Panahon ng Amerikano PDF
Document Details
Uploaded by AwesomeAutomatism5371
Tags
Related
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Pilipinong Identidad PDF
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa (PDF)
- Mga Tala ng Ikalawang Baitang (COR 003) PDF
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Propaganda (G3 STEM 11) PDF
- Pagsusuri ng Wikang Filipino: Pag-aaral ng Paggamit sa Iba't Ibang Sektor PDF
- Kasaysayan ng Pagsasalin sa Pilipinas (157-169 PDF)
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang bahagi ng materyal na pang-edukasyon, partikular na mula sa mga aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Nakatuon ito sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Kasama sa mga paksa ang mga layunin sa pagkatuto, mga kasanayan sa pagkatuto, at mga programa sa edukasyon.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop ARALIN 7.3 Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano Tal...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop ARALIN 7.3 Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano Talaan ng Nilalaman Introduksiyon 1 Mga Layunin sa Pagkatuto 2 Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2 Simulan 2 Pag-aralan Natin 4 Programa sa Edukasyon 5 Politikal na Kalamangan ng Ingles 5 Pag-usbong ng Wikang Pambansa 6 Pagpili sa Wikang Tagalog 6 Mga Isyu sa Pagpili sa Wikang Tagalog 6 Sagutin Natin 7 Subukan Natin 7 Isaisip Natin 8 Pag-isipan Natin 9 Dapat Tandaan 10 Pinagkunan ng mga Larawan 11 Mga Sanggunian 12 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Aralin 7.3 Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano Lar. 1. Nakalarawanang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa likod ng perang limang piso. Introduksiyon Kasalukuyang nagaganap ang Rebolusyong Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa Piipinas. Bilang umuusbong na kapangyarihan sa mundo, malaki ang interes ng Estados Unidos sa Pilipinas dahil sa estratehikong lokasyon nito sa Timog-Silangang Asya. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris noong 1898 ay ipinagbili ng Espanya sa Estados Unidos ang karapatan nito sa pamamahala ng Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyar. Ito ang nagtakda sa ganap na pagsakop ng mga Amerikano sa bansa, na nagdulot din ng mga pagbabago sa wikang umiiral sa Pilipinas. Nagwakas ang pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 kasabay ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas ayon sa itinadhana ng batas. 1 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Mga Layunin sa Pagkatuto Sa araling ito, inaasahang nailalarawan ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa (F11PN – If – 87); nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB – If – 95); natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS – Ig – 88); nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa (F11PU – Ig – 86); at natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11WG – Ih – 86). Simulan Ganito Noon, Ano na Ngayon? Mga Panuto 1. Magsaliksik tungkol sa mga larawan sa bawat bilang. Magbigay ng isang pangungusap na impormasyon tungkol dito at isulat ito sa ikalawang kolum ng 2 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop talahanayan. 2. Isulat sa ikatlong kolum kung ano na ang kasalukuyang kalagayan, impluwensiya, o bunga nito sa Pilipinas o mga Pilipino. Talahanayan Talahanayan 1: Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas sa tatlong larawan Ang mayroon dito noon? Ano na ngayon? Lar. 2. Mga kampana ng Balangiga Lar. 3. “Bodabil” 3 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Lar. 4. Thomasites Mga Gabay na Tanong 1. Sa ano-anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino may kinalaman ang mga nasa larawan? 2. Ano-anong pagbabago ang hatid nito para sa mga Pilipinong kakakamit pa lamang ng kanilang kalayaan mula sa mga Espanyol? Pag-aralan Natin Mahahalagang Tanong Ano ang kalagayang pangwika ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano? Ano ang pagkakaiba nito sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol? Nakabuti o nakasama ba ito para sa mga wika sa Pilipinas? May walong pangunahing wikang katutubo na namayani sa bansa bago dumating ang mga Amerikano—Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bikol, Waray-waray, Kapampangan, at Pangasinense. Ginagamit pa rin noon ang wikang Espanyol ng ilang sektor ng lipunan, lalo na sa sektor ng relihiyon. Sa pagdating ng mga Amerikano, patuloy na namayani ang iba’t ibang wikang katutubo matapos ang himagsikan. Kakaunti naman ang Pilipinong nakauunawa ng wikang Ingles. 4 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Malaki ang papel na ginampanan ng mga Amerikano sa paghulma ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Nagdulot ito ng mga pagbabago sa wikang umiral sa bansa sa panahon ng kanilang pananakop. Nagkaroon din ito ng impluwensiya sa mga katutubong wika sa bansa. Alamin Natin adbentaha kalamangan linang paunlarin estratehiya paraan Programa sa Edukasyon Isa sa mga pangunahing programa ng mga Amerikano sa Pilipinas ang pagpapakilala sa pampublikong sistema ng edukasyon. Dinala nila sa bansa ang mga Thomasite, mga gurong Amerikano upang magturo sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng suliranin sa wikang gagamitin sa pagtuturo sa mga Pilipino. Pinili nilang gamitin ang wikang Ingles dahil sa sumusunod na dahilan: Mas praktikal gamitin ang wikang Ingles. Hindi na kailangang pag-aralan ng mga Amerikanong guro ang wika ng mga Pilipino. Nasa wikang Ingles ang mga batayang aklat at iba pang kagamitan sa pagtuturo. Politikal na Kalamangan ng Ingles May adbentaha ang paggamit ng wikang Ingles sa tuluyang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Dahil dayuhang wika, inisip ng mga Pilipino na ang wikang Ingles ay mas mataas na wika. Kung gayon, naniwala ang mga Pilipino na mas mataas na lahi ang Amerikano kaysa sa kanila. Marami ding produkto mula sa Amerika ang tinangkilik ng mga Pilipino dahil bago ang mga ito sa kanila at hindi mabibili sa bansa. Ilang halimbawa nito ang tomato catsup at spam. Marami ding aspekto ng kulturang Amerikano ang itinuro ng bagong mga 5 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop mananakop sa mga Pilipino. Taliwas ito sa estratehiya ng mga Espanyol at tiningnan ito ng mga Pilipino bilang magandang “gawi” at pagpapakita na “mabuti” silang mananakop. Dahil dito, mas madaling naimpluwensiyahan ng mga Amerikano ang kulturang Pilipino. Pag-usbong ng Wikang Pambansa Taong 1935 nang itatag ang Pamahalaang Commonwealth bilang paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano. Ika-13 ng Nobyembre, 1936 sa bisa ng Commonwealth Act 184 ay nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) para pag-aralan ang mga katutubong wika sa Pilipinas at pumili ng itatakdang batayan ng wikang pambansa. Taong 1937 naman nang idineklara ni Pangulong Manuel Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan ng pauunlaring wikang pambansa. Ito ang unang hakbang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Pagpili sa Wikang Tagalog Ang wikang Tagalog ang piniling batayan ng wikang pambansa dahil mas marami ang Pilipinong gumagamit at nakauunawa ng wikang ito, lalo na sa Luzon. Ang pagiging maunlad ng estruktura at mekanismo ng wikang Tagalog ay isa rin sa mga naging dahilan. Sa lahat ng wikang umiiral sa Pilipinas, ang Tagalog ang pinakaginagamit sa panitikan. Maraming aklat ang nakasulat sa wikang Tagalog at patuloy itong ginagamit sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng panitikan. Mga Isyu sa Pagpili sa Wikang Tagalog Hindi naging madali ang pagtukoy sa katutubong wika na gagawing batayan para sa itatalagang wikang pambansa ng Pilipinas. Nang iminungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa ang wikang Tagalog, marami ang tumutol dito, partikular na ang mga Bisaya. Ayon sa kanila, minadali ang pagdedesisyon upang makatugon sa isa sa mga hinihingi ng mga Amerikano bago nila ideklara ang kalayaan ng Pilipinas. Tagalog ang wika ni Manuel L. Quezon, ang pangulo ng bansa, na siya ring kinilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.” 6 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Sa kabila ng impluwensiya ng mga Amerikano sa maraming aspekto ng lipunang Pilipino, nagbigay naman ito ng pagkakataon na luminang ng isang wikang pambansa. Ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapaunlad ng mga wika sa bansa. Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Anong sistema sa edukasyon ang dinala ng mga Amerikano sa Pilipinas? 2. Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano na nagturo sa Pilipinas? 3. Ano ang mga isyung kaakibat sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa? Subukan Natin A. Piliin ang salitang tinutukoy sa loob ng kahon. Ilagay ang sagot sa patlang. Ingles mababa kultura Thomasite tanggulan ng wika Surian ng Wikang Pambansa ________________ 1. Ang mga _______________ ang nagsilbing guro ng mga mag-aaral noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas. ________________ 2. Ang mga aklat na ginagamit sa edukasyon ay nakasulat sa wikang _______________. ________________ 3. Nagkaroon ng maling paniniwala ang mga Pilipino sa sariling wika, ipinalagay nilang _______________ itong uri ng wika. 7 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop ________________ 4. Madaling naimpluwensiyahan ng mga Amerikano ang mga Pilipino, dahil inilapit nila ang bahagi ng kanilang _______________. ________________ 5. Noong 1936 ay itinalaga ng pamahalaan ang _______________ para manguna sa pagsusulong ng wikang pambansa. B. Punan ang talahanayan ng mahahalagang kaalamang natutuhan sa araling tinalakay. Wika sa Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano Isaisip Natin Kung ikaw ay nasa panahon kung kailan matindi ang isyu sa pagitan ng wikang Tagalog at iba pang katutubong wika, ano ang iyong magiging saloobin tungkol dito? Bakit? 8 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Pag-isipan Natin Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag sa mga sanhi at bunga ng mga pagbabago sa kalagayang pangwika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Maaari ding iugnay ang naging epekto nito hanggang sa kasalukuyang lipunang Pilipino. Talahanayan 2: Gamitin ang rubrik sa pagmamarka Mas Mababa Kailangan Kaysa Inaasahan pang Magaling Napakahusay Pamantayan 1 Magsanay 3 4 2 Nilalaman (30%) Hindi Karamihan sa Tama ang ilang Tama ang Pagbuo ng mga nakapagbigay ng impormasyon impormasyon. impormasyong paliwanag o sapat na ay mali kaya Hindi gaanong natala. Sinikap pangangatuwiran impormasyon o hindi naging pinagsikapan na na maging gamit ang pawang maayos at maging malinaw malinaw ang natutuhang palagay/walang katanggap- ang paliwanag paliwanag ng kaalaman batayang tanggap ang ng sagot. sagot. paktuwal ang sagot. paliwanag kaya mahina ang mga inihaing punto Pagkakaisa ng Tila hindi gumamit Maaari pang May ilang May Kaisipan (15%) ng balangkas sa pagbutihin ang pahayag na sinusundang Nagtataglay ng pagpaplano ng pagkakaayos o maaaring lohika ang kaisahan at sulatin. Hindi pagkakasunod- idagdag pagkakasunod- pagkakaugnay-ugnay madaling makita sunod ng mga o tanggalin sunod ng mga ang mga ideya ang ugnayan ng pangungusap upang ideya. Walang mga ideya sa isa't upang maging mas maging nalilihis na isa. Maraming mas mabisa madulas ang pahayag. pagkakamali sa ang mga punto. daloy ng mga Gumamit ng paggamit ng mga May ilang ideya. wastong bantas, bantas, baybay, at pagkakamali sa baybay, at balarila. paggamit ng balarila sa mga bantas, pagbuo ng mga baybay, at pangungusap. balarila. 9 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Tatas sa Di-gaanong Hindi Espesipikong Mahusay ang Paghahayag ng pinag-isipan kung espesipiko ang naisalaysay ang pagkakasalaysa paano mabisang pagsasalaysay mga idea. y at paglalahad mga Ideya (40 %) makapaghahayag at paglalahad Maaari pang ng mga idea. Malinaw na ng kaisipan at ng mga idea. palawakin ang Gumamit ng paglalahad ng mga damdamin. bokabularyo mga salitang punto para maging mabisang mas mabisa at nakapaghayag mas malinaw sa ng kaisipan at paghahayag ng damdamin. mga kaisipan at damdamin. Pagsulat (15 %). Higit sa lima ang Hindi hihigit sa May ilang Walang maling Wastong balarila, pagkakamali sa lima ang mali pagkakamali sa paggamit ng pagbabaybay, at gamit ng wastong sa paggamit ng pagbaybay o bantas at wasto paggamit ng mga bantas, wastong bantas paggamit ng ang lahat ng bantas pagbaybay, at at pagbaybay, bantas na hindi pagbaybay. balarila. Halatang at pagsunod sa nakaapekto sa Sumunod sa hindi sumailalim balarila. nilalaman, wastong balarila sa rebisyon. ngunit wasto ang mga ang balarila. parirala o pangungusap. Dapat Tandaan Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon at ang wikang Ingles para higit na maimpluwensiyahan at masakop ang mga Pilipino. Taong 1936 nang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa na susuri at mag-aaral ng mga katutubong wika upang itakda ang wikang magiging batayan ng wikang pambansa. Taong 1937 nang itakda ang wikang Tagalog bilang batayan ng bubuuing wikang pambansa. 10 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Pinagkunan ng mga Larawan Lar. 1. Likod ng limang pisong papel na pera na mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas ay may pahintulot batay sa Public Domain sa pamamagitan ng Wikipedia. Lar. 2. The Balangiga bells on display during a repatriation ceremony at Villamor Air Base na mula sa US Embassy ay may pahintulot na public domain batay sa US Department of State Copyright Information sa pamamagitan ng Wikipedia. Lar. 3. U. S. A. T. Thomas sa pantalan ng Fort Mason, California mula sa U.S. National Archives at College Park ay may pahintulot na public domain batay sa US Department of State Copyright Information sa pamamagitan ng Wikipedia. Lar. 4. Cover of "Jazzy Jazzy Sound in All Chinatown," by Louis Borromeo mula sa Fred Fischer Inc. New York ay may pahintulot na public domain sa pamamagitan ng Wikipedia. Mga Sanggunian Añonuevo, Roberto T. “Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino.” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha mula sa http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/ Agoncillo, Teodoro A. 2003. History and Culture, Language and Literature: Selected essays of Teodoro A. Agoncillo. Inedit ni Bernardita Reyes Churchill. Maynila: University of Santo Tomas Publishing. Commonwealth Act No. 184. “An Act to Establish a National Language Institute and Define its Powers and Duties.” Nakuha mula sa http://www.gov.ph/1936/11/13/commonwealth-act-no-184/ 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Yunit 7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Panahon ng Pananakop Tomas de Comyn, et al. The Former Philippines thru Foreign Eyes, Inter-Institutional Consortium Rare Book Collection, Volume 6 ,1780. Executive Order No. 134, s. 1937. “Proclaming the National Language of the Philippines based on the “Tagalog” Language.” Nakuha mula sa http://www.gov.ph/1937/12/30/executive-order-no-134-s-1937/ Frei, Ernest J. 1959. The Historical Development of the Philippine National Language. Manila: Bureau of Printing. Ligaya Rubin, et al.2002. Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Manila: Rex Bookstore. 12