Document Details

LaudableMagic

Uploaded by LaudableMagic

Xavier University – Ateneo de Cagayan

Tags

academic writing Tagalog study notes Filipino education higher education

Summary

These are Tagalog study notes related to academic writing, likely for an undergraduate course. The notes cover concepts of academic writing, elements, and different types. Example topics include the meaning of academic writing in Tagalog and the different aspects of it.

Full Transcript

**YUNIT 1:** **KABANATA 1\|** **AKADEMIKONG PAGSULAT.** A. **KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT** **Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kany...

**YUNIT 1:** **KABANATA 1\|** **AKADEMIKONG PAGSULAT.** A. **KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT** **Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan.** **Ang pagsulat ay kapwa PISIKAL at MENTAL na aktibiti. Sapagkat gumagamit tayo ng utak upang makabuo ng ideya at kamay naman para mailapat sa papel ang ideyang iyon.** **Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.** **Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong MAILAP para sa nakararami sa atin maging ito\'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.** **Ayon kay Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang BIYAYA,isang PANGANGAILANGAN at isang KALIGAYAHAN ng nagsasagawa nito.** **Ang paglalarawan naman nina PECK AT BUCKINGHAM (Bernales, et al., 2006) sa pagsulat: Ang pasulat ay EKSTENSYON NG WIKA at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa."** B. **MGA PANANAW SA PAGSULAT** 1. **sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat** **Ang SOSYO ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang KOGNITIBO naman ay ano mang tumutukoy sa pag-iisip. Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa sosyal at *mental* na aktibiti. *Mental* na aktibiti sapagkat sa ating isip nagkakaroon ng organisasyon ng ideya. Sosyal na aktibiti naman dahil nakikipag-ugnayan tayo sa ating mga mambabasa at isinasaalang-alang ang kanilang reaksyon.** C. **MGA LAYUNIN SA PAGSULAT** **Ang pagsulat ay *[personal na gawain]* sapagkat ginagamit para sa LAYUNING EKSPRESIB o sa PAGPAPAHAYAG NG INIISIP O NADARAMA.** ***[Sosyal na gawain]* naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan. Ang layuning ito ay tinatawag na TRANSAKSYUNAL.** **Inuri nina Bernales et al. (2001) ang mga layunin sa pagsulat sa tatlo: impormatibo, mapanghikayat at malikhain** 1. **IMPORMATIB NA PAGSULAT** 2. **MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT** 3. **MALIKHAING PAGSULAT** D. **PROSESO NG PAGSULAT** **Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. Nag-iiba-iba rin ito depende sa manunulat. Mayroong tatlong pangunahing hakbang ang ibinahagi ng may akda ng aklat na ito, sa bawat hakbang ay maaring may sub-hakbang na nakapaloob:** 1. ***Pre-writing.* Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Dito nagaganap ang pagpili ng paksa at pananaliksik ng mga impormasyon. Ang pagpili ng tono sa paksang isusulat ay kasama din sa hakbang na ito.** 2. ***Actual writing.* Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o *draft.*** 3. ***Rewriting.* Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Nagaganap ditto ang pag-eedit at pagrerebisa ng burador batay sa wastong *grammar*, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Ang isang sulatin ay hindi magiging kumpleto o epektibo kung hindi ito dumaan sa editing at rebisyon.** E. **MGA URI NG PAGSULAT** ***Mauuri sa iba't ibang pangangailangan ng tao sa lipunan.*** 1. **AKADEMIKO** 2. **TEKNIKAL** **Nagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon sa isang komplikadong suliranin. Nakatuon sa isang espesipik na *audience.*** 3. ***JOURNALISTIC*** **Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang *journalist.* Makikita sa *columnar* ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.** 4. **REPERENSYAL** 5. **PROPESYONAL** **Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon.** **Halimbawa: *Police report, medical report* at iba pa na may kaugnayan sa isang propesyon** 6. **MALIKHAIN** **YUNIT 1:** **KABANATA 2\|** **AKADEMIKONG PAGSULAT.** A. **KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT** - Mahirap lapatan ng isang simpleng depinisyon ang terminong *"Akademikong pagsulat"* dahil tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming kadahilanan. - Ito ay isang Pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. - Ito ay ginagamit sa publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik na inilalahad sa mga komperensya. - Ginagawa ito ng mga mag-aaral, guro at mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa. - Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, *impersonal* at obhetibo. - May malinaw na inaasahan o ekspektasyon. 1. **Katotohanan.** **2. Ebidensya.** 1. **Balanse.** **Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinion at argumento ay kailangang gumamit ng *[wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal]* nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.** B. **KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT** - **Ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang digresyon o repetisyon.** - **Ang layunin nito'y magbigay ng impormasyon, sa halip na umaliw.** - **Gumagamit din ito ng istandard na porma ng pagsulat na wika.** **Ayon sa http://www.uefap.com ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod:** 1. **[Kompleks.] Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.** 2. **[Pormal.] Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at babal na salita at ekspresyon.** 3. **[Tumpak.] Dapat na ang datos tulad ng facts and figures ay tumpak o walang labis at walang kulang.** 4. **[Obhetibo.] Dapat obhetibo, sa halip na *personal.* Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin.** 5. **[Eksplisit.] Responsibilidad ng manunulat nito nagawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa.** 6. **[Wasto.] Paggamit nang wastong bokabularyo o mga salita. Pagpili ng angkop na salita.** 7. ***[Responsible.]* Kailangang maging *responsible* ang manunulat sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.** C. **LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT** - **[Mapanghikayat na layunin.] Manghikayat ng mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. *Halimbawa nito ay posisyong papel*** - **[Mapanuring layunin.] Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang lauinin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. *Halimbawa nito ay Panukalang proyekto*** - **[Impormatibong layunin.] Ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hingil sa isang paksa. *Halimbawa nito ay abstrak*** D. **TUNGKULING O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT** **Basahin ang pahayag sa itaas na bahagi ng talahanayan. Punan ang kahon na may anghel na mukha kung sumasang-ayon sa pahayag at punan naman ang kahon na may galit na muka kung hindi ka sumasang-ayon.** **Ang mga estudyante mismo umano ang nagto-torture sa kanilang sarili sa pamamagitan ng hindi pag-alam kung paano isusulat ang kanilang papel at sa paghihintay ng pinakahuling sandali bago simulan ang pagsulat ng kanilang papel.** **Ang pagsulat ng akademikong papel ay hindi naman dapat maging *torture* para sa mga estudyante.** **Dapat isaalang-alang ang hakbang sa pagsulat at ilapat ang kaalaman at kasanayang linggwistik, *pragmatic*, diskorsal at istratedyik sa bawat Gawain. Maraming mag-aaral ang kulang sa interes sa pagsulat. Ang akademikong pagsulat ay isang pangangailangan.** E. **Tungkuling ginagampanan ng akademikong pagsulat:** 1. **Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.** - **Sa apat na makrong kasanayang pangwika, pagsulat ang pinakahuli.** - **Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral** - **Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang ISANG PROSESO, kaysa bilang isang awtput. Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng *pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain.*** - **Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan. Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral.** - **Malinang ang katapatan sa bawat mag-aaral. *(Intellectual honesty)*** - **Ang akademikong pagsulat ay inaasahan ding makpagturo sa mga-aaral ng HALAGA ng *kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na isipan.*** - **Para naman sa pangkatang pagsulat kailangan *ang Kooperasyon, paggalang sa indibidwal.*** - ***Pagkamasunurin at disiplina.*** - **Lahat ng propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat. Ang mga pulis ay nagsusulat ng *police report at blotter.* Ang mga *engineer* at mga arkitekto ay nagsusulat naman ng *project proposal.* Ang mga guro naman ay gumagawa ng *action research.*** F. **MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT** - **Pinakapopular dito ang *Reaction paper at term paper*.** - **KARANIWANG ANYO ng akademikong papel. *Sintesis, Buod, Abstrak, talumpati at rebyu.*** - ***PERSONAL* NA KATEGORYA ng akademikong papel. *Replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbay-sanaysay at pictorial essay.*** - **IBA PANG ANYO ng akademikong papel, *bionote, panukalang proyekto, agenda at katitikan ng pulong.*** **YUNIT 2:** **KABANATA 3\|** **[REPLEKTIBONG SANAYSAY]** A. **KAHULUGAN AT KALIKASAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** Mahalagang tandaan na ang replektibong sanaysay ay: - **kadalasang naglalaman ng mga reaksyon, damdamin, at pagsusuri ng isang karanasan sa [napakapersonal na paraan,] kaiba sa paraan ng pormal na pananaliksik o mapanuring sanaysay (Bernales & Bernardino, 2013).** - **isang interaksyon sa pagitan ng mga ideyang natanggap mula sa labas at ng iyong internal na pag-unawa at interpretasyon sa mga ideyang iyon.** - **hindi ito isang dayari o dyornal (Ito ay isang impormal na sanaysay, at kung gayon, nangangailangan ng Introduksyon, katawan at kongklusyon).** - **nag-aanyaya ng *self-reflection* o pagmumuni-muni bilang isang kapasidad na magsuri at magsintesays ng impormasyon upang makalikha ng bagong pananaw.** - **isang patuloy na proseso na humahantong sa komitment upang mapagbuti ang isang pansarili o propesyonal na gawain.** B. **ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** ***Tips* sa pagsulat ng repleksyong papel** **Si Maggie Mertens (sa ) ay nagbigay ng sumusunod na *Tips* sa pagsulat ng repleksyong papel:** 1. ***Mga iniisip at reaksyon*** **Ilahad at ipaliwanag ang damdamin at sariling karanasan hinggil sa paksa** 2. ***Buod*** **Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip** 3. ***Organisasyon*** **Pag-sasaayos ng mga ideya** **Panimula, katawan, kongklusyon** **Mga gabay para sa pagsulat ng repleksyong papel** **Ang mga gabay sa pagsulat ng repleksyon papael ay hinalaw mula sa :** 1. **Bigyang-pansin ang panahong saklaw ng repleksyon** 2. **Pagmuni-munihan ang mga konsepto at aral na nakapukaw ng interes o nagdudulot ng tanong** 3. **Isa hanggang dalawang pahina lamang** 4. **Huwag nang magpaligoyligoy pa.** 5. **Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbersasyonal basta tiyaking malinaw ito** 6. **Magbigay ng mga halimbawa o aplikasyon** 7. **Laging isipin na ito ay pagmamarkahan para sa talas ng iyong pagmumuni-muni** 8. **Panatilihin ang tamang gramatika*,* bokabularyo, wastong baybay, at pagbabantas** 9. ***Micro at macro* na pagtingin sa konseptong tinatalakay sa papel.** 10. **Banggitin sa papel kung kukuha ng ideya mula sa *website*, aklat, o panayam at iba pa.** 11. **Magpasa sa tamang oras at tamang lugar.** 12. **Maaaring maglagay ng pamagat na angkop sa ginawang repleksyong papel.** **YUNIT 2:** **KABANATA 4\|** **[PAGSULAT NG PICTORIAL ESSAY]** A. **KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PICTORIAL ESSAY** - **Ang *pictorial essay* ay tinatawag din ng iba bilang *photo essay.*** - **Anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maikling kapsyon kada larawan.** - **Ginagawa ito ng mga awtor, artista, estudyante, potograpo, mamamahayag, lalo na mga *photo-journalist.*** - ***Larawan at teksto* ang dalawang pangkalahatang sangkap ng *pictorial essay.*** - **Ang teksto ay madalas may *journalistic feel*, ngunit ang pinakainiikutan nito ay ang mga larawan mismo.** - **Ang *pictorial essay* ay ginagawa nang may pagsasaalang-alang sa personal na punto de bista.** B. **MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA *PICTORIAL ESSAY*** Ayon sa , ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang *pictorial essay* ay ang sumusunod. 1. ***[Malinaw na Paksa]*. Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo.** 2. ***[Pokus.]* Huwag na huwag lumihis sa paksa.** 3. ***[Orihinalidad.]* Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan. Maaari ring gumamit ng mga *software* sa kompyuter tulad ng *photoshop.*** 4. ***[Lohikal na Estruktura.]* Isaayos ang larawan ayon sa lohikal na pagkasunod-sunod. Tulad ng iba pang teksto, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas.** 5. ***[Kawilihan.]* Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa.** 6. ***[Komposisyon.]* Piliin ang mga larawan may kalidad ang komposisyon.** 7. ***[Mahusay na paggamit ng wika.]* Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa pagsulat. Ang mga pagkakamali sa baybay, bantas, gamit ng salita at iba pang tuntuning pangwika ay mga kabawasan sa husay ng *pictorial essay.*** C. **ANG PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY** **Iminungkahi sa ang mga kasunod na hakbang tungo sa matagumpay ng paggawa ng *pictorial essay.*** 1. ***Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro.* Tandaan, ang mga larawan ang pokus ng iyong *pictorial essay*. Kaya, magplano nang naaayon.** 2. ***Isaalang-alang ang iyong audience.* Sino ba ang titingin sa iyong mga larawan at magbabasa.** 3. ***Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin.* Kailangang masalamin ang iyong layunin sa mga larawan kaya mahalaga ang wastong pagpipili.** 4. ***Kumuha ng maraming larawan.* Mas maraming pagpipilian, mas higit ang posibilidad na may mapipiling magagamit at angkop na larawan.** 5. ***Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.* Katulad nga ng nabanggit na, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas.** 6. ***Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan.* Ang teksto ay kailangang nagpapalawig sa kahulugan ng larawan. Tandaang kailangang ma-*enlighten* ang mga mambabasa hinggil sa bawat larawan.** **YUNIT 2:** **KABANATA 5\|** **PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL** A. **ANG PAGLALAKBAY AT ANG PAGSULAT** Mula sa mga positibong pag-aaral at karanasan sa paglalakbay humahalaw ang maraming bahagi ng panitikan. Ang ***travelogue*** ay maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at nagdodokumento ng iba't ibang lugar na binisita at mga karanasan dito sa isang turista at dokumentarista. Sa tulong ng ***travel blogging*** nabibigyan ng ideya ang mga manlalakbay kung ano ang aasahang ***makita, mabisita, madanas at makain sa lugar.*** Nagbibigay rin ito ng ideya sa [posibleng iteneraryo o iskedyul] ng pamamasyal sa bawat araw ng byahe at ang [posibleng magiging gastos] sa bawat aktibidad. Ang layunin ng pagsulat tungkol sa isang paglalakbay ay makapagbigay ng malalim na *insight at kakaibang anggulo* tungkol sa isang destinasyon. Sa ganitong uri ng pagsulat, kailangang **mahikayat** ang mga mambabasa na danasin at bisitahin din ang lugar na iyong sinulat. =Nagbigay si Dinty Moore (2013) ng mga payo kung paanong epektibong makapagsulat habang naglalakbay: 1. ***Magsaliksik.*** Huwag magpakupot sa mga guidebook 2. ***Mag-isip nang labas pa sa ordinaryo.*** Kailangan mong magkuwento ng karanasan, humanap ng malalim na kahulugan at mailarawan ang lahat ng ito sa malikhaing paraan. 3. ***Maging isang manunulat.*** Para sa epektibong pagsulat, makabubuti ang pagkuha ng larawan at mga tala sa mga bagay na naoobserbahan at naririnig mo. **B. MGA GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY** Nagbigay rin si Moore (2013) ng mga gabay sa pagpili ng paksa at pagsulat ng lakbay- sanaysay. 1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang isusulat. 2. Huwag pilitang pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang. 3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay. 4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan. 5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan 6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na binibisita matitikman at pag-aralang lutuin ito. 7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliliit na pook-sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan ng pananampalataya rito. 8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay. **YUNIT 2:** **KABANATA 6\|** **PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL** A. **Kahulugan ng Posisyong Papel** B. **Ang Batayang Katangian ng Posisyong Papel** C. **Ang Pagsulat ng Posisyong Papel** ** Pumili ng Paksa** ** Magsagawa ng panimulang pananaliksik** ** Hamunin ang iyongsariling paksa.** ** Ipagpatuloy ang pangongolekta ng sumusuportang ebidensya** ** Gumawa ng Balangkas** ** Isulat na ang iyong Posisyong Papel**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser