Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a lecture on Filipino communication and research on language and culture. It covers topics like mass media, arbitrary communication, news characteristics, interviews, and various types of questioning techniques. It is likely intended for undergraduate students.
Full Transcript
# Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ## Ikalawang Markahan ### Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon - The image shows various media devices: a person reading newspapers, a radio, a TV and a TV screen. - The image contains a title slide with text “Komu...
# Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ## Ikalawang Markahan ### Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon - The image shows various media devices: a person reading newspapers, a radio, a TV and a TV screen. - The image contains a title slide with text “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino” and “Ikalawang Markahan Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon”. # Mass Media - Nangangahulugang teknolohiyang may intensyong abutin ang maraming tagapakinig o manonood. - Ito ang pangunahing pinanggalingan ng komunikasyon na ginagamit upang maabot ang malaking bilang ng kabuuang publiko. - Ang pangkaraniwan o kilalang mga platform ng mga mass media ay ang mga pahayagan, magasin, radio, telebisyon at ang internet. # Arbitraryo - Ay nangangahulugang walang tiyak na batayan. - Ibig sabihin ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay walang tiyak nabatayan o tuntuning sinusunod. - Ito’y pinagkasunduan ng mga tao sa tiyak na pook o pamayanang gumagamit ng wika. # Balita - Ang balita o sa Ingles ay News broadcasting ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. - Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa at nakikinig. # Katangiang dapat taglayin ng isang balita 1. Isinusulat agad ang mga nakuhang tala kaugnay ng pangyayari. 2. Binibigyang-halaga ang mahahalagang punto sa balita. 3. Kailangang tama ang mga pangalan ng mga taong ibinabalita, maging ang mga pangyayari at petsa nito. 4. Ang balita ay hindi naglalaman ng mga kuro-kuro. 5. Inilalahad ito ng parehas, walang pinapanigan, at malinaw. # Panayam - Ang pag-uusap ng dalawang tao o higit pa para sa isang tiyak na usapin. - Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa partikular na bagay, pangyayari, atbp. # (4) Uri ng Panayam 1. ## Pamimiling Panayam - Ginagamit para sa pagpili, pag-upa at pagbibigay-trabaho sa mga aplikante, kawani at mga kasapi ng isang organisasyon. - Halimbawa: pautang ng bangko, paghiling ng visa. 2. ## Panayam Upang Mangalap ng Impormasyon - Naghahangad ito na makakuha ng pangyayari, opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para sa mga piling pagkilos. - Ito ay kadalasang ginagamit ng mga mamamahayag sa pagtatanong sa mga opisyal ng pamahalaan upang magsalita ukol sa isang partikular na isyu. - Halimbawa: pananaliksik (survey), pagboto (kung eleksyon), eksit interbyu (kung ang tao ay aalis na sa kasalukuyan niyang trabaho), pananaliksik na panayam (ng mga mag-aaral), pampulisyang panayam. 3. ## Ang panlutas- suliraning pakikipanayam - Ay isinasagawa upang malutas ang isang problemang kinasasangkutan ng dalawa o higit pang tao. - Ito ay maaari rin gamitin upang magtipon ng mungkahi para sa kalutasan ng problema. - Isang halimbawa nito ay ang pakikipagpulong ng kapitan ng barangay sa mga kasapi ng kanyang komunidad upang bigyang kalutasan ang kanilang problema sa basura. 4. ## Paghihikayat na Panayam - Isinasagawa kung mayroon kang nais baguhin sa pag-iisip, damdamin o kilos ng isang tao. - Halimbawa: pakikipanayam para sa pangangalap ng pondo, pananaliksik para sa isang kandidato sa eleksiyon, pangangalap ng tauhan ng isang organisasyon. # Bahagi ng Panayam ## Tagapanayam - Ang nagtatanong sa isang panayam. - Siya ang nagsasagawa ng pakikipanayam. - Ang mga tagapanayam ang naghahanda ng mga katanunganng maaaring itanong batay sa kanilang layunin. - Sila rin ang nagtatakda kung kailan gaganapin ang pakikipanayam at kung anong paksa ang pag-uusapan. ## Kinakapanayam - Ang sumasagot sa mga katanungan. - Siya ay tinatawag na kalahok sa pakikipanayam. # Uri ng mga Katanungan | URI | HALIMBAWA | |---|---| | Mga bukas-sa-dulong katanungan | Magsalita ka tungkol sa iyong sarili. | | Mga saradong katanungan | Mayroon ka bang kaalaman tungkol sa aming kompanya? (Oo o Hindi lamang) | | Mga susing katanungan | Ano ang iyong mga karanasan sa mga nauna mong trabaho na maaaring magamit para sa bakanteng posisyon? | | Mga panunod na katanungan | Sa iyong palagay, ano ang iyong kalamangan sa ibang aplikante? | | Mga patapos na katanungan | Mayroon ka pa bang nais sabihin tungkol sa iyong sarili? | | Mga salaming katanungan | Ang ibig mo bang sabihin, mas mahusay kang magtrabaho kapag nasasailalim sa pressure? |