Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides an overview on the Filipino language, communication, and Philippine culture. It details the history, characteristics, and official languages of the Philippines. It also touches on different approaches in employing Filipino in the education system.
Full Transcript
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Saklaw ng Unahang Markahang Pagsusulit WIKA Midyum ng Komunikasyon Tulay para makapag- usap at magkaunawaan Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe KAHULUGAN NG WIKA...
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Saklaw ng Unahang Markahang Pagsusulit WIKA Midyum ng Komunikasyon Tulay para makapag- usap at magkaunawaan Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe KAHULUGAN NG WIKA Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. – Henry Gleason Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. KATANGIAN NG WIKA 1. Masistemang Balangkas- binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na makalikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata. 2. Wika ay arbitraryo- pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. 3. Ang wika ay kaugnay ng kultura- Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura 4. Ang wika ay dinamiko- Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya. 5. Ang wika ay pantao- Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao na sila mismong lumikha at sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan 6. Ang wika ay natatangi- May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan,at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi. DALAWANG OPISYAL NA WIKA NG PILIPINAS Filipino at Ingles Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig. KASAYSAYAN AT PAGKABUO NG WIKANG PAMBANSA Marso 24, 1934 Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa. 2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan. Purista Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Tagalog Katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Tatlong rason kung bakit Tagalog ang Katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas Tagalog ang tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan. Sentimentalismo o paghahanap ng pambansang identidad. Instrumental o batay sa gamit ng wika sa lipunan. Pilipino Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959) Filipino Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987) Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang ito, ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Seksiyon 7 “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo noon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang kastila at arabic”. DALAWANG PARAAN SA PAGGAMIT NG 19 NA WIKA AT DIYALEKTO 1. Bilang hiwalay na asignatura 2. Bilang wikang panturo Register - ang tawag sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng ibat ibang kahulugan sa ibat ibang larangan o disiplina. - Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan o disiplina rin. - Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba't ibang disiplina o larangan. Heograpikal na Barayti ng Wika Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika. Ito ay ang pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t ibang lugar. Morpolohikal na Barayti ng Wika Ito ay ang pagkakaiba-iba sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi. Kasama sa mga barayti ng isang wika ang ispeling o baybay ng salita. Ponolohikal na Barayti ng Wika Ito ang pagkakaiba-iba sa bigkas at tunog ng mga salita. Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiwasang malikha rin ang magkakaibang tunog at bigkas sa mga salita. Nagkakaroon ng kani-kaniyang dialectal accent ang bawat lugar. MAHALAGANG TANDAAN! Sa heograpikal na barayti, nasa katawagan at kahulugan ng salita ang pagkakaiba. Sa morpolohikal na barayti, ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa taglay na kahulugan nito. Samantala, sa ponolohikal na barayti, nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba.