Modyul ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Preliminary)
Document Details
Uploaded by Deleted User
St. Vincent College of Science and Technology
Harold Ardeña, LPT
Tags
Summary
This document is a module on communication in Filipino. It discusses the historical evolution of the Filipino language. It also highlights the importance of the Filipino language and its usage in different situations.
Full Transcript
ST. VINCENT COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cagamutan Norte, Leganes, Iloilo - 5003 Tel. # (033) 396-2291 ; Fax : (033) 5248081 Email Address : [email protected]...
ST. VINCENT COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cagamutan Norte, Leganes, Iloilo - 5003 Tel. # (033) 396-2291 ; Fax : (033) 5248081 Email Address : [email protected] COO – FORM 12 SUBJECT TITLE: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO INSTRUCTOR: HAROLD ARDEÑA, LPT SUBJECT CODE: FIL1 PRELIM MODULE Topic 1: KOMUNIKASYON AT WIKA MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay: 1.maipagmamalaki ang filipino bilang wikang pambansa; 2.matukoy ang ibat-ibang basehan ng wikang filipino; 3.magamit ang mga antas ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. MGA NILALAMAN: a. ANG WIKA NG MGA PILIPINO AY FILIPINO May kanya-kayang wikang pambansa ang bawat bansa. Ang Pilipinas na itinuturing na isang bansang may kasarinlan, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang wikang Filipino. Lubhang mahalaga na magkaroon tayo ng wikang pambansa. Bakit? Ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalubwika mula sa Malayo-Polinesya, “Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansang panggalang at pagkilala sa sarili.” Mga Batayan ng Wikang Pambansa Mababakas sa mga batas na ito ang kasaysayan ng wika, mga taong may kaugnayan at naging bahagi sa pagbuo ng ating wikang pambansa at mga hakbang na naisagawa upang maisakatuparan ang layunin: ang magkaroon ng Wikang Pambansa. 1. Saligang Batas ng 1897 – nilagdaan ni Pangulong Aguinaldo sa Biyak-na-Bato, pinagtibay na ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng pamahalaang Pilipinas. 2. Saligang Batas 1935 - ang Kongreso ay magpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan. 3. Komonwelt Blg. 184 Okt. 27, 1936 – itinagubilin ni Pang. Manuel L. Quezon ang paglikha ng ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na siyang gagawa ng pag- aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas sa layuning makabuo ng Wikang pambansa. 4. Nobyembre 13, 1936 – ang Batas Komonwelt ay lilikha ng Surian ng Wikang Pambansa kasama na ang tungkulin nito. Tungkulin at Gawain ng Surian ng Wikang Pambansa a. Pag-aralan ang mga pangunahing wika sa Pilipinas. b. Pag-aralan ang mekanismo ng paggamit ng wika at ortograpiya. c. Paghambingin at pag-aralan ang mga pangunahing dayalekto. Page 1 of 27 d. Gumawa ng panukatan na siyang basehan sa pagpili ng Wikang Pambansa. Ang mga panukatang nabuo na siyang basehan sa pagpili ng Wikang Pambansa. Ang wika ay dapat na ginagamit ng nakararami lalo na sa kamaynilaan (ito ang sentro ng kalakalan at edukasyon). Ang wika na ito ay siyang pinakagamitin sa pagsulat ng panitikan at pahayagan. Ang wika na ito ay siyang pinakamaunlad sa balangkas at mekanismo. Ang wika na ito ay siyang madaling maintindihan at maunawaan ng mga Pilipino. Bunga ng pag-aaral: Tagalog ang napiling maging batayan ng Wikang Pambansa. Kaya ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) - Sa pamamagitan ng Kautusang ito ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Mga Dahilan kung Bakit Tagalog ang Napiling Maging Batayan ng Wikang Pambansa a. Ito ang may pinakamayamang talasalitaan (30,000 salitang-ugat at 700 na panlapi). b. Malaki ang pagkakahawig nito sa ibang wika. 59.6% - Kapampangan 49.2% - Cebuano 46.5% - Hiligaynon 39.5% - Bikol 31.1% - Ilokano c. Ang Tagalog ay mayaman sa salita, dumadami ito sa pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal. d. Tagalog ang ginagamit sa Maynila. e. Pinakamadaling pag-aralan, bigkasin at matutuhan ang Tagalog. f. Ang Tagalog ang may pinakamaunlad na panitikan. 5. Enero 12, 1936 – may mga hinirang si Pang. Mauel L. Quezon na kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa. Jaime C. de Veyra – (Waray-Samar) – Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) – Tagapangulo – Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago H. Fonacier – (Ilokano) – Kagawad Filemon Sotto – (Cebuano) – Kagawad Felix I. Salas Rodriguez – (Bisayang Hiligaynon) – Kagawad Casimiro F. Perfecto – (Bikol) – Kagawad Hadji Butu – (Muslim) – Kagawad Nob. 9,1937 – Batay sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang nakatugon sa kanilang pamantayan. 6. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 Disyembre 30, 1937 – Sa pamamagitan ng Kautusang ito ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. 7. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 Abril 1, 1940 - Paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. 8. Hunyo 19, 1940 - Ipinahayag pa ring ituturo ang Wikang Pambansa sa mga pribado at publikong paaralan sa buong Pilipinas 9. Abril 12, 1940 – Sirkular Blg. 26 serye 1940 – ang pagtuturo ng Wikang Pambansa ay sisimulan muna sa mataas na paaralan sa Paaralang Normal ng Pilipinas. 10. Batas Komonwelt Blg. 570 Hulyo 4, 1946 - nagkabisang nagproklama na Tagalog ang wikang opisyal ng Pilipinas. 11. Proklamasyong Blg. 12, Marso 26, 1954 – Ipinahayag ni Pang. Ramon Magsaysay ipagdiwang ang Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abr. 4, sakop ang araw ng kapanganakan ni Balagtas. 12. Proklamasyong Blg. 186, 1955 – Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyong Blg. 12 serye ng 1954 na ilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika Page 2 of 27 sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto, sakop ang araw ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon. 13. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, Agosto 13, 1959 - ibinaba ng Kalihim ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasabing ang wikang pambansa ay tatawagin nang “Pilipino”. 14. Pangkagawaran Blg. 24, Nob. 14, 1962 – iniutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipapalimbag sa Wikang Pilipino. 15. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, 1963 – ayon sa pag-uutos ni Pang. Diosdado Macapagal, ang pambansang awit ay awitin sa Wikang Pilipino. 16. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, Okt. 24, 1967 - Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. 17. Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan (letterheads) ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. 18. Kombensyong Konstitusiyonal, 1972 – Itinatag ang Committee on National Language na binubuo ng mga katutubong tagapagsalita at hindi katutubong tagapagsalita upang mamahala sa probisyong pangwika na isama sa Saligang-Batas ng 1973. a. Buwagin ang Pilipino bilang Wikang Pambansa. b. Pagdebelop ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. 19. Batas ng Pangulo Blg. 73, 1973 - Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng may limapung libong (50,000) mamamayan. 20. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang kautusang ito para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng paaralan na nagsisimula sa taong-aralin 1974-1975. 21. Kautusang Blg. 22, Hulyo 21, 1978 – nagtatadhana na ang Filipino ay magiging bahagi ng kurikulum sa kolehiyo. Simula taong 1979-1980, ang Filipino ay ituturo ng may anim na yunit: Filipino I – 3 yunit – Sining ng Pakikipagtalastasan Filipino II – 3 yunit – Panitikang Pilipino, Pahapyaw ng Kasaysayan at Piling Katha 22. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, 1987 - Batay sa nilagdaang ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas. 23. Batas Republika Blg. 7104, 1986 – Batas ng Komisyon sa Wikang Filipino. Narito ang ilang bahagi ng Batas Republika Blg. 7104. Sek. 3 Katuturan ng mga termino – narito ang kahulugan ng mga sumusunod na termino batay sa batas na ito: a. Komisyon - Komisyon sa Wikang Filipino. b. Tagapangulo – Tagapangulo ng Komisyon. c. Filipino - Wikang Pambansa ng Pilipinas. d. Mga wika ng Pilipinas – tumutukoy sa lingua franca o sa karaniwang sinasalitang wika ng rehiyon. e. Pangunahing wika – tumutukoy sa isang wikang sinasalita ng sangkalimpu (1/50) o 2% ng lahat ng Pilipino. f. Wikang Oksilyari – mga wikang dayuhan, maging opisyal man o hindi. Kailanman at nakaimpluwensiya sa mga katutubong wika at kultura sa isang kaantasan. g. Mga disiplina – iba’t-ibang larangan ng karunungan. Sek. 4. Paglikha ng Komisyon sa Wikang Filipino - May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas. Sek. 5. Pagkakabuo ng Komisyon – ang Komisyon ay bubuuin ng 11 komisyoner, ang isa sa kanila ay magsisilbing Tagapangulo. Kakatawanin ng mga komisyoner Page 3 of 27 ang mga pangunahing wika ng Pilipinas at apat man lamang sa mga komisyoner ang kakatawan sa iba’t-ibang disiplina. Mga Probisyong Pangwika sa Saligang Batas – 1987 Artikulo XIV Sektor 6 (1987) Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang malilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika Artikulo XIV Sektor 7 (1987) Ukol sa mga layunin ng Komisyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggat walang itinatadhana ang batas, ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Artikulo XIV Sektor 8 (1987) Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Artikulo XIV Sektor 9 (1987) Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t -ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili ng Filipino at iba pang wika. Deskripsyon ng Filipino Resolusyon Blg. 1-92, Mayo 13, 1992 – Ang deskripsyon ng Filipino ay: Ang Filipino ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika, at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryedad ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal at para sa paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.” Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, 1987 – nag-uutos ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas (elementarya, sekondarya at tertiarya) sa mga paaralan. Kaalinsabay ng Ingles bilang pagsunod sa patakaran ng edukasyong bilinggwal. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, 1987 - Ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisimbing ang atas ukol sa “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino”. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 355, 1988 - Ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatagubilin sa lahat ng departmento, tanggapan at ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, sa komunikasyon at korespondensiya. Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, 1990 – nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan nito. Memorandum ng CHED Blg. 59, 1996 - Pinalabas ng CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng kurso sa Filipino I - Sining ng Pakikipagtalastasan, Filipino II – Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina, at Filipino III – Retorika. Proklama Blg. 1041, 1997 – Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto ay magiging Buwan ng Wikang Filipino. Komisyon ng Wikang Filipino, 2001 - “2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”. b. MULTI-BASED ANG ATING WIKANG FILIPINO Gaya ng isinasaad sa ating Konstitusyon, ang ating wikang Filipino ay nakabase hindi lamang sa Tagalog kundi sa maraming wika natin at kasama ang Page 4 of 27 mga salitang banyaga na naging bahagi ng ating kultura at kabihasnan. Sa ganito ang wikang pambansa natin ay hindi lamang wika ng mga Tagalog, Cebuano, Kapampanan, Ilocano, Igorot, Muslim, at iba pa. Mga Wikang Pinagmulan ng Wikang Filipino 1. Mga Pangunahing Wika Bikol Kapampangan Ilokano Cebuano Pangasinan Samar-Leyte Hiligaynon Tagalog 2. Mga Diyalekto Agta Isneg Subanon Badjao Ivatan Kalinga Bukidnon Kankanai Tibuli Bontok Kuyanon Tingnan Guinaang Maguindanao Tiruray Ibanag Mangyan Tagbanua Inibaloi Mansaka Tausog Ifugao Samal Yakan Igorot Siangot/Siasi 3. Mga Dayuhang Wika Arabic Greek Swiss Argentinisian Hawaii Aztec Java Australia Japanese Chinese Latin Czechoslavakian Malay English Mexican Finland Russian French Sanskrit German Spanish Mga halimbawa ng mga salita mula sa: A. Dayuhang wika 1. French ballet buffet bulletin corsage champagne detour garage rendezvous sachet 2. Chinese abang hikaw kalaykay bulong kabisi bayaw kulo kantiyaw 3. English apply vocational canteen commander decision juice blow-out supermarket 4. German bacteria osmosis kategorya eukaliptus katarsis nectar 5. Hapon katana jujitsu sukiyaki judo bonsai tofu 6. Kastila kending kerida vagahe turon visita cuidad Page 5 of 27 pelikula servicio 7. Latin erata gastretis magna cum laude quorom vice versa ultimatum viva voce via crusis kandila 8. Malaysia dulang hilam hilaw wika karayom bato balik utak 9. Mexican kita kamote kakawate yaya balsa banka bayabas 10. Sanskrit haraya hari putong kaliko karma tumbaga kasumba katha B. Wikang Katutubo 1. Bikol hubog hawid tutong sipi hamtik dagsa hamot 2. Bontok ato olog kesep simpangili khiling 3. Hiligaynon abuhan agtang dulos gamat sakmal halad 4. Ibaloy bakak kaibang peshit 5. Ilokano abay agsyumon siksik inuruban surat 6. Isneg Apayao balakaw lapat lubo ilag basinalan tablan 7. Kapampangan tabang buli tampal dalan tabak 8. Maranao diod daya alop dirahan debaken 9. Pangsinan abeng panigo tambal Page 6 of 27 patopat iraw 10. Samar-Leyte namak natilawan nigo sanggot salag 11. Sebuano yakap sugba dagaw hakop halas handon 12. Subanon diwata genut gletin gliiyen 13. Sulu kalispis bugsay tungtong lunsay kulaw 14. Tausog alamat daya gangsa hangad kadlay c. ANTAS NG WIKANG FILIPINO Katangian ng wika ang pagkakaroon ng antas. Masasabi ng kaantasan ng salita kung anong uri ng tao ang nagsasalita. Isinasaad din nito kung sa anong uri ng lipunan nabibilang ang taong nagsasalita. Dalawa ang antas ng wika: pormal at impormal. Bawat antas ay kinapapalooban ng ilang kategorya. 1. Pormal. Mga salita itong kinikilala at ginagamit ng lalong marami sa mga taong nakapag-aral. Masasabi ring ito’y salitang istandardisado. a. Pambansa: Mga salita ito na ginagamit sa mga aklat pangwika ng mga paaralan. Ito rin ang salitang itinuturo sa mga paaralan at ginagamit ng pamahalaan sa mga opisyal na pakikipagtalastasan. b. Pampanitikan: Mga manunulat ang gumagamit nito sa pag-akda nila. Ito ay mga salitang karaniwang may matayog, masining, at malalim na kahulugan. Mga salitang makukulay din ito. 2. Impormal. Mga salitang pang araw-araw na gamit sa pakikipagtalastasan ng mga tao. Ito ay mga karaniwang palasak na ginagamit ng mga taong magkakakilala at magkakaibigan. Antas ng Wika 1. Balbal – ito ang pinakamababang antas ng wika. Katumbas ng slang sa Ingles, ito ang itinuturing ng marami na pinakamababang antas ng wika kung saan ay maihahanay ang salitang bakla at salitang kanto o salitang kalye. Bagamat kung susuriin ay mas mataas ito ng kaunti kaysa mga bawal (censored) o bastos (vulgar) na salita, masasabing ang balbal ay bunga ng pag-usad ng panahon at neolohismo (neologism) o pag-iimbento ng bagong salita. 2. Lalawiganin – ang wikang ginamit sa tiyak na pook, tiyak na panahon. Ito’y ginagamit sa isang partikular na probinsya o lugar, ngunit maaaring maintindihan sa iba pang pook. Halimbawa: Nakain ka ba ng matamis? = Kumakain ka ba ng matamis? Page 7 of 27 3. Kolokyalismo – ang wikang ginagamit sa mga usapang impormal sa bahay, sa mga kaibigan at sa paaralan. Dalawang Anyo ng Kolokyalismo a. Kolokyalismong may talino – para sa loob ng paaralan, pang- akademiko, atbp. Mga Halimbawa: May minus one akong ibibigay sa mga late na project. Your qualified naman for scholarship kaya tanggap ka na. b. Kolokyalismong pangkaraniwan – para sa loob ng bahay, magkakaibigan, pangkaraniwang usapan, atbp. Mga Halimbawa: Feel na feel ko ang sinabi niya. Well, bahala ka, basta I’ll join them. MGA GAWAIN Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na mga salita batay sa itinakdang antas ng wika. Isulat ang iyong sagot sa patlang. 1. Marikit:Pormal ___________________________________________________________________ 2. Bunganga:Impormal ___________________________________________________________________ 3. Sakalam:Impormal ___________________________________________________________________ 4. Namutawi:Pormal ___________________________________________________________________ 5. Wika:Pormal: __________________________________________________________________ Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga wikang naging basehan ng wikang Filipino. WIKANG NAGING BASEHAN NG WIKANG FILIPINO END OF TOPIC 1 Page 8 of 27 Topic 2: KOMUNIKASYON AT WIKA (KARUGTONG) MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay: 1 Maipapaliwanag ang mga tungkulin ng wika; 2.Magkaroon nang kaalaman sa proseso ng komunikasyon; 3. Mabatid ang mga prinsipyo sa paggamit ng Wika. MGA NILALAMAN: a. MGA TUNGKULIN NG WIKA Batay sa depinisyong ibinigay ng Komisyon sa Wikang Filipino masasabing and wikang Filipino ay ginagamit na instrument o kasangkapan ng mga mamamamayang Pilipino sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino, nasasabi nila sa kanilang kausap ang tungkol sa mga bagay-bagay, naipapahayag nila ang kanilang saloobin at damdamin, napapakilos nila ang kanilang kausap upang isagawa ang isang bagay, naipapangako nila sa kausap na isasagawa nila ang isang aksyon sa hinaharap, atbp. Ang lahat ng ito ay tinatawag na tungkulin o gampanin ng wika, at kasama na rito ang wikang Filipino. Ito’y nangangahulugan na ang bawat pahayag sa wikang Filipino ay gumaganap ng isang tungkulin. Na sa tuwing nagsasalita ang isang tao, tinatangka niyang isagawa ang isa o mahigit pang bagay sa pamamagitan ng kanyang wika, partikular na ng wikang Filipino. Ang mga tungkulin ng Speech act ni Searle (1979) ay nakapokus sa tungkulin o gampanin ng wika. Isinalig ang teoryang ito sa haka-haka at pinakamaliit na yunit ng komunikasyon ng tao ay hindi ang pangungusap kundi ang pagsasagawa ng tiyak na speech acts, tulad ng pagbibigay ng impormasyon, pagtatanong, pag-uutos, pakikiusap, pagpapaliwanag, atbp. Halimbawa, ang pahayag na “Gusto ko gawin mo ito” ay isang pangungusap na nagsasaad ng nais ng nagsasalita ngunit ito ay nagtataglay din ng kahulugang pakiusap ng nagsasalita na nasa anyong paturol. Dahil dito, sinabi ni Searle na upang maging ganap ang komunikasyon, ang nagsasalita at nakikinig ay kinakakailangan magkaroon ng shared background information sa aspektong linggwistik o di-linggwistik pati na ang kakayahang maghinuha ng nakikinig. Pinangkat ni Searle sa 5 kategorya ang mga gampaning pangwika sang-ayon sa intensyon o layunin ng nagsasalita. Ang mga ito ay: 1. Representatib (Representative). Sinasabi natin sa mga tao ang tungkol sa kalagayan ng mga bagay na ipinahahayag sa pandiwang isaysay, sabihin, iulat, ipahayag, ilarawan at iba pa. Mga Halimbawa: “Masarap ang niluto kong pansit.” “Limang tao ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Katrina.” “Mahal na mahal ko ang aking mga magulang.” 2. Direktib (Directive). Tinatangka nating pakilusin ang mga tao upang gawin ang isang bagay. Mga Halimbawa: “Maaari bang pakilinisan mo ang kotse ko?” “Linisan mo ang kotse ko.” 3. Komisib (Commisive). Ipinangako nating gagawin ang isang aksyon sa hinaharap, gaya ng pangangako o pananakot. Mga Halimbawa: “Hayaan mo, ibibili kita ng manika sa Sabado.” “Papaluin na kita diyan pag hindi ka pa tumigil sa pag-iyak.” Page 9 of 27 4. Ekspresib (Expressive). Ipinahahayag natin ang ating damdamin at saloobin tungkol sa isang kalagayan, gaya ng pasasalamat, pagbati, pakikiramay, pagtanggap, paghanga, pagkayamot, pagkatuwa, atbp. Mga Halimbawa: “Ikinalulungkot ko po ang nangyari sa pamilya ninyo.” “Ipagkatiwala po natin ang lahat sa Panginoon.” 5. Deklaratib (Declarative). Binabago natin ang kalagayan ng sitwasyon sa pamamagitan ng ating mga pahayag. Mga Halimbawa: Ang pahayag ng boss sa kanyang empleyado na “You are fired!” ay nangangahulugang dapat na siyang humanap ng bagong trabaho. Ang pahayag ng dalaga sa kanyang boypren na “Kalimutan mo na ako” ay nanganghulugang dapat na niyang tanggapin ang katotohanang hindi na siya mahal ng kanyang kasintahan. Si Haliday (1973) ay nagbigay naman ng pitong kategorya ng mga gampaning pangwika matapos niyang suriin ang mga pahayag ng mga bata. 1. Instrumental (Instrumental). (Gusto ko) na nagsasad ng hangaring mabigyang kasiyahan ang pangangailangang material ng nagsasalita. Mga Halimbawa: “Pahingi naman ako ng pansit mo.” “Gusto ko iyang kinakain mo.” 2. Regulatori (Regulatory). (Gawin mo ang sinasabi ko). Ito’y ginagamit upang kontrolin ang gawi o kilos ng ibang tao tulad ng pag-uutos, pakikiusap, pagmumungkahi. Mga Halimbawa: “Ihanda ang inyong mga takdang-aralin.” “Pakisara ang pinto.” “Makabubuting sundin mo ang sinabi ng nanay mo.” 3. Interaksyunal (Interactional). (Ikaw at ako). Ito ay mga pahayag na nagpapanatili ng relasyong sosyal, tulad ng mga pormulasyong panlipunan, pangangamusta, pagpapalitan ng biro. Mga Halimbawa: “Magandang umaga.” “Kumusta kayong lahat diyan.” 4. Hyuristik (Heuristic). (Sabihin mo kung ano/bakit). Ginagamit ito sa pagtuklas ng mga bagay-bagay na nakapaligid sa nagsasalita o sa pagtatamo ng mga datos, kaalaman, impormasyon. Mga Halimbawa: “Kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?” “Ano ba ang ginagawa mo?” 5. Personal (Narito ako). Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng personal na damdamin o opinyon. Mga Halimbawa: “Wala nang magandang kinabukasan ang susunod na salinlahi dahil sa pangungurakot ng mga taong nasa gobyerno.” “Hindi tayo uunlad kung hindi natin tutulungan ang ating sarili.” 6. Imahinatib (Imaginative). (Magkunwari tayo). Ginagamit ito sa pagkukunwari o pagsasadula o sa paglikha o pagpapahayag ng mga artistikong kaisipan. Karaniwang ginagamit sa mga akdang pampanitikan. Mga Halimbawa: “Para kang nakakita ng multo,” bulong ni Liza sa kanyang kaibigan nang makitang papalapit sa kanila ang isang guwapong binata.” “Simbagal ng pagong kung kumilos si Ana Marie.” 7. Impormatib (Informative). (May sasabihin ako sa iyo) na ginagamit sa pagbibigay ng mga impormasyon, tulad sa pag-uulat, pagpapahayag, pagsasaysay at iba pa. Page 10 of 27 Mga Halimbawa: “Maraming namatay sa China dahil sa malakas na lindol.” “Inilikas na sa mas mataas na lugar ang mga naapektuhan ng baha.” b. KATUTURAN NG KOMUNIKASYON Ayon kay Josefina Mangahis et al. (2008), sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na communi atus na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi.” Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay magbabahaginan ng kanilang ideya sa paraang kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa, at pagsulat. lto ay isang proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan, at mga saloobin ng isang tao sa kanyang kapwa Masasabi ring ang komunikasyon ay isang likas na minanang gawaing panlipunan na nagbabago-bago tulad ng mga tao at ng panahon, dahil ito ay isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy, at nagbabago. Samakatwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkatambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig, at pag-unawa. May nagsasalita man, kung walang nakikinig at umuunawa, ay walang nagaganap na komunikasyon. Ayon kay Rothfuss (1985) ang komunikasyon ay isang prosesong resiprokal kung saan ang mga indibidwal ay lumilikha at nagbabahagian ng kahulugan. Sinasabing resiprokal ang komunikasyon sapagkat may mga taong kasangkot dito na tinatawag na tagahatid at tagatanggap. Habang nagsasalita ang isa, ang isa nama’y nagrereak sa mensaheng kanyang tinatanggap sa paraang nakakaimpluwensya sa nagsasalita Ipinaliwanag naman ni Revell (1979) na ang komunikasyon ay pagpapalitan ng kaalaman, impormasyon, ideya, opinyon at damdamin ng mga kalahok sa usapan sa pamamagitan ng mga salita at ng mga simbolong di-berbal tulad ng intonasyon, mga kilos, ekspresyon ng mukha, atbp. Ayon kay Verderber (1987) ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at transaksyunal. Sinasabing dinamiko sapagkat patuloy itong aktibo at nagbabago. Ito’y tuloy-tuloy sapagkat wala itong tiyak na simula at wakas. At ito’y transaksyunal dahil ang mga taong kasangkot ay parehong responsible sa tagumpay ng komunikasyon. c. ILANG PRINSIPYO SA PAGGAMIT NG WIKA Malaki ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng mga sinaunang sibilisasyon a hanggang ngayon kasama pa rin natin ito sa ating pag-unlad. Ang wika ay lubos nating ginagamit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Nagagamit rin ito sa mga larangan ng edukayon, agham, teknolohiya, komersyon at kalakalan, politika, at marami pang iba. Ayon kay Romano Jacobson, isang Ruso-Amerikanong dalubwika, may anim na paraan ng paggamit ng wika. 1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) 2. Paghihikayat (Connative) 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) 4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) 5. Pagbigay ng kuro-kuro (Metalingual 6. Patalinghaga (poetic) Page 11 of 27 d. PROSESO NG KOMUNIKASYON Mga Sangkap sa Proseso ng Komunikasyon 1. Pinagmulan – taong nagsasalita, sumusulat, kumukumpas, gumuguhit, atbp. 2. Encode – kapag ang mensahe ay lumabas na sa bibig 3. Mensahe – ang ideya o binuong kaisipan 4. Decode – ang pagtanggap o pag-unawa ng mensahe 5. Tumanggap – taong nakikinig, nanonood, nagbabasa, atbp. 6. Feedback – ang sagot ng nakatanggap ng mensahe Modelo at Proseso ng Komunikasyon Tatlong Sangkap ng Komunikasyon Ayon sa Modelo ni Aristotle 1. ang nagsasalita 2. mensahe 3. ang nakikinig Limang Sangkap ng Komunikasyon Ayon sa Modelo nina Claude Shanman at Weaver 1. Pinanggalingan 2. Tagapaghatid 3. Senyas o Kodigo 4. Tagatanggap ng pahatid 5. Destinasyon Apat na Elemento ng Komunikasyon Ayon sa Modelo ni Berlo 1. pinagmumulan 2. mensahe Page 12 of 27 3. tsanel – daluyan ng mensahe 4. Tagatanggap Tatlong Elemento ng Komunikasyon Ayon sa Modelo ni Wilder Schram 1. pinanggalingan 2. mensahe 3. distinasyon Limang Sangkap ng Komunikasyon Ayon sa Modelo nina Richard Swanson at Charles Marquad 1. pinanggalingan 2. ideya o mensahe 3. kodigo – wika, kumpas, ekspresiyon ng mukha 4. paraan ng paghahatid – limbag, alon ng hangin, pahatid kawad 5. tagatanggap ng mensahe Page 13 of 27 GAWAIN Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. 1. Ano ang komunikasyon? 2. Gaano kahalaga ang komunikasyon? 3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika. 4. Ano ang mangyayari kung walang wika? 5. Ipaliwanag ang kasabihang ito. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” END OF TOPIC 2 Page 14 of 27 Topic 3: METALINGGWISTIKA NA PAGTALAKAY MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay: 1. naiisa-isa ang mga punto at paraan ng artikulasyon; 2. naipaghahambing ang iba’t ibang ponemang suprasegmental ayon sa diin, haba, tono, at hinto ng mga ito; 3. naiisa- isa ang mga kayarian ng salita at bahagi ng pananalita. MGA NILALAMAN: a. ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO ◼ Ponema - tawag sa mga makahulugang tunog ng isang Wika. Ponolohiya - tawag sa makaagham na pag- aaral ng tunog. Uri ng Tunog 1. Ponemang Segmental Ponemang patinig at katinig 29 ang ponema ng Wikang Filipino 23 ang katinig 5 ang patinig 1 impit na tunog Ponemang Malayang Nagpapalitan. Ito ay pares na salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema subalit hindi nagbabago ang kahulugan. Halimbawa: Marumi- madumi Pares Minimal. Pares na salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na maging dahilan upang magbago ang kahulugan. Halimbawa: Pala- bala uso-oso ▪ Diptonggo. Tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig. Halimbawa: Saliw Sabaw Bahay ▪ Kambal Katinig o Klaster. Tumutukoy ito sa magkasunod na tunog katinig. Halimbawa: Gwantes Drama 2. Ponemang Suprasegmental. Tumutukoy sa mga makabuluhang tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga titik sa pagsulat. a. Haba at Diin o Stress. Tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang diin. Halimbawa: ba:lah- bullet bala- treat b. Tono. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na inuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa at maunawaan ang ating pakikipag- usap. Page 15 of 27 Halimbawa: I love you! I love you? I love you. c. Antala o Hinto. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe na nais ipahatid sa kausap. Mga Halimbawa: Doctor, Juan Miguel Manuel po ang pangalan ko. Doctor Juan, Miguel Manuel po ang pangalan ko. Doctor Juan Miguel, Manuel po ang pangalan ko. Punto at Paraan ng Artikulasyon Punto ng Artikulasyon. Naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig. Limang Punto ng Artikulasyon 1. Panlabi. Ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas ( p,b,m) 2. Pangngipin. Ang dulong dila ay dumidikit sa loob ng mga ngipin sa itaas ( t,d,n) 3. Panggilagid. Ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punto ng gilagid ( s,l,r) 4. Velar (pangngalangala). Ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ( k,g) 5. Glottal. Ang babagtingang tunog ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog (h). Paraan ng Artikulasyon. Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Anim na Paraan ng Artikulasyon a) Pasara. Ang daanan ng hangin ay harang na harang ( p,t,k,b,g,d) b) Pailong. Ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin o kaya dahil sa pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas (m,n) c) Pasutsot. Ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ngalangala o kaya’y mga babagtingang tunog (s,h). d) Pagilid. Ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid (l). e) Pakatal. Ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulong nakaarkong dila (r). f) Malapatinig. Dito'y nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa unang posisyon. (w, y) ◼ Morpema Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama- sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. 1. Morpemang ponema o makabuluhang tunog. - binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/ na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian. Halimbawa: o a doktor doktora propesor propesora abugado abugada Kusinero kusinera Mario Maria Ignacio Ignaci 2. Malayang morpema - ito ang mga salitang-ugat o tinatawag ding payak ang anyo o kayarian dahilmay taglay itong tiyak nakahulugan. Page 16 of 27 Halimbawa: Dagat takbo hiram puti Sulat linis bata galaw 3. Di-malayang morpema – kinakailangan pa itong ilapi saibang morpema upang magingmalinaw at tiyak ang kahulugan. Ito’y ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang taglay at matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa. Halimbawa: ma- may kahulugang taglay o pagkamayroon um- gawi o gawain Mga pagbabagong Morpoponemiko Tumutukoy sa anomang pagbabagong sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran into. Asimilasyon - sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod. a) Asimilasyong di- ganap o parsyal. Karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponema ng at nagiging /n/ o /m/ o nanatiling ng dahil sa kasunod na tunog. Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa ng ay ikinakabit sa isang salitang ugat na nagsisimula sa /p/ o/b/, ang ng ay nagiging /m/ Halimbawa: pang+ paaralan- pampaaralan Ang huling ponemang ng naman ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema. / d,l,r,s,t/ Halimbawa: pang+ dikdik- pandikdik b) Asimilasyong ganap - bukod sa mga pagbabagong nagaganap sa ponemang ng ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa din ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay nagsisimula o napapaloob na sa sinusundang ponema. Halimbawa: pang+ palo- pampalo-pamalo May mga salitang maaaring gamitin ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit may mga salitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong parsyal. Halimbawa: pang+ kuha-pangkuha/panguha Halimbawa: pang + dakot= Sing + puti= Sing + rupok= Pang + gabay= Pang + babae= Mang + tahi= Pang + palo= Pang + takot= Metatesis - kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng (- in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon. Halimbawa: in+ lipad= inlipad- nilipad in + yakap= inyakap- niyakap in + yaya= inyaya- niyaya Pagkakaltas ng ponema - nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito. Halimbawa: takip+ an- takipan- takpan sara + han = sarahan- sarhan laba + han= labahan- labhan Page 17 of 27 Paglilipat diin - may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian. Halimbawa: bAsa+ hin- basAhin larO + an = laruAn dugo + an - duguan May angkop - kung sa dalawang salitang magkasunod, ang una’y nababawasan ng papungo o pakatulad at kung minsan pa’y napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang. Halimbawa: wikain mo- kamo winika ko- kako mayroon – meron hintay ka - teka Pagpapalit ng ponema - kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas ang ponemang /d/ sa posisyon inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi. Halimbawa: ma+ dapat- madapat-marapat lapad + an = laparan tawid + an = tawiran ma + dunong = marunong Reduplikasyon - pag uulit ng pantig ng salita. Halimbawa: aalis, matataas b. KAYARIAN NG SALITA 1. PAYAK -salitang-ugat lamang Halimbawa: araw 2. INUULIT -inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito. Dalawang uri ng pag-uulit a. pag-uulit na ganap – inuulit ang salitang-ugat halimbawa: araw-araw b. pag-uulit na di-ganap – inuulit lamang ang bahagi ng salita Halimbawa: kakanta 3. MAYLAPI -binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi Mga Halimbawa: unlapi – umayaw gitlapi – sinulat hulapi – patayin kabilaan (sa unahan at hulihan) – nagpatayan 4. TAMBALAN -dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita. Mga Halimbawa: asal-hayop Page 18 of 27 bahaghari silid-aralan hampaslupa c. MGA BAHAGI NG PANANALITA 1. Pangngalan Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya. Mga Halimbawa: ▪ G. Tom Cruz ▪ San Juan Elementary School ▪ Kaarawan ▪ Silya ▪ Aso 2. Panghalip Ang Panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang pangungusap o taludtud. Mga Halimbawa: ▪ Ako ▪ Ikaw ▪ Siya ▪ Tayo ▪ Kami 3. Pandiwa Ang Pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap. Mga Halimbawa: ▪ Kumakain ▪ Naglaba ▪ Tumalon ▪ Kumanta ▪ Umalis 4. Pangatnig Ang Pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa pangungusap. Mga Halimbawa: ▪ Ngunit ▪ At ▪ Subalit ▪ Kaya ▪ Dahil 5. Pang-ukol Ang Pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang Pangngalan, Panghalip, Pandiwa o Pang-abay sa pinag-uukulan nito. Mga Halimbawa: ▪ Para sa ▪ Ayon kay ▪ Para kay ▪ Hingil Kay 6. Pang-angkop Ang Pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang pagbasa nito. Page 19 of 27 Mga Halimbawa: ▪ na ▪ ng 7. Pang-uri Ang Pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulang o bilang. Mga Halimbawa: ▪ Maganda ▪ Mataas ▪ Dilaw ▪ Walo ▪ Mapayapa 8. Pang-abay Ang Pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa Pang-uri, Pandiwa, o kapwa niya Pang-abay. Mga Halimbawa: ▪ Mabilis niyang kinuha ▪ Agad na umalis ▪ Pupunta sa ospital ▪ Ayaw siyang tantanan. GAWAIN 1. Magbigay ng limang halimbawa ng diptonggo. 2. Magbigay ng limang halimbawa ng klaster. 3. Sing + dali = 4. Pang + lasa = 5. Pang + tali = 6. Takip + an= 7. Ayaw + ko = 8. Ma + damot = 9. Yaya + in = 10.Sara + han = END OF TOPIC 3 Page 20 of 27 Topic 4: METALINGGWISTIKA NA PAGTALAKAY (KARUGTONG) MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay: 1. makakabatid ng katuturan ng parirala at maiisa-isa ang mga uri nito; 2. makakabatid ng katuturan ng sugnay; 3. mapagtanto ang kaibahan ng dalawang uri ng sugnay; 4. makakabatid ng kahulugan ng pangungusap at mga bahagi nito; 5. maiisa-isa at matalakay ang iba’t-ibang uri ng pangungusap. MGA NILALAMAN: a. ANG PARIRALA Ang parirala ay isang salita o lipon ng mga salita na hindi nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa bahagi ng pangungusap. Mga Halimbawa: 1. paglipas ng panahon 2. walang sinasabi 3. nakadikit lang 4. ang hindi maunawaan 5. masigasig sa una 6. sa ibang bansa 7. Mga Pilipinong manggagawa 8. Ang matabang bata 9. Masarap na pagkain 10. Ang maingay na mga tao 11. Maingay na pinaandar 12. Dahan-dahang inakyat ang pader 13. Nakabuo ng grupo 14. Binalikan ni Arnold 15. Nabubulok ang mga prutas Uri ng Parirala ayon sa Kayarian 1. Pariralang Panuring – Ito ay binubuo ng panuring at Pangngalan Mga Halimbawa: masarap na ulam magandang tanawin 2. Pariralang Pang-ukol- Ito ay binubuo ng Pang-Ukol at ang layon nito. Mga Halimbawa: alinsunod sa batas hinggil sa kuryente 3. Pariralang Pawatas - Ito ay binubuo ng Pantukoy at Pawatas na Pandiwa. Mga Halimbawa: ang mga tatakbo sa nananatili 4. Pariralang Pangngalang Diwa – Ito ay binubuo ng Pantukoy at Pangngalang Diwa (pag + salitang-ugat) Mga Halimbawa: sa paglalakad sa pagtuklas Page 21 of 27 b. ANG SUGNAY Ang sugnay ay grupo ng mga salita na nagtataglay ng simuno at panaguri at may kumpletong diwa o hindi kumpletong diwa. Dalawang Uri ng Sugnay 1. Sugnay na makapag–iisa - Ang sugnay na makapag–iisa o malayang sugnay ay uri ng sugnay na may simuno at panaguri at naglalaman ng buong diwa. Mga Halimbawa: ▪ Binubuhay nilang muli ang taniman sa likod–bahay dahil nais nilang kumain ng gulay ng libre. ▪ Kung iisipin lang ng tao ang kanilang kapwa, maiiwasan ang paggawa ng masasama. ▪ Nakasulat si Amir ng isang magandang tula dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa kalikasan. ▪ Sumakit ang aking tiyan kaya kinailangan kong lumiban sa klase. ▪ Kung magkakaroon lang sana ako ng magandang trabaho, hindi na kailangan nina Itay at Inay na magtrabaho sa bukid ▪ Umalis nang maaga si Jaime gaya ng bilin ng kanyang ama. ▪ Dahil mahal niya ang dalaga binigyan ng tsokolate ni Dante si Mina. ▪ Walong biik ang inihanda ni Mang Menandro para sa kaarawan niya. ▪ Pupunta ng simbahan sina Jules at Romina upang doon alalahanin ang kanilang ika–sampung anibersaryo bilang mag–asawa. ▪ Sapagkat maganda ang kanyang pakiramdam, nagluto ng hapunan ang nanay. 2. Sugnay na di–makapag iisa - Ang sugnay na di–makapag iisa o di – malayang sugnay ay maaaring may simuno o panaguri ngunit hindi nagtataglay ng kumpletong diwa. Mga Halimbawa: 1. Kung sasama ka sa amin 2. Sakaling umulan bukas 3. Kahit hindi ka pa tapos 4. Kung darating ang iyong lolo at lola 5. Kahit gabihin pa tayo 6. Sakaling darating sila Jasmine 7. Kahit wala pa ang punung-guro 8. Kapag umalis ka nang maaga 9. Sakaling papayag ang mama mo 10. Kahit wala tayong pera c. SINTAKSIS O PALAUGNAYAN Sintaksis - ang maagham na pag-aaral ng mga salita sa loob ng pangungusap. Sintaks (syntax) – ay ang maagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Parirala - lipon ng mga salita na walang diwa Pangungusap – salita o lipon ng mga salita na may buong diwa. Palatandaan na ang Pahayag ay Isang Pangungusap 1. Nagsisimula sa malaking titik ang unang titik ng unang salita. 2. Nagtatapos sa bantas na tuldok (.), tandang pananong (?) at tandang padamdam (!). 3. May buong diwa. Bahagi ng Pangungusap 1. Simuno o paksa (subject) - ang bahaging pinag-uusapan o bibibigyang-turing. Mga Halimbawa: Si Adrian ay nangingisda sa ilog. Ang mga nahuling isda ay iniihaw ni Eba. Page 22 of 27 2. Panaguri (predicate)—ang naglalahad ng mga bagay o nagbibigay-turing hinggil sa simuno. Mga Halimbawa: Bangus ang paborito kong isda. Si Abel ay bumili ng bagong damit. Ayos ng Pangungusap 1. Tuwiran o karaniwan – nauuna ang panaguri sa simuno. Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Arnold. 2. Kabaligtaran o di-karaniwan—simuno ang nauuna sa panaguri. Halimbawa: Si Kent ay bumili ng bagong bahay. Uri ng Pangungusap Ayon sa Pangugusap na Walang Paksa 1. Eksistensyal - nagpapahayag ng pagka-mayroon. Halimbawa: Mayroon daw siyang kambal. 2. Pahanga - nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Wow! Kayganda niya. 3. Sambitla – binubuo ng iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Nakupo! 4. Pamanahon – nagpapahayag ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Umuulan. 5. Pormulasyong panlipunan - mga nakagawiang pagbati, pagbibigay-galang, atbp. Halimbawa: Magandang umaga po. 6. Pangungusap na pautos o pakiusap. Halimbawa: Pakidala. Takbo. 7. Pangungusap na sagot lamang. Halimbawa: Tanong: Ano ang bilin? Sagot: Uwi na. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit 1. Paturol o pasalaysay – nagpapahayag ng katotohanan o isang pangyayari; binabantasan ng tuldok. Halimbawa: Si Bbarry ang manager namin. 2. Pautos – nagpapahayag ng pag-utos o pakiusap; binabantasan ng tuldok. Halimbawa: Isara mo nga ang pinto. (utos) Page 23 of 27 Pakiabot ng aklat Rey. (pakiusap) 3. Patanong – nagpapahayag ng pagtatanong, pag-uusisa o pag-aalinlangan. Halimbawa: Tutuloy ba tayo mamaya? 4. Padamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Naku! Nahulog siya sa ilog! Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian 1. Payak - nagpapahayag ng iisang diwa lamang; binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa. Apat na Kayarian ng Payak na Pangungusap a. Payak na simuno at payak na panaguri Halimbawa: Ang aso ay tumatakbo. b. Payak na simuno at tambalang panaguri Halimbawa: Ang aso ay tumatahol at tumatakbo. c. Tambalang simuno at payak na panaguri Halimbawa: Ang ate at kuya ay nagkukuwentuhan. d. Tambalang simuno at tambalang panaguri. Halimbawa: Ang aso at pusa ay nag-aaway at nag-iingay. 2. Tambalan- ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Halimbawa: Si Nanay ay nagwawalis sa sala at si Tatay naman ay nagdidilig. 3. Hugnayan - binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa. Halimbawa: Napilitan siyang tumakbo [sugnay na makapag-iisa] dahil sa asong- ulol [sugnay na di-makapag-iisa] 4. Langkapan - binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa: Halimbawa: Pinatawad niya ang kanyang mga kapatid (sugnay na makapag-iisa) at sila’y masayang umuwi (sugnay na makapag-iisa) upang makitang muli ang kanilang ama (sugnay na di-makapag-iisa). Pagpapalawak ng Pangungusap Ang isang payak na pangungusap sa Filipino ay napapalawak sa pamamagitan ng: (1) paningit o Ingklitik, (2) panuring na maaaring Pang-uri o Pang-abay, (3) ponema, at (4) mga kaganapan. Ang mga paningit o Ingklitik ay mga katagang isinasama sa pangungusap upang gawing mas malinaw ang kahulugan nito. Ang mga paningit sa Filipino ay: ba ma sana kasi muna tuloy kaya na tulog daw/raw naman yata Page 24 of 27 din/rin nga pala lamang/lang po Mga Halimbawa: Bakit ka nagagalit? Bakit ka ba nagagalit? Magpapaalam na sila. Magpapaalam na raw po sila. Nanalo si Lito sa pag-awit. Nanalo pala/raw/yata/rin si Lito sa pag-awit. Ang mga panuring tulad ng mga Pang-uri at Pang-abay ay ginagamit ding pampalawak sa pangungusap. Ang mga Pang-uri ay ginagamit na panuring sa Pangngalan o Panghalip at ang Pang-abay ay mga panuring sa Pang-uri, Pandiwa o kapwa Pang-abay. Batayang pangungusap: Ang bata ay iskolar. Ang batayang pangungusap ay napapalawak sa pamamagitan ng: 1. Karaniwang Pang-uri Halimbawa: Ang matalinong bata ay iskolar 2. Pariralang Panuring Halimbawa: Ang matalinong bata sa klase ko ay iskolar. 3. Ibang bahagi ng panalita na gumaganap ng tungkulin ng Pang-uri. Halimbawa: Ang matalinong batang taganayon ay iskolar sa Mariano Marcos State University. Pinalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng panalita na gumaganap ng tungkulin ng Pang-uri tulad ng: 1. Pangngalan Halimbawa: Ang batang babae ay iskolar. 2. Panghalip Halimbawa: Ang mag-aaral na iyon ay iskolar. 3. Pandiwa Halimbawa: Ang batang sumasayaw ay iskolar. Samantala, ang batayang pangungusap na halimbawa ay “Umalis ang mag- asawa.” ay napapalawak sa pamamagitan g Pang-abay na Pamanahon: Halimbawa: Umalis kagabi ang mag-asawa. o Pang-abay na Pamaraan: Halimbawa: Palihim na umalis ang mag-asawa kagabi. Ginagamit ding pampalawak ng batayang pangungusap ang mga kaganapan ng Pandiwa, tulad ng: 1. Kaganapang Ganapan Halimbawa: Naglaba ako sa ilog. Page 25 of 27 2. Kaganapang Kagamitan Halimbawa: Pinatay ng criminal ang matanda sa pamamagitan ng itak. 3. Kaganapang Sanhi Halimbawa: Yumaman si Senador Villar dahil sa sipag at tiyaga. 4. Kaganapang Direksyunal Halimbawa: Pumunta na kami sa Hongkong. 5. Kaganapang Tagaganap Halimbawa: Pinalo ni Martin ang kanyang kapatid. 6. Kaganapang Layon Halimbawa: Namili ng mga damit si Rosie. 6. Kaganapang Tagatanggap Halimbawa: Nagtatrabaho ang ama para sa kanyang mga anak. GAWAIN Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod ng mga tanong/pahayag sa loob ng isa hanggang dalawang pangungusap nang diretso at hindi maligoy (direct to the point). (5 puntos bawat isa). 1. Ano ang pagkakaiba ng pangungusap at parirala? 2. Paano natin malalaman na ang pahayag ay isang pangungusap? 3. Ano ang pagkakaiba ng kabaligtaran at tuwirang ayos ng pangungusap? 4. Ano ang pagkakaiba ng sugnay at pangungusap? 5. Paano ninyo masasabi na ang pangungusap ay nasa payak na kayarian? END OF TOPIC 4 Mga Sanggunian Tumangan, A. et. al. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grandbooks Publishing Inc. Metro Manila Retrieved from https://www.slideshare.net/weinamyki/morpema on Sept.8. Retrieved from https://www.tagaloglang.com/apat-na-kayarian-ng-salita/ on Sept.8. Retrieved from https://www.slideshare.net/aluring/fil1-morpema on Sept.8. Retrieved from https://philnews.ph/2019/06/27/bahagi-ng-pananalita-kahulugan- halimbawa-bawat-isa/ on Sept.8. Page 26 of 27 Mercedes, Rodrigo. (2009) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Books Atbp. Publishing Corp. 438 M.Leyra St., Dela Cruz Cmpd., Mandalutong City. Garnace-Ulit, Perla et al. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grandbooks Publishing Inc. 50 M.R. Flores Ext. St., Sto Rosario-Kanluran, Pateros, Metro Manila. Page 27 of 27