Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by MindBlowingConnemara7788
Tags
Related
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF
- Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KPWKP) Midterms PDF
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- Q1-KOMUNIKASYON-AT-PANANALIKSIK 2024-2025 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
Summary
This document discusses various language situations in the Philippines, covering mediums such as television, radio, newspapers, films, social media, and the internet. It explores the role of Filipino and other languages in these platforms, and touches on language use in trades and education.
Full Transcript
FIL Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas TELEBISYON - Itinuturing na pinakamakapangyarihang mass media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. - Halos lahat ng mga palabas sa mga lokal na cha...
FIL Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas TELEBISYON - Itinuturing na pinakamakapangyarihang mass media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. - Halos lahat ng mga palabas sa mga lokal na channel (teleserye, mga pantanghaliang palabas o mas kilala bilang noontime show, news and public affairs, dokumentaryo, reality tv, programang pang-showbiz, at programang pang-edukasyon.) RADYO - Walang larawan, video, o makikitang mukha sa radyo tanging tinig lamang ang maririnig mo. - Ang radyo ay binubuo ng AM(Amplitude Modulation) kung saan mga seryosong usapin ang maririnig dito tulad ng DZMM samantalang ang nagbibigay libang sa mga tagapakinig naman tulad ng MOR, YES FM at iba pa ang FM (Frequency Modulation) - Filipino at iba’t ibang barayti nito ang nangungunang wika sa radyo ngunit gumamit ng wikang Rehiyonal para sa mga lalawigan. DIYARYO - isang uri ng printed media kung saan inilalahad ang mga detalye sa paraang pasulat. - May dalawang uri ng dyaryo ang Tabloid at Broadsheet. Wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at mas pormal ang gamit ng mga salita (Philippine Star, Manila Bulletin, at Daily Inquirer) at wikang Filipino naman sa Tabloid maliban sa People’s Journal at Tempo (Bulgar, Ngayon atbp.) - nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong makaakit kaagad ng mambabasa. - Filipino at Ingles ang umiiral na wika sa dyaryo ngunit dahil mas pangmasa ang tabloid ay nagunguna pa rin ang Filipino at iba’t ibang barayti nito. PELIKULA - Pinipilahan pa rin naman ang mga lokal na pelikula bagaman mas maraming ipinalalabas na banyagang pelikula sa ating bansa taon-taon Gumagamit ng wikang Filipino ang mga lokal na pelikula na mainit ding tinatangkilik ng manonood. SOCIAL MEDIA AT INTERNET - Itinuturing na biyaya ang Social media sapagkat mas napadadali nito ang pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Makikita dito ang larawan , may video at maririnig ang boses dito ng taong nagsasalita. Facebook, twitter, Instagram at Skype ang ilan sa mga halimbawa nito. - Filipino at iba’t ibang barayti nito ang nangungunang wika rito. - Bagaman Ingles ang kadalasang wika, may mga impormasyong ding nasusulat sa wikang Filpino. TEXT - Isa sa pinakamadalas gamitin sa pakikipagkomunikasyon ang text sapagkat mas mura ito kaysa sa tawag. Pagpapadala at pagtanggap ng SMS ay isang halimbawa ng text. - Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas binabago o pinapaikli ang baybay ng mga salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo, ito ay tinatawag na daglat. Hal. OTW, SML, JWU,FFTB. KALAKALAN - Wikang Filipino ang kadalasang ginagamit sa mga maliliit na korporasyon at sa mga simpleng uri ng kalakalan ngunit sa malalaking korporasyon ay Wikang Ingles lalo’t higit ito ay kadalasang pagmamay-ari ng mga dayuhan.Wikang Ingles din ang ginamit sa pagsulat ng dokumento tulad ng memo, at kontrata. PAMAHALAAN - Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Naging mas malawak ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan. Ito ang naging kontribusyon ni dating Pangulo Cory Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan. EDUKASYON - Sa mababang paaralan ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura dahil sa pagpapatupad ng Mother Tongue Based-Multilingual Education. Sa mas mataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles at Filipino bilang wikang panturo. KULTURANG POPULAR PICK UP LINES - makabagong bugtong kung saan tatanungin ang isa tapos saka sasagot ng bakit at saka na ilalahad ang kanyang banat. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig at magpangiti sa dalagang nililigawan ngunit kalaunan ito ay hindi na lang nagpapakilig, maaari naring korni at pang-asar. Mas lalo pa itong sumikat dahil sa “Bubble Gang at aklat na “Walang Forever” HUGOT LINES - mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, masakit o minsa’y nakaiinis. Maari din itong tawaging love lines. Nagsimula ito dahil sa mga pelikulang may mga linyahang tumatagos sa puso. FLIP TOP - Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Walang espisipikong paksang pinagtatalunan, at kadalasang hindi pormal na wika ang ginagamit. Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal - Pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. PONEMA - Tawag sa makabuluhang yunit ng tunog at ponolohiya ang tawag sa maagham na pag- aaral ng mga ito - Nahahati sa ponemang segmental at ponemang suprasegmental ang mga makahulugang tunog sa ponolohiya sa wikang Filipino PONEMANG SEGMENTAL - tawag sa makahulugang tunog o inirerepresenta ng simbolo at mga titik na maaaring katinig o patinig at nagsisilbing gabay sa pagbigkas. DIPTONGGO (AW, IW, AY, EY, IY, OY) - Ikinakabit sa unahan ng malapatinig na /w/ at /y/ ang ponemang katinig Hal: galaw, giliw, baboy, reyna, at kahoy. KLASTER - Tawag sa kambal-katinig na magkasama sa isang pantig sa salita. Hal: plato, kard, plantsa, braso, suplada, kwarto, etc. PARES-MINIMAL - Tawag sa pares ng mga salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon (Santiago at Yangco, 2003) Hal: /pi-to/ - /pa-to/, /me-sa/ - /mi-sa/, /o-so/ - /u-so/ PONEMANG SUPRASEGMENTAL - tunog na may pagsasaalang-alang sa katiyakan ng paraan ng pagbigkas tulad ng tono (pitch), haba (length), diin (stress), at antala / hinto (juncture). PONOLOHIYA O PALATUNUGAN Pagpapalitan ng D at R - Nagaganap ang pagpapalit bg D sa R kapag napangungunahan ang D ng isang pantig o salita na nagtatapos sa patinig. - Patinig + salitang ugat na D=D – R - Katinig + salitang ugat na D=D – D Dito ay nagiging narito pero mananatiling D kapag nandito. Hal: - Ma + dapat = marapat - Ma + dunong = marunong - Ang pagpapalit ng D sa R ay nagaganap sa mga din, rin,daw,raw, rito at dito. - Magiging R ang D kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y. Halimbawa: masaya rito, ayoko raw, bahay roon, sabaw rin - Magiging D ang R kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa ra,re,ri,ro,ru. - Halimbawa: magaling dito, sapat daw, basura doon, ayos din MORPEMA - mabubuong salita mula sa makabuluhang tunog. - MORPOLOHIYA - tawag sa pag-aaral ng mga morpema. - Isang morpema ang kataga na iisahing pantig lamang at walang kahulugan kapag nag-iisa, ngunit nakadaragdag ng diwa kapag isinasangkap sa pangungusap. Ang mga ingklitik / enklitiko ay isang halimbawa nito. (ba, po, ha, na, nga, din, rin, man, daw, raw) - Morpema rin ang mga panlapi sapagkat ang mga ito’y may taglay na kahulugan. Halimbawa: - Ka – nangangahulugang kasama o pagkakaroon ng relasyon (kausap, kaugnayan, kamag- anak, kasama) - Tag- nagsasaad ng panahon at pagkakataon (tag-ulan, taglamig,tagtuyot) - Ma – nangangahulugang mayroon o kaya marami (mabigat, mahaba, mataas) - Pala – nangangahulugang ginagawa (palabasa, palaiyak, palatanong) - Mala- nagpapahayag ng pagtutulad (malarosa, malapagong, malabulak) - Ang mga morpemang salitang-ugat nama’y karaniwang dadalawahing pantig at maituturing na pinakaina ng mga salita (Arrogante et.al, 2007) Ito ay mga salitang payak at mga walang panlapi (Santiago at Tiangco, 2003) PAGLALAPI - Unlapi (umibig) / gitlapi (bumuo) / hulapi (bigayan) PAG-UULIT - Parsyal o di ganap (aalis, bababa) / ganap na pag-uulit (sino-sino, araw-araw) / magkahalong parsyal at ganap (susulyap-sulyap, sasayaw-sayaw) PAGTATAMBAL - Malatambalan o nananatili ang kahulugan ng bawat salita (bahay-aliwan, silid-aralan / tambalang ganap o may pagbabago sa kahulugan – bukaspalad, anakpawis) PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 1. ASIMILASYON - Pagbabagong nagaganap sa (pang) dahil sa impluwensya ng salitang kasunod nito. Gayundin ang mang, man at mam - Pagbabagong nagaganap sa (pang) dahil sa impluwensya ng salitang kasunod nito. Gayundin ang mang, man at mam - (pang)+ nagsisimula sa (p) o (b) ay magiging pam Halimbawa: pampaaralan, pampito, pambayan - (pang)+ nagsisimula sa (d,l,r,s at t) ay magiging pan Halimbawa: panrehiyon, panlalawigan, pansawi, pantawag - (pang)+ mga natitirang letra at pantinig at mananatiling pang Halimbawa: panggawa, labing-isa, pang-anim - Magiging ganap lamang ang asimilasyon kapag nawawala ang unang ponema at napapasama na sa kasunod. o pang+Pasko = pampasko = pamasko o pang+pasok = pangpasok = pamasok o pang+suklay = pansuklay = panuklay 2. PAGPAPALIT NG PONEMA - Ang nagaganap na pagbabago o pagpapalit ng ponema sa pagbuo ng salita. Hal: 1. Ang /d/ - /r/ (lakad + an= lakadan = lakaran , Ma + dami= madami= marami) 2. Ang /e/ - /i/ Ka + lalake + an = kalalakehan – kalalakihan 3. Ang /o/ - /u/ Payo+an= payohan – payuhan 3. PAGKAKALTAS NG PONEMA - Ang nangyayari kapag kinakaltas ang huling ponema ng salitang-ugat na kinakabitan ng hulapi Hal: 1. Takip + an = takipan = takpan 2. Tikim + an = tikiman = tikman 4. METATESIS - ang pagbabago kapag nagkakapalit ng posisyon ang /l/ o /y/ na simula ng salitang-ugat at /n/ sa gitlapig – in na ikinakabit sa nasabing salitang ugat. Hal: - In + lukso = linukso = nilukso - In + lakbay = linakbay = nilakbay Sa paglilipat-ddin, nagbabago ang diin ng mga salita kapag nilalapian. Hal: 1. Inom+an= inuman 2. Laro+an= laruan 3. Palipad+an= Paliparan 5. SINTAKS - pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay, at mga pangungusap. PARIRALA - lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at paksa. Hal: para sa amin, bilhan ng bahay, mabait na guro, mahinang magsalita SUGNAY - kalipunan ng mga salita na may panaguri at paksa, may buong diwa at maari din namang wala. PANGUNGUSAP - maaaring salita / sambitla (sambit lamang) o lipon ng mga salita na may buong diwa. 6. SEMANTIKA - pag-aaral sa kahulugan ng salita o anumang pahayag. - Nakapaglalahad ng kahulugan sa pamamagitan ng denotasyon, konotasyon, intension, at ekstensyon - DENOTASYON - tahas o literal at may pagbibigay ng mismong tinutukoy o referent - KONOTASYON – pag-uugnay ng ibang kahulugan at talinghaga SALITA DENOTASYON KONOTASYON Hayop na mapanganib na Ganid, sakim o matakaw Buwaya nasa uring reptilya Plastik Sisidlan ng ilang bagay Mapagpanggap Lumisan Umalis Namatay - INTENSYON – pagtukoy sa konsepto - EKSTENSYON - pagtukoy sa pamamagitan ng pangkaisipang imahe ng binibigyang- kahulugan SALITA/PARIRALA/PAHAYAG INTENSYON EKSTENSYON Tawag sa Dr. Efren R. Abueg dalubguro nagpakabihasang guro sa kolehiyo o unibersidad Binabasa-inuunawang Komunikasyon sa aklat kagamitan sa larangang Akademikong Filipino pang-akademiko ILANG TUNTUNING PANG-ORTOGRAPIYA PANTIG AT PALAPANTIGAN - Ang inuulit ay ang unang pantig sa salitang ugat maliban sa Kailanman ay hindi inuulit ang pantig sa panlapi maliban sa may unlaping may tunog na “g”. Hal: nakaaapekto, nakalulungkot, makaaalis, nakayayamot – pagpapaplantsa, magpiprito PAGBABAYBAY - Sa pag-uulit ng salitang ugat na nagtatapos sa patinig na /e at o/ ay hindi pinapalitan ng /I at u/ maaaring kabitan ng pang-ugnay na /ng/ at nilalagyan ng gitling sa pagitan ng salitang ugat. Hal: berde = berdeng-berde, karne=karneng-karne, ano= ano-ano, sino= sino-sino - Kapag nilalapian ang /e at o/ ay magiging /o at u/. Hal: duguan, kababaihan, sinuman, batuhin - Hindi ginagamitan ng gitling kapag inuulit na salita ngunitito ay pangngalan. Hal: paruparo, gamugamo at haluhalo. MGA BANTAS GITLING (-) Ginagamit sa pag-uulit ng salitang ugat o mahigit sa pantig ng salitang ugat. - araw- araw, isa-isa, sari-sarili, dala-dalawa Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig. - pag- ibig, pag-asa, nag-aral, mag-uwi, tag-init, tig- isa hindi nilalagyan ng gitling ay patinig+patinig, katinig+katinig at patinig+ katinig. - Alaala, maasim, aabutin, naglakad, magkaibigan, pinakamabangis, nakapakahusay Kapag may unlapi ang panggalang pantangi - taga- Aklan, maka-Rizal, mag-Sprite, naka-Toyota Kapag may unlapi ang hiram na salita. - naka-laptop, mag-softdrinks, nag-text, mag-chat, i-like Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal. - lakad-pagong, bahay-aliwan, urong-sulong, lipat- bahay. Hindi ginagamitan ng gitling kapag dalawang salitang pinagsama at may nabuong ibang kahulugan. - Hampaslupa, bahaghari Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang. - Ika- 2 ika- 4 ika- 10 Hindi ginagamitan ng gitling kapag inuulit na salita ngunit ito ay panggalan. - paruparo, gamugamo at haluhalo, diddib, dingding KUDLIT(’) Ginagamit kapag may nawawalang letra sa mga salita ngunit may mga salitang hindi na nilalagyan ng kudlit kahit may nawalang letra. - Sa’yo, ‘wag, ‘pag, ‘di, n’yo, ‘yong Hindi wasto ang salitang yung, yun, ganun, dun Kapag inaalis ang titik a sa at at ay. Iba’t iba, tokwa’t baboy, isa’t isa, animo’y WASTONG GAMIT NG MGA SALITA a. PAGGAMIT NG NANG AT NG NANG Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit o pandiwang inuulit. - Sayaw nang sayaw , ikot nang ikot, basa nang basa, magsikap nang magsikap Pag-ugnay sa pandiwa at pang-abay na pamaraan. - Lumakad siya nang dahan-dahan. - Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim. Ibang salita sa noong, upang at para - Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya. - Nang siya ay umalis sa kanilang baryo ay lubusang nasaktan ang kanyang mga kaibigan. - Hugasan mong mabuti nang maawala ang sebo sa plato. Kapag katabi ng salitang maaga. - Uuwi ako nang maaga bukas. - Dumating ka nang maaga bukas. Sumasagot sa tanong na paano. NG Ang ng ay ginagamit bilang pang-ukol sa pagpapahayag ng pag-aari. - Ang pagkain ng aso ay nakalagay sa loob ng kahon malapit sa bintana. - Masayang pumunta sa simbahan ang mga magulang ng mga bata na aking inalagaan. - Ang karapatan ng mamamayan ay dapat pinangangalagaan. Ang ng ay ginagamit bilang pang-ukol sa pagpapahayag ng pag-aari. - Ang pagkain ng aso ay nakalagay sa loob ng kahon malapit sa bintana. - Masayang pumunta sa simbahan ang mga magulang ng mga bata na aking inalagaan. - Ang karapatan ng mamamayan ay dapat pinangangalagaan. Pananda ng tagaganap ng pandiwa sa pangungusap. Pinangaralan ng ina ang kanyang anak. Itinanong ng kaniyang pinsan kung saan siya nag-aaral. Pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng pandiwa. Gumagawa siya ng takdang-aralin. Sumasagot sa tanong na ano. a. PAGGAMIT NG PAHIRIN AT PAHIRAN Pahirin- Kilos na nangangahulugan ng pag-aalis o pagpawi sa isang bagay. Pahiran- Kilos na nangangahulugan ng paglalagay ng kaunting bagay. - Pahirin mo ang pawis ng iyong kapatid. - Pahiran mo ng Vicks ang aking likod. b. PAGGAMIT NG SUBUKIN AT SUBUKAN Subukin- Nangangahulugang tingnan ang kalagayan o ayos, o kaya ay susuruin at siyasatin ang kalagayan ng tao o anyo at ayos ng bagay. Subukan- Tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o kaya ay mag manman o maniktik. - Subukin natin ang lasa ng bagong mantikilyang ito. - Subukan mo kung saan niya itatago ang kaniyang dala-dalahan. c. PAGGAMIT NG PINTO AT PINTUAN - Pinto - Bahagi ng gusali na siyang isinasara at ibinubukas. Pintuan- Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto. - Kumatok ka sa pinto bago ka pumasok - Maluwang ang kanilang pintuan d. HAGDAN AT HAGDANAN - Hagdan - mga baitang na inaakyatanat binababaan sa bahay o gusali. - Hagdanan - bahagi ng bahay o gusali na kinalalagyan ng hagdan. e. BITIWAN AT BITAWAN Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang ugat ay bitiw at hindi bitaw. Ang bitaw sa pagsasabong ng manok at ang bitiw ay pag-alis sa pagkakahawak. - Bitiwan mo ang kamay ko, nasasaktan ako. - Bitiwan mo ang hawak mo para hindi ka mahirapan. f. WALISIN AT WALISAN Walisin ay tumutukoy sa bagay na aalisin at ang walisan ay sa lugar na may rumi. Gayundin ang punasan at punasin. - Walisin mo ang kalat sa ilalim ng lamesa. - Walisan mo ang hagdan. g. KILA AT KINA Walang salitang kila, ang kina ay maraming kay. - Pakidala ng mga laruang ito kina Aira at Fe. - Makipag-usap kayo kina Vic at Nora. h. LIKOD AT LIKURAN Ang likod ay tumutukoy sa bahagi ng katawan at ang likuran ay ang kung anumang sunod sa likod. - Pakilagyan ng langis ang aking likod. - Pumunta ka sa likuran ng bahay. i. WALANG SALITANG NALANG. ITO AY DALAWANG SALITANG NA AT LAMANG/LANG. j. MAGKAIBA ANG KAHULUGAN NG PALANG AT PA LANG/ PA LAMANG Ang palang ang nagmula sa salitang pala at ang pa lang ay nagmula sa pa at lang. - Ayoko palang sumama sa inyo. - Ako pa lang ang narito sa paaralan. k. MALI ANG SALITANG KESA ANG WASTO ANG KAYSA. l. MALI ANG MERON ANG WASTO AY MAYROON Kakayahang Pragmatik at Istratedyik KAKAYAHANG PRAGMATIK - natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at ‘di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit ng konteksto. KAKAYAHANG ISTRATEDYIK - kakayahang magamit ang berbal at ‘di berbal ng komunikasyon upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan p maisaayos ang mga puwang sa komunikasyon. URI NG KOMUNIKASYON BERBAL - ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mesahe. ‘DI BERBAL - kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahatid ng mensahe. 1. CHRONEMICS - Oras. - Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibatan ng mensahe. Hal: Ang pagdating nang huli sa isang klase ay maaaring isiping ito ay kakulangan sa disiplina batay sa pagtingin sa oras. 2. PROXEMICS - Espasyo. - May kahulugan din ang mga espasyong inilalagay natin sa pagitan n gating sarili at ng ibang tao. Hal: Iba ang layo ng pakikipag-usap mo sa iyong guro kaysa sa iyong kasintahan. 3. KINESICS - Galaw ng katawan. - Ang ating tindig at kilos ay maaari ding magsalita para sa atin. Hal: Kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng sasakyan sa daan o pagkumpas ng guro sa pagpapatahimik ng mga bata 4. HAPTICS - Pandama - Pag-aaral ng pandama sa pagpapahatid ng mensahe. Hal: Pagtapik sa balikat, ang paghablot, pahkamay, o pagpisil. 5. ICONICS – Simbolo - Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw na mensahe. Hal: simbolo ng bawal manigarilyo, larawang guhit ng babae at lalaki sa palikuran 6. COLORICS - Kulay - Ang kulay ay maaari ding magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Hal: Ibigsabihin ng dilaw, berde at pulang ilaw, pagpapahiwatig ng puting bandera at pagsusuot ng itim na damit. 7. PARALANGUAGE - Paraan ng pagbigkas ng isang salita. Nakapaloob din dito ang pagbibigay-diin sa mga salita, bilis ng pagbigkas. Hal: pagbigkas ng OH sa iba’t ibang paraan. 8. OBJECTICS – Bagay - Paggamit ito ng bagay sa paghahatid ng mensahe. Hal: pagpapahayag ng pag-ibig sa pamamagitan ng bulaklak, baril ng mga pulis at holdaper 9. OCULESICS - Mata. - Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe. Sinasabing ang mata ay ang durungawan ng kaluluwa. Nakikita sa galaw ng mata ang nararamdaman natin. Hal: Panlilisik, pamumungay,pagkindat, at panlalaki ng mata 10. OLFACTORICS - Pang-amoy. - Nakatuon naman ito sa paggamit ng ilong o pang-amoy. Hal: paglalagay ng pabango kapag may pupuntahan 11. PICTICS – Mukha - Pag-aaral ng ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe. Ang ekspresyon ng mukha ay kadalasang nagpapakita ng emosyon kahit hindi sinasabi. Hal: Makikita sa mukha ay masaya, malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan, galit at nalilito. 12. VOCALICS - Paggamit ito ng tunog, maliban sa pasalitang tunog. Hal: pagbuntong-hininga, pag-tsk-tsk, at pag-ehem. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO - kakayahan na gumamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit. Dell Hymes (lingguwista) magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga dapat isaalang-alang." MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON (SPEAKING acronym) 1. SETTING - Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan. - Ang lugar ay malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan 2. PARTICIPANT - Ang mga taong kabilang sa usapan o taong nakikipagtalastasan. - Isinasa-alang-alang din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kauusapin. Dapat ding pabago-bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong kausap o ‘di kaya ay sinusulutan. 3. ENDS - Layunin o pakay ng pakikipag-usap. - Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin sa pakikipag-usap, sapagkat kailangan nating makumbinsi ang ating kausap o kakausapin. Samakatuwid, nararapat na isaalang- alang ang layunin natin upang maiangkop natin ang paraan ng ating pakikipagtalastasan. 4. ACT SEQUENCE - Ang takbo ng usapan. - Bigyang pansin kung ano ang nangyayari sa pag-uusap o matutong makiramdam. Ang isang mahusay na komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan. 5. KEYS - Tono ng pakikipag-usap. - Nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal at ‘di pormal. Wala sigurong magkakagusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa isang pormal na okasyon. 6. INSTRUMENTALITIES - Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. - Inaangkop natin ang midyum na gagamitin sa kung ano ang sasabihin natin at kung saan natin ito sasabihin. 7. NORMS - Paksa ng usapan. - Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga sensitibong bagay na kung minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman. Sa mga ganitong sitwasyon, suriin muna natin kung ang ilalahad natin ay tama o hindi. 8. GENRE - Diskursong ginamit. - Nagsasalaysay, nakikipagtalo, naglalarawan, o nagpapaliwanag. Dapat iangkop at malaman din niya kung ano ang genre na gagamitin. Madalas, bunga ng miskomunikasyon sa genre, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. KAKAYAHANG DISKORAL - tumutukoy sa kakayahan ng tao na maipabatid ang isang ideya o impormasyon tungkol sa isang paksa na may organisayon at kahusayan sa gramatika. DISKURSO - tumutukoy sa paraan ng pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat man o pasalita. - KAKAYAHANG PANGWIKA - tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng wika. - PASALITANG DISKURSO, mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektuhan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo. - PASULAT NA DISKURSO mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pagkaunawa ng tatanggap nito. URI NG DISKURSO 1. PAGLALARAWAN (DESCRIPTIVE) - naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdam ng isang tao at hayop. Pang-abay at pang-uri ang mga ginagamit sa paglalarawan. 2. PAGSASALAYSAY (NARRATIVE) - Ang pasalaysay ay isang diskursong nagkukwento ng mga kaganapan maging sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang kaniyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao. 3. PAGLALAHAD (EXPOSITORY) - isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon. PAMAMARAAN NG EPEKTIBONG PAGLALAHAD TATLONG URI NG PAGSUSUNOD-SUNOD - Pagbibigay ng kahulugan - Sikwensyal na Pagkakasunod-sunod - Pag-iisa-isa - Kronolohikal - Pagsusunod-sunod - Prosidyural 4. PANGANGATWIRAN (ARGUMENTATIVE) - dapat ay makuha ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento. Kailangan ang mapalawak na kaalaman sa pinagtatalunang isyu at may kakayahang maiayos ang kaisipan upang magamit sa pangangatwiran at nang ganoon ay mapanindigan ang kanyang argumento. Hal: Pagtatalo o debate Bahagi ng Pananaliksik KABANATA I INTRODUKSYON - isang maikling talang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa. LAYUNIN NG PAG-AARAL - Inilalahad ang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL - Inilalahad ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan. PAGLALAHAD NG SULIRANIN- Dito isinisiwalat ang mga suliraning nais masolusyunan. Dito babanggitin ang mga suliranin sa anyong patanong. SAKLAW AT LIMITASYON - Tumutukoy ang simula at hagganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik. KABANATA II KAUGNAY NA LITERATURA Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sino-sino ang mga may-akda na naunang pag-aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinapaalam dito ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng paksa. Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin ay bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding gumamit ng mga pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan. Obhetibo at nauugnay sa pag-aaral. KABANATA III- METODOLOHIYA PAMAMARAANG GINAMIT- dito matutukoy kung kwantitatibo o kwalitatibo ay gagamitin sa pananaliksik. RESPONDENTE- Tinutukoy ang mga tutugon sa katanungan o kung sino sila, kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK- inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. KABANATA IV- PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa papamagitan ng grapik na presentasyon o grapikong paglalarawan. KABANATA V- LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON LAGOM- binubuod ang mga datos at imporamasyong nakalap ng mananaliksik ng komprehensibong tinalakay sa Kabanata IV. Ito rin ang nag sisilbing paglalahat o generalisasyon. KONGKLUSYON- Interpretasyon ng pangkalahatang pahayag. Paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik REKOMENDASYON- Mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik. BIBLIYOGRAPIYA/LISTAHAN NG SANGGUNIAN Isang kumpletong listahan ng lahat ng sanggunian ng lahat ng nakalap na datos. MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA PAKSA- pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag-isipang paksa. Mahabang panahon ang iginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman, makabubuting napag-isipanng Mabuti ang paksang tatalakayin bago magkaroon ng pinal na desisyon. 1. ALAMIN KUNG ANO ANG INAASAHAN O LAYUNIN NG SULATIN - Mahalagang malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ay iyong gagawin. 2. PAGTATALA NG POSIBLENG MAGING PAKSA PARA SA SULATING PANANALIKSIK - Pag-isipan ang paksang malapit sa puso mo. Isulat mo lahat ng ideyang papasok sa isipan mp para marami kang pagpipilian. Huwag mong limitahan ang isusulat. 3. PAGSUSURI SA MGA ITINALANG IDEYA - Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya. 4. PAGBUO NG TENTATIBONG PAKSA 5. PAGLILIMITA SA PAKSA - Maaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus sa gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi matatapos sa takdang panahon. Iwasang maging lubha naman itong limitado na halos wala ka nang pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik. MGA TIPS O PAALALA SA PAGPILI NG PAKSA INTERESADO KA O GUSTO MO ANG PAKSANG PIPILIIN MO - Mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin. Paksang napapanahon. MAHALAGANG MAGING BAGO O NAIIBA AT HINDI KAPAREHO NG MAPIPILING PAKSA NG MGA KAIBIGAN MO - Malaking bagay kung bago o naiiba ang napili mong paksa para maging kapaki- pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip nap ag-uulit lang sa anuman ang natuklasan ng ibang mananaliksik. MAY PAGKUKUNAN NG SAPAT AT MALAWAK NA IMPORMASYON - Habang pumipili pa lamang ng paksa ay pag-isipan na kaagad kung saan-saan o kung sino- sino ang panggagalingan ng mga impormasyong isasama sa bubuoin. MAARING MATAPOS SA TAKDANG PANAHONG NAKALAAN - Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng Gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng pagpasa.