RTY_Module6-FIL1-KKF PDF
Document Details
Uploaded by SkillfulCombination
AISAT College - Dasmariñas, Inc.
Tags
Related
- From Meme to Mainstream: TikTok's Impact on Filipino Language PDF
- From Meme to Mainstream: TikTok's Impact on Filipino Language PDF
- FIL03 - Pagsulat sa Filipino sa Akademikong Larangan Panggitnang Pagsusulit
- KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT PDF
- Module 5 Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon (2024) PDF
- Notes para sa Filipino (Q2) - SY 2024-2025
Summary
This Filipino learning module focuses on the communication styles of Filipinos. It describes different Filipino communication styles and the role of communication in Filipino society, culture, and community.
Full Transcript
Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |1 SELF-PACED LEARNING MODULE SENIOR HIGH SCHOOL...
Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |1 SELF-PACED LEARNING MODULE SENIOR HIGH SCHOOL MODULE 6 Subject: KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO AISAT COLLEGE – DASMARIÑAS, INC. This material has been developed in support to the Senior High School Program implementation. Materials included in this module are owned by the respective copyright holders. AISAT College – Dasmariñas, the publisher and author do not represent nor claim ownership over them. This material will be reproduced for educational purposes and can be modified for the purpose of translation into another language provided that the source must be clearly acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, enhancement or a supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit. INFORMATION SHEET MD-6.1.1 “Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino” SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |2 Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. Gawin at Ibahagi Mo: Ano ang alam ko? Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino? o Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Filipino, dahil nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri ng pagbabahaginan ng kahulugan, kompara sa mga taga-Kanluran na itinuturing na may mababang konteksto ng kulturang mababa rin ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan. Melba Padilla Maggay (2002). o Idinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga Filipino sa malapitang pag-uugnayan, na humihipo at dumadama sa mga tao at bagay-bagay. o Kung pagbabatayan naman ang tahas at magagaspang na banat ng mga komentarista sa radyo,diyaryo, at telebisyon sa ilang personalidad o politiko, ang gayong paraan ng komunikasyon ay maaaring pagbubukod mismo ng mga taong nanunuligsa sa mga taong tinutuligsa. MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO TSISMISAN o Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag- uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa. o Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng matututunan ang mahahalagang impormasyon nang hindi na kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo. o Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa ingles na katumbas nito na ‘gossip’. o Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba, samantalang ang tismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan minsan lamang kung magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa, at kung oo naman ang mga kwento ay madalas na exaggerated. o Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng iba. o Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Ang pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway. o Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag-aaral. TSISMIS VS KATOTOHANAN SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |3 o Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga ‘alternative facts’. o Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap. o Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay nagdulot ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa. Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila online, at pinagbabasehan laman ang mga likes at shares para sa kredibilidad. Bihira lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan. Legal na aksyon o Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan ng pinag- uusapan. o Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad ay itinuturing na paninirangpuri, at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander. Kumonekta sa iyong tagapakinig o Ang mabisang tsismis ay hindi lamang tungkol sa iyong sinasabi, o tungkol sa kanino. Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinasabi. Siyempre, maaari mong gawing malinaw ang mga benepisyo ng tsismis sa iyong tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw na pagpapaliwanag kung bakit mo ibinahagi ang impormasyon. o Ngunit ang pagbabahagi ng partikular na emosyonal na mga reaksyon sa impormasyon ay maaaring makatulong sa iyo na kumonekta sa iyong tagapakinig at maiwasan ang mga negatibong reaksiyon. o Ang pagbabahagi ng nararamdaman mo ay maaaring hikayatin ang tagapakinig na magreresulta nang higit pa sa iyong pag-uugali sa pag-uuri. UMPUKAN o Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. o Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat. o May mgaumpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuru- kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa. Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo. Dito makikita natin ang mga tao ay may kanyakanyang katwiran batay sakanilang mga opinyon. TALAKAYAN o Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran. Uri ng Pagtatalakayan ▪ Impormal na Talakayan Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao. ▪ Pormal na Talakayan SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |4 Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro. Mga Uri ng Pormal na Talakayan ▪ Panel Discussion Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng mga tagapakinig. ▪ Simposyum kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak na paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa panel. ▪ Lecture-Forum o Panayam ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin. maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay. o Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na hindi mapagkaunawaan at nanga-ngailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin upang mangingibabaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga salita, linawin ang mga katibayan, iwasan ang mga agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala. Bakit kailangan ng tao ang Talakayan? o Ang hindi pagkaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at gawa ay sadyang dina maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagka-kaunawaan kadalasan ay naging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isat-isa. o Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggaptanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibabahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali. PANGKATANG TALAKAYAN ▪ Impormal na Debate o Pagtatalo Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong isyung pinag-uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at malayang makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig na gusto nilang pangatwiraan. ▪ Formal na Debate Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang debating ito. May dalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila ng talino batay sa ilalahad na matitibay na katwiran at katibayan. PAGBABAHAY-BAHAY o Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon. Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang background investigation sa taong nais bumili ng kotse o mag-loan ng malaking halaga. Nagsasagawa sila ng interview upang makakuha ng iba pang impormasyon, at ma-beripika kung totoo ang lahat ng iyong isinulat sa kanilang application form. Katulad na lamang, halimbawa, ang pagbabahay-bahay ng mga pulis sa isang barangay upang magsagawa ng random drug test. Naging kalakaran din noon ang pagbabahay- bahay upang magpakilala at magbenta ng mga bagong produkto. PULONG-BAYAN SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |5 o Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. o Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay. o Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon makapagsalita. o Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino. Batis ng Impormasyon: https://slideshare.com/Mga-GAwaing-Pangkomunikasyon.html SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |6 SELF-CHECK MD-6.1.1 A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot. 1. __________________ Pinag-uusapan ang isang tao ng lingid sa kanyang kaalaman. Ito rin ay tumatalakay sa mga primitibong usapin. 2. __________________ Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan nito, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran. 3. __________________ Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. 4. __________________ Paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. 5. __________________ Isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon. SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |7 SELF-CHECK ANSWER KEY MD-6.1.1 1. Tsismisan 2. Talakayan 3. Pulong-bayan 4. Umpukan 5. Pagbabahay-bahay SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |8 STUDENT NAME: _____________________ SECTION: __________________ OUTPUT NG PAGGANAP-6.2.1 TITULO NG NAKASULAT NA GAWAIN: Roleplay ng mga Gawing Pangkomunikasyon. LAYUNIN NG NAKASULAT NA GAWAIN: Malayang maipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang kagalingan sa pag roleplay ng mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino. MATERYALES: Pang-bidyo sa nasabing roleplay Mga props o ekstra na maaring gamitin sa pagbuo ng bidyo. Halimbawa isa sa mga kasama na kapamilya o kasama sa bahay o mga kagamitan sa bahay. KAGAMITAN: Wala TINATAYANG GASTOS: Wala PAMAMARAAN: Bumuo ng isang bidyo at I-roleplay ang Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino. PAGIINGAT: Ito ay gagawin lamang sa loob ng tahanan. Tatagal lamang ang bidyo ng dalawa hanggang limang minuto. PAMAMARAAN NG ASSESSMENT: PAMANTAYAN PARA SA PAGSUSURI SA OUTPUT NA PAGGANAP SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director Unit Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Module Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 3 Page |9 STUDENT NAME: ________________ SECTION: __________________ PAMANTAYAN PARA SA PAGSUSURI SA OUTPUT NA PAGGANAP-6.2.1 KRITERIA PAGMAMARKA Ako ba ay... 1 2 3 4 5 1. Sinunod ang pag-iingat sa kaligtasan? 2. May malinaw na mensahe? 3. May malinaw na konsepto? 4. Naging malikhain sa pagganap? 5. Gumamit ng mga angkop na dayalog? TEACHER’S REMARKS: ❑ QUIZ ❑ RECITATION ❑ PROJECT GRADE: 5 - Napakahusay na Ginampanan 4 - Napaka-kasiya-siyang Pagganap 3 - Masisiyahang Pagganap 2 - Patas na Ginampanan 1 - Mahinang Ginampanan _______________________________ TEACHER Date: ______________________ SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION: WEEK 6th MIDTERM 6 Meeting G. REYVEN T. YACAP MR. WILBERT A. MAÑUSCA Subject Teacher School Director