REVIEWER Tagalog Aralin 1-6 PDF

Summary

This document is a Tagalog reviewer for academic writing, covering topics like expository writing, persuasive writing, and characteristics of academic writing. It provides an overview of different types of academic writing, highlighting important elements and considerations for Filipino learners in secondary school.

Full Transcript

ARALIN 1-MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Ang pagsulat ay isang komprehensibong...

ARALIN 1-MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. ---Xing at Jin (1989) Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.-- Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006) Sosyo-kognitib – pananaw sa pagsulat, isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Nakapaloob sa mental na aktibi ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat. ▰ Nakapaloob naman sa sosyal na aktibiti ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksiyon o tugon sa teksto. Tandaan na ang isang akademikong sulatin ay mahusay kung ito ay sumusunod sa tamang format Halimbawa ng pinakamahusay na paksa – “Ang mga epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas” MGA LAYUNIN SA PAGSULAT 1. IMPORMATIBONG PAGSULAT - Kilala rin sa tawag na expository writing. Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. 2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT – Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito. AKADEMIK Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. ARALIN 2- Akademikong Pagsulat Akademikong Pagsulat Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-aaral, guro, administrator, gusali, kurikulum, at iba pa. Kalikasan 1. KATOTOHANAN- Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. 2. EBIDENSYA Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad. 3. BALANSE Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw. Katangian ng Akademikong Pagsulat 1. KOMPLEKS- Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansinpansin sa ano mang pasulat na gawain. 2. PORMAL- Tumutukoy ito sa masusing pagpili ng mga salitang gagamitin para sa akademikong sulatin. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. 3. TUMPAK- Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad ng tumpak o walang labis at walang kulang. 4. OBHETIBO- Ang akademikong pagsulat ay obhetibo sa halip na personal. Ang kadalasang pokus nito ay ang impormasyong ibinigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa. 5. EKSPLISIT- Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang signaling words sa teksto. 6. WASTO- Ang akademiko ay gumagamit nang wastong mga bokabularyo o salita. Maingat dapat ang manunulat sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat. 7. RESPONSABLE- Ang manunulat ay kailangang maging responsable sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din maging responsable sa pagkilala sa mga hanguan ng impormasyong kanyang ginamit. Dapat itong taglayin ng manunulat upang maiwasan ang playgiarism LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng isang akademikong papel. Ang karaniwang layunin ng akademikong papel ay 1. MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN Layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanayang posisyon hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na ito, pumipili siya ng isang posibleng sagot sa kanyang tanong na may layuning magpaliwanag, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran ebidensya, at tinatangkang baguhin ang pananaw ng mambabasa. 2. MAPANURING LAYUNIN Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layuning ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. 3. IMPORMATIBONG LAYUNIN Layuning ipaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT Maraming anyo ang akademikong pagsulat pinakapopular sa mga ito ay ang reaction paper at term paper dahil sa dalas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral. Ang mga anyong ito ay hinati sa tatlong kategorya. ▰ Ang unang kategorya ay ang mga karaniwang anyo dahil ang mga ito ang madalas ipagawa sa mga mag- aaral tulad ng Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu ▰ Ang ikalawang kategorya ay personal nakatuon ito sa manunulat, sa kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa, maging sa kanyang mga personal na karanasan. Nakapaloob dito ang Replektibong Sanaysay, Posisyong Papel, LakbaySanaysay at Pictorial Essay. ▰ Ang ikatlong kategorya ay ang iba pang anyo, walang ibang dahilan ang pagkakategoryang ito maliban sa residual ang mga ito. Hindi nabibilang ang mga ito sa una at ikalawang kategorya. Nakapaloob dito ang Bionote, Panukalang Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong. ARALIN 3-PAGSULAT NG ABSTRAK Sa pagsulat ng abstrak dapat iwasan ang paggamit ng sariling opinyon. Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang aklat na How to Write an Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mga mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK Unang hakbang- Basahing mabuti at pag-aralan ang sulatin na gagawan ng abstrak. Huling hakbang- Isulat ang pinal na sipi nito. URI NG ABSTRAK 1. IMPORMATIBONG ABSTRAK ▰ Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto. ▰ Nilalagom dito ang kabuluhan, kahalagahan, suliranin, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel. ▰ Kadalasang binubo ng 200 salita. 2. DESKRIPTIBONG ABSTRAK ▰ Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto. ▰ Binibigyang pansin ang kaligiran, suliranin, layunin, at paksa ng papel, pamamaraan at hindi ang resulta, kongklusyon at rekomendasyon. ▰ Kadalasang binubo ng 100 salita. 3. KRITIKAL NA ABSTRAK ▰ Ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang rebyu. ▰ Bukod sa nilalaman ng isang impormatibong abstrak, binibigyang ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik. KAHULUGAN NG BUOD/ paglalagom Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinapanood, o pinakinggan. PAGSULAT NG SINTESIS Ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o presentasyon. URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS 1. BACKGROUND SYNTHESIS Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. 2. THESIS-DRIVEN SYNTHESIS Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin. 3. SYNTHESIS FOR THE LITERATURE Halos katulad lang din ito ng background synthesis ang pagkakaiba lamang, ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS UNANG HAKBANG- Linawin ang layunin sa pagsulat IKALAWANG HAKBANG- Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito HULING HAKBANG- Isulat ang pinal na sintesis ARALIN 5—PAGSULAT NG BIONOTE KAHULUGAN NG BIONOTE Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay“. Nagmula rin sa wikang Griyego ang salitang graphia na ang ibig sabihin ay “tala“. Ang Bionote ay isang maikling paglalarawan sa isang tao kabilang dito ang edukasyon, karanasan sa trabaho at mga parangal. TANDAAN: - Ang pangunahing layunin ng Bionote aay magpakilala ng isang tao sa isang propesyunal na paraan. -Hindi dapat taglayin ng isang bionote ang kumpletong kasaysayan ng pamilya -Ang pinakamahalagang elemento ng isang Bionote ay ang pagkakakilanlan ng sarili at mga parangal. -Mahalagang gumamit ng mga aktibong pandiwa sa pagsulat ng bionote upang mas maging pormal ang tono ng pananalita at ideya. ARALIN 6--PANUKALANG PROYEKTO Ayon kay Nebiu (2002), ito ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong magresolba ang isang tiyak na problema. MGA BAHAGI I. Titulo ng Proyekto- Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala. II. Nilalaman III. Abstrak- Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang pagtatalakay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsible sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet. IV. Konteksto- Ang bahaging ito ay naglalaman sa sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto o mga datos na nakolekta mula sa iba’t ibang sanggunian V. Katwiran ng Proyekto-  PAGPAPAHAYAG SA SULIRANIN - Tiyak na suliraning pinagtutuunang solusyunan ng panukala.  PRAYORIDAD NA PANGANGAILANGAN - Pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa pagkakaroon ng suliranin. VI. Layunin- Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. Iisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala. VII. Target na Benepisyaryo- Kung sino ang makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito. VIII. Implementasyon ng Proyekto- Kung sino ang makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito.  ISKEDYUL- Detalye ng mga plinanong aktibidad.  ALOKASYON- Ipapakita dito ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul.  BADYET- Buod ng gastusin at kikitain ng panukalang proyekto.  PAGMONITOR AT EBALWASYON- Kung paano at kailan isasagawa ang mga aktibidad para mamonitor ang pag-unlad ng proyekto  PANGASIWAAN AT TAUHAN- Maikling deskripsyon ng bawat miyembro ng grupo na gumawa ng panukalang proposal. - MGA LAKIP- Karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang lalong magpatibay ang panukalang proyekto. TANDAAN: - Malalaman mo kung ang iyong proyekto ay may potensyal na maging matagumpay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang feasibility study - Masusuri mo ang kakayahan ng isang team na magpatupad ng proyekto sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang mga kwalipikasyon at karanasan. - Ang detalyadong panukalang proyekto sa panahon ng implementasyon ay magsisilbing gabay sa mga Gawain.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser