUWA TAO Pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao  Ang ating kapuwa tao ay mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang maaaring masabi batay sa kanilang karanasan; maaari nilang linawin agad o dagdagan pa ang kanilang mga sinasabi sa mananaliksik at may kapasidad din silang mag-imbak at magproseso ng impormasyon. Pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao  Sa panahon ngayon na palasak at kalat na ang teknolohiyang pangkomunikasyon, maaari silang makausap ng online bukod pa sa posibilidad na silay makasama sa isang harapang interaksyon.  Importanteng ipaalam agad sa tagapagbatid na sila ay napili para sa isang pananaliksik, hingin ang kanilang permiso na lumahok at isangguni sa kanila ang takdang lugar, araw at oras ng harapan o mediadong interaksyon para sa pangangalap ng datos. Eksperimento Sa Teksto ng agham panglipunan, ang eksperimento 1 ay isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saaan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase (independent variable) sa antas ng kaalaman ng mag-aaral hinggil sa isang paksa sa agham (dependent variable). Eksperimento Madalas na gumagamit ng control at eksperimental na mga pangkat ng kalahok paar mapagkumpara ang 1 resulta sa pagitan ng pangkat na hindi ginagamitan ng interbensiyon (control) at sa pangkat na ginagamitan ng (eksperimental) Limitado ang gamit ng eksperimento sa agham panlipunan at nahaharap ito sa maraming banta sa katumpakan ( Baxter 7Babbie 2004) Interbyu Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig at 2 ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon ( Baxter & Babbie 2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabay na tanong , na ang pagkakasunod-sunod ay mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng tagapagbatid. Interbyu Sa semi-estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang mananaliksik, subalit maaari 2 niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari din niyang dagdagan kung mayroon siyang follow up na tanong. Interbyu Sa di estrukturadong interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural ang 2 daloy ng usapan, subalit makabubuti na kahit papaano’y lagging tinatandaan ang mananaliksik sa layon at paksa na kaniyang sinisiyasat habnag nag-iinterbyu para magabayan siya ng dapat itanong at malaman. Interbyu Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga datos na hindi direktang naoobserbahan, sa pag-unawa sa iba’t ibang 2 kahulugan sa karanasan o penomeno batay sa punto de bista ng tagapagbatid, sa pag-aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa iba’t ibang aspekto ng isang paksa. Focus Group Discussion Ito ay semi estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagdaloy nakadalasay ginagampanan ng 3 mananaliksik na at anim hanggang sampung kalahok. Gamit ang mga gabay na mga tanong ang tagapagdaloy ay nagbabato ng mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay may pagkakataong makapagbahagi ng ideya o impormasyon. Kalakasan ng FGD  Naitatama, napapasubalian o nabeberika ng mga kalahok ang impormasyong ibinabahagi.  May naiisip, nababanggit at nagpagtatanto ang mga kalahok kapag sila’y magkakasamang nag-uusap ( na maaaring hindi lumabas sa indibidwal na interbyu);at  Maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag-usapan sa isang pagtitipon. Kalakasan ng FGD × May dimonante sa grupo × May nag-aagam agam na sumasalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinibigay ng iba; × May lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; × May ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna o matsismis. × Tandaan: sa ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang tagapagdaloy upang maging organisado, mahinahon, masigla, at kawili-wili ang talakayan. Pakikisangkot habang pakapa-kapa Sa hanay ng mga pamamaraang maka-Pilipino, maraming mapagpipilian ang isang mananaliksik, depende sa 4 mananaliksik, depende sa layon ng pananaliksik at dulog ng pangangalap ng datos. Sa Kanyang pananaliksik hinggil sa pagkalalake, halimbawa, ginamit ni Santiago (1977) ang pakikisangkot sa buhay ng tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang komunidad sa loob ng maraming araw sa tatlong buwan. Pakikisangkot habang pakapa-kapa Nakilahok siya sa pang araw araw na gawain habang isinisingit ang pakikipanayam. 4 Dahil pakapa kapa ang dulog ng pangangalap ng datos, hindi siya pagbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago ang fieldwork para hindi makulayan ang kaniyang pananaw. Bilang dulog, ang pakapa kapa ay isang ekplorasyon hinggil sa isang paksa sa konteksto ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng “ pagmamasid, pagtatanong tanong, pagsubok, pagdalaw, pakikilahok at pakikisangkot ( Tores 1982,p. 171) Pagtatanong-tanong Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na 5 pagkakataon: 1. Kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid: 2. Kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa paksang sinisiyasat; 3. Kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa;at Pagtatanong-tanong 4. Kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid (Gonzales, 1982). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik 5 kung hindi nya masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinsisiyasat. Impormal at bernakular na wika ang ginagamit para madaling magkaintindihan ang nagtatanong at ang tinatanong (Gonzales, 1982). Sa Ganitong pamamaraan, may mga dapat isaalang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tapag siyasat, pook ng pagtatanong tanong at panahon ng pagsasagawa nito. Pakikipagkuwentuhan Pakikipagkuwentuhan naman ang ginagamit ni De Vera (1982) upang pag-aralaan ang pakikiapid sa 6 isang baryo sa Camarines Norte. Ito ay isang di-estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hinggil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang mananaliksik ay walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi niya pinipilit at igiya ang daloy sa isang direksyon. Pakikipagkuwentuhan Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan, kundi ang pagiging “Malaya”ng mga kalahok na “magpahayag ng anumang opinion o 6 karanasan”at magbigay ng verbal at di berbal na ekspresyon ng “walang takot”o pag aalinlangan na ang binitwan niyang salita ay magagamit laban sa kanya sa paghihirap (De Vera 1982, p. 189) Wala rin sa kahingian ng pakikipagkuwentuhan na ganapin ito sa isang tiyakna lugar at oras. Madalas na nangyayari na lamang ito ng walang ka abog abog habang ang mananaliksik ay nasa fieldwork. Pagdalaw-dalaw Sa pag-aaral ng kahirapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa Malabon Rizal, nag isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit 7 nina Gepigo at Frnacisco (1982) ay pagdalaw dalaw. Ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag-usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala;matapos magpakilala at makuha ang loob ng isa’t isa, mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid na ilabas sa usapan “ang mga nais niyang sabihin bagamat maaaring may ilan pang pagpipigil. Pagdalaw-dalaw Ito ay maaaring kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipagkuwentuhan at pakikilahok. 7 Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago ito palalimin at palawigin ang mga impormasyon kinakalap mula sa mga tagapagbatid. Pakikipanuluyan Ginagamit naman ni Nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag-aaral ng konsepto ng panahon ng mga tao sa Guiguinto Bulacan, Para makakuha ng datos sa 8 pamamaraang ito dumadalaw muna sila sa barangay habang naninirahan na siya ng tatlong buwan dito para sa kanyang pag-aaral. Sa pakikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa kanyang mga aktibidad kagaya ng pahkukuwentuhan sa umpukan, pangangapitabahy at pagdalo sa iba’t ibang pagtitipon; pagmamasid sa mga nagaganap sa kapaligiran at pagtatanong tanong hingil sa paksang sinasaliksik. Pakikipanuluyan Nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat ng iba pang mga 8 espesipikong pamamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamang nakikitira sa isang bahay at nakikisangkot sa buhay ng isang pamayanan, kundi siya rin ay nagmamasid, nagtatanong tanong, nakikipagkuwentuhan at nakikilahok sa mga gawain. Pakikipanuluyan Inaasahang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong malilikom ng mananaliksik. Hindi ito kataka taka dahil ang pakikipanuluyan ay isa sa 8 pinakamabisang pamamaraan upang mapaunlad ang pakikipagkapuwa ng isang tao. (San Juan & Soriaga, 1985 p. 433.) Pagbabahay-bahay May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay ng tagapagbatid ang mananaliksik, nagmamasid, 9 nagtatanong tanong at nakikipagkuwentuhan at nakikipagpanayam din siya. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasagawa ng survey, pero ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks, at malalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid. Pagmamasid Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari at iba pang 1 penomeno. Sa madaling salita, ito ay pag-oobersba gamit ang mata, tainga at pandama sa tao, lipunan at kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung “maaari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod na hakbangin’sa pananaliksik (Gonzales 1982, p.175) Pagmamasid Ang pagmamasid ay kaakibat din ng iba pag may pamamaraan ng pagkuha ng datos kagay ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay at 1 pakikipanuluyan. May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958) salin sa Filipino ni Agcaoili 2016) 1. Complete observer (ganapa na tagamasid) 2. Complete participant (ganap na kalahok) 3. Observer as participant (tagamasid bilang kalahok) 4. Participant observer (kalahok bilang tagamasid) INSTRUMENTO SA PAGKALAP NG DATOS MULA SA KAPUWA TAO Kaparehong harapan at mediado na ngangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao, dapat ihanda ng mananaliksik ang angkop na instrument. Ang ilan sa mga instrument m akaraniwang ginagamit ay mga sumusunod:  Talatanungan at gabay na katanungan  Pagsusulit o eksaminasyon  Talaan sa fieldwork  Rekorder INSTRUMENTO SA PAGKALAP NG DATOS MULA SA AKLATAN May mga katunayan at datos na hindi sa kapwa tao direkta at tahasang maapuhap, kundi mula sa mga midya at iba pang mga material na maaaring matagpuan sa mga aklatan. Magandang linawin na midya ay kahit anong teknolohiya-pisikal o birtuwal na ginagamit sa pagbabahahi ng impormasyon mula sa tagapagbatid o sa prodyuser tungo sa mambabasa, tagapakinig o manonood. Bigyang pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa aklatan: 1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na antukoy para sa isang pananaliksik. 2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protocol at patakaran na pinaiiral sa aklatang natukoy. 3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok at makagamit ng mga pasilidad. 4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang ito ang madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan. Bigyang pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa aklatan: 1. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapaphotocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon at ilan pang mga printed na material kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabasa kung maraming sangunian ang bubulatlatin. 2. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap ng mga sanggunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon ng aklatan. 3. Huwag kalimutang halughugin ang pinagkunan na online ng aklatan gaya ng subskripsyon sa journal, e-books, e- databases at iba pang batis ng impormasyon sa Internet. INSTRUMENTO SA PAGKALAP NG DATOS MULA SA MGA ONLINE NA MATERYAL Sa kasalukuyang panahon ng Internet at digital na teknolohiya, maaakses ang maraming batis ng impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na latop at desktop kundi pati sa mas maliit na gadyet na cellphone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang mga artikulos sa journal, balita sa online news site at account ng karanasan sa blog. Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang online news site na: 1. Walang hayad na kinikilingang tao, grupo o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may iba’t ibang panig. 2. Pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata;at 3. Hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo o institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito. Mainam ding bisitahin ang mga sumusunod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa isyung pambansa. 1. Website ng pamahalaan 2. Website ng ahensiya ng pamahalaan 3. Website ng mga samhang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan 4. Website na gumagawa ng fact check BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman BALANGKAS NG ARALIN I. Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay II. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon at Sitwasyong Pangkomunikasyon III. Mulaan ng impormasyon; Mapanuring Pagpili Mula sa Samo’t saring Batis IV. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa V. Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman YUNIT II: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon 5 Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman Layunin: 1. Matukoy ang mga hakbang sa pagsusuri ng datos 2. Makabuo ng pahayag ng kaalaman mula sa mga datos na nakalap mula sa mga naunang gawain;at 3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang mga aspektong panlipunan sa pagpapahayag ng makabuluhang kaisipan gamit ang tradisyunal at modernong midya. Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, hinahanapan ng mananaliksik ng kaugnayan sa isa’t isa ang mga datos at bumubo siya ng buod hinggil dito. Gabay niya ang mga layon ng pananaliksik sa pag-uugnay-ugnay at pagbubuod ng mga datos. Ang mga kaugnayan at buod na ito ang gagamitin niya sa pagtukoy ng mga pangunahing tema ng naprosesong impormasyon at sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman. Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon Dulog sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon 1. Maaaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon kagaya ng pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at disbentahe, iba’t ibang anggulo at anyo/mukha, pagtataguyod o pagsalungat/pagpatol, pagbatikos, paglilinaw, pagpapalalim, mga hakbang sa isang proseso at elborasyon. Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon Dulog sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon 2. Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon ni Spradley (1979). SEMANTIKONG RELASYON: ISTRIKTONG PAGLALAKIP (Strict Inclusion)  Ang X ay uri ng Y. 1 Halimbawa: Ang magasin ay isang uri ng publikasyon. SEMANTIKONG RELASYON: ESPASYAL (Spatial)  Ang X ay isang lugar/lunan sa Y. Ang X ay isang 2 bahagi ng Y. Halimbawa: Ang silid aralan ay bahagi ng pisikal at simbolikong espasyo ng buhay estudyante. SEMANTIKONG RELASYON: PAGBIBIGAY-KATUWIRAN (Rationale)  Ang X ay isang rason para gawin ang Y. 3 Halimbawa: Ang kawalan ng sapat na pagkakakitaan ang isang dahilan kung bakit pinahinto ng magulang ang anak sa pag-aaral. SEMANTIKONG RELASYON: SANHI-BUNGA/KINALABASAN (Cause- Effect)  Ang X ay isang resulta ng Y. Ang X ay sanhi/dahilan 4 ng Y. Halimbawa: Sanhi ng paglaganap ng Fakenews, nagbunga ito ng kaguluhan. SEMANTIKONG RELASYON: LUGAR SA ISANG KILOS (Place of Action)  Ang X ay isang lugar para gawin ang Y. 5 Halimbawa: Ang silid-aklatan ay lugar sa impormasyon para sa ginagawang pananaliksik. pagkalap ng SEMANTIKONG RELASYON: GAMIT (Function)  Ang X ay ginagamit para sa Y. 6 Halimbawa: Ang eletronikong pagkalap ng datos. sistema ay ginagamit sa SEMANTIKONG RELASYON: PARAAN o KINAYARIAN (Means-end)  Ang X ay isang pamaraan para gawin ang Y. 7 Halimbawa: Ang survey ay pamamaraan upang makakalap ng datos ang mananaliksik. SEMANTIKONG RELASYON: PAGKAKASUNOD-SUNOD (Sequence)  Ang X ay step o stage ni Y. 8 Halimbawa: Ang pagbuo ng paksa ang unang bahagi sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. SEMANTIKONG RELASYON: ATRIBUSYON (Attribution)  Ang X ay katangian ng Y. 9 Halimbawa: Ang pagiging matapat ay katangian ng isang manunuri o mananaliksik. Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon Dulog sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon 3. Maaaring gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik. Gabay sa Pagbubuod ng Impormasyon 1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga susing salita, ang paksang pangungusap at ang pinakatema. Bago sulatin ang buod, palitawain muna ang koneksiyon ng mga susing salita, ang paksang pangungusap, at/o ang mga tema upang malaman ang sintesis o pinakapunto ng teksto ( Constantino et al., 2016) Gabay sa Pagbubuod ng Impormasyon 2. Kahingian sa ilang uri ng material ang angkop na element at estruktura ng buod. 3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan at iba pang etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang hinahantungan ng huling sikulo nito ay buod o ubod ng teksto. 4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinatanong. (Jiminez, 1982,p.27) Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman 1. Pumili ng mga angkop na salita na sumasalamin sa mga katunayan at datos ng ginawang pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong komunikasyo at makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino. 2. Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon. 3. Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot ng kalituhan. Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman 4. Pukawin ang interes, damdamin at kamalayan ng mga kalahok o audience. 5. Gumagamit ng angkop na panauhang pananaw: Una (Ako, ko, akin, tayo, natin, kami) Pangalawa (Ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo) Pangatlo (siya, sila, niya, kaniya, nila, kanila) Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman 6. Mas pormat at neutral ang pangatlong panauhan dahil “ inilalayo nito ang manunulat sa tuksong makialaam” at “ pinababayaang ang mga datos at impormasyon ang kumbinsi sa mambabasa” (Almario 2016,p.32). Subalit hindi namna ito nangangahulugan na hindi makatotohanan ang anumang pahayag na ginagamitan ng una at pangalawang panauhan, lalo na kung kailangan, kung mas inilalapit sa karanasan ng audience at nagtatangka ng mas malikhaing estilo ng pagsulat. Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman 6. Ang paggamit ng pantayong pananaw o “pag-uulat sa sarili” (Navaro et al., 1997, p.2) sa komunikasyon sa pangkalahatan ay mahalaga rin para bigayng diin an ang mga kababayang Pilipino ang kinakausap at ang kapakinabangan ng lipunang Pilipino ang minimithi ng pahayag ng kaalaman. Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman 7. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga tagapagbatid (Creswell 2014, p. 99-100). Kailangang respetuhin ang kanilang karapatan sa privacy. Gumamit ng alyas sa pangalan at lugar kung nararapat. 8. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para patotohanan at palakasin ang mga punto, argument o pahayag. Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman 9. Gumamit ng isang estilo pansanggunian, lalo na kung kahingian. May tatlong kilalang estilong pangsanggunian na ginagamit sa mga journal, term paper, aklat, manwal at iba pang publikasyon: Modern Languages Association (MLA), American Psychological Association (APA) at Chicago Manual of Styles (CMS). Sa telebisyon at bidyo, ang mga batis ng impormasyon ay maaaring banggitin sa iskrip o ipakita sa screen. Pinakaimportante sa lahat ng konsiderasyon sa pagsusulat ang mga katunayan at adtos na magpapatibay sa pahayag at kaalaman. Higit sa gramatika, dulog at estilo, mas importante ang kapanipaniwalang paglalahad, ang kapanipaniwala o “nakasalig sa mga katayuan” (Almario, 2016, p.27) MARAMING SALAMAT, KLASE!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser