GRAMATIKA - Kakayahang Pangkomunikatibo (Tagalog)
Document Details
Uploaded by CreativeNovaculite5550
Marcelo H. del Pilar National High School
Tags
Summary
This document presents an overview of Tagalog grammar focusing on sentence structure, parts of speech, and conjunctions. The content discusses different types of sentences and their components.
Full Transcript
GRAMATIKA Kakayahang Pangkomunikatibo GRAMATIKA - gramatika o gramar ay ang hanay ng mga panuntunan kung paano itinatayo ang isang natural na wika, tulad ng ipinakita ng mga nagsasalita o manunulat nito. Ang mga tuntunin sa gramatika ay maaaring may kinalaman sa paggamit ng mga sug...
GRAMATIKA Kakayahang Pangkomunikatibo GRAMATIKA - gramatika o gramar ay ang hanay ng mga panuntunan kung paano itinatayo ang isang natural na wika, tulad ng ipinakita ng mga nagsasalita o manunulat nito. Ang mga tuntunin sa gramatika ay maaaring may kinalaman sa paggamit ng mga sugnay, parirala, at salita. PANGUNGUSAP bahagi ng pangugusap PANGUNGUSAP Sa pag-aaral ng wikang Filipino, isa sa pinakamahalagang konsepto na kailangan nating maunawaan ay ang pangungusap. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang aspekto ng pangungusap, kabilang ang kahulugan, mga halimbawa, bahagi, kayarian, ayos, ang iba’t ibang uri nito ayon sa gamit, mga uri ng pangungusap na walang paksa, mga bantas na maaaring gamitin, at mga tips kung paano gumawa nito. 1. Ang mga isda ay lumalangoy sa karagatan. 2. Nagbigay ng libreng konsultasyon si Dr. Santos. 3. Nagsasagawa ng webinar ang mga guro. SIMUNO - Ang simuno ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung sino o ano ang paksa. Ito ay maaaring tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang simuno ay madalas na nasa unahan ng pangungusap, ngunit maaari rin itong matagpuan sa ibang bahagi ng pangungusap. 1. Si Lolo ay nagbabasa ng dyaryo. 2. Ang cellphone ay may malinaw na camera. 3. Nagsasagawa ng webinar ang mga guro. PANAGURI - Ang panaguri naman ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa simuno. Ito ay maaaring isang aksyon, katangian, o kondisyon ng simuno. Ang panaguri ay karaniwang matatagpuan pagkatapos ng simuno. SIMUNO AT PANAGURI - ang simuno at panaguri o sa wikang Ingles ay subject and predicate, ay dalawang mahahalagang bahagi ng isang pangungusap. Ang simuno ay ang paksa ng pangungusap, habang ang panaguri naman ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa simuno. PANGUNGUSAP kayarian ng pangugusap KAYARIAN NG PANGUNGUSAP - Ang mga pangungusap ay maaaring pangkatin ayon sa bilang o uri ng diwa na bumubuo sa mga ito. PAYAK NA PANGUNGUSAP - Ito ay binubuo ng isang buong diwa o isang sugnay na makapag-iisa. Halimbawa: 1. Si ate ay matalino. PAYAK NA SIMUNO AT PAYAK NA PANAGURI Halimbawa: 1. Si Juan ay matalino. 2. Ang aso ay mataba. 3. Ang guro ay nagtuturo. PAYAK NA SIMUNO AT TAMBALANG PANAGURI Halimbawa: 1. Ang halaman ay lumalago at namumulaklak. 2. Si Carmen ay mabait at maganda. TAMBALANG SIMUNO AT PAYAK NA PANAGURI Halimbawa: 1. Sina Maria at Pedro ay magkaibigan. 2. Ang daga at pusa ay magkaaway. TAMBALANG SIMUNO AT TAMBALANG PANAGURI Halimbawa: 1. Ang mga ibon at isda ay lumilipad at lumalangoy. 2. Sina lolo at lola ay naglalakad at namamasyal sa parke. PANGUNGUSAP - ito ay binubuo ng dalawang buong diwa o sugnay na makapag-iisa na pinag-uugnay ng pangatnig. Maaaring magkaugnay o magkasalungat ang dalawang diwa nito na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng at, ngunit, subalit, datapwat, pero, samantala, at habang 1. Ang aso ay tumatakbo samantalang ang pusa ay natutulog. PANGUNGUSAP - Ito na binubuo ng isang buong diwa o sugnay na makapag-iisa at isang hindi buong diwa o sugnay na di-makapag-iisa (lipon ng mga salitang may simuno at panaguri na hindi buo ang diwa dahil sa pangatnig sa unahan nito). Ang dahil, kasi, sapagkat, kung, kapag, pag, kaya, upang, at para ay mga pangatnig na ginagamit sa hugnayang pangungusap. PANGUNGUSAP 1. Mag-aaral siya nang mabuti upang makapasa sa pagsusulit. 2. Nagugutom ang bata kaya’t kumakain nang marami. PANG-UGNAY bahagi ng pangugusap PANG-UGNAY - ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay. PANG-UGNAY - Nagamit ang pang-ugnay sa pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay. URI NG PANG-UGNAY 1. Pang-angkop 2. Pang-ukol 3. Pangatnig PANG-ANGKOP - tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang tinuturingan. - Ito’y ginagamit upang maging madulas ang pagbigkas ng mga magkakasamang salita. - “na”, “ng”, “g” PANG-ANGKOP NA “NA” - Ginagamit kapag ang sinundang salita ay natatapos sa katinig maliban sa “n” Halimbawa: masarap na pagkain maliit na bata matunog na balita PANG-ANGKOP NA “NG” - ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay natatapos sa patinig. Halimbawa: masamang panaginip totoong mahirap ngiting kayganda PANG-ANGKOP NA “G” - ginagamit kapag ang sinundang salita ay nagtatapos sa “n” Halimbawa: salaming malinaw hanging malamig Sultang malupit URI NG PANG-UGNAY 1. Pang-angkop 2. Pang-ukol 3. Pangatnig PANG-UKOL - Kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Alinsunod sa / alinsunod Laban sa / laban kay kay Ayon sa / ayon kay Para sa / para kay Hinggil sa / hinggil kay Tungkol sa / tungkol kay Kay/kina Ukol sa / ukol kay PANG-UKOL Halimbawa: 1. Alinsunod sa batas ang ginawa niyang hakbang. 2. Para kay Gng. Santos ang bulaklak na ito. 3. Ayon sa balita, masama raw ang panahon ngayong araw. URI NG PANG-UGNAY 1. Pang-angkop 2. Pang-ukol 3. Pangatnig PANGATNIG - Mga kataga, salita, o pariralang nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o payak na pangungusap. PANGATNIG at kapag ngunit sumakatuwi d anupa kaya o Sa madaling salita Bagaman Kundi Pagkat Upang sanhi bagkus kung palibhasa sapagkat dahil maliban samantala subalit URI NG PANGATNIG 1. Pangatnig na Pamukod – ginagamit ito upang ihiwalay, itanggi, itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga pangatnig na o, ni, maging, at man PANGATNIG NA PAMUKOD Halimbawa: 1. Ni tumawag ni mangumusta ay hindi man lang niya ginawa. 2. Ako ba o siya ang pipiliin mong makapareha sa pagsasadula. URI NG PANGATNIG 2. Pangatnig na Panlinaw – ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Maaari itong gamitan ng mga pangatnig na kung kaya, kung gayon, at kaya PANGATNIG NA PANLINAW Halimbawa: 1. Nag-usap na kami sa barangay kung kaya ang kasong ito ay tapos na. 2. Ginawa ko na sa paaralan ang aking takdang aralin kaya pag-uwi ko sa bahay ay tutulong na lamang ako sa aking mga magulang. URI NG PANGATNIG 3. Pangatnig na Panubali – ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong gamitan ng mga pangatnig na kung, sakali, disin sana, kapag o pag. PANGATNIG NA PANUBALI Halimbawa: 1. Tinanggap mo sana ang alok niyang trabaho, disin sana’y may maiipon ka bago magpasko. 2. Hindi naman mahirap ang buhay kung marunong ka lang dumiskarte. URI NG PANGATNIG 4. Pangatnig na Paninsay – ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Maaari itong gamitan ng mga pangtanig na ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, at kahit. PANGATNIG NA PANINSAY Halimbawa: 1. Yumaman si Ana kahit galing siya sa hirap. 2. Nakakuha ako ng mataas na marka sa pagsusulit bagaman hindi ako nakapagrebyu. URI NG PANGATNIG 5. Pangatnig na Panapos – ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita halimbawa nito ay sa wakas, sa lahat ng ito, sa di kawasa. PANGATNIG NA PANAPOS Halimbawa: 1. Sa di kawasa, ang pagpupulong ay tinapos sa panapos na panalangin at pagkuha ng mga litrato. URI NG PANGATNIG 6. Pangatnig na Pananhi – ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong gamitan ng pangatnig na dahil sa, sanhi sa, sapagkat, o mangyari. PANGATNIG NA PANANHI Halimbawa: 1. Nagkasira-sira ang bahay nina Aling Marta dahil sa bagyo. 2. Marumi ang ating paligid sapagkat ang ibang mamamayan ay walang disiplina. URI NG PANGATNIG 7. Pangatnig na Pantulong – nag-uugnay ito ng nakapag-iisa at hindi nakapag-iisang mga salita, parirala o sugnay. Maaaring gamitan ito ng pangatnig na kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, o dahil sa. PANTULONG Halimbawa: 1. Makakapaglaro lang ako sa kanila kapag natapos ko na ang aking takdang aralin. 2. Nag-aaral siya nang mabuti upang matuwa ang kanyang mga magulang. URI NG PANGATNIG 8. Pangatnig na Panimbang– ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon o kaisipan. Maaaring gamitan ito ng pangatnig na at, saka, pati, kaya, o anupa’t. PANIMBANG Halimbawa: 1. Singkamas at saka talong ang mga paborito kong gulay. 2. Anupa’t sa lakas ng hangin ay halos tangayin ang aming bubungan. 3. Pati ang napakapayat na aso sa lansangan ay kanyang inampon. PONOLOHIYA MORPOLOHIYA SINTAKS SEMANTIKA PONOLOHIYA PONOLOHIYA - ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas-pagbaba ng mga tinig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging). PONOLOHIYA - Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay malayang nagpapalitan, ang baybay ng salita ay nag-iiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. PONEMA 1. Ponemang Segmental – ay binubuo ng mga katinig at patinig. 2. Ponemang Suprasegmental – ay binubuo ng tono, haba, diin at tigil o paghinto. 1. PONEMANG SEGMENTAL Ipinaliwanag nina Santiago at Tiangco (2003) ang punto at paraan ng artikulasyon ng mga ponemang katinig. a. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas /p, b, m/ 1. PONEMANG SEGMENTAL b. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob ng mga ngiping itaas /t, d, n/ c. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa punong gilagid /s, l, r/ 1. PONEMANG SEGMENTAL d. Pangalangala – ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala /k, g, n/ 1. PONEMANG SEGMENTAL e. Glottal – ang mga babagtingang pantinig ay nagdidikit o naglalapit at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsut na tunog. SUPRASEGMENTAL a. Haba (length) – ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u) ng isang pantig. Halimbawa: bu.kas bukas SUPRASEGMENTAL b. Tono (pitch) – ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Halimbawa: kahapon – 213 (pagaalinlangan) kahapon – 231 (pagpapatibay) SUPRASEGMENTAL c. Antala ( juncture) – tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe. SUPRASEGMENTAL c. Antala ( juncture) Halimbawa: Hindi, siya ang kababata ko. Hindi siya ang kababata ko. SUPRASEGMENTAL d. Diin (stress o emphasis) – ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makatutulong sa pag-unawa sa kahalagahan ng mga salita. Halimbawa: BU:hay bu:HAY MORPOLOHIY A MORPOLOHIYA - Ang sangay ng lingguwistika na nag-aaral kung paano nagsasama-sama ang mga salitang-ugat, panlapi, o kataga upang makabuo ng salita - Morpema ang tawag sa batayang unit ng morpolohiya. URI NG MORPEMA 1. Malayang Morpema – binubuo lamang ng salitang ugat at maituturing na puro. Hal. Buhay, kamay, payapa 2. Di malayang morpema – binubuo ng salitang-ugat at maituturing na may halo. Hal. Kabuhayan, kinamayan, nagpapayapa PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 1. Asimilasyon – kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa /d, l, r, s, t/ ang panlaping pang- ay naging pan-. Ito ay nagiginga pam- naman kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa /b, p/ PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 1. Asimilasyon Halimbawa: Pang+lunas – Panglunas – Panlunas Pang+baon – Pangbaon – Pambaon Pang+kulay – Pangkulay Pang+isahan – Pang-isahan PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 2. Pagkakaltas – sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng salita Halimbawa Sunod+in – sunodin – sundin Takip+an – takipan – takpan Dala+han – dalahan - dalhan PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 3. Pagpapalit ponema – may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita Halimbawa ma+dami – madami – marami bakod+an – bakudan - bakuran PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 4. Pagpapaikli ng salita – pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita. Halimbawa Hintay ka – tayka – teka Wikain mo – Ikamo – kamo Wika ko – Ikako - kako PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 5. Metatesis – nagpapalit ng posisyon ang mga tunog sa isang salita kapag nilapian. Halimbawa lisan+in (gitlapi) = linisan - nilisan SINTAKS SINTAKS - mula sa salitang Griyego na “syntattein” na ang ibig sabihin ay pagsama-sama o pagsama-samahin. Ito’y tumutukoy sa istruktura ng pangungusap. Ang sintaks ay ang pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng makahulugang pangungusap. SINTAKS - Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Halimbawa: Nanay! (Panawag) Aray! (nagsasaad ng damdamin) Opo. (Panagot sa tanong) Umuulan. (pandiwang palikas o penomenal SINTAKS Titik salita pangungusap diskurso ponema morpema sintaks semantika SEMANTIKA SEMANTIKA - ang pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika. - Ito ay tinagurian ding “talasurian” sapagkat layunin nito na suriin ang kahulugan ng bawat salitang ginagamit ng tagapagpabatid o tagapagpakahulugan. SEMANTIKA - Saklaw din nito ang pag-aaral na may kaugnayan sa relasyon ng mga salita na ginagamit sa pangungusap. - Ito ay pag-aaral kung paano nabibigyan ng kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o isang pahayag. DIMENSIYONG SEMANTIKA 1.Konotasyon 2.Denotasyon KONOTASYON - Malalim ang kahulugan ng mga salitang ginagamit ng tagapagpabatid o tagapagpahayag nito. Ito rin ang kahulugang ibinigay sa mga salita o pangungusap na hindi tuwirang isinasaad. DENOTASYON - Madalas tinatawag itong “dictionary meaning” sa ingles na ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak o tuwirang kahulugan. - Tumutukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita. KATANUNGA N?