Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Week 5-8_ GNED11 PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay isang module na nagtatalakay ng mga gawain sa pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Tinalakay dito ang mga konteksto ng komunikasyon, kasanayan, at kahalagahan nito.

Full Transcript

Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY General Trias City Campus IKA-LIMA HANGGANG IKA -WALONG LINGGO MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO GNED 11 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Inihanda...

Republic of the Philippines CAVITE STATE UNIVERSITY General Trias City Campus IKA-LIMA HANGGANG IKA -WALONG LINGGO MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO GNED 11 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Inihanda ni Ginoong Arnie C. Loyola I N AAS A H A N S A M G A M AG - A A R A L Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang: Kaalaman 1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. 2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa. Kasanayan 1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. 2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto. Kahalagahan 1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. 2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang ideya. PAMPASIGLANG GAWAIN Magbigay ng napapanahong isyu sa lipunan na narinig/ nabasa mo nitong mga nakaraang araw. Ipaliwanag. (1P) Paano ito nakakaapekto sa iyong bayan at sa’yo bilang isang indibidwal? (1P) Ang sasalungat sa opinyon ng kamag-aral, at makakapagpatunay sa kanyang opinyon ay makakakuha ng tatlong puntos. (3P) TALAKAYAN: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa. Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi") ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. TALAKAYAN: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pangtao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang hindi pangtaong komunikasyon naman ay inaaral sa di-berbal na paraan. TALAKAYAN: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino TSISMISAN UMPUKAN KOMUNIKASYONG EKSPRESYONG DI-BERBAL LOKAL TALAKAYAN: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino TALAKAYAN UMPUKAN PAGBABAHAY-BAHAY TSISMISAN PULONG BAYAN KOMUNIKASYONG EKSPRESYONG DI-BERBAL LOKAL TALAKAYAN: TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan Tsismisan- (Ingles: gossip, rumor; Kastila: chismes) Karaniwang mga pangungusap o kuwento na may kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may-buhay, na negatibo, pasalungat, pakontra, o kabaligtaran, na itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao. Ginagawa at ginagamit ito ng mga tsismoso at tsismosa – kilala rin bilang mga madaldal, matabil, masatsat, daldalero/ daldalera, satsatero/ satsatera – dahil sa udyok ng kanilang sariling inseguridad o "kabuwayahan", upang ibaba o ilugmok ang ibang tao, samantalang iniaangat naman ng mga nagkakalat ng mga tsismis ang kanilang sarili at para makaramdam ng iniisip o hinahangad na "kabutihan" o pagiging mabuti sa mata ng iba na paukol sa sarili. TALAKAYAN: TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan Ang tsimisan ay itinuturing na isang pagbabahagi ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang-loob. Subalit ang tsismis, na siyang laman ng tsismisan, ay nanggagaling din minsan sa hindi kakilala, lalo na kung ito’y naulinagan lang sa mga nagtsitsismisan. Ang haba ng oras ng tsismisan ay di rin tiyak- maaaring ito ay saglit lamang o tumagal ng isa o higit pang oras, dipende kung may mailalaang panahon ang mga nag-uusap at kung kailangan ng mahabang panahon sa pag-uusap. TALAKAYAN: TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan Ang tsismis ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan, dinagdagan o binawasang kato-tohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka, sadyang di-totoo, o inimbentong kwento. Subalit siguradong ito ay may pinagmulan o pinanggalingan, mauuri sa tatlo; (1) Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis; (2) Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o (3) Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla. TALAKAYAN: UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang tao na hindi magkakakilala para mag-usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugsong pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para makiumpok, mga di- sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na ang tanging magagawa’y manood at making sa mga nag- uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag- uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida. TALAKAYAN: UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan Likas na sa umpukanang kwentuhan kung saan may pagpapalitan, “pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban”. Kagaya sa tsismisan, walang tiyak o plana dong daloy ang pag-uusap saumpukan. Subalit di kagaya sa una, ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosongtalakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan, at maging sa laro at kantahan. Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang mabuti maaaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid. Minsan, kung sino ang dumaan malapit sa umpukanay siyang napag-uusapan. TALAKAYAN: UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan Nangyayari ang umpukan hindi lamang sa kalye dahil madalas sa paaralan (mga mag-aaral at guro), opisina (mga empleyado), korte (hurado at mgamanananggol), at botante (mga kongresista o senador). Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan tampok ang umpukan. Pinag-aralan ni Petras (2010) ang salamyaan sa Marikina bilang pagpopook sasiyudad sa kamalayang- bayan ng mga mamamayan nito. Bukod sa kainan, kantahan at paglalarong Bingo, isa rin sa itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may kalahok na ring tsismisin, talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa isang silungan o tambayan (Petras,2010, p. 95-96). TALAKAYAN: UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan Maaari rin itong gawin sa mga pormal na pangkatang talakayan, pagdalaw-dalaw, pakikipanuluyan at pakikilahok para makakalap ng impormasyon sa pamamaraang angkop sa kulturang Pilipino. TALAKAYAN: TALAKAYAN: Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated o ginamitan ng anumang medya. (Pinalano at organisado) Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan pinipiliang mga kalahok. Sa kabilang banda, ang impormal na talakayan ay madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o ‘di sinasadyang pagkikita kay may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili. TALAKAYAN: TALAKAYAN: Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan, o buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o makakakawing na mga problema at makagawa o makapagmungkahi ng desisyon at aksiyon. TALAKAYAN: TALAKAYAN: Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman Sa mga pormal natalakayan, karaniwan nang may itinalaganag tagapagdaloy ( facilitator ) na tiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon. Sa pareho, inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng magkakaibang pananaw, pagkritik sa mga ibinahaging ideya at impormasyon, at maging ang marubdob na pagtatalo-talo lalo na kapag kontrobersiyal o sensitibo ang paksa. May mga pagkakataong nagkakainitan kung kaya mahalaga rin ang papel ng mga kalmadong kalahok na magsisilbing taga-awat o tagapagpalamig (neutralizer ) kapag may nagtataas na ng boses, nagmumukha nang inis o galit, at may nauubusan nang pasensiya. TALAKAYAN: TALAKAYAN: Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang harapan kaysa mediated na talakayan, na maaaring iangkla ang pagiging makalipunan nating mga Pilipino at sa “personal” na pakikipag-ugnyan natin sa kapuwa. Masigla ang talakayang pagkomunidad sa radyong Tambuli dahil ang estasyon ay pinamamahalaan ng isang multisektoral na konseho, ang mga brodkaster ay mga lokal na boluntir, at ang mga programa ay nakalapat sa sosyo-ekonomik,kultural, politikal at pangkaligirang konstekto ng mga tao sa mga komunidad na pinaglilingkurannito. TALAKAYAN: PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya, kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya. Isa rin ito sa mga mainam na estratehiyang pangkomunikasyon na maaaring isagawa ng pamahalaan, non government organization, at iba pang samahan o institusyon na may mga proyekto hinggil dito. TALAKAYAN: PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran Kung tutuusin, ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sakaugalian ng pangangapit bahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino, lalo na sa mga lugar na rural. Sa mga pamilyang magkakalapit ang bahay, ang pangangapit bahay ay nakapagpapatatag ng samahan sa mga mamamayan ng isang komunidad. Dito nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng bawat isa, bahagian ng iniisip at saloobin, hingian p palitan ngmga material na bagay, lalo nang mga sangkap sa pagluluto at iba pang Gawain sa bahay, atmaging tsismisan at umpukan. TALAKAYAN: PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran Ang laman at layon ng interaksyon ay madalas na hinggil sa karaniwang intindihin at gawain sa araw-araw. Minsan, ang pangangapitbahay ay nauuwi rin sa pakikikain, pakikipag- inuman, at pakikitulog. Ang estratehikong estilo sa pagbabahay-bahay ay kahilan tulad din ng pangingitbahay ay mas personal at impormal. TALAKAYAN: PULONG BAYAN Ang pulong bayan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataong makapagsalita. Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino. Ito ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag-usapan ang mga usaping pangpamayanan. TALAKAYAN: KOMUNIKASYONG DI- BERBAL Ang Komunikasyong Di-Berbal ay naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, tikas o tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volume, bilis at kalidad ng tinig). May mga pagkakataon na hindi lahat ng tao ay naiintindihan ito, lalo na kung ang mensahe ay para lamang sa espesyal o piling grupo. Ito ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samot-saring bagay maliban sa mga salita. Malaking bahagi ng anumang komunikasyon ng mga tao ay ang mga di berbal na pahiwatig. TALAKAYAN: KOMUNIKASYONG DI- BERBAL Mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil: 1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao. 2.Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe. 3.Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe. TALAKAYAN: KOMUNIKASYONG DI- BERBAL Iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-berbal: 1. Oras (Chronemics) – ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan ng mensahe. 2. Espasyo (proxemics) – maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. (Intimate, personal, social o public relations). Espasyo sa pakikipag-usap, pisikal na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar. 3. Katawan (kinesics) – kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay. 4. Pandama (haptics) – paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe. Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo. 5. Simbolo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp. 6. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. 7. Paralanguage – paraan ng pagbigkas sa isang salita. 8. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. TALAKAYAN: EKSPRESYONG LOKAL Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika. TALAKAYAN: EKSPRESYONG LOKAL Ito ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, pagkadismaya, tuwa o galak. May ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam. Ang mga lokal na ekspresyon ang nagpapaigting at nagbibigay-kulay sa mga kwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino. OBA #3 Gumawa ng isang tiktok bidyo na tumatalakay o nagpapakita ng mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Maaaring isa o higit pang uri. Ang bidyo ay hindi bababa sa dalawa at hindi lalagpas ng apat na minuto. Ang bawat grupo ay dapat may apat na miyembro lamang. Ang bidyo ay iupload sa tiktok na may #CvsuGenTri #Section #GawaingPangkomunikasyon #PilipinoAko. Ilagay sa caption ang kurso, section, at mga miyembro. PAMANTAYAN: Mensahe 30% Pagkamalikhain 30% Tema 25% Orihinal 15% Kabuuan 100% OBA #3 Sa isang ½ crosswise yellow pad, ilagay ang mga sumusunod: Section Members Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino na Ginamit Username ng magpopost Pamantayan Ipasa ang papel sa ika-walong linggo ng ating pagkikita. Mark as done ang gclass kasama ang link ng video at magattach ng screen shot ng mismong post. PAALALA BE PROUD, LALO NA KUNG NASAAN KA NGAYON.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser