Tagalog Exam Prep Material PDF
Document Details
Tags
Summary
This document contains multiple choice questions on Tagalog academic writing. The subject matter covers key aspects of academic writing, including types of writing, structure, vocabulary, and considerations for formatting and content. These questions are designed to assist students.
Full Transcript
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang. Pilin ang tamang sagot mula sa letrang pagpipilian. Iwasan ang pagbubura ng iyong sagot. 1. Ito ay tinatawag na intelektwal na pagsulat. a. Malikhain b. Akademiko c. Tala sa May-akda...
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang. Pilin ang tamang sagot mula sa letrang pagpipilian. Iwasan ang pagbubura ng iyong sagot. 1. Ito ay tinatawag na intelektwal na pagsulat. a. Malikhain b. Akademiko c. Tala sa May-akda d. Buod at Síntesis 2. Gumagamit ito ng pormal na wika o sumasailalim sa istriktong kombensiyon ng pagbabantas, pagbabaybay, at gramatika. a. Malikhain b. Akademiko c. Tala sa May-akda d. Buod at Sintesis 3. Ito’y bahagi ng estruktura ng akademikong sulatin na tinatalakay ang papaksain ng pananaliksik at ang kahalagahan nito. a. Simula b. Gitna c. Katawan d. Kongklusyon 4. Ito’y estilong akademiko na tiyak at malaman ang mga impormasyon. a. Obhetibo b. Impersonal c. Pangkalahatan d. Personal 5. Ang mga sumusunod ay tamang kahulugan sa akademikong pagsulat maliban lang sa isa. Hanapin ang maling pahayag sa akademikong pagsulat. a. Mahalagang tandaan na upang maging epektibo ang akademikong sulatin, kailangang malinaw ang pagkakasulat ng teksto. b. Lohikal at sistematikong pagpapaunlad ng ideya ang nilalaman ng akademikong sulatin. c. Katangian din ng akademikong sulatin ang pagkilala sa mga sinangguni at ginagamit na saliksik ng manunulat d. Kapansin-pansing pangkabuuan ang pagkasulat ng mga akademikong sulatin. 6. Ang mga sumusunod ay mga dapat iwasan ng manunulat na laging banggitin sa Akademikong sulatin maliban sa isa. Hanapin ang hindi kabilang sa pahayag. a. Isinagawa ko ang panayam..... b. Sa kritikang ito, aking susuriin..... c. Sa aking palagay..... d. Batay sa aklat ni.... 7.Ang mga pahayag ay nasa ikatlong panauhan maliban sa isa. Hanapin ang hindi kabilang na pahayag. a. Ipinapanukala.... b. Susuriin sa kritika ang c. Ayon sa. d. Naniniwala ako........ 8.Naglatag ng gabay ang University of Monash kaugnay sa mga dapat iwasan sa pagsulat ng mga akademikong papel maliban sa isa. a. Maling paggamit ng mga sipi. b. Kakulangan sa sanggunian c. Epektibong pagpapakahulugan (paraphrase) sa ibang pangungusap. d.Lahat ng nabanggit ay tama 9.Naging kapani-paniwala ang isang sulating akademiko kapag a. mayroong kredebilidad b. Ang mga ideya o pananaw ay sinusuportahan ng mga ebidensiya ng ilang dekada na ang lumipas. C. Ito ay sumasailalim sa istriktong kombensiyon ng pagbabantas, pagbabaybay at gramatika. D.Gumagamit ng mga sanggunian. 10. Suriin ang pahayag at pilin ang pahayag na nagtataglay ng kredibilidad. a. Mahalaga sa mga mag-aaral ang magarang kasuotan. b. Sa aking palagay, mahalagang magara ang kasuotan ng mag-aaral upang matawag siya mabuting mag-aaral. c. Sa pag-aaral ni Boyser (1999), napatunayan na mayroong epekto ang magarang kasuotan ng mga mag-aaral sa pagiging mabuting mag-aaral. d. Sa isinagawang pag-aaral mula 2010-2016 ng Kapisanan ng mga Matatalinong Mag- aaral, napag-alaman na may ugnayan ang magarang kasuotan sa interest ng mga mag-aaral sa pag-aaral. 11. Ito’y pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may-akda. a. Bionote b. Abstrak c. Sintesis at Buod d. Akademikong sulatin 12. Taglay ng sulating ito ang layunin na paikliin ang iba’t ibang batis ng kaalaman at impormasyon. Ito ay hitik at pinaikling bersiyon ng mga nabasa upang makabuo pa ng panibagong ideya. a. Bionote b. Abstrak c. Sintesis at Buod d. Akademikong sulatin 13. Ang abstrak ay nakasulat sa a. Pangatlong panauhan b. Pangunahing panauhan c. Ikalawang panauhan d. Panlahat na panauhan 14. Ito’y listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan, dedesisyunan, o gagawin sa isang pulong. a. Bionote b. Sintesis at Buod c. Adyenda d. Katitikan 15. Tinatawag na opisyal na tala o record ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisasyon. a. Bionote b. Sintesis at Buod c. Adyenda d. Katitikan 16. Ito’y katangian ng abstrak na sulatin. a.Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman b. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa tamang pagkasunud-sunod na pangyayari sa kwento. C. May makatotohanang paglalahad sa isang tao. d. Naglalaman ng mga paksa na pormal at organisadong inilalahad 17. Ikaw ay pinuno ng isang organisasyon ng mga kabataan. Kinakailangan ng agarang pagpupulong sapagkat mayroong panibagong impormasyon na kinakailangang malaman ng mga kabataan. Ano ang iyong unang gagawin? a. Ipaalam sa mga kabataan ang panibagong impormasyon. b. Maghanda sa pagpupulong c. Pagpaplano sa mga adgenda sa pagpupulong. d. Ipaalam sa nakakataas ang gagawing pagpupulong. 18. Nanood ka ng sine kasama ang iyong kaibigan. Tanong ng iyong kapatid pag-uwi mo, “Maganda ba ‘yung pelikula? Tungkol ba saan?” Ayaw mo namang isalaysay sa kapatid mo ang buong kwento. “Maganda,” sagot mo. “Ang kwento ay tungkol sa batambatang scientist na nangarap makatuklas ng gamot sa kanser pero sa katapusan ayaw ko ang kinahinatnan ng pangunahing tauhan...” Ito’y halimbawa ng ? a. Bionote b. Sintesis c. Buod d. Katitikan 19. Sa pangungusap na “May ilang paraan upang mapuksa ang mga lamok sa ating paligid”. Tungkol saan ang pangungusap? A. Maraming uri ng lamok b. Dapat nating panatilihing malinis ang mga kanal at hayaang tuluy-tuloy ang tubig upang hindi pamahayan ng mga lamok ang mga ito. c. Maaari nating buhusan ng langis ang tubig na may mga kiti-kiti upang mapuksa ang mga ito. d. Maaari nating bombahin ang mga ito ng pamatay-lamok. 20. Sa pangungusap na “Makapaglalakbay ka kahit saan sa pamamagitan ng imahinasyon”. Tungkol saan ang pangungusap? a.Sa tuwing iniisip mo ang iyong ina, parang magkatabi lang kayo gayong matagal na siyang nasa HongKong. b. May biglang naisip ka at ilang saglit pa, namumutla ka na. c. Nag-iisip ka ng rosas na ibibigay sa iyong nobya at bigla, parang nakikita mo siya na inaamuy-amoy ang nasabing bulaklak. d.Nag-iisip ka ng makakain, halimbawa’y maasim na mangga, at biglang naglaway ka. 21. Piliin ang tamang etika sa pag-oorganisa ng pagpupulong. a. Dapat ipaalam at isulat ang mga pag-uusapan/tatalakayin. b. Ipaalam ang adgenda pagkatapos ng pagpupulong. c. Kinakailangan na mamigay ng imbitasyon o pasabihan ang mga taong dapat dumalo sa pagpupulong ilang oras bago magsimula ang pagpupulong. d. Maging agresibo sa pamumuno ng pagpupulong. 22-24. Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Maraming masasayang gawain ang iskawts. Natututo sila ng iba’t ibang paraan ng pagtatali. Nagka-camping at natutulog sila sa mga tent. Nagha-hiking sila para makatuklas ng mga kakatwang puno, dahon, at bulaklak. Marami silang natututuhang kasanayan hinggil sa kung paano makaliligtas sa mapapanganib na sitwasyon. Sila ang nagluluto ng sarili nilang pagkain tuwing may camping at iba pang kaugnay na gawain. 22. Ano ang paksa ng talata? a. Gawain ng isang Iskawts b. Camping c. Iskawts d. Hiking ng Iskawts 23. Ano ang paksang pangungusap ng talata? a. Sila ang nagluluto ng sarili nilang pagkain tuwing may camping at iba pang kaugnay na Gawain. b. Marami silang natutuhang kasanayan hinggil sa kung paano makaliligtas sa mapapanganib na sitwasyon. c. Nagka-camping at natutulog sila sa mga tent. d. Maraming masasayang gawain ang iskawts. 24. Anong pangungusap ang mapabilang sa mapagpatibay na pangungusap? a. Sila ang nagluluto ng sarili nilang pagkain tuwing may camping at iba pang kaugnay na Gawain. b. Marami silang natutuhang kasanayan hinggil sa kung paano makaliligtas sa mapapanganib na sitwasyon. c. Nagka-camping at natutulog sila sa mga tent. d. Maraming masasayang gawain ang iskawis. 25-27. Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Magkakatulad ang mga detalye sa maraming kwento tungkol sa mga bampira. Bumabangon sila sa gabi at muling humihimlay sa kani-kanilang kabaong bago pumutok ang liwanag. Naglilibot sila sa gabi sa paghahanap ng mabibiktima. Uhaw sa dugo ang mga bampira. Sa lahat ng kaugnay na mga kwento, pinalilitaw na sumasailalim muna ang biktima sa hipnotismo upang tuluyang siyang mapasailalim sa mga nakabibighaning mata ng bampira. Ganito rin ang ipinakikita sa mga pelikula hinggil kay Drakula na isang bampira. 25. Ano ang paksa ng talata? a. Magkatulad ang mga detalye sa maraming kwento tungkol sa mga bampira. b. Bampira c. Drakula d. Kwentong Bampira 26. Ano ang paksang pangungusap ng talata? a. Ganito rin ang ipinakikita sa mga pelikula hinggil kay Drakula na isang bampira. b. Uhaw sa dugo ang mga bampira. c. Sa lahat ng kaugnay na mga kwento, pinalilitaw na sumasailalim muna ang biktima sa hipnotismo upang tuluyang siyang mapasailalim sa mga nakabibighaning mata ng bampira. d. Magkakatulad ang mga detalye sa maraming kwento tungkol sa mga bampira. 27. Anong pangungusap ang mapabilang sa mapagpatibay na pangungusap? a. Ganito rin ang ipinakikita sa mga pelikula hinggil kay Drakula na isang bampira. b. Uhaw sa dugo ang mga bampira. c. Sa lahat ng kaugnay na mga kwento, pinalilitaw na sumasailalim muna ang biktima sa hipnotismo upang tuluyang siyang mapasailalim sa mga nakabibighaning mata ng bampira. d. Magkakatulad ang mga detalye sa maraming kwento tungkol sa mga bampira. 28. Ayusin ang mga hakbang sa pag-oorganisa ng pulong. 1. Pagpaplano 2. Paghahanda 3. Pagtatala 4. Pagpoproseso a. 1,2,3,4, b. 1,2,4,3 c. 2,1,3,4 d. 2,3,1,4 29. Sa pagpasok ni John sa Senior High School ay agad na nalantad siya sa ba’t ibang sulatin. Gumawa siya ng mga pananaliksik at bumuo ng mga pag-aaral at proyektong pasulat bilang layunin ng anong sulatin? a. Malikhaing pagsulat b. Propesyonal na pagsulat c. Teknikal na pagsulat d. Dyornalistik na pagsulat 30. Dito ibinabatay ang paraan ng paglalahad ng bawat sulatin na maaaring ito ay nasa anyong argumentatibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo at ekspresibo. a. Estilo ng pagsulat b. Pamamaraan ng pagsulat c. Layunin ng pagsulat d. Paksa ng pagsulat 31. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw at mapapukaw ng damadamin at makaantig ng imahinasyon. a. Malikhaing pagsulat b. Propesyonal na pagsulat c. Teknikal na pagsulat d. Dyornalistik na pagsulat 32. Sa larangan pagsulat ditto umiikot ang pangunahing ideyang dapat nakapaloob sa sinusulat. a. Layunin b. Paksa c. Datos d. Metodo 33. Ito ay anyo ng pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng doktor, nars, inhenyero at iba pa. a. Malikhaing pagsulat b. Propesyonal na pagsulat c. Teknikal na pagsulat d. Dyornalistik na pagsulat 34. Ito ang nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga kaalaman at nilalaman ng pagsulat. a. Malikhaing pagsulat b. Propesyonal na pagsulat c. Teknikal na pagsulat d. Dyornalistik na pagsulat 35. Ito ang nagsisilbing midyum o behikulo upang maisatitik ang pagsulat. a. Ponema b. Wika c. Morpema d. Sintaks 36. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling karanasan, naisip o nadarama gaya ng tula, dula, awit at iba pa. a. malikhaing pagsulat b. propesyonal na pagsulat c. teknikal na pagsulat d.Dyornalistik na pagsulat 37. Sulatin ito na may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita, editorial, at lathalain. a. malikhaing pagsulat b. propesyonal na pagsulat c. teknikal na pagsulat d. dyornalistik na pagsulat 38. Ito ay institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan sa karunungan. a. paaralan b. akademya c. pamantasan d. Unibesidad 39. Ano ang ang pamagat ng nasabing pananaliksik? a. Antas ng kahusayan ng mga Katutubong Gaddang Hinggil sa Mga Awiting-Bayan b. Antas ng Katutubong Gaddang sakanilang mga Awiting-Bayan c. Antas ng Kaalaman ng mga katutubong Gaddang Hinggil sa Kanilang Mga Awiting-Bayan d. Antas ng mga Awiting-Bayan na Nalalaman ng mgakatutubong Gaddang 40. Ano-ano ang mga susing salita na napaloob sa abstrak? a. Pilipinas, pangkat-etniko, Katutubo b. Antas ng Kaalaman, Gaddang, Awiting-bayan c. Kasarian, edad, kaalaman d. Katutubo, tradisyon, pangkat-etniko 41. Sa inilahad na abstrak, saang pangungusap matatagpuan ang kritikal na Diskusyon? a. Pangungusap 6 b. Pangungusap 8 c. Pangungusap 7 d. Pangungusap 9 42. Ano ang inilahad ng pangatlong pangungusap? a. Paksa b. Layunin c. Datos d. Metodo 43. Sa binasang abstrak saan makikita ang paksang pangungusap? a. Pangungusap 1 b. Pangungusap 2 c. Pangungusap 3 d. Pangungusap 4 44. Ano ang inilalahad ng pang-apat na pangungusap? a. Layunin b. Metodolohiya c. Datos d. Sanligan 45. Sa anong mga pangungusap inilalahad ang buong resulta ng pag-aaral? a. Pangungusap 5,6,7,9 b. Pangungusap 5,6,7,8 c. Pangungusap 4,5,6,7 d. Pangungusap 5,6,7,4 46. Ang binasang Akademikong sulatin ay isang halimbawa ng a. Presi b. Buod c. Sinopsis d. Tala sa May-akda 47. Ano ang paksa ng binasang character sketch? a. Manunulat ng Filipino b. Guro ng Filipino c. Huwarang ina d. May bahay na Guro 48. Ang mga sumusunod ay ang detalye ng inilahad sa akda upang mailarawan ang paksa maliban sa: a. Personal na datos b. Mga likhang sining c. Mga pag-aaral na natapos d. Katatasan sa pananaliksik. 49. Ano ang pinakarnatatanging detalye para kay Alma Dayag? a. Personal na datos b. Nadaluhang pagsasanay c. Mga natapos na pag-aaral d. Natamong gawad 50. Layunin ng character sketch na ito na ipakilala si Alma Dayag bilang a. Panauhing pandangal b. Tagapagsalita ng seminar c. Bagong Punongguro d. Tagapagdaloy ng palatuntunan