Filipino 3s (Filipino sa Piling Larangan) PDF

Summary

This document provides information about types of academic writing in Filipino. It focuses on the characteristics, elements and structure of different Filipino writing styles. For example it includes how critical thinking plays a role in academic writing, and the importance of acknowledging sources to avoid plagiarism.

Full Transcript

Filipino 3s (Filipino sa Piling Larangan) Gabay sa Pag-aaral Inihanda ni G. Werner Earl B. Galliofen II., LPT Yunit/ Paksa...

Filipino 3s (Filipino sa Piling Larangan) Gabay sa Pag-aaral Inihanda ni G. Werner Earl B. Galliofen II., LPT Yunit/ Paksa Pagturing at Pagpakakahulugan Mga Adaptasyong Turing Akademikong isang anyo ng pagsulat na nangangailangan ng pagsulat mataas na antas ng kasanayang akademiko. Pangunahing layunin nito ang makapagbigay ng tamang impormasyon. Arrogante (2007) nakasalalay sa kritikal na pagbabasa ang pagbuo ng sulating pang-akademiko. Ang manunulat ay kailangang mahusay mangalap ng impormasyon, mahusay magsuri, magaling mag-organisa ng mga ideya, at lohikal. Mahalaga rin na marunong magpahalaga at kumilala sa may-akda ng tekstong binabasa upang maiwasan ang anumang isyung kaugnay ng plagiarism. Katangian ng Akademikong Pagsulat Pormal Makikita ito sa mga salitang ginagamit at pagkakabuo ng mga pangungusap. Kailangang maingat na pinipili ang mga salitang gagamitin. Hindi maaaring gumamit ng mga impormal na salita kagaya ng balbal o kolokyal, maliban kung ang paksa ng sulating pang-akademiko ay tungkol sa mga salitang impormal. Malinaw Makatutulong sa pagiging malinaw ng nilalaman nito kung hindi magiging maligoy ang paraan ng paglalahad ng mga ideya. Tiyak Ang tunguhin ang magbibigay ng katiyakan kung para saan ang isinusulat na sulating pang- akademiko. Mahalaga ang katangiang ito lalo na sa mga pananaliksik kung saan bumubuo ng mga tanong na nagsisilbing gabay sa tunguhin ng isinasagawang pag-aaral. May Paninindigan Ang kailangan ay hitik sa katotohanan (facts) ang nilalaman ng sulatin. Kadalasan ang pagkakaroon ng mga parenthetical citations ay nakadaragdag ng kredibidad at paninindigan ng manunulat dahil ito ay may pinagbatayan at hindi lamang mula sa kaniyang sariling opinyon. May Pananagutan pinaghanguan o pinagbatayan ng isinusulat na sulating pang-akademiko upang maiwasan ang anumang isyung kaugnay ng plagiarism. Pananagutan ng manunulat na ipabatid sa mga mambabasa kung saan niya hinango at ibinatay ang kaniyang mga isinulat. Paglinang ng Kasanayan sa Akademikong Pagsulat Komprehensibong dito nag-uumpisa ang pagpaplano upang Paksa maisakatuparan ang makabuluhang sulatin. Angkop na Ang layunin ang magtatakda ng dahilan ng pagbuo Layunin ng akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat kung nais magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad, Gabay na Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong Balangkas sulatin. Gabay ito upang isaayos ang ideya ng sulatin May tatlong uri ng balangkas na paksa, balangkas: balangkas na pangungusap, at balangkas na talata. Halaga ng Datos Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anomang akda. Kung walang datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. Epektibong Inaasahang ang pagsusuri ay maging lohikal upang Pagsusuri maging epektibo ang binubuong sulatin. Tugon ng Makikita sa bahaging ito ang kasagutan sa mga Kongklusyon itinatampok na katanungan o suliranin sa isinulat na pag-aaral at/o sulatin. Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat Bago Sumulat Sa yugtong ito nagaganap ang integrasyon ng paunang kaalaman at bagong kaalaman. Pagbuo ng Unang Sa yugtong ito, matiyagang iniisa-isa ng manunulat Burador ang mga konsepto na maaaring maging laman ng akademikong sulatin. Sa yugto ring ito, maaaring ang manunulat ay lumikha ng kaniyang burador sa isang papel Pagwawasto Sa yugtong ito, inaayos ang unang burador. (Editing) at Pagrerebisa Sa yugto ng pagwawasto, may mga tiyak na simbolo upang ituwid ang mga nakitang mali (proofreading and/or copyreading symbols). Huli o Pinal na Mababakas sa yugtong ito ang inaasahang Sulatin kahusayan at kakinisan ng binubuong akademikong sulatin. Paglalathala o Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas maraming Pagpapalimbag mambabasa ang impormasyong nais ipabatid bilang ambag sa produksyon ng karunungan. Layunin sa 1. Kakayahan sa Kritikal na Pag-iisip Paglilinang ng 2. Pagpapalawak at Pagpapalalim ng Kaalaman Kasanayan sa 3. Kakayahang Propesyonal Akademikong 4. Kasanayan sa Saliksik Pagsulat Mga Uri ng Akademikong Pagsulat Malikhaing Karaniwan itong bunga ng mapaglarong isipan ng Pagsulat manunulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon. Teknikal na Ang uring ito ay isinasagawa upang pag-aralan ang Pagsulat isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na sasagot sa isang suliranin. Propesyonal na Ito ay mga uri ng sulating may kinalaman sa isang Pagsulat tiyak na larangang pang-akademiya Dyornalistik na Sa pagsulat ng ganitong uri ng sulatin ay Pagsulat kinakailangang taglayin ng manunulat ang mga kasanayan sa pangangalap ng impormasyon, pagiging obhektibo, at paningin sa mga makabuluhang isyu tungkol sa lipunan. Reperensiyal na Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga Pagsulat pinagkunan ng impormasyon upang maging balido at mapagkakatiwalaan ang isang akademikong sulatin. Akademikong Ang akademikong pagsulat ay may kumbensiyon na Pagsulat naglalayong maipakita ang resulta mula sa pagsisiyasat tungkol sa ideyang nais pangatwiranan Kahulugan at Ang pagpapahayag ng mga ideya o impormasyon sa Katangian ng paraang pasulat ay isang teknikal na pagsulat. Malikhaing Pagsulat Ngunit maaari itong maging malikhain kung kakikitaan ng imahinasyon, damdamin o emosyon ang isang sulatin Malikhaing Ang malikhaing pagsulat, ayon kina Castillo et al. Pagsulat (2008), ay isang natatanging uri ng pagsulat sapagkat kailangan nitong magtaglay ng mahusay na diwa at paksa. Ito ay ang pagbubuo ng imahen o hugis na kakaiba sa karaniwan. Nangangailangan din ito ng kakayahang mag-isip, magdanas, magmasid, at matuto. Katangian ng Malikhaing Pagsulat Malikhaing Mahalagang maisaalang-alang sa malikhaing Pagpapahayag pagsulat ang paggamit ng mga idyoma at tayutay upang ito ay maituring na masining at maging malikhain ang pagpapahayag. Ang mga idyoma ay tinatawag ding idyomatikong pagpapahayag o sawikain sa ibang aklat. Samantala, ang tayutay naman ay ang mga mismong talinghaga na maaaring may kaugnayan sa paglikha ng tunog at pagpapasidhi ng guniguni at damdamin Pandaigdigang tumutukoy sa mga paksang hindi lamang umiiral sa Kaisipan sariling bansa, bagkus ay umiiral din sa iba pang mga bansa. Kawalang-maliw naglalarawan sa mga sulating hindi nagwawakas o naluluma. Aestetikong Anyo tumutukoy sa kagandahan o kasiningan ng isang akda. Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat Di-kathang-isip Gumagamit ito ng estilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay. Talambuhay Ito ay salaysay ng naging buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata at pinagmulan hanggang sa kinahinatnan ng kaniyang buhay pagtanda. Personal na Naratibo Ito ay salaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay ng mismong may-akda. Karaniwang nilalaman nito ang mga iba’t ibang danas ng sumusulat batay sa magkakaibang emosyong kaniyang nararamdaman at kung paano ito nakukulayan sa kaniyang paghaharaya, upang maikuwento nang buhay at masining. Maikling Kuwento Ito ang mga kuwentong maikli at inaasahang kayang mayari ng mambabasa sa isang upuan lamang. Sa kabila ng kaiklian, buhay ang paglalarawan at buong nailalahad ang mga susing pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan Sanaysay “sanay sa pagsasalaysay,” ito ay naglalahad ng mga kuro-kuro ng may-akda hinggil sa isang paksa. Kathang-isip Ito ang paglalahad ng salaysay na walang katotohanan at inimbento lamang ng may-akda sang-ayon sa pangangailangang makabuo ng isang ganap na kuwento. Nobela Naturingan ding “kathambuhay,” naglalahad at nagtatalakay ito ng madudulang pangyayari sa buhay ng tao. Nobelita mahaba ito kumpara sa maikling kuwento ngunit mas maikli kumpara sa isang nobela. Maikling Kuwento ang maikling kuwento ay hindi isang pinaikling nobela o kaya ay buod ng isang nobela, kundi magkaibang anyo ng panitikan ang dalawa. Bagkus, sa kabila ng kaiklian ng maikling kuwento, buo nitong nailalarawan ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at may kalakasang makapag-iwan ng kakintalan sa mambabasa Dagli Sa madaling pagpapakahulugan, isa itong anyong sulating higit na maikli kaysa maikling kuwento Pabula Isa sa pinakamatandang uri ng malikhaing panitikan sa kabuuan, namumukod na katangian ng pabula ang paggampan ng mga hayop Dula may tiyak at sariling estruktura ang pagsulat ng dula. Panulaan o Tula Ito ang uri ng malikhaing sulatin o panitikang tampok ang malayang paggamit ng may-akda sa wika ayon sa estilo at anyong nais niya Maikli maikli ang uri ng ganitong tula sapagkat binubuo lamang ang mga ito ng isang saknong na may tatlo hanggang limang taludtod. Haiku – Isa sa mga pinakakilalang anyo ng maikling tula at nagmula rin sa bansang Hapon, binubuo ito ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5. Tanaga – Sa tradisyonal na tanaga, binubuo ito ng isang saknong na nahahati sa apat na taludtod sa sukat na 7-7-7-7 at may tugmaang AAAA. Tanka – Nagmula ito sa bansang Hapon, na binubuo ng 31 pantig ang isang saknong. Nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7. Liriko o Pandamdamin Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng panulaan ng mga makata saan mang panig ng daigdig. Awit (dalitsuyo) – tungkol sa pag-ibig Dalit o Himno (dalitsamba) – tungkol sa pagpapala at pagpupuri sa Diyos Elehiya (dalitlumbay) – tungkol sa matinding kapanglawan, pagtangis, at kamatayan, o maaari ding pahayag ng mga pagguguniguning ukol sa kamatayan Oda (dalitpuri) – kaugnay ng paghanga o kaya ay pagbibigay ng parangal, nagpapahayag ito ng matayog na damdamin o kaisipan Pastoral (dalitbuki) – tungkol sa pang- araw-araw na pamumuhay ng mga tao, kaugnay ng pangingisda, pagsasaka, pagpapastol, at iba pa Soneto (dalitwari) – binubuo ng labing-apat na taludtod, na ang mga pahayag ay may kaakibat na matinding damdaming bunga ng mabigat na pagkukuro-kurong isinaad ng akda Pasalaysay Nagtataglay ito ng balangkas, maikli man ito o mahaba. Naglalahad ito ng mga tagpo o pangyayaring maaaring simple lamang o masalimuot, payak o madrama. Epiko – Karaniwang mahaba, naglalaman ito ng mga detalye ng kabayanihan, gawa, at/o makabuluhang kaganapang napapaloob sa isang lahi o bansa. Korido – Mayroon itong sukat na wawaluhin at tumatalakay sa mga alamat o kuwentong may impluwensiya ng mga bansa mula sa Europa. Isa sa popular na halimbawa nito sa Pilipinas ang Ibong Adarna. Tulagunam – Isang uri ng tulang pasalaysay na habang inaawit ay sinasaliwan ng sayaw. Tulasinta – Karaniwang may kinalaman sa damdamin ng isang tao, o maaari ding sa isang bahagi ng buhay nito, na isinasalaysay sa pamamagitan ng tula Dula Isa itong uri ng tulang may layong isadula o itanghal sa entabladong sasaksihan ng mga tagapanood Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy) – tungkol sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng pangunahing tauhan laban sa isang higit na makapangyarihang lakas, tulad ng tadhana Katatawanan (Dramatic Comedy) – kapuwang katawa-tawa ang paksang-diwa at pamamaraan nito ng panulat Katawa-tawang Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy) – katawa-tawa ang pamamaraan ng panulat ngunit madalas na nagtatapos ang tagpo nito sa kalunos-lunos na pangyayari Liriko-Dramatiko – taglay nito ang kawilihan sa tagpo, kilos, at damdaming ipinahahayag sa tula Madamdamin (Melodrama) – dulang patula na nakaukol sa paglalarawan ng galaw na may kaakibat na matinding damdamin Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue) – tampok dito ang isang taong nagsasadula ng tula mula simula hanggang wakas Parsa (Farce) – tampok dito ang mga eksaheradong linya, galaw ng mga tauhan, at tagpo, at nangangailangan ng mahusay na pagtatanghal ng mga nagsisiganap Patnigan Isang uri ito ng tulang itinatanghal ng magkatunggaling makata, na nagpapaligsahan ng kani-kaniyang katwiran at nagtatagisan ng talas sa pagtalos ng kanilang paksang-usapin. All Rights Reserved 2022- wernerearlgalliofen2-fili3s-filipinosapilinglarangan-1stquarter

Use Quizgecko on...
Browser
Browser