Aralin 1: Introduksiyon ng Akademikong Sulatin PDF

Summary

This document is a Tagalog lesson plan/study guide about academic writing. It covers different types of writing, sections of a text, writing process, critical thinking skills, and characteristics of clear writing.

Full Transcript

A LIN 1: AR N NG D U KS Y O INTR O ATIN O N G SU L A D EM IK AK PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nauunawaan ang kalikasan, layunin, at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag- aaral sa iba’t ibang...

A LIN 1: AR N NG D U KS Y O INTR O ATIN O N G SU L A D EM IK AK PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nauunawaan ang kalikasan, layunin, at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag- aaral sa iba’t ibang larangan PAMANTAYANG PAGGANAP Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin. TARGET NA KASANAYAN PARA SA ARAW: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat sa pamamagitan ng pananaliksik ng kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. POKUS NA TANONG 1. Mahalaga ba ang pagsulat? Bakit? 2. Paano mo ito mapakikinabangan? a)sa paaralan b)Sa trabaho PAGSULAT Libangan Trabaho Makrong Kasanayan Pagpapahayag ng kaalaman PAGSULAT Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideyang pumapasok sa isipan. LAYUNIN NG PAGSULAT Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001) Ang pagsulat ay nagpapahayag ng damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Ayon kay Mabilin sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012) ❖Personal o ekspresibo– kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. ❖Panlipunan o sosyal – kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag- ugnayan sa ibang tao o lipunang ginagalawan. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT 1.Masasanay ang kakayahang mag- organisa ng mga kaisipan at maisulat sa obhetibong pamamaraan. 2. Malinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos sa isinasagawang pananaliksik. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT 3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag- aaral sa mapanuring pagbasa. 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas sa bagong kaalaman. 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilangpag-aaral at akademikong pagsisikap. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsulat. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 01: WIKA Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 02: PAKSA Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat nakapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos nailalagay sa akda. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 03: LAYUNIN Ang layunin ang magsisilbing basehan sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isang sulatin. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 04: PAMAMARAAN NG PAGSULAT 1. Paraang impormatibo– magbigay impormasyon o kabatiran sa mambabasa. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 04: PAMAMARAAN NG PAGSULAT 2. Paraang ekspresibo– magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa paksa. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 04: PAMAMARAAN NG PAGSULAT 3. Pamamaraang naratibo– layuning magkwento at magsalaysay ng magkakaugnay na pangyayari. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 04: PAMAMARAAN NG PAGSULAT 4. Pamamaraang deskriptibo– maglarawan ng katangian, anyo, at pangyayari. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 04: PAMAMARAAN NG PAGSULAT 5. Pamamaraang argumentatibo– layuning manghikayat o mangumbinsi at mga isyung dapat pagtalunan o pag-usapan. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 05: KASANAYANG PAMPAG-IISIP Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag- analisa o magsuri sa mga datos na mahalaga at hindi gaanong mahalaga. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 05: KASANAYANG PAMPAG-IISIP Kailangang maging obhetibo sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa suliranin. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 06: KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT Kailangang magkaroon ng wastong kaalaman sa wika at retorika particular sa wastong paggamit ng bantas, Malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, at pagbuo ng pangungusap. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 07: KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN Tumutukoy sa kakayahang mailatag ang kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, at masining na pamamaraan mula sa panimula hanggang wakas ng akda. POKUS NA TANONG 1. Mahalaga ba ang pagsulat? Bakit? 2. Paano mo ito mapakikinabangan? a)sa paaralan b)Sa trabaho MGA URI N PAGS G ULAT MALIKHAING PAGSULAT (Creative Writing) Pangunahing layunin nito ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at maka antig sa imahinasyon at isipan sa mga mambabasa. 2. TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical Writing) Layuning pag-aralan ang isang proyekto o bumuo ng isang pag-aaral na kailangang lutasin ang isang problema. 3. PROPESYUNAL NA PAGSULAT (Professional Writing) Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. 4. DYORNALISTIK NA PAGSULAT (Journalistic Writing) Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama narito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa. 5. REPERENSIYAL NA PAGSULAT (Referencial Writing) Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama narito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa. 6. AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic Writing) Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Layunin nitong maipakita ang resulta ng ginawang pananaliksik. AKAD EMIK ONG PAGS ULAT Sa pag-aaral, mahalagang masagot nang maayos ng mga mag-aaral ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng resulta ng eksperimentasyon, at makalikha ng papel na pananaliksik. Sa mundo ng empleyo, ang isang tao ay kinakailangang marunong gumawa ng liham aplikasyon, gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsiyo, umapela sa paglilikom ng pondo, sumagot sa mga pakiusap at tanong ng kliyente, at makapagpasa ng makabuluhang ulat. MGA KATA NGIA NG DA AKAD TAGL P A T EMIK AYIN ONG P NG AGSU LAT 1.OBHETIBO Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksa. 2. PORMAL Iwasan ang paggamit ng mgasalitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din. 3. MALINAW AT ORGANISADO Ang mga talata ay dapat kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay dapat nagtataglay ng kaisahan. Bukod sa katangian kaisahan at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin. 5. MAY PANANAGUTAN Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat nabigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. PROS ESO S PAGS A ULAT BAGO SUMULAT (Prewriting) Ang mag-aaral ay daraan muna sa brainstorming. Malaya silang mag-isip at magtala ng kanilang kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. 2. HABANG SUMUSULAT (Actual Writing) Sa bahaging ito naisusulat ang unang burador na ihaharap sa maliit na grupo upang magkaroon ng interaksiyon kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o puna. 3. PAGKATAPOS SUMULAT (Post-writing) Sa bahaging ito, isinasagawa ang pagbabago sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas, at paglilipat- lipat ng mga salita sa pangungusap, o parirala. Bilang pangwakas na hakbang, pagtutuonan na ang mekaniks ng sulatin tulad ng baybay, bantas, at gramatika. BAHA GI NG TEKS TO 1.PANIMULA Ang bahaging ito ay dapat kawilli-wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin ang teksto. 2. KATAWAN Matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang mambabasa. 3 hakbang upang maisagawa ito: a)Pagpili ng organisasyon b)Pagbabalangkas ng nilalaman c)Paghahanda sa transisyon ng talataan 3. WAKAS Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag- iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaring mabigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip o repleksiyon. Pokus naTanong: Kung ikaw ay magiging isang manunulat, bakit ka magsusulat? SALA MAT S PAKI A KINIG

Use Quizgecko on...
Browser
Browser