Mga Lapit at Pagdulog TUGON sa mga Teorya at Simulain PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Wendy Grejalvo
Tags
Summary
Ang papel ay tumatalakay sa iba't ibang teorya at simulain sa pagkatuto ng wika, kabilang ang behaviorism, innateness, kognitivism, at humanism. Nagbibigay ito ng pagsusuri sa mga pangunahing konsepto at prinsipyo ng bawat teorya at kanilang implikasyon sa mga paraan ng pagtuturo. Ang mga pamamaraan gaya ng Audio-lingual Method (ALM) ay tinalakay din sa kontekstong ito.
Full Transcript
MGA LAPIT AT PAGDULOG: TUGON SA MGA TEORYA AT SIMULAIN WENDY GREJALVO Mga Teorya Teoryang Behaviorist at Simulain Teoryang Batay sa Kalikasan ng Mag aaral ( innative ) sa Pag- Teoryang Kognitib ( cognitive ) aaral T...
MGA LAPIT AT PAGDULOG: TUGON SA MGA TEORYA AT SIMULAIN WENDY GREJALVO Mga Teorya Teoryang Behaviorist at Simulain Teoryang Batay sa Kalikasan ng Mag aaral ( innative ) sa Pag- Teoryang Kognitib ( cognitive ) aaral Teoryang Makatao TEORYANG BATAY SA GAWI (BEHAVIORIST ) Ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawa ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ang teoryang ito ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ibinatay ang audio-lingual method (ALM) na naging popular noong mga taong 1950 at 1960.. Sa pamamagitan ng audio-lingual method masasanay at mahahasa ang mga estudyante sa paggamit ng target na wika Pangunahing Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita; Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga katangian ng dril; Paggamit lamang ng mga target ng Audio-ligual wika; Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa method (ALM) bawat tamang sagot; Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro TEORYANG BATAY SA KALIKASAN NG MAG-AARAL (INITIATIVE) Ayon sa kanila ang mga bata ay ipinanganak na may “likas na salik” sa pagtamo ng pagkatuto ng wika Ipinaliwanag ni Chomsky (1965,1975 ) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang angmga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyarig-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito nabubuo Ito'y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran. Ang LAD ang tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ang mga tuntunin. Ang mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. TEORYANG KOGNITIB ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod Dulog na Pagbuod Dulog na Pasaklaw kabaligtaran ng dulog na ginagabayan ng guro pabuod. Kung ang dulog ang pagkatuto sa na pabuod ay nagsisimula pamamagitan ng ilang sa mga halimbawa tiyak na halimbawa at patungo sa paglalahat o ipasusuri niya ang mga pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw ito upang makatukalas naman ay nagsisismula sa sila ng isang paglalahad ng tuntunin paglalahat. patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto. Ang teoryang kognitibist at teoryang innative ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (Page at Pinnel, 1979). TEORYANG MAKATAO Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay diin sakahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Dito'y isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mag- aaral sa klasrum upang maging lubos ang pagkatuto niya ng wika. Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan samakataong tradisyon ay ang sumusunod: 1. Community Language Learning ni Curran; 2. Silent Way ni Gattegno 3. Suggestopedia ni Lazonov