KOM_MODULE-6 KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO 2024 PDF

Summary

This document details learning materials in Filipino Language and Culture for students, containing lessons on communication and examples of Filipino words and phrases. The document also has exercises for the learning modules.

Full Transcript

MODULE 8 Page 1 Sa mga Mag-aaral, Isang malugod na pagtanggap sa kursong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ang kursong ito ay napapatungkol sa pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gam...

MODULE 8 Page 1 Sa mga Mag-aaral, Isang malugod na pagtanggap sa kursong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ang kursong ito ay napapatungkol sa pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Ang paggawa at pagpasa sa mga pangangailangan ng kurso ay siyang pangunahing susi sa pagpasa ng naturang asignatura. Isa sa tunguhin ng kurso ang mapalawak ang kaalaman at magkaroon ng sapat na kakayahan ang bawat mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino upang makipagsabayan sa globalisasyon. MGA GURO SA KAGAWARAN NG FILIPINO Sa modyul na ito, makikita ang mga sumusunod na bahagi: LAYUNIN Sa bahaging ito makikita ang tunguhin ng bawat paksa at gawain na inaasahang matamo ng bawat mag-aaral. Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga paksa ng bawat aralin na NILALAMAN makatutulong upang maunawaan ang ang mga konsepto at kasanayan na dapat matamo ng maga-aaral. Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga paunang gawain na tatasa PAGTATASA sa kaalamang natamo ng mga mag-aaral. KARAGDAGANG Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga karagdagang babasahin, BABASAHIN/ videos at iba pa na makatutulong sa pag-unawa ng aralin. PANOORIN Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga ginamit na babasahin sa SANGGUNIAN pagggawa ng aralin at gawain. Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga gawaing hahasa at PAGTATAYA magtataya sa mga natutuhang konsepto at kasanayan ng mag-aaral. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 2 MODULE 6 LAYUNIN A. Natutukoy ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito batay sa kausap, pinag- uusapan, at layunin ng pag-uusap; B. Natutukoy ang pagkakakilanlan ng iba’t ibang anyo ng di-verbal na anyo ng komunikasyon; C. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan; D. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga verbal at di verbal na paraan ng pagpapahayag; at E. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin hinggil sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO Panimula Ang kalikasan ng komunikasyon ay sadyang masalimuot kaya gumamit ng mga modelo ang dalubwika upang lalo itong maipaliwanag. Isa sa pinakaunang modelo ay ang modelo ni Aristotle na matatagpuan sa kanyang aklat na Rhetoric. Si Wilbur Schramm, isang Amerikanong iskolar, ay mayroon ding ginawang modelo ng komunikasyon na nagpapakita rito bilang dalawang patutunguhan o bi directional. Ipinababatid ng modelona ang mga kalahok sa komunikasyon ay tumatanggap din ng mensahe. Pinahahalagahan ng modelo ni Schramm ang feedback o reaksiyon. Sapagkat sa pamamagitan nito, nalalaman ang interpretasyon ng tumatanggap sa mensahe. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 3 Ang mga modelong naipakita ay dalawa lamang sa mga modelong may layuning maunawaan ang masalimuot na proseso ng komunikasyon. Ang Komunikasyon Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring verbal o di verbal. Maliwanag na sa isang sitwasyon ng pakikipagtalastasan ay may tagapaghatid ng mensahe at may tagatanggap. VERBAL DI VERBAL Uri ng Komunikasyon 1. Verbal ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe. Sa unang larawan ay verbal na komunikasyon ang ginamit ng traffic enforcer sa motorista. 2. Di verbal kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 4 Mga Kakayahang Komunikatibo: 1. Kakayahang Lingguwistiko 2. Kakayahang Sosyolingguwistiko 3. Kakayahang Pragmatik 4. Kakayahang Diskorsal KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO Tumutukoy sa kakayahang makabuo at makaunawa ng mga istruktura sa wika ayon sa mga panuntunang gramatika. Ang taong may kahusayan sa kakayahang ito ay may malawak na kaalaman sa istruktura ng isang wika at nagagamit ito nang mahusay sa anumang uri ng pagpapahayag. 1. WASTONG GAMIT NG GITLING a. Sa inuulit na salita Halimbawa: Ano-ano Sino-sino Iba-iba Bali-baligtad Pabalik-balik Nagkawasak-wasak b. Sa isang pantig na tunog. Ginagamit ang gitling sa onomatopeikong pagsulat sa mga iisahing pantig na tunog Halimbawa: tik-tak ding-dong tsk-tsk c. Sa paghihiwalay ng patinig at katinig. Ginagamit ang gitling upang paghiwalayin ang pantig na nagtatapos sa katinig at ang sumusunod na pantig na nagsisimula sa patinig Halimbawa: pag-asa agam-agam mag-isa ngunit ginagamitan ng gitling ang salita kahit nagtatapos sa patinig ang unang pantig kapag pangngalang pantangi ang kasunod Halimbawa: Pa-Baguio Taga-Itogon At kapag ang kasunod ay salitang banyaga na hiniram sa orihinal nitong baybay. Halimbawa: Pa-cute Ipa-cremate Maki-computer d. Bagong Tambalan Halimbawa: lipat-bahay bigyang-buhay bagong-salta anak-pawis e. Sa panlaping ika na sinusundan ng numero o tambilang. Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang may ika- gayundin sa pagbilang ng oras, numero man o binabaybay na ikinakabit sa alas- Halimbawa: Ika-8 ng umaga, ngunit ikawalo ng umaga Ika-100 anibersaryo, ngunit ikasandaang anibersaryo Alas-12 ng taghali, alas-dose ng tanghali f. Sa Apelyido. Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido ng babaeng nag-asawa upang ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa Halimbawa: Carmen Guerrero-Nakpil Gilda Cordero-Fernando 2. WASTONG GAMIT NG SALITA a. PINTO/PINTUAN Pinto (door) – bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 5 Pintuan (doorway) – kinalalagyan ng pinto. Bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto. HALIMBAWA: 1. Binuksan niya ang pinto upang makapasok ang mga bagong dating. 2. Hindi pa naikakabit ang pinto sa pintuan. b. HAGDAN/HAGDANAN Hagdan (stairs) – mga baitang na inaakyatat binababaan sa bahay. Hagdanan (stairways) – bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan. HALIMBAWA: 1. Ilagay mo ang mga halaman sa may hagdanan. 2. Mabilis niyang inakyat ang hagdan. c. PAHIRIN/PAHIRAN Pahirin (to wipe) – alisin sa pamamagitan ng pamunas Pahiran (to apply) – lagyan HALIMBAWA: 1. Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha. 2. Pahiran mo ng floor wax ang sahig. d. SUBUKIN/SUBUKAN Subukin (to test) – tingnan ang bisa o husay Subukan (to spy on) – espiyahan ang tao o ginagawa ng tao HALIMBAWA: 1. Subukin mo ang galing niya sa matematika. 2. Inutusan nila ang bata na subukan ang ginagawa ng kanyang kuya. e. IWAN/IWANAN Iwan (to leave something) – nangangahulugang huwag isama Iwanan (to leave something to somebody) – bibigyan HALIMBAWA: 1. Iwan na natin siya sa bukid. 2. Iiwanan ko siya ng perang magagamit niya sa pagbili ng aklat. f. SUNDIN/SUNDAN Sundin (to follow an advice) – sumunod sa payo o pangaral Sundan (follow where one is going; follow what one does) – gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pupuntahan ng iba. HALIMBAWA: 1. Sundin mo kung ano ang sinabi ng iyong ina. 2. Sundan mo ang iyong kapatid sa plaza. g. HATIIN/HATIAN Hatiin (to divide) – partihin o bahagihin Hatian (to share) – bigyan ng kaparte HALIMBAWA: 1. Pagkatapos niyang hatiin ang tinapay, ibinahagi niya ito sa mga naroroon. 2. Hatian mo ng biyaya ang mga nangangailangan. h. WALISIN/WALISAN Walisin (to sweep the dirt) – tumutukoy sa bagay Walisan (to sweep the place) – tumutukoy sa lugar. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 6 HALIMBAWA: 1. Walisin mo ang kalat sa bakuran. 2. Nakalimutan niyang walisan ang kanyang kuwarto. i. OPERAHIN/OPERAHAN Operahin – pagtistis sa organo ng katawan Operahan – pagtistis sa tao HALIMBAWA: 1. Ooperahin ang puso ng ina sa BGH. 2. Inoperahan ang ina kahapon. j. NANG/NG NANG 1. katapat ng noon 2. katumbas ng upang 3. pagsasama ng pang-abay na “na” at ang pang-angkop na “ng” 4. tagapag-ugnay ng inuulit na pandiwa HALIMBAWA: 1. Minahal kita nang tayo’y bata pa. 2. Magbasa kayo ng balita nang kayo’y hindi mapag-iwanan ng panahon. 3. Marami nang nanliligaw sa kanya ngunit walang nakapasa. 4. Nag-aral siya nang nag-aral hanggang sa nakalimutan na niyang kumain. NG 1. Katumbas ng of 2. Pananda ng layon ng pandiwa ng pangungusap 3. Pananda ng tagaganap ng kilos ng pangungusap na hindi naman paksa ng pangungusap HALIMBAWA: 1. Ang pakikipagkaibigan ay parang pag-aalaga ng halaman. 2. Nagbabasa ng aklat ang bata. 3. Madumi ang damit ng bata. k. MAY/MAYROON May - ginagamit kapag sinusundan ng: 1. Pangngalan 2. Pandiwa 3. Pang-uri 4. Panghalip na panao sa kaukulang paari HALIMBAWA: 1. May kasama siyang kaibigan 2. May gagawin ka ba mamaya 3. May bago ka pa lang kaibigan 4. Bawat tao ay may kanya-kanyang problema Mayroon 1. Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nila. 2. Panagot sa tanong 3. Kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay HALIMBAWA: 1. Mayroon bang nagkaksala na hindi pinarurusahan? 2. May hinihintay ka ba? Mayroon Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 7 3. Sila ay mayroon sa kanilang bayan. l. RIN/RAW – DIN/DAW Nagiging rin ang din at raw ang daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y) Halimbawa: Masaya rin - Malungkot din Okey raw – Bawal daw Sinasabi rin ng tuntunin na kapag nagtatapos sa –ri, -ra, -raw, o –ray ang din at daw ay hindi nagiging rin at raw Halimbawa: Maaari din – hindi Maaari raw Araw daw – hindi Araw raw KAKAYAHANG SOSYOLINGWISTIK Nagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence and isang indibidwal kapag nagagamit niya nang wasto ang isang wika sa iba’t ibang sitwasyong pangwika. Naiaangkop niya sa iba’t ibang kalagayan ang wikag ito kaya’t naipararating niya nang mabuti ang mensahe sa kapwa. MODELO NI DELL HATHAWAY HYMES Ang kakayahang pangkomunikatibo ayon kay Hymes ay nagtataglay ng kaalaman sa gramatika at kaalaman sa paggamit ng wika sa iba’t ibang kontekstong kultural. Naniniwala siya na bawat kultura ay may sinusunod na panuntunan sa pakikipagkomunikasyon. Naniniwala rin siyang may kakayahang pangkomunikatibo ang isang tao kung kaya niyang gamitin ang wikang ito sa iba’t ibang pagkakataon. Batayan ng kinikilalang pakikipagtalakayan ang akronim na SPEAKING: S- Setting at Scene Ang setting at scene ay tumutukoy sa lugar at panahon kung kailan nagaganap ang komunikasyon. P- Participants Tumutukoy sa sender at receiver o sa nagsasalita at nakiking. E- Ends Tumutukoy naman ito sa layunin, pakay, hangarin, at kalalabasan ng pag-uusap. Halimbawa nito ay upang makapagpasalamat, gumabay, magturo, o humingi ng paumanhin. A- Act Sequence Ito ay tumutukoy sa daloy ng usapan. Nilalaman nito ang simula at pagtatapos ng usapan. Halimbawa, maaaring nagsimula ang usapan sa kamustahan at nagwakas naman sa paalamanan. K- Keys Tumutukoy sa tono o gawi ng pag-uusap. Maaaring pormal o di-pormal, patula o tuluyan, literal o patalinghaga, at iba pa. nalalaman ang tunay na mensahe sa paraan ng pagbitiw ng pahayag. I- Instrumentalities Tumutukoy sa paraang ginamit sa komunikasyon gaya ng pasalita o pasulat, berbal o di-berbal, o harapan o magkalayo. Kasama rin dito ang iba’t ibang barayti at register ng wika. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 8 N- Norms Tumutukoy sa kumbensiyon at paksa ng talakayan. Tumutukoy rin ito sa mga katanggap-tanggap na alituntunin sa isang lipunan o kultura. Sa lipunang Pilipino, hindi nararapat sumingit ang mga bata sa usapan ng mga matatanda. G- Genre Tumutukoy sa uri ng pakikipagkomunikasyon. Paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan, at pangangatwiran. Kasama rin dito ang iba pang kategorya tulad ng komersyal, tula, sawikain, mito, at iba pang uri ng literature. KAKAYAHANG PRAGMATIK Ang pragmatik ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito. Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatic natutukoy nito ang kahulugan ng mensahe na sinasabi at di-sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto. Halimbawa: Mabigat ang bag ko. Kahulugan: Mabigat ang laman ng bag niya at nahihirapan marahil bitbitin ito. Posibleng kahulugan ng pahayag: 1. Tuwirang pahayag: Sinasabi sa tagapakinig na mabigat ang bag niya. 2. Di-tuwiran: Pakiusap sa tagapakinig na tulungan siyang bitbitin ang bag niya. Ayon sa pag-aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa Clark University, na lumabas sa kanyang aklat na Silent Messages: Implicit Communication of Emotions and Attitudes, isang aklat hinggil sa komunikasyong di verbal, 7% raw ng komunikasyon ay nanggaling sa mga salitang ating binibigkas, 38% ay nanggagaling sat ono ng ating pagsasalita, at 55% ay nanggaling sa galaw ng ating katawan. Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di-Verbal na Komunikasyon 1. Kinesika (Kinesics) - Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo bumigkas ng salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng nais nating ipahatid. Kapag ang isang tao ay inilagay nang patayo ang kanyang hintuturong daliri sa kanyang labi, alam nating ang ibig sabihin nito ay tumahimik. Kadalasan din nating ginagamit ang mga kumpas. 2. Ekspresyon ng mukha (Pictics) - Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Sa paghahatid ng mensaheng di-verbal, hindi maipagwawalang- bahala ang ekspresyon ng mukha. Ang ekspresyon ng mukha, kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man ito sinasabi. Sa ekpresyon ng mukha ay mahihinuha natin ang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya, malungkot, galit, o natatakot. 3. Galaw ng mata (Oculesics) - Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman natin. Sinasabing ang mata ang durungawan ng ating kaluluwa; nangungusap ito. Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming nararamdaman natin kahit hindi natin ito sinasalita. Ang panlilisik ng ating mata ay nangangahulugang galit tayo, ang panlalaki ng ating mga mata kung minsan ay nagpapahayag ng pagkagulat, ang pamumungay naman kung minsan ay nagpapahiwatig ng pang-aakit. Maipakikita rin ng galaw ng ating mga mata ang pagnanais upang makipag-usap. 4. Vocalics - Ito ay ang pag-aaral ng di-lingwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Kasama rito ang pagsutsot, buntong-hininga, at iba pang di-lingwistikong paraan upang maipahatid ang mensahe. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 9 Tinutukoy din nito ang tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalita na nagbibigay linaw sa verbal na komunikasyon. 5. Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng di-verbal na komunikasyon. Ang pagtapik sa balikat, ang paghablot, pagkamay, o pagpisil, ito ay mga paraan upang mapabatid ang isang mensahe. 6. Proksemika (Proxemics) - Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. Sinasabing may kahulugan ang espasyong namamagitan sa magkausap. Ang magkausap ay may iba’t ibang uri ng proxemics distance na ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon. Ang distansyang ito ay maaaring magpahiwatig kung anong uri ng komunikasyon ang namamamagitan sa magkausap. Intimate - makikita na ang magkausap ay may distansyang 0 hanggang 1.5 feet sa kanilang pagitan Personal – makikita na ang mag-kausap ay may distansyang 1.5 hanggang 4 feet sa pagitan nila Social Distance - kapag ang magkausap ay may distansya na 4 hanggang 12 feet ang pagitan Public - kapag ang magkausap ay may distansya na 12 feet, karaniwang makikita ito sa mga nagtatalumpati. 7. Chronemics - Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating. Ang pagdating ng maaga sa isang job interview ay nangangahulugang may disiplina ang aplikante at interesado siya sa ina-aplayan. Ang pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi ay maaring mangahulugan ng pang-iistorbo o maaaring emergency ito. Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, pagkat, nalilinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito. Kakayahang Diskorsal Ang etimolohiya ng salitang diskurso ay nagmula ito sa Middle English na “discours,” na mula sa Medieval at Late Latin na “discursus.” Ito ay nangangahulugang “argumento” at “kumbersasyon.” Sa makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o ang pagiging makatwiran ng isang tao. Tumutukoy rin ito sa berbal na pagpapalitan ng mga ideya (Garcia, 2011). Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang diskorsal ay nakapagbibigay ng wastong pagpapakahulugan sa napakinggan o nabasang serye ng mga pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang interpretasyon. Masasabi mo bang may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpahayag ng sumusunod? “Pumunta ako ng palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang hinahanap mo. Isasama kita. Marami-rami rin ang kanyang nakain. Napaiyak ako sa palabas sa telebisyon,” Malinaw ba ang pahayag? Ano ang dapat gawin upang maging makabuluhan ang pahayag? Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 10 Tandaan, may dalawang (2) isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal: ang cohesion o pagkakaisa; at coherence o pagkakaugnay-ugnay. Ugaliing gumamit ng mga panandang kohesyong gramatikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan. Masasabi nating may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at magkaugnay. Anim (6) na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo Kailan ba sinasabing ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo? Hindi maaaring sabihing si Pedro ay may kakayahang pragmatik ngunit walang kakayahang lingguwistiko, o kaya naman, si Maria ay may kakayahang diskorsal pero walang kakayahang lingguwistiko. Ang komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama. Sinusukat ito sa pamamagitan ng pagtukoy kung naisasakatuparan ang layunin ng pakikipagtalastasan. Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim (6) na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunitibo. 1. Pakikibagay (Adaptability) Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago ang paguugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan. Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod: a. Pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika. d. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba 2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement) May kakayahan ang isang taong gamitin ang sariling kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba. Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor ang sumusunod: a. Kakayahang tumugon b. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao c. Kakayahang makinig at mag-pokus sa kausap 3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management) Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba. 4. Pagkapukaw-damdamin (Emphaty) Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag- iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan. 5. Bisa (Effectiveness) Tumutukoy ito sa isa (1) sa dalawang (2) mahahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkomunikatibo: ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan. 6. Kaangkupan (Appropriateness) Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo, naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan ng pag- uusap, o sa taong kausap. ----- “Ang epektibong komunikasyon ay hindi lang nagmula sa salita o verbal, mahalaga rin ang mga kilos na di verbal sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita.” -Mehrabian, A. (ND) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 11 MGA SANGGUNIAN Cantillo, M., Gime, A., Gonzales, A. (2015). Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa ika-11 Baitang. ST. Bernadette Publishing House Corporation. Quezon City. Dayag, Alma M. & Del Rosario, M.G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House. Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House. Padua, Gina (atbp.).Balintataw (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at kulturang Pilipino). Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation. 2017. Ros, Winston (atbp.).Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at kulturang Filipino. Mecauayan, Bulacan: IPM Publishing. 2017. http://euclidpragmatiks.blogspot.com/2016/10/pragmatiks_18.html Lahat ng ginamit na mga larawan ay mula sa google images. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Page | 12

Use Quizgecko on...
Browser
Browser