Mga DULOg Teoretikal sa Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika PDF

Document Details

WellManneredBowenite799

Uploaded by WellManneredBowenite799

Teodoro M. Luansing College of Rosario

2004

Teodoro M. Luansing

Tags

wika pagkatuto teorya ng pagkatuto ng wika edukasyon

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga teorya sa pagkatuto ng wika, kabilang ang behaviorism, innatism, at cognitive theories. Ang papel na ginagampanan ng mga cognitive theories sa pagkatuto ng wika ay tinalakay rin dito. Ang dokumentong ito ay isang akademikong papel tungkol sa pagtatamo at pagkatuto ng wika.

Full Transcript

MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO WIKA Sa katunayan, may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang pilosopong Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap; at ang Ikalawa- ang tao o bagay na nagsa...

MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO WIKA Sa katunayan, may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang pilosopong Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap; at ang Ikalawa- ang tao o bagay na nagsasagawa ng kilos. Si Dionysius Thrax, isang Griyego, ay tumutukoy ng walong iba’t ibang klasipikasyon ng mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na The Art of Grammar ay sumikat at ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at Griyego. ANG PRESCRIPTIVE GRAMMAR Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga pag-aaral ng Wika. Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino. Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika ay naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito, ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang ANG DESCRIPTIVE LINGUISTIC Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung paano nabuo ang mga ito, at nailarawan din nila ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri ng mg anyo ng pangungusap. Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o dayagramming bilang gamiting paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipalaiwanag ang target na (W2) sa tulong ng kaalaman sa kayarian ng unang wika. ANG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang nagging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika. Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak. Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method (ALM) na nagging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba. · Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita; · Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril; · Paggamit lamang ng target na wika; · Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot; · Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at · Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ang bata ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw. Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989). TEORYANG COGNITIVE Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag- aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw na kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (page at pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika. TEORYANG MAKATAO Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay- diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan. Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov. MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na VerbalBehavior (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyuna isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag- uulit natutuhan ang wika. Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang- kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at · Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito. · Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak. · Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika. ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL (TRANSFORMATIONAL GRAMMAR) Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na ang isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na nalalamman at nagagamit ng isang tao sa kanyang pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na maipaliwanag at mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika. Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng wika perse, malaki ang naiambag nito sa monitormodel ni Krashen. MONITOR MODEL NI KRASHEN May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen: ang acquisition learning hypothesis, na nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto (na sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika); ang natural order hypothesis, nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay natatamo sa isang mahuhulaang pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan; ang input hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga mensahe; at ang affective filter hypothesis, na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pang-isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo ng wika. Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan naman ito ng isang matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki ang impluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika. Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng haypotesis na ito na ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika. Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika na mas naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na sinusunod sa natural na order ang bata sa pagtatamo ng wika. Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng pagtatamo at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich environment na makapagpapadali sa natural o likas na pagkatuto nito. Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang prosesong payak at totoong kamangha-mangha- kapag naunawaan natin ang mga mensahe. Ang kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi ni Krashen na comprehensible input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad sa “caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa lamang nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver. Ang caretaker speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan, kontrolado ang bokabularyo, iba’t- ibang paksa) ay nakapokus sa komunikasyon. Ang affective filter hypothesis. Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil nagagawa ng mga ito na mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language Acquisition Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa mga comprehensible input, maaaring kaunting input lamang ang makapapasok MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA MONITOR MODEL Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga istrukturang pangwika (W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may natatamong comprehensible input at kung mababa ang affective filters at maluwag na makakapasok ang input. Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon at di- kumpletong pagsasalita ay tinatanggap. Natural Order. Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan ng mga pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga pangungusap. Monitor.Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan ng mga mungkahi o tuwirang tuntuning gramatikal. Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring epektibo sa ibang mag-aaral. Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan ng isang pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat bata. ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL (LEARNER-CENTERED TEACHING) Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na: · Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral; · Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain o pagsasanay) · Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili; · At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag- aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin. Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na “maangkin” ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon. ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG (COOPERATIVE LEARNING) Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag- aaral. Ang mga mag-aaral ay isang “koponan” na ang layunin ng bawat manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang itinakdang gawain. Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin. ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB (INTERACTIVE LEARNING) Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at pagtanggap awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o pasulat man. Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod: Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito. Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika sa “labas” Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang-diin a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong element gaya ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pasulat); at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita. Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang: Tulong-tulong na pagkatuto Pagkatutong partisipatori Pagkatutong nakapokus sa mag- aaral Integrasyon ng “apat na kasanayan” Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika CONTENT-CENTERED EDUCATION Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content- centered education ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika. ANG PAGKATUTONG TASK-BASED Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task. ANG BRAIN-BASED LEARNING Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga teoryang neurofunctional at ang pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at neuroanatomy- para matukoy hangga’t maaari kung aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa pakikipagtalastasan. Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning (Caine at Caine, 1991) at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika. MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAIN-BASED Simulain Mga Implikasyong Pampagtutur o 1.Nagagawa ng utak Ang mga karanasan na makapagproseso sa pagkatuto ay nang maramihan at kailangang maiplano sabay-sabay. nang mabuti (orchestrated) upang 2.Kasangkot sa Dapat isaalang- anumang alang ang pagkatuto ang nutrisyon, kabuuan ng ating ehersisyo, labis physiology na pagkabahala, (katawan at mga at kahandaan ng bahagi nito). mag-aaral sa anumang okasyon ng pagtuturo at 3.Ang Ang anumang paghahanap at pagkatuto sa wika ay kailangang pagbuo ng maglaan ng kahulugan ay kapanatagan at likas sa tao pagpapalayag-loob bukod pa na tumutugon ito sa kawilihan at pagkamausisa ng 4.Ang utak ay Ang ideyal at mabisang proseso ng nakadisenyo pagtuturo ay upang naglalahad ng mga makapaghula at impormasyon sa paraang magagawa makalikha ng ng utak na mga larawan. makahugot ng mga hulwaran at aktibong makalikha ng pagpapakahulugan. 5.Ang mga Kinakailangang suportahan ng emosyon ay anumang pagtuturo mahalaga sa ang kaligirang kabatiran ng mag- memorya. aaral at ang kanyang taglay na wika. 6.Sabay-sabay Ang mga kasanayang na pangwika gaya ng pinoproseso balarila at ng utak ang talasalitaan ay lubusang natutuhan mga bahagi at sa isang kabuuan ng awtentikong kaligirang pangwika isang (paglutas ng 7.Kasangkot sa Ang musika, pagkatuto ang sining, at iba pang atensyong may mga katulad na pampasigla sa tiyak na pokus ating kaligiran ay at mga pang- maaaring unawa sa makaragdagat kapaligiran makaimpluwensy kaugnay nito. a sa likas na 8.Ang di-malay Kailangang bigyan at may malay ng pagkakataon ang mga mag-aaral na na balik-aralan ang pagpoproseso anumang ng isip ay pagkatuto upang lagging mapag-isipan itong mabuti, at kasangkot sa mapamahalaan anumang nang maayos ang 9.Tinatayang Gamitin ang rote learning system sa mga may dalawang teknik sa pagtuturo na uri ng nakapokus sa pagsasaulo ng mga memorya: ang salita at mga tuntuning memoryang spa panggramatika samantalang sa mga tial at ang pagtuturong kailangang memoryang rot isangkot ang mag-aaral sa pagbabahagi ng e. naiibang karanasan. 10.Nagiging Ang isa-sa-isang mabisa ang paglinang ng mga kasanayang pagkatuto kung pangwika ay lubos ang mga na matututuhan kaalaman at kung nakatutok sa kasanayan ay mga gawain at karanasang nakapaloob sa awtentiko (lakbay- likas na aral, pagtatanghal, 11.Ang Dapat sikapin ng pagkatuto ay guro na ang napasisigla ng kanyang klasrum ay kaaya-aya at mga hamon at walang anumang nahahadlangan palatandaan ng ng pagbabanta panankot a at pananakot. mayaman sa mga hamong pang- 12.Bukod- Ang mga tangi ang teknik sa bawat utak. pagtuturo ay kailangang marami at magkakaiba.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser