Module 5 Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon (2024) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2024
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 8) PDF
- Modyul ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Preliminary)
- Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK 2ND QUARTER REVIEWER PDF
- Komunikasyon Q2 PDF
- Pagtalakay sa Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
Summary
This PDF module details different communication situations, including forums, seminars, and lectures. It covers the characteristics of specific communication formats focusing on Filipino communication practices. It's designed for an undergraduate level Filipino language course, emphasizing concepts about Filipino communication styles.
Full Transcript
Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon Gamit ang Wika LAYUNIN: 1. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. 2. Matukoy ang halaga ng gamit ng iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon. 3. Maipaliwanag ang kabuluhan ng gamit ng wik...
Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon Gamit ang Wika LAYUNIN: 1. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. 2. Matukoy ang halaga ng gamit ng iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon. 3. Maipaliwanag ang kabuluhan ng gamit ng wikang Filipino sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga gawaing pangkomunikasyon. 4. Mailapat ang tamang etika at prinsipyo sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. Forum § Isang pagpupulong/ pagpapalitan ng ideya pa pananaw hinggil sa isang isyu, suliranin o anumang paksang pinag-uusapan ng publiko § Sa panahong Romano ito ay tumutukoy sa pampublikong lugar sa gitna ng isang pamilihan o lunsod kung saan nagaganap ang diskusyon hinggil sa usaping political at iba pang isyu § Mabisang paraan upang makalikha ng diyalogo sa pagitan ng mga mag-aaral, personal man, onlayn o hybrid § Isang diskusyong sinusundan ng diskusyong panel o simposyum § Nilalayon ng forum na maging bahagi ang awdyens sa talakayan Cambridge Dictionary.(n.d.).Inakses sa https://bit.ly/2OaQeuE Forum Dalawang uri ng forum: A. Pampubliko Pagtitipon na walang eksklusyon na maaaring maisagawa sa isang lugar na para sa lahat Maraming adbentahe ang pagsasagwa ng pampublikong forum tulad ng : ü Maaring isagawa sa kalye, parke o maliit na kalye ü Madaling iorganisa at hindi mahal isagawa ü Mayroong “two-way” na komunikasyon kung saan maririnig ang panig ng tagapkinig at tagapagsalita upang magkaunawaan sa kani-kanilang isyu ü Nagkakaroon kamalayan sa mga isyung pinag-uusapan dahil sa presensya ng mga eksperto sa paksa Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Forum B. Eksklusibo Pagpupulong na limitado lamang sa mga miyembro ng organisasyon Pinag-uusapan ang layunin, gawaun, proyekto at tunguhin Ang usapin ay limitado at nakatakda ang impormasyoh lamang sa pangkat at miyembro Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Seminar § Isang uri ng instruksyong akademiko na karaniwang isinasagawa ng iba’t ibang pribado at publikong organisasyon. § Layunin ang pagtalakay sa mga natatangi o piling paksa ayon sa natukoy na pangangailangan ng isang pangkat § Ginagamit bilang paraan ng pagtuturo upang matalakay ang napapanahon at mahalagang paksa na makatutulong sa pagtatamo ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan § May dalawang uri ng seminar: a. Ayon sa pangkat ng nagsasagawa üTutor facilitation –pinamamahalaan ng eskperto na siyang namumuno sa daloy ng talakayan üStudent facilitation- pinamamahalaan ng mag-aaral b. Ayon sa saklaw ng seminar Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Seminar b. Ayon sa saklaw ng seminar ü Mini- saklaw ang paksang tiyak at di gaanong malawak; kalimitan ay 10-20 lamang ang awdyens; pag-uulat sa loob ng klasrum ü Major –isinasagawa ng institusyon o departamento; ü Pambansa – isinasakatuparan ng mga samahan, pangkat o organisasyon na ang pagdalo ay mula sa iba’t ibang panig ng bansa; may tiyak na paksang tinatalaky ng isang pili at kwalipikadong tagapagsalita ü Pandaigdigan – dinadaluhan ng mga organisasyon mula sa iba’t ibang panig ng daigdig Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Seminar Elemento ng Seminar 1.Papel Maayos na paghahanda ng sipi na naglalaman ng paksang tatalakayin 2. Presentasyon Pamamaraan ,estilo, kahusayan ar kawilihan ng tagapagsalita sa apglalahad ng paksa; naipakikita ang ahusayan at kasanayan sa pagsasalita 3. Talakayan Pagpapaliwanag ng mahahalagang kaisipan kasama ang pagsagot sa tanong hinggil sa paksa 4. Konklusyon Pagbuo ng bagong kaalaman mula sa pagtalakay Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Lektyur § Isang edukasyonal na pagsasalita sa harap ng awdyens lalo’t higit sa mga mag- aaral sa antas kolehiyo § Layunin nitong magturo o magbigay impormasyon hinggil sa isang paksa § Espesyal na anyo ng komunikasyon kung saan ang boses, kilos at galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha at pagtingin ng mata ay makatutulong o makasasagabal sa nilalaman ng presentasyon. § Ang paraan ng deliberi at pananalita ay napakalaking impluwensya sa atensyon at pagkatuto ng mag-aaral o ng awdyens § Ang lekyur ay nauugnay sa seminar sapagkat parho ang pamamaraan ng pagtalakay. § Naiiba lamang ang lektyur sapagkat ito ay maaring gawin ng isang eksperto anumang oras o araw sa tiyak na tagapakinig samantalang ang seminar ay nangangailangan ng ibayong paghahanda at isinasagawa ayon sa pangangailangan. Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Lektyur Mga dapat isaalang-alang sa lektyur: § Malawak na kaalaman sa paksa Kayang magpaliwanag nang mahusay upang maunawaan ng tagapakinig § Kahusayan at kasanayan sa pagsasalita Kakayahang maihatid nang maayos ang mensahe § Kasanayan sa pamumuno Kakayahang pamunuan ang pangkat upang siya ay pakinggan § Katangian at ugaliin ng pangkat ng tagapakinig Nahihikayat ang tagapakinig na makibahagi § Pagbibigay ng halimbawa Mahalaga sa pagbibigay ng halimbawa ngunit kailangang interesante at angkop sa pang-unawa ng mag-aaral § Pagbibigay ng feedback Pagtukoy sa pag-unawa ng tagapakinig sa pamamagitan ng paghingi ng mga katanungan, paglilinaw o klaripikason ukol sa paksang tinalakay Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Lektyur Elementong Dapat Isaalang-alang sa Pagsasagawa ng Lektyur 1. Mensaheng Biswal -paggamit ng larawan at imahen upang maaalala ang lektyur 2. Presensya ng sarili – adbentahe ng para madali maikomyunikeyt ang mensahe 3. Mensaheng Berbal -mahalaga ang mga salitang binibitawan 4. Tala ng mga mag-aaral – isaalang-alang ang madaling paraan ng pagtatala ng mga mag-aaral upang mapanatili ang atensyon sa materyal 5. Iniisip ng mga mag-aaral o awdyens - natututunan mula sa iyong tinalakay 6. Ang ginagawa at sinasabi ng mga mag-aaral – pagkakaroon ng maliliit a gawainng panggrupo Effective Lectures. (n.d.). Iowa State University.https://bit.ly/3ix4ZWo Effective Lectures. (n.d.). Iowa State University.https://bit.ly/3ix4ZWo Worksyap Pagsasama-sama ng mga tao para sa isang talakayan o pagpupulong hinggil sa isang paksa ngunit may iisang tunguhin Kadalasang nagtatagal ng 6-8 oras sa maghapon na may tiyak na output na inaasahan mula sa kalahok Agn indibidwal na kasangkot ay binibigkis ng layunin makapagsagawa ng detalyadong pagtalakay sa isang paksa na susunda ng masinsinan o matindng pagsasanay para sa pagbuo ng isang proyekto Kasingkahulugan ng pagsasanay o training Dalawa ang layunin – maglahad ng impormasyon at magsanay ng indibidwal upang maisakatuparan ang proyekto Maaring daluhan ng pangkat na may iba’t ibang katangian Nakatuon sa maaring maging output pagkatapos ng pagsasanay Nagkakakroon ng tuwirang interaksyon ang fasiliteytor at mga dumalo kaya napapanatili ang ugnayan ng isa’t isa Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Diskusyong Panel Madalas na gamiting pampublikong format ng talakayan na nagaganap sa harap ng awdyens para sa layuning: mabigyang impormasyon ang awdyens hinggil sa isyu o usaping, mabigyang solusyon ang problema at hikayatin ang awdyens na mataya ang positibo at negatibong aspekto ng problema Kadalasang mayroong moderator na nagpapadaloy o nagpapasiliteyt at ang tungkulin niya ay mapanatiling dumadaloy Ang moderator ang nagbubukas ng talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong na magiging paksa ng talakayan Mayroon lamang 3-4 na panelist upang masigurong ang lahat ay makikibahagi sa talakayan Kailangang masiguradong mapapakinggan ng awdyens at masusundan ang daloy ng usapan Diskusyong Panel Bagamat alam ng panelist ang paksa, hindi nila pinaghandaan ang talakayan sapagkat walang paghahanda/ ekstemporanyo ang pagtalakay na magaganap Maaring gumamit o magdala ng notes para maalala ang mga estadistikang babanggitin ngunit walang nakahandang sanaysay/ talumpati Matapos na maibigay ang paksa, ang moderator ay ipapakilala ang mga tagapagsalita at gayundin ang kanilang kwalipikasyon Ang isang mahusay na moderator ay siyang magsisigurado na lahat ng miyembro ng panel ay makapagsasalita Sa huling bahagi ng talakayan, ang moderator ang magsasagawa ng buod ng lahat ng tinalakay Matapos ang talakayan, ito ay susundan ng tanungan mula sa awdyens Symposium § Ang simposyum ay pagpupulong hinggil sa isang paksa/ tema ng mga eksperto sa isang sitwasyong akademiko kung saan ang mga dalubhasa ay nagtatalakay ng kanilang opinion hinggil sa paksa/ isyu § Mayroong lamang iisang paksa/ sentral na temang tinatalakay ang bawat eksperto sa kanilang talumpati na pawing maigsi lamang § Ang ikinaiba ng simposyum sa diskusyong panel ay maaring magdala ng nakahandang piyesa na babasahin ang tagapagsalita o maaring mayroong dalang outline ng sasabihin § Ang mga tagapagsalita ay pawang mga ekspertong mayroong magkakataliwas na pananaw hinggil sa isyung pinag-uusapan § Tinatawag ding “pagpupulong bayan” § Pangkat na binubuo ng 4-6 na dalubhasang tagapagsalita na inanyahahan upang talakayin ang iba’t ibang aspekto ng ilang isyung pampubliko Arnold, K. (n.d.).The Definition of a Panel Discussion.Powerful Panels.https://bit.ly/38vZV03 Symposium § Bawat isa ay naghahanda ng sariling talumpati hinggil sa isang aspekto ng paksa na inilaan ayon sa larangang kanyang pinagdadalubhasaan § Bawat tagapagsalita ay may takdang haba ng oras § Ang talumpati ay maaring binasa o binalangkas § Nagkakaroon ng talakayan matapos ang mga talumpati Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Kumperensya § Ang kumperensya ay isang pormal na pagpupulong kung saan ang mga eksperto ay magbabahagi ng kanilang pananaw sa iba’t ibang paksa § Ang kumperensya ay maaring magtalakay ng iba’t ibang larangan at hindi kinakailangang akademiko sa lahat ng pagkakataon. § Sitwayong pangkomunikasyon kung saan ang tagapagsalita o eksperto sa piling larangan ay inanyayahan upang magbahagi ng kaniyang pananaw sa iba’t ibang paksa sa mga delegado (Shah,2018) Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Symposium at Kumperensya § Nagkakatulad ng simposyum at kumperensya sapagkat ang mga tagapagsalita o ispiker ay nagkakasama-sama upang magbigay ng opinyon nila hinggil sa isang paksa. § Ang simposyum ay mas maliit na anyo ng kumperensya na natatapos sa isang araw at mas maliit na bilang ng partisipant o delegado Roundtable Discussion § Isang talakayang nagbibigay ng maksimum na input ng grupo sa isang paksa na interes na kanilang interes § Ang roundtable discussion ay ay isang maliit na panggrupong talakayan kung saan ang lahat ng kasapi ay may pantay na karapatang makibahagi § Kadalasang kinasasangkutan ng 3-12 miyembro na maly layuning magbahagi ng kaalaman tungo sa apglutas ng isang isyu § Ginagamit sa pakikisangkot ng pamayanan o ng publiko § Ito ay hindi angkop sa malaking bilang ng partisipant kundi sa maliit na grupo lamang na tumatalakay sa isang paksang napag-usapan na bago pa ang talakayan § Layunin ng roundtable discussion na matalakay at magalugad ang isang tiyak na paksa § Mainam na gawain upang makakuha ng pidbak at pagkakaroon ng malalim na talakayan at pagkilala sa mga kasamahang mayroong parehong interes San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O., Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc. Roundtable Discussion § Upang mapanindigan ang mga napag-usapan ng grupo, may documenter na nagtatala ng lahat ng napagkasunduan § Maaring gamiting estratehiya ang brainstorming na naglalayong mangalap ng iba’t ibang tugon sa mga kalahok na may iba’t ibang perspektibo sa paksa § Maari ding gamitin ang Six Thinking Hats ni De Bono (binanggit ni San Juan et al,2018). Nagtatakda ito ng tiyak na tungkulin sa mga kabahagi ng gawain depende sa sombrerong suot: a. puti – magbahagi ng impormasyon tujgkol sa paksang tinatalakay b. dilaw – nakapokus sa positibong epekto ng mungkahi c. itim- pagpapalutang ng panganib na dulot ng mungkahi d. pula- nagpapahiwatig ng pakiramdam, bagamat walang lohikal ma paliwanag sa mungkahi e. berde – pagbibigay ng alternatibo sa bagong ideya f. asul – tagapagpadaloy ng pulong San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O., Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc. Pagsasagawa ng Miting / Pulong/ Asembliya § Ang pulong, miting ay babahgi ng ng buhay ng tao § Pangkaraniwang gawain sa loob ng samahan, organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon at iba pa § Maaring isagawa nang face-to-face o kaya naman ay virtual § Ginagawa ang pagpupulong para sa pagbabahaginan ng ideya at epektibong pagpaplano ng mgs proyekto na mabisang maisagawa at maisakatuparan (Julia, et al.,2017) Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Pagsasagawa ng Miting / Pulong/ Asembliya Elemento ng Miting May layunin Naghahatid ng tamang paunwa sa tamang panahon Pinamumunuan ng tagapangulo May tiyak na agenda – sa agenda iikot ang talakayan May korum - sapat na bilang ng kalahok Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Pagsasagawa ng Miting / Pulong/ Asembliya Ang pulong ay nababalewala kung hindi naiitala ang ang napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na talak ng pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ang katitikan ng pulong ay nagtataglay ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyon magamit bilang pangunahign ebidensya sa mga legal na usapin Nagsisilbi itong paglalagom sa mahahalagang tinalakay. Mahalaga ito upang mabalik- tanawa ang mga usapin at isyung tinalakay na kailangan pagn talakaying muli. Dito makikita angmga pagpapasya at usaping kailangan pang bigyan-pansin para sa susunod na pulong.Kailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras at pook na pinagdausang ng pulon maging ng tala ng dumalo (Garcia, 2017). Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Komunikasyon sa Radyo at Telebisyon Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon, radyo, dyaryo at pelikula sa ating bansa. Pangunahing layunin nito ay ang makaakit ng mas maraming manonoood, tagapakinig at mambabasa na makakaunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa at babasahin upang kumita ng malaki. Dahil sa kalawakan ng impluwensya ng wikang ginagamit sa mass media, sinasabing mas maraming mamayan sa ating bansa ngayon ang nakakaunawa, nakakapagsalita at gumagamit ng wikang Filipino. Ito ay isang mabuting senyales para lalong paunlarin at palaguin ang ating sariling wika. Bagamat unti unti nang pinapalitan ng social media platforms, itinuturing pa ring mas mapagkakatiwalaang batis ng impormasyon (San Juan, et al, 2018) Programa sa Radyo Sinasabing ang wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo mapa- AM man or FM. May mga programa rin naman sa FM na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbobrodcast ngunit nakakarami pa rin ang gumagamit ng wikang Filipino. Ang mga estasyong pamprobinsya naman ay gumagamit ng rehiyonal na wika, ngunit kapag sila ay may kinakapanayam ay karaniwang wikang Filipino ang kanilang gamit sa pakikipag-usap. Ang komunikasyon sa radio ay isang paraan ng paghahatid g impormasyon sa pamamagitan ng transmisyon, emisyo at resepsyon ng mga readio waves ng mga estasyong panradyo (frequency at band) Hindi nalalayo ang layunin ng programang panradyo sa telebisyon, layunin din nitong maghatid ng impormasyon(information function) manlibang at magbigay kaalaman (education function) Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Programa sa Radyo Ang telebisyon ang tinuturing na pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan dahil sa lawak ng sakop nito – mga mamamayang nanunuod. Nakatulong din ang introduksyon at paglaganap ng cable at satellite broadcasting upang mas marating ang malalayong pulo sa ating bansa. (Home Cable, Sky Direct, Cignal atbp.) Sa kasalukuyan ang telebisyonay hindi na lamang abeylabol sa mga aparatong nasa bahay maari na ring maakses ang telebisyon gamit ang internet o ang tinatawag na internet-based tv Sa pamamagitan ng telebisyon nagagawang malaman ng tao sa iba’t ibang panig ang mundo ang mga kaganapan o usapin sa paligid mula sa politika, trahedya,at iba pang balitang nakaaapekto sa pamumuhay ng tao. Gayundi gamit ang telebisyon, mainam itong midyum para magpahatid ng mga patalastas na nakaaapekto sa desisyon sa pagbili ng tao. Programa sa Radyo Makikita ang dominanteng paggamit ng wikang Filipino sa mga lokal na channel ng telebisyon. Teleserye, noon-time shows, magazine shows, variety shows, reality shows at news and public affairs ang mga halimbawa ng programang pangtelebisyon ang gumagamit ng wikang Filipino. Sinasabing ang paglaganap rin ng mga ganitong uri ng programang pangtelebisyon ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa ating bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino. May mga rehiyonal na channel din naman ang binobrodkast; gumagamit sila ng kanilang rehiyonal na diyalekto at wikang Filipino (kung kinakailangan). Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa wikang rehiyonal. Komunikasyon sa Social Media Ang salitang social media ay tumutukoy sa siang paraan ng interkasyon na nagaganap sa mga indibidwal kung saan ang impormasyonay nalilikha, naibabahagi at natatalakay sa pamamagitan ng pamaraang virtual o sistemang network Isa itong uri ng online communication na ang layunin ay magkaroon ng interaksyon, kolaborasyon at pagbabahagi ng kaalaman gamit ang iba’t ibang channel o website ( Bhamare, 2018) Ang proseso ng komunikasyon ay walang pinagkaiba sa face to face na komunikasyon. Ang pagkakaiba lamang ay ang mga instrument na maaring gamitin sa pagpapahayag ng tagapagsalita at tagapakinig. Komunikasyon sa Telebisyon at Radyo Onlayn Hindi na lamang napapanood sa telebisyon ang mga programang inaabangan sa araw-araw gayundin ang mgs estasyon sa radio na pinakikinggan. Dulot ng makabagong teknolohiya, nagkaroon ng oportunidad ang sinuman na manaood at makinig ng programang hilig ng Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mga device tulad ng mobile phone, laptop, at personal computer maari nang mapanood ang mga programa sa telebisyon o kaya ay mapakinig ang mga programa sa radyo sa Youtube o kaya ay sa Facebook. Maari na ring madownload ang mga programa sa telebisyon sa pamamagitan ng pagdadownload ng mga ito sa world wide web, panoood sa Youtube at nariyan din ang pagkakaroon ng mga aplikasyon tulad ng Iwant TV at kapamilya TV Plus. Sa pagkakataong ito, higit na aksesibol sa maraming Pilipino ang panonood at pakikinig saanmang dako sila naroroon at anumang oras nila naisin. Komunikasyon sa Social Media Proseso ng Komunikasyon sa Social Media 1. Ang encoder ang bumubuo at pinagmumulan ng mensahe 2. Isinasagawa ng encoder ang pagpapdala ng mensahe gamit 3. Naihahatid ang mensahe sa pamamagitan ng ugnayang ang napiling aplikasyong pangmedia na maaring katulad ng wireless o tulong ng signal na ginawa ng mga kompanyang aplikasyong ginagamit ng decoder pangtelekomunikasyon 4. Kapag mayroong koneksyon ang encoder matagumpay 5. Ang mensaheng natanggap ng decoder ay pipiliin at na maihahatid ang mensahe at ang mensaheng ito ay uunawain. mapoproseso gamit ang aplikasyon na gamit ng decoder sa kanyang gadyet 6. Nilalapatan ng angkop na tugon na ihahatid sa encoder gamit ang tulad na aplikasyong pangmedia. Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Video Conferencing § Ang video conferencing ay isang “live” na koneksyon sa pagitan ng mga tao sa magkakahiwalay na mga lokasyon para sa layunin ng komunikasyon, kinasasangkutan ito ng audio pati na rin ng video. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng full motion video kasabay ng paglalahad ng mga teksto, larawan at vidyo upang talakayin ang paksang napagkasunduan. § Maaaring pabilisin ng video conferencing ang mga proseso at pamamaraan ng komunikasyon sa parehong paraan kung paano napabilis ng e-mail ang pagbabahagi ng impormasyon. § Ang pinakakaraniwang dahilan sa paggamit ng video conferencing ay para makatipid sa gastos at oras ng paglalakbay. § Kalimitang ginagamit ang wikang Ingles sa video conferencing sapagkat masasabing ang kataasan ng mga gumagamit ng ganitong paraan ay nasa linya ng komersyo o pagnenegosyo. § Ilan sa mga libreng aplikasyon na ginagamit as video conference ay Google Meet, Zoom, Microsoft Teams, Google Hangouts Dela Pena, JM. at Nucasa,. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Video Conferencing § Propesyunal na tono ng wika ang ginagamit sa video conferencing sa kadahilanang ibat-ibang profesyon at lahi ang ating nakakausap o nakakasalamuha sa digital na pamamaraan. § Ginagamit din ang video conferencing sa personal na aspeto at pakikipag-ugnayan. § Maaari itong gamitin sa pakikibalita o pangangamusta at pakikipagkwentuhan sa ating mga kamag-anak, kaibigan o minamahal na nasa malalayong lugar. § Sa panahon ngayon na laganap ang work-from-home set up, madami sa mga pagpupulong ng iba’t ibang organisasyon mula sa mga kompanya at paaralan ay gumagamit ng video conferencing. Video Conferencing Adbentahe ng Video Conference 1. Maaaring isagawa ang video conferencing sa anumang oras ng araw 2. Katipiran sa paglalakbay – gastos, paghahanda, oras at pagod 3. Madaling pamamaraan ng Komunikasyon 4. Nadadagdagan ang pagiging produktibo 5. Eksposyur sa dominanteng wika na ginagamit sa pakikipag-ugnayan na maaaring maging instrumento upang maiangat ang kaalaman sa ibang wika o lenggwahe Video Conferencing Hamon sa pagsasagawa ng Video Conference 1. Kakulangan sa personal na pakikipag ugnayan 2. Mga Isyung Teknikal 3. Pagkakaiba-iba ng oras (Timezone) 4. Mahal na gastos para sa setup (devices) 5. Language Switching na maaaring makaapekto sa dalas (frequency) ng pagagmit ng sarili o katutubong wika Komunikasyon sa Social media Kasabay ng mabili na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming naiimbentong platform upang makipag-ugnayan Ilan sa mga ito ang Twitter, Facebook, Instagram, Yotuube at iba pa Sa katunayan ayon sa Rappler (2015), tintayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa Facebook pa lamang. Ayon pa rin sa ulat ng Rappler, itinuturing na pundamental na pangangailangn ng mga Pilipino ang pagiging online. Bagamat pinadadali ng social media, pinalalabnaw naman nito ang kalidad ng mga relasyon Nagiging disposable ang mga relasyon dahil sa availability ng iba pang posibleng partner Sanggunian Dela Pena, JM. at Nucasa,. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing House Cambridge Dictionary.(n.d.).Inakses sa https://bit.ly/2OaQeuE Effective Lectures. (n.d.). Iowa State University.https://bit.ly/3ix4ZWo Arnold, K. (n.d.).The Definition of a Panel Discussion.Powerful Panels.https://bit.ly/38vZV03