KOMPAN 1ST QUARTER PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document details the history and features of the Filipino language, discussing its importance in communication. It examines its structure, diverse aspects, and development.
Full Transcript
KOMPAN 1ST QUARTER WIKA ⮚ mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag unawaan sa kanyang kapwa ⮚ Bibiyang galing sa diyos upang ipaabot ng taoang kaniyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kaniyang kaaligirang ginagalawan ⮚ Isa sa mga natatanging bunga ng katalinuhan ng t...
KOMPAN 1ST QUARTER WIKA ⮚ mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag unawaan sa kanyang kapwa ⮚ Bibiyang galing sa diyos upang ipaabot ng taoang kaniyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kaniyang kaaligirang ginagalawan ⮚ Isa sa mga natatanging bunga ng katalinuhan ng tao ⮚ Nararapat na gamitin sa matalino at masining na paraan upang maunawaaan ng iba ⮚ Makakatulong ito sa pakikipagkapwa at sa lahat ng gawain, makapagadaragdag ng kaligayahan sa buhay Henry Gleason (1961)- isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura Pas, Hernandez at Peneyra (2003:1) - tulayna ginagamit upang ipahayag at mangyari ang anumang minimithi Diksyunaryong Cambridge- isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri Charles Darwin- isang sining. Hindi ito likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pagaralan bago matutuhan Finnocchiano (1964)- isang sistemang arbitraryon ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura upang makipagtalastasan o di kayay makipag ugnayan Sturtevant (1968)- isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyon pantao Hill (1976)- ito ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolong pantao. Ang mga simbolo ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura Thomas Carlyle- itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan Vilma Resuma at Teresita Semorlan-nakaugnay ng buhay at instrumento ng tao upang matalino at efisyenteng makilahok sa lipunang kinabibilangan Brown (1980)- wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao Bouman (1990)- wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na lugar na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag Webster (1990)- wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad (2014) - isang pagpapahyag, paglalahad o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan ang komunikasyon. Isa rin itong pakikipagugnayan, pakikibagay sa kaniyang kapuwa Hutch (1991)- isang sistema ng tunog o sagisag ng ginagamit ng tao sa komunikasyon Barnhart (2014)- ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsusulat o pagsenyas Salazar (1996)- “Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman na nagtatakda ng maangking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay di lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at umpukan-imbakan ng alinmang kultura” Otones (1990)- ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan Sapiro- ang wika ay iisang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog Hemphill- wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao, at sa pamamagitan nitoy nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao Lingua- salitang latin na ibigsabihin ay dila at wika o lenguwahe Langue- salitang pranses na ibigsabihin ay dila at wika Artikulo XIV ng saligang batas ng 1987, Sek 6- ang wikang pambansa ay Filipino Iba’t ibang Katangian ng Wika ❖ Sistemang Balangkas Ang Balangkas ng Wika ❖ Pinipili at isinasaayos Nakabatay sa kultura ❖ Arbitraryo Buhay o dinamiko/nagbabago ❖ Ginagamit Kahalagahan ng wika ❖ Ginagamit upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kasisipan ng tao ❖ Sumasalamin sa kultura at panahong kinabibilangan ❖ Mabuting kasangkapan sa paglalaganap ng kaalaman ❖ May kayarian at nakabubuo ng maraming salitang may mga kahulugan ng isang wika Wikang Pambansa- wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa pamamahla at pakikipag-ugnayan sa mmayang kaniyang sakop Mga Taon sa Pagpapatupad ng Wikang Pambansa ⮚ (1934)- Iminungkahi ng grupo ni lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat na ibatay sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ito ay sinusugan ng noo’y pangulo ng pamahlaang komonwelt na si Manuel l. Quezon ⮚ (1935)- ito ay nabigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa artikulo XIV, sek. 3 ng saligang batas ng 1935 na nagsasabing: “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika” -Isinulat ni Norberto Romualdez ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng surian ng wikang pambansa. Base sa pag-aaral ng surian, napili nila ang tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ⮚ (1937)- Dis. 30, 1937 ng iprklama ni Manuel L. Quezon ang wikang tagalog upang maging batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng surian sa bisa ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng 2 taon ⮚ (1940)- Pagkatapos magpatibay ang Kautusang Tagapag paganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado ⮚ (1946)- Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 ipinahayag din ang wikang opisyal sa bansa ay tagalog at ingles noong Hulyo 4, 1946 sa araw ng pagsasarili ng Pilipinas ⮚ (1959)- Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero kalihim ng edukasyon noon. Ito ang wikang ginagamit sa mga tanggapan at mass media. Sa kabila nito maraming sumasalungat ⮚ (1972)- Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa kumbensyong noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Sek 3, Blg. 2 ⮚ (1987)- Sa saligang Batas ng 1987 pinagtibay ng komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pang. Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa artikulo XIV, sek. 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika” Wikang panturo- opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pagaaral sa eskuwelahan at ang wika sa pagsusulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan Sa pangkalahatan Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa paaralan Kindergarden- Grade 3- unang wika (Mother tongue- based Multi-Lingual Education MTB-MLE) Wikang opisyal- prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya Ayon sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, seksyon 7: “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay Filipino, at hanggat walang itinadhana ang batas Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal na mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic” Bahagi o organisasyon ng isang sanaysay ⮚ Panimula- kailangan may magandang panimula na makakatawag pansin sa mambabasa ⮚ Gitna- tinatawag ding katawan. Sa bahaging ito inilalahad ang mga kuro-kuro o opinyon sa isang mahalagang isyu o paksa sa lipunan ⮚ Wakas- matatagpuan ang pangungusap o mga pangungusap na magtatapos sa paliwanag tungkol sa paksa o kaisipan Gamit ng Wika ayon sa antas ◆ Balbal- pinakamababang antas ng wika. Karaniwang likha lamang ang mga ito Hal.- Dyowa, erpats mudra ◆ Kolokyal- karaniwang pakikipagusap sa isang indibidwal. Impormal na pakikipagusap gayon din ang gamit ng salita Hal- titse, miting, kaklase ◆ Lalawiganin- mga salitang ginagamit mula sa lalawigan Hal- Vakul(Batanes), malong (maranao) ◆ Teknikal- gamit sa iba’t ibang disiplina o sitwasyon akademiko Hal- accountancy, internet, computer ◆ Masining o pampanitikan- pinakamataas na antas ng wika Hal- salamisim, kadaupang-palad Unang wika- tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika o ng simbolong L1. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kaniyang ideya at damdamin Ikalawang Wika- wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang wika. Ang wikang ito ay hindi taao o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita - Aguilar, Jennifor L. et al. 2016 mula sa katha ni Krashen (1982)- “ang pangalawang wika ay naiiba sa unang wika, sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutunan ng isang indibiduwal sa kaniyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad. Ito ay wikang natutunan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao na may kakayahang gamitin ito.”; “Kung mayroon mang pangunahing distinksiyon o kakanyahan ang pangalawang wika ito ay walang iba kundi ang pagtataglay ng katangiang maaaring matutunan (learnability) o natutunan (learned) sa mulat o malay na paraan ng pagsasalin ng prosesong komunikatibo” Lingguwistikong Komunidad- termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipiko o tukoy na patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. -Nagkakasundo ang mga bahagi ng komunidad na ito sa kahulugan ng wika at sa interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito. -ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng wikang ginagamit dahil sa mass media, paaralan, at ang makabagong teknolohiya. Hal- Tagalog ng mga taga-Batangas. Monolingguwalismo- tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa bansa tulad ng England, Pransya, South Korea, Hapin at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura Bilingguwalismo- Bloomfield(1935)- ito ay paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kaniyang katutubong wika Macnamara(1967)- tumutukoy sa isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa mapat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa iba pang wika maliban sa kaniyang unang wika Multilingguwalismo- tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapgsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika MTB-MLE Mother tongue Based- Multilingual Education ✧ DO No. 16, series 2012 na kilala rin bilang Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based- Multilingual Education ✧ Nagsimula noong 2012-2013 ✧ Masepektibo ang pagkatuto ng bata kung unang wika ang gagamitin sa pagaaral nila ✧ Mahalaga ang unang wika sa pagtuturo ng pagbasa, sa pagunawa ng paksang aralin at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika 8 pangunahing wika Nagtalaga ang DEPED ng 8 pangunahing wika o Lingua Franca at 4 na iba pang wikain bilang wikang panturo 1. Tagalog Pangasinense 2. Kampampangan Ilokano 5. Bikol Hiligaynon 6. Cebuano Waray 4 na iba pang wikain 1. Tausug Maranao 2. Maguindanaoan Chavacano 7 idinagdag na wikain noong 2013 1. Ybanag- Tuguegarao city, Kinaray-a- Capiz, aklan cagayan isabela Yakan- autonomous region of 2. Ivatan- Batnes muslin mindanao 3. Sambal- Zambales Surigaonon- Surigao City 4. Aklanon- Aklan Capiz Maliban sa unang wika ang Ingles at Filipino ay itinuturo bilang: una, hiwalay na asignatura, ikalawa bilang wikang panturo Talumpati- isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao - sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig - maaring mghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang akit o manghikayat sa isang kilusan o paniniwala Paghahanda sa Talumpati 1. Sa pagpili ng paksa, maaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati 2. Kapag nakapili na ng paksa, maaring matitipon ng mga materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang gagamitin sa isusulat na talumpati 3. Maaring pagkunan ng mga impormasyon ang dating kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili 4. Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay may mahusay na paggamit ng kumpas at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay diin sa madla Bahagi ng Talumpati Pambungad- inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla Katawan- nakasaad dito ang pagksang tatalakayin Katapusan- ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang mahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati Konsepto- ideya, kaalaman pananaw Register- estilo sa pananalita, salita o termino na may iba’t ibang kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan nito. -baryasyon batay sa gamit Hal- iba ang register ng guro pag kausap ang punong guro, sa kasamahang guro at sa harap ng estudyante - text sa cellphone- mensaheng ipinapadala; text sa literatura- anumang nakasulat na akda gaya ng tula, kuwento Barayti- tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika batay sa estilo, punto at iba pang salik pangwika na ginagamit ng lipunan Uri ng Barayti Dayalek- barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook Hal- Naga- Mahigoson ka talaga, Andres! - Sorsogon- maparangahon ka nagad, andres! - Legazpi- iyo(oo); Guinubatan- amo; Naga- sogok (itlog) Sosyolek- Barayiti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. Hal- wika ng estudyante, matatanda, kababaihan, bakla Mga Uri ng Soslyolek ◆ Gay lingo o Wika ng Beki- grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakalinlan kaya naman binabago nila ang tunog o kahulugan ng saita - unang intensyon nito ay para magkaroon ng sikretong lenguwahe ngunit marami na ang gumagamit nito sa kasalukuyan ◆ Coñotic o Conyospeak- isang baryant ng Taglish kayat masasabing may code switching. Karaniwang naririnig sa mga kabtaang nag aaral sa ekslusibong paaralan Hal - “Bilisan mo at late na tayo” - make basa ◆ Jejemon o Jejespeak- Nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbabaybay ng hehehe at ng salitang mula sa hapon na pokemon - nakabatay rin sa wikang Ingles at filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero o mga simbolo at may magkakasamang malalaki at maliliit na titik -mahirap basahin o intindihin lalo na kung hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping - nagsimula lang ito sa kagustuhang mapaikli ang salitang itinatype sa selpon upang mapagkasya ang ipapadalang SMS o text message na limitado sa 160 titik, numero at simbolo -kalaunan sa halip na mapaikli ay napapahaba ang salita o mensahe na ginagamitan ng simbolo numero at titik. Madalas nagagamit ang titik H at Z sa mga salita Homogenous- isa lang ang gamit ng wika Heterogenous- iba-iba ang gamit ng wika Mga Simulain ng Komunikasyon ⮚ Nagsisimula sa sarili Binubuo ng dimensyong ⮚ Nangangailangan ng ibang tao angnilalaman at relasyonal Komplikado ⮚ Gumagamit ng simbolo Isang proseso ⮚ Nangangailangan ng kahulugan Mga Modelo ng Komunikasyon 1. Komunikasyon bilang Aksyon- ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay naghahatid ng mensahe tungo sa tagatanggap (receiver) 2. Komunikasyon bilang Interaksyon- nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang tao 3. Komunikasyon bilang Transaksyon- pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o higit pang tao Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon ✧ Oratorikal o Frozen style- ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng manonood ✧ Deliberative style- ang estilong ginagamit sa tiyak na bilang ng manonood nakadalasang ginagawa sa loob ng klasrum o mga forum ✧ Consultative Style- tipikal na pakikipagtalastasan na nangangailabgan ng prmal na pananalita sa pamamagitan ng pagpili ng mga salitang gagamitin. Kadalasang makikita sa opisina at mga pulong ✧ Casual Style- karaniwang makikita sa usapan ng makakapamilya ✧ Intimate style- nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan, pamilya o karelasyon Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto Komunikasyong Intrapersonal- mensahe at kahulugan ay nabubuo o nagaganap sa sairling isip o ideya lamang na makikita sa ekspresyon na nagsasalita Komunikasyong Interpersonal- ginagamit ang mensahe upang maabuo ng kahulugan sa pagitan ng dalawang tao sa isang sitwasyon Hal- paguusap ng magkakaibigan Komunikasyong Pampubliko- ang simpleng pinagmulan ng mensahe ay nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap na maaring sagot-tanong na pidbak Hal- speech Komunikasyong Pangmasa- paggamit ng mensahe sa pagbuo ng kahulugan sa isang namamagitan na sistema sa pagitan ng tagapagpa-dala patungo sa malaking bilang ng mga di nakikitang tagatanggap. Hal- telebisyon